13 (Feelings)

1.1K 56 5
                                    


ROSÉ'S POV.

Hindi ko inaasahan na mangyayari ang lahat ng ito ngayong araw. Ni wala nga ito sa isip ko eh. Sinamahan ko lang naman talaga si Lisa kasi syempre i support her, ako yata bestfriend nya. Tapos kuntento na din ko sa pag fangirling ko kay IU kanina hehe.

Hindi ko inakala na ngayong araw pala makakasama ako sa group na ito. Wala ito sa plano ko but it did happened unexpectedly and i believed that it is fate.

Though yes, pangarap ko din naman ito pero hindi ko lang talaga pinu-pursue pa, okay na ako basta masuporthan ko si Lisa. Pero heto na, opportunity knocked kaya i grabbed it na. Afterall, alam kong sagot din ito sa kahirapan namin para makatulong sa pamilya. And lastly, kasama ko naman si Lisa kaya hindi ako natatakot na pasukin ang bagong chapter na ito sa buhay ko.

~~~~~
Nandito kami ngayon sa office ni boss para pag-usapan pa ang ilang mga bagay.

"So ladies, now that you all had signed an exclusive contract with us, each of you are under the company's name. Be careful with all your actions from now on dahil magiging open na sa public ang lifestyle nyo. Take a look at the contract you signed nandyan lahat ng policy and rules. At dahil under training period pa kayo for the mean time kaya you need to live in one unit together. Yes, you heard it right, titira kayo ng magkakasama. Next week mag start na kayong lumipat so get prepared. That's all ladies. Remember, always give your best!" pagpapaliwanag samin ni boss. Medyo strict siya pero cool at the same time. Mabait din naman.

Napapanganga nalang ako sa mga sinabi nya eh, di pa rin kasi talaga ako makapaniwala na simula sa isang linggo eh sila nang tatlo ang makakasama ko sa bahay.

Grabe talaga!

"Jisoo, Jennie, dahil mas matagal na kayo na under training so mas madami na kayong alam. Alalayan nyo sila Lisa and Rosé okay?" dugtong pa ni boss at ngumiti sa amin.

Lumabas na din siyang kasama ang staff.

Naiwan na kaming apat dito. Ang awkward, di ko alam paano makikipag-usap.

Pansin ko naman si Lisa na panay ang sulyap kay jennie. Hays may anong kurot sa puso ko. Oo nga pala, makakasama ko nga si Lisa pero pati si Jennie din.

Parang parusa yata sakin yun, at hindi na ako makaka atras pa. Bahala na.

Napayuko nalang ako at nanahimik.

"Chu, i need to go back to the hall nakalimutan ko kasi ang phone ko sa table kanina." pagpa paalam ni jennie sa amin. Nagulat pa nga ako dahil sa lakas ng pagsasalita nya.

Halos mapatakbo syang nagmamadali palabas ng pinto. Pansin ko na hinabol pa ito ng tingin ni Lisa.

"Chaeng, Lis don't worry kami bahala sa inyo. And sa lahat ng kakailanganin. Wag nyo na din alalahanin ang needs ng family nyo okay? Just focus sa training para mabilis tayong makapag debut." payo ni jisoo samin.

Mukha naman syang mabait at responsable kaya nakakampante ako.

"Salamat jisoo."
.
.
.
"Ahmm sandali, punta lang pala akong comfort room ha? Chaeng, dito ka muna." sabat ni Lisa saka nagmadaling lumabas.

Ewan ko ba biglang nagmamadali yun na umalis.

Naiwan kaming dalawa ni jisoo. Buti at napaka entertaining nya kaya mabilis kaming nagkakapalagayan ng loob. Mahilig din pala syang kumain like me hahaha and paborito nya ay chicken. Tawa kami ng tawa habang nagku kwentuhan kaya nalilibang ako.

~~~~

THIRD PERSON.

Dali-daling sinundan ni Lisa si Jennie sa main hall. Kanina nya pa kasi ito gustong makausap ng sarilinan subalit hindi nila magawa dahil sa pag-iingat na huwag silang mahalata.

A Song For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon