44 ( Moments of Love)

815 43 1
                                    


STILL KAI'S POV.

Hindi ako agad nakatulog after kong tumawag kay Lisa. Nag-isip pa kasi ako ng mga pwedeng gawin at mga bibilhin mamaya.

Kaya ang labas heto puyat. Pero ayos lang naman.

Exactly 8:00 AM ng umalis ako sa bahay at tinawagan ko na rin si Lisa para maghanda na din sila ni Jennie dun sa hospital.

Pagdating dun sa hospital ay babayaran ko pa muna paano wala silang dala na kahit ano. Maski ang black card ni Jennie naiwan sa bag nya.

Magdududa naman si Jisoo if ever na pumunta ako sa kanila para lang hingin ang bag ni Jennie kaya di ko dapat gawin yun.

~~~~

So, heto na nga nandito na ako sa hospital at katatapos ko lang rin bayaran ang bill.

Madali na akong tumungo sa room ni Jennie. Nagdala din ako ng cap at shades na gagamitin nila.

Paano ang daming tao sa labas baka makilala sila at pagkaguluhan.

Pagpasok ko naabutan ko si Jennie na nakaupo sa kama katabi ni Lisa.

"Jennie, Lisa kamusta? Jennie ayos ka na ba?" bungad kong tanong sa dalawa.

"I'm okay na Kai, thank you for all the help huh? Nadadagdagan na utang ko sayo." sagot naman ni Jennie.

Nasa gawing likuran nya si Lisa at sinusuklayan siya ng buhok.

"Ano ka ba? Wala yun. I will help as much as i can. Lisa, ready na kayo? Tara na."

Niyaya ko na silang dalawa para makaalis na.

"Sige Kai Let's go." sagot nya habang inaalalayan si Jennie.

Bago lumabas ng room ay tiningnan ko muna ang bawat gilid ng hallway kung may mga tao.

Pinasuot ko na din sa kanila ang cap at shades.

"Let's go on this way guys" utos ko sa kanila.

Sa fire exit kami dadaan para sure.

"Hmmm wait Kai!" biglang sabi ni Lisa.

Humarap muna siya kay Jennie at kinausap.

"Hon, kaya mo bang maghagdan?" tanong nya.

Oo nga pala nasa 7th floor pala kami. Di ko naisip.

"Aiissh! Ang tanga ko. Kaso hindi tayo pwede sa elevator ang daming tao masyado." worried kong nasabi.

Narinig kong nagsalita si Jennie.

"Kaya ko hon, don't worry. Puro pababa lang naman ito eh." mahina nyang sagot.

"Ahh basta kapit ka lang sakin ha? Pag feeling mo pagod ka na pasan ka sa akin."

Matapos sabihin ni Lisa yon ay nag umpisa na kaming bumaba.

Dahan-dahan lang kami para hindi agad mapagod si Jennie. Todo alalay naman si Lisa sa kanya kaya kampante din ako.

Kung kaming dalawa ni Lisa ang kasama ni Jennie, siguradong iingatan namin siya ng husto.

Ilang saglit pa at nakarating na din kami sa parking area.

"Told you guys kaya ko!" proud na nasabi ni Jen while showing us her smile.

"Oo na nga hon. Mabuti kung ganun." tugon ni Lisa.

Mabilis kong kinuha ang sasakyan ko at pinasakay ko na silang dalawa.

"Ahh sya nga pala, daan tayo saglit sa mall para mabilhan ko kayo ng damit at pagkain na din. Huwag na kayong bababa ng sasakyan ako nalang." bilin ko sa kanila. Hindi kasi sila pwedeng sumama pa delikado.

A Song For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon