LISA'S POV."Wait lisa! Pwede ba tayong mag date??"
'Pwede ba tayong magdate??'
'Pwede ba tayong magdate??'
Paulit-ulit yan sa tenga ko. Parang sirang plaka na sumisiksik sa utak ko matapos sabihin ni Jennie.
Bakit ganun nalang ang dating ni jennie sa akin? Maski ako nagugulat na sa sarili ko eh. Meron naman akong nagustuhan noon pero hindi ako umabot sa punto na gaya nito.
Wala ako sa sarili kanina kaya napatay ko tuloy agad ang call pagkasabi nya nun.
Kinilig ako eh bakit ba?
Naunahan ng kilig hehe.
Di lang naman siguro ako ang nakaranas nito, aminin nyo yan! HAHAHA.Natatawa ako gosh!
Pero napalitan din agad ng panghihinayang ng narealized kong di pala ako nakasagot sa kanya.
.
.
.
"Hayys Lisa. Anong ginawa mo? Chance mo na yun eh! Si Jennie Kim ang nagyaya ng date sayo. Sayang!!" dismayado kong nasabi sa sarili habang pinupukpok ko ng kamay ko ang ulo ko.Lesson learned, sasagot muna bago kiligin. Ayan naudlot tuloy.
Nandito na ako sa kwarto ko at nagpapahinga. Bukas ay balik trabaho na ako ulit. Salamat kay Jennie dahil hinayaan nya akong magkaroon ng off. Well ganun talaga kapag malakas kapit sa boss. HAHAHA
Namiss ko din bigla si chaeng. Di kami nakapag usap buong araw dahil sa pagkabusy ko baka nagtatampo na yun.
Di bale babawi nalang ako bukas. Ililibre ko nalang. Yun lang naman makakaalis ng tampo nun eh.
Umayos na ako ng pagkakahiga at mabilis ding nakatulog sa pagod.
~~~~
-Makalipas ang isang linggo-
Isang linggo din na pilit kong iniiwasan si jennie. Hindi ko pa kasi talaga alam ang sasabihin ko sa kanya. Oo gusto ko siya pero ewan ko natatakot ako. Nag a-alangan ako. Parang hindi pa ako handa.
Naglalakad na kami ni chaeng papuntang class ngayon, buti malilate daw ang prof namin kaya di kami gahol sa oras.
"Bes, ayos ka lang? Kanina kapa balisa. Tungkol ba yan kay jennie? Hmmm." napahinto ako ng banggitin nya iyon.
"Oo bes si jennie. Ilang araw na kasi syang gumugulo sa isip ko hays. I think nahulog na talaga ako ng tuluyan sa kanya." pa buntong hininga kong tugon sa kanya.
"Ah ganun ba? Eh bakit mo siya iniiwasan kung ganun? Bakit ayaw mong kausapin?" usisa nya.
"Hindi ko alam eh. Parang gusto ko na ayaw. Natatakot kasi ako. Wala akong maipagmamalaki pa sa kanya. Hays saka na nga natin pag-usapan to. Tara na." mahina kong sagot.
Umiwas na ako na humaba pa ang usap namin dahil hindi ko din alam kung ano ba talaga ang gagawin ko.
~~~~
Kinagabihan ng ako'y nakauwi na sa bahay, nadatnan ko si mama at papa na may pinagtatalunan sa kusina.
Nag-usisa naman ako.
"Ma, Pa, ano po yang pinagtatalunan nyo? Bakit may problema ba? Ano po yun?" tanong ko sa kanila na tila nagulat sa pagsulpot ko.
"Lisa, anak wala naman ito. Huwag mong alalahanin. Sige na magpahinga kana at pagod ka maghapon." sagot ni mama.
Alam kong nagpapalusot na naman siya sakin.
"Sigurado po ba kayo? Pwede naman kayo magsabi sakin baka po makatulong ako." dugtong ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/229607753-288-k350683.jpg)
BINABASA MO ANG
A Song For You
FanficPROLOGUE: "Ace Pink" isa sa pinaka matagumpay na girlgroup hindi lang lokal kundi international. Binubuo ang grupo ng apat na kababaihan. Sila ay sila Jennie Kim 21yrs old, Lisa Manoban 20yrs old, Jisoo Kim 22yrs old and Chaeyoung Park 20yrs old. I...