14 (Acceptance)

1K 58 6
                                    


THIRD PERSON.

Kinabukasan, nag umpisa na nga ang mga pagbabago sa buhay nila Lisa. Matapos nilang ipaalam sa kanilang mga pamilya ang tungkol sa pagiging mga idol nila ay laking pasalamat naman dahil sa suportado sila ng mga ito.

Sinadya din nila ang mga pinagtatrabuan para personal na makapag paalam bagamat nai ayos na itong lahat ni Jennie.

"Lisa, Chaeng.. kayo ha hindi kayo nagsasabi may plano pala kayong maging idol. Huwag nyo kaming kalimutan ha?" wika ni Taehyung habang nasa employee's entrance pa sila at naghahanda sa pagpasok.

"Oo naman bakla. Bakit naman kami makakalimot eh dito kami nagsimula. Hindi naman kami ganung tao." tugon ni Lisa na nakangiti sa kanila.

"At saka hindi pa sigurado kung makakapag debut ba kami o hindi hehe." birong sabi naman ni chaeng.

"Naku, patawa ka dyan chaeng. Eh sigurado na yan. Baka nga magulat nalang kami na isang araw eh nasa tv na kayo at pinanunuod namin. Knowing JYG Ent, lahat ng nagiging trainees nila ay nagiging successful like IU." dugtong ni taehyung.

"Oo na bakla hehe. Imaginine mo yun si IU na dating idol ko lang ngayon ay araw-araw ko nang makakasalamuha sa company." pagbibida pa ni chaeng na halatang kinikilig.

"Luh. Fangirling mode ka na naman dyan bes hahaha. Oh sya tara na nga at kailangan pa nating pumunta sa school." sabi ni Lisa at nag-aya nang paalis.

Nagpaalam na silang dalawa sa mga naging kasama sa trabaho. Nagpasalamat din sila sa mga naging kaibigan at sa mga guards na mabait sa kanila.

~~~~

Matapos ay dumirecho na sila sa school. Sakto dahil breaktime ng sila'y nagpunta.Tumungo sila sa canteen dahil nandoon sila Seulgi.

"Ayun! Nandito na ang 2 soon to be idols natin hehe." bungad na asar ni seulgi habang inaaya ang dalawa na maupo sa tabi nila.

"Ngayon palang eh ang swerte na natin dahil magkakaroon tayo ng dalawang idol na friends omg! Mention nyo kami sa mga updates nyo ah hahaha." dagdag pa ni dahyun.

Pina-upo nila sila Lisa at sila naman ay nakapalibot sa kanila.

"Pinagsasabi nyong tatlo? Mga baliw, eh squad pa din naman tayo eh. Gawa tayo ng gc para dun tayo mag-uusap." nakangiting sabi ni Lisa. Ganun din naman si chaeng na abala na sa pagkain.

"Oo nga naman. Kahit na hindi na namin kayo makakasama dito pwede pa naman tayong magkausap. Saka lagi namin kayong susuportahan. Basta ililibre nyo kami lagi ha? Hahaha." banat pa ni jongyeon at saka umakbay kay Lisa.

"Basta kahit anong mangyari, magkakaibigan pa din tayo. Kapag may time ay makikipagkita kami sa inyo para mag bonding tayo." paniniguro pa ni Lisa sa kanila.

At nagyakapan silang magkakaibigan.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na ang breaktime. Kinailangan na nila jongyeon na bumalik sa klase. Hinatid naman sila nila Lisa sa kanilang room at nagpaalam na din sa mga kaklase at guro. Agad na din naman silang tumungo sa office para maiayos ang kanilang pag-alis.

"Hays sa wakas Lis, natapos na natin itong lahat ngayong araw." sabi ni chaeng. Alas syete ng gabi na din ng natapos sila sa mga gawain.

"Oo nga eh, buti naman at wala na tayong aalalahanin. Oh so tara dating gawi dun tayo uli sa mamihan. Baka huling kain na natin yun dun eh, sulitin na natin." pagyayaya ni Lisa sa kanya.

Magkahawak-kamay silang naglalakad papunta doon.

Nang nakarating na sila ay agad naman silang umorder ng mami at nagpadagdag na din ng ilang bote ng soju at sisig na paborito din nila.

A Song For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon