18 (Fangirl)

943 48 7
                                    


LISA'S POV.

Unti-unti akong nagigising dahil sa nararamdaman kong may mga bisig na yumakap sakin mula sa likuran ko. Hinawakan ko naman ito ng mahigpit.

Alam kong si Jennie ito.

"Hon, gising na dyan mag jogging na tayo. Hihintayin tayo ni coach sa labas ng unit mamaya." mahinang bulong ni jennie sa tenga ko. Dama ko ang init ng kanyang hininga na nakapagpapakiliti sa akin.

"Aahhhh wait lang munaaa!" pag-awat ko sabay pihit ko sa katawan nya hanggang sa siya ay pumaibabaw na sakin. Niyakap ko siya ng sobrang higpit sa ganitong posisyon.

"Uhhmm bango mo hon!" sabi ko habang nakapikit pa din.

"Psh hon. Stop! Baka makita tayo ni jisoo." pagpipigil nya sakin.

"Hmm oo na!" sagot ko naman sa pagkadismaya pero nag request pa ako ng ilang minuto pa.

Nagtagal pa ng ilang minuto ang ganung posisyon namin bago ko siya pinakawalan at bumangon.

Sa banyo na ang direcho ko nito at sa kusina naman siya.
.
.
.
"Hon? Ano yang niluluto mo?" puna ko sa niluluto nya habang naka back hug sa kanya. Kakatapos ko lang maligo.

"Kimchi fried rice hon. Diba you want spicy foods?" sagot naman nya sakin habang busy sa kakahalo.

"Oo nga eh. Pero mas gusto ko itong nagluluto." mapang-akit kong tinig habang inaamoy-amoy ang kanyang leeg.

"Hon baka naman? I miss you na eh. Hmmm." dugtong ko pa habang binibigyan ng maliliit na halik ang leeg nya. Pansin ko ang reaksyon ng katawan nya sa ginagawa ko.

"Ohh shit manoban! Stop! Ano ka ba hindi pwede baka anytime magising sila saka nakikita mo yang mga cctv?" turo nya sa mga cctv sa sulok.

Napa buntong-hininga nalang ako.

"Hays. Okay hon sige. Sayang naman. Bakit kasi ang daming bantay kahit saan tsss. Sige po, magpprepare na ako ha? Tapos baba na tayo." sabi ko sa kanya. I kissed her cheek muna bago ako bumitaw sa pagkakayakap at naglakad papuntang kwarto.

Tinabi nya muna ang pagkain para pagtapos namin mamaya ay kakain na agad.

Matapos ko mag-ayos at ganon din siya ay sabay na kaming kumain. 5 minutes bago mag 4:00 AM ay bumaba na kami.

Agad naman din namin nakita si coach na nag-aabang na samin.

"Good morning Jennie, Lisa. Bilib ako ah akala ko di nyo kakayaning gumising ng ganito kaaga hahaha." kantyaw ni coach sa amin.

"Eh ang totoo po di na kami natulog diba hon?? este unnie HAHAHA." sabi ko. Gulat ko na nadulas pa ako sa pagkakasabi. Pahamak dila ko.

"Wag kang maniwala dyan coach patawa lang yan eh." sabat naman ni jennie na pinandilatan pa ako.

"Very good ha hindi late, sana pati bukas at sa mga susunod pa hehe. Okay let's go na." wika ni coach. Matapos nyang magsalita ay nag umpisa na din kaming tumakbo.

Hindi ko pinahihiwalay si jennie sakin, mahirap na baka matapilok o madapa may pagka lampa pa naman to minsan. Hehe

"Ikaw pasaway ka, muntik na kanina kay coach tsss!" naiinis na sinabi ni jennie. Umiirap pa oh.

"Sorry na po, nabigla ako eh kasalanan ng dila ko po. Don't worry mas mag-iingat pa ako." sagot ko naman at saka siy nginitian.

~~~~

After almost 2 hours naming pag jogging sa wakas makakakain na. Ginutom ako dun.

Yayayain sana namin si coach sa bahay kaso tumanggi siya kaya naman nagpasya kaming kumain nalang dito sa ramen house sa tabi.

A Song For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon