32 (Trustful Heart)

779 34 1
                                    


THIRD PERSON.

"Hon, what should i do??" seryosong tanong ni Lisa kay Jennie. Si Jennie man ay nakatingin sa malayo na waring nag-iisip ng gagawin.
Hindi ito lumilingon kay Lisa.

"Hon, please talk to me. Ikaw ang hahayaan kong magdesisyon." muling salita ni Lisa. Hawak ang dalawang kamay ni Jennie.

All of a sudden, biglang napatayo si Jennie na ikinagulat ng lahat.

"Sorry uncle, but my answer is NO! Hindi makikipag date si Lisa sa kahit na sino. Uncle, Lisa is my girlfriend. Aren't you thinking about my feelings huh? Ano toh, is it all about business nalang ba?? How unfair!" may hinanakit na nasambit ni Jennie.

Inaasahan na ni Jisoo ang reaksyon na ito ni Jennie, kilala nya kasi itong basta alam nyang tama ay ipaglalaban nya.

"Pero jen this is just a media play lang naman like i told you. They just need to be seen in public together para sabihin na couple sila. That's all. Di naman nila kailangang totohanin eh." paliwanag ni boss sa kanya, nagbabaka sakaling mapabago ang isip nito.

"Still, ayoko! How long do they need to act like a couple ha? Paano kung matagal? Pano kami uncle? Si Jisoo nalang sana or si Chaeng oh since mga single yan. Tsss. If i said no, it's a NO!" madiin pa na turan ni jennie. Mukang desidido talaga sa pagsalungat sa kagustuhan nya.

Hinawakan ni Lisa ang mga kamay ni Jennie habang ito'y nakatayo at marahang hinalikan na ikinabigla nang lahat.

"Hon, tama na yan. Hayaan na natin si boss. Narinig mo naman diba na act lang yun. Wala akong ibang mamahalin ikaw lang. Stop being immature here hon." malumanay na nasabi ni Lisa.

"Ohhh wait.. immature Lisa?? So immature na pala ako. Ayaw ko lang na may ibang kukuha ng atensyon mo. Pinoprotektahan ko lang ang relasyon natin tapos sasabihin mong immature ako?? Damn it! Ehh ako lang pala mag isa laban sa inyong lahat. Hahaha funny. Magsama-sama kayong lahat!" pagalit na wika ni jennie sabay bitaw kay Lisa. Mabilis itong napatakbo palabas at iniwan si Lisa sa loob.
.
.
.
"JENNIEEEE!!" pahabol na sigaw ni Lisa subalit hindi man lang siya nilingon.

Pabalibag ang sarado ni jennie sa pinto kaya naman naglikha ito ng ingay dahilan para magkatinginan ang lahat.

"Everyone, hayaan nyo na muna si Jennie. She needs time to think. Nasanay na talaga ang batang yun sa pagiging spoiled brat. Lisa, don't worry babalik din siya nagpapalamig lang yun ng ulo." wika ni boss sa kanila.

Naiiyak si Lisa sa nangyayari. Parang mabilis lahat ng mga kaganapan na hindi nya napaghandaa. Yakap siya ni Jisoo at pinapatahan. Hindi niya inakala ang reaksyon ni Jennie na ganito. First time nila na magka ganito kaya nagulat siyang talaga.

"Okay lang yan Lis, sa relasyon may ganyan talaga. Hayaan mo muna si jen. Kapag kalmado na siya saka kayo mag-usap uli." pag-aalo ni chaeng sa kaibigan.

"Ohh sya sige magsi-uwi na kayong lahat at ng makapag pahinga. Jisoo, i monitor mo ang pinsan mo at siguraduhing makauwi ng maayos okay? And please help me to change her mind anak." wika ni boss.

Tumango nalang si Jisoo sa sinabi ng daddy nya at sabay-sabay na silang lumabas ng office.

Hanggang sa service ay wala si Jennie. Naghintay sila ng ilang minuto sa pakiusap ni Lisa ngunit walang Jennie na dumating kaya umalis na sila.

"Unnie, paano ako babawi kay jennie? Sigurado galit siya sa akin ngayon. Iniisip nyang wala akong pake sa relasyon namin pero hindi totoo yun." umiiyak si Lisa habang sinasabi ito.

"Wala kang gagawin Lisa. Hayaan mo lang siya. Ang pinakita nya kanina ay isang kababawan. Tama ka, immature siya. If she trust you walang problema sa kanya yun. Pabayaan mo siya na siya mismo ang makarealize nun sa sarili nya." pagpapaliwanag sa kanya ni Jisoo.

A Song For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon