LISA'S POV.After nang lunch namin eh nagtuloy pa kami sa iba't-ibang water adventures.
We tried snorkeling, fishing and cruising. May pa zipline pa. Ang saya tho nakakalaglag puso din sa kaba. Hindi kasi ako sanay sa mga ganito hehe. Unlike jennie na mukang enjoy na enjoy pa.
Di bale masaya ako na makitang masaya ang mahal ko.
Malapit na mag gabi. Ang gusto ko sana ay masolo ko si jennie habang sabay naming minamasdan ang sun setting.
"Hon, tara takas tayo. Go ka?" mahinang bulong ko sa kanya.
Abala pa ang mga tour guide sa pag aasikaso kina unnie kaya sigurado di kami mapapansin. Takas for a while muna hehe.
"Sige hon mauna ka pumuslit tapos susunod ako. Lilibangin ko muna sila." sagot ni jennie. Halos pabulong lang kami mag-usap mahirap ng mahuli.
Nauna na akong naglakad palayo sa kanila tapos eh hihintayin ko nalang siya.
Sana makatakas kay unnie, galing din mag bantay nun eh.
Pero laking tuwa ko ng natanaw ko na si jennie na papalapit sakin.
"Hon buti nakatakas ka. Nawawalan na ko ng pag-asa eh hehe." sabi ko sa kanya.
"Sorry hon hirap kasing makatakas sa paningin nila. Nakabantay myghad!" tugon nya sakin.
"It's okay. Ang importante nandito ka na. Tara na. Dun tayo oh." pagyaya ko sa kanya sabay hawak sa kanyang kamay.
Naglakad-lakad kami hanggang makarating kami dito sa may parte ng dalampasigan na may malaking bato. Pumunta kami sa bandang dulo nito at dito naupo.
Payapa ang alon at nagkukulay kahel na ang paligid. Sakto lang ang dating namin ni jennie at nag-uumpisa nang bumaba ang araw.
Hinilig nya sakin ang kanyang balikat habang sabay na minamasdan ang sunset.
"Hon ang ganda talaga ng sunset ano? Nireremind tayo na after a long tiring day we need to rest din. Lisa you're my refuge. I'm calm and at rest kapag kasama kita." malambing ang bawat tinig ni jennie. Ang sarap sa tenga.
Napangiti naman ako. Wala talagang katumbas ang kaligayahan kapag kasama ko siya.
"Same thoughts hon. Ikaw ang kaligayahan at ang buhay ko. Kapag wala ka tila ba nanghihina ako. Ohh wait ang corny ko na hahaha. Pero totoo yun hon." pabiro kong sinabi sa kanya.
Nanatili lang kami sa ganitong posisyon hanggang sa tuluyang nagdilim na ang paligid.
"Hon? Tara na balik na tayo. Gabi na." pagyaya ko sa kanya.
Hindi siya sumagot. Pagsilip ko sa mukha nya mahimbing na pala syang natutulog.
Napagod ang nini ko ah.
Naku kaya pala sinabi nyang sakin nakakapagrest siya kasi ginawang literal na tulugan ang balikat ko. Hahaha.
Hinahaplos-haplos ko ang kaniyang mukha habang tahimik na nahihimbing. Mabuti at madami namang ilaw sa paligid kaya hindi nakakatakot.
Kinuha ko ang camera ko na nakasuot sa leeg ko at kumuha ng litrato naming dalawa.
~~~~
Ilang saglit pa ang nakalipas ay ginising ko na siya. 7:00PM na din kasi malamang hinahanap na kami.
"Hon, gising na kailangan na nating bumalik dun." marahan kong paggising sa kanya.
Napansin kong dumilat na ang kanyang mga mata at dahan-dahang iniangat ang ulo.

BINABASA MO ANG
A Song For You
FanfictionPROLOGUE: "Ace Pink" isa sa pinaka matagumpay na girlgroup hindi lang lokal kundi international. Binubuo ang grupo ng apat na kababaihan. Sila ay sila Jennie Kim 21yrs old, Lisa Manoban 20yrs old, Jisoo Kim 22yrs old and Chaeyoung Park 20yrs old. I...