THIRD PERSON.Gabi palang bago ang concert, sinigurado na ni Lisa na plantsado na ang gagawin nyang proposal kay Jennie kinabukasan. Syempre with the help of Kai and Sehun.
The moment they talked nung gabing nagkita sila, that's also the time na inumpisahan na nila ang plano.
Sehun and Kai do posted some hints on their SNS that the dating issue surrounding them was just a cover up thing.
Though they didn't confirmed it yet dahil ang proposal ni Lisa ang magsisilbing biggest bomb that will end those rumors spreading.
-THE DAY-
Maaga nang nagising na si Lisa, she went somewhere and bought some presents for Jennie.
Tulog pa ang tatlo ng umalis siya kaya hindi na rin siya nagpaalam kay Jennie.
Baka sumama eh. Edi mapupurnada ang surprise nya.
Dumaan din siya kina Jungkook para sabihan silang umattend sa concert kinagabihan.
Sinabi nya na din sa kanila ang balak nyang pag proposal kay Jennie at syempre suportado siya ng parents nya lalo na si Jungkook na excited na sa mga mangyayari.
"Ate Goodluck! Naku sana pumayag si ate Jennie na maging asawa mo hahaha." nakuha pang mang-asar nito gayong si Lisa ay kabadong kabado na.
"Yah kookie! Ang sama mo. Hindi na nga ako mapakali dito eh. Grabe ang kaba ko." tensyonado nyang sagot.
"Hahaha joke lang ate. Alam ko namang mahal na mahal ka nun kaya for sure papayag yun." bawi naman nya sabay akbay sa kapatid.
Meanwhile, Lisa received an unexpected call from IU.
Alam nya din kasi ang issue around their entertainment kaya alam na din nya ang tungkol kina Lisa at Jennie.
Well naging close na din siya sa Pinks as their senior.
They decided na mag meet para makapag catch up since may time pa rin naman.
IU asked about their situations. And bilang close na din naman sila that's why binanggit na din ni Lisa ang about sa proposal nyang gagawin sa concert.
She also asked some help from IU and hindi naman siya nag dalawang isip dahil suportado nya din naman ang dalawa dahil noon pa pala nya napapansin na may something sila at pinagselosan pa siya ni Jennie back then.
"Ohhh so see you later Lisa. Don't be too nervous. Kaya mo yan! Basta i will do my part mamaya. Goodluck." pagpapaalam ni IU.
"Thank you na agad unnie. Sana talaga maging maganda ang kalabasan tho alam ko na ang back fire na kapalit nito. Positive lang hehe." sagot naman ni Lisa bago tuluyang umalis.
Saglit lang naman sila nag-usap dahil dadaan pa si IU sa office.
~~~~~
Mag tanghali na nang nakauwi si Lisa sa bahay. At pagdating nya gising na ang tatlo at naghahanda na papuntang venue.
"Hon, saan ka galing? Ang aga mong umalis." bungad na tanong ni Jennie.
"Ahm hon dumaan lang ako sa bahay kasi sinabihan ko sila mama na magpunta sa concert natin mamaya hehe." palusot na naman nya. Buti hindi na nag usisa pa ang isa.
"Ohh since nandito ka na Lisa magprepare ka na rin dahil 1:00 PM tayo aalis. Go na." utos ni Jisoo kaya madali na syang kumilos.
Walang kaalam-alam ang tatlo sa mga mangyayari mamayang gabi sa concert.
BINABASA MO ANG
A Song For You
FanfictionPROLOGUE: "Ace Pink" isa sa pinaka matagumpay na girlgroup hindi lang lokal kundi international. Binubuo ang grupo ng apat na kababaihan. Sila ay sila Jennie Kim 21yrs old, Lisa Manoban 20yrs old, Jisoo Kim 22yrs old and Chaeyoung Park 20yrs old. I...