THIRD PERSON.
-FASTFORWARD-
Pang huling araw na ito ng kanilang paghahanda para sa concert ni IU. At bilang special guest ay puspusan talaga ang ginagawa nilang pageensayo. AcePink lang kasi ang kinuha ni IU na guest para sa concert nya kahit na may mga iba pang mga trainees na nauna.
So far, so good naman ika nga ni Mr.Kim na syang boss nila. Perfect na ang lahat para bukas. Mula opening act hanggang finale ay pulido na.
"Girls goodluck para bukas. Not to mention IU we all know na halimaw yan sa stage maski solo artist ay pumupuno ng isang dome. Pinks this is your first time na lalabas sa public as a group. Eventhough hindi pa ito ang debut nyo but still isang malaking stepping stone ito para sa career nyo. That's why i want you all girls to give your very best okay? Kayo ang aces of the company. Goodluck everyone!" ito ang pang huling salita ni Mr. Kim bago nya ni dismissed ang short meeting nila. Isa-isa na silang nagpa-alaman para makauwi at makapag pahinga na.
"Hey lisayah!" sigaw ni IU mula sa likuran nila. Patakbo itong papalapit kay lisa sabay umakbay. Napatingin naman ng matalim si jennie ng makita ito. Sabay kasi sila ni Lisa na naglalakad.
"Bukas rehearse tayo saglit ha? Teach me dun sa nalilito akong steps. We all know how good you are kaya please...Okay? Thank you." paki usap ni IU sabay sandal ng ulo nito sa balikat ni lisa bago kumalas sa pagkakakapit sa braso nito.
"Hihi thank you Lisa, bawal tumanggi."dugtong pa nya.
Napa rolled-eyes naman si jennie kay Lisa dahilan para makaramdam ito ng kaba.
"Ahm oh sige ba unnie." mahinang sagot ni Lisa na napalingon kay Jennie at napalunok-laway pa.
Mukhang may dragon na bubuga ng apoy na naman mamaya ah.
Humiwalay na nga si IU at nagpaalam ng nakarating na sila sa parking area.
"Pinks goodluck sating lahat para bukas ha? I know we can do it. Pahinga na kayo and beauty rest. Goodnight and see you tomorrow." masayang sabi ni IU na kumaway pa bago tuluyang pumasok sa sasakyan at umalis.
Pumasok na rin ang apat sa kanilang service para umuwi. Nag-aasaran pa sina jisoo at chaeyoung at nagtatawanan, pumuwesto sila sa gitna sa harap nila Lisa.
"Hon usog ka sa akin." bulong ni Lisa kay Jennie. Hinahawakan nya ang kamay nito para hilahin patabi sa kanya pero nagmamatigas si jennie.
Alam ni Lisa na inis na ito kaya hindi nalang nya kinulit pa, sa halip ay kinuha nalang nya ang camera nya at nagtingin ng mga pictures.
~~~~
Natapos na ang byahe at nakauwi na sa kanila pero hindi pa rin siya pinapansin ni Jennie kaya naglakas loob na si Lisa na tanungin ito.
Hinila nya ito papasok ng kwarto saka kinausap.
"Hon..kanina ka pa ganyan. Ano bang problema?" usisa ni Lisa. Nakatitig lang siya kay Jennie at naghihintay ng sagot.
"Anong ano problema ha? Kitang-kita ko yung pag-akbay ni IU sayo tapos ikaw pangiti-ngiti pa? Sarap punitin ng bibig mo. Tsss!" inis na sagot ni jennie habang nakapameywang.
Nakakatakot na naman ang mga tinginan ny pag ganito.
"Hays. Eh wala naman yun hon eh nagulat nga din ako na inakbayan nya ako. Narinig mo naman siguro yun pinagusapan namin diba?" paliwanag ni Lisa.
"Ang alin ha yung nagpapaturo na naman siya sayo? Lisa meron tayong coach dun bakit sayo pa? Tapos kapag rehearsals para kayong may ibang mundo bigla nalang gigilid at mag-uusap. Andun kaya ako ano?!" dagdag pa ni jennie.
BINABASA MO ANG
A Song For You
FanfictionPROLOGUE: "Ace Pink" isa sa pinaka matagumpay na girlgroup hindi lang lokal kundi international. Binubuo ang grupo ng apat na kababaihan. Sila ay sila Jennie Kim 21yrs old, Lisa Manoban 20yrs old, Jisoo Kim 22yrs old and Chaeyoung Park 20yrs old. I...
