CHAENG'S POV.-FAST FORWARD-
Magsisimula na nga ang First ever World Tour namin. Syempre sobrang excited at kabado naming lahat. Yung pressure at expectations samin eh mataas kaya naman todo sipag kami sa rehearsals. We're spending 12 hours a day para mapulido namin ang lahat, maski small details pa yan gusto namin yung best ang maibibigay namin. Sobrang thankful ko sa mga members ko na napaka supportive at determined kaya naman mas nagagawa namin ng maayos. Syempre for all our fans ito, sukli namin sa bawat support nila sa amin.
I'm too excited. Lahat ng ito parang panaginip pa din.
Just by thinking na mamimeet namin ang fans all over the world, sobrang nakakasabik. Sana naman maging successful mula umpisa hanggang sa matapos.
Si Lisa at Jennie ayun going strong naman sila kahit pa may dating issue pa rin si Lisa kay Sehun, alam naman namin ang totoo eh.
Yung pasya nalang talaga ni boss ang hinihintay para matapos na iyon. And that's what we look forward to.
-KINABUKASAN-
Lahat kami ay maagang pinatawag ni boss sa office, may mahalagang pag-uusapan daw kasi eh and it's urgent.
Siguro about sa World Tour yun.
Pero nagkakamali pala ako.
May pagka dismaya na ibinalita sa amin ni boss ang tungkol kay Jennie at Kai.
Nagulat kaming lahat na may article ang Dispatch about them.
"Jennie from Acepink and Kai from EVO are back together again!"
Iyan ang headline doon.
Grabe lahat kami na shocked mas lalo na si Jennie.
Ganun din maging si Lisa.
"Jennie, anong ibig sabihin nito? Totoo ba ito??" tanong ni boss. Mabilis din namang sumagot si Jennie sa kanya.
"No uncle. That's not true. Everything is just a confusion. Nagkamali sila ng iniisip." diin nyang sinabi.
"Then explain it to me Jen! Look, umpisa na ng Tour nyo tapos nasasabit pa kayo sa issue na gaya nito. I'm disappointed." may pag kainis na nasabi ni boss na ikinagulat naman ni Jennie.
"Boss, tama si Jennie hindi naman iyan totoo. We're good po. Alam ko ang nangyari." pagtatanggol naman ni Lisa as she holds Jennie's hand.
"But still lumabas ito. Sabi ko naman sa inyo maging maingat kayo sa bawat actions nyo. Were in the midst of the Tour so kailangan nyong mag focus dun. For the mean time sakyan mo nalang muna yang issue Jennie and be silent sa social media mo. After ng Tour saka tayo maglalabas ng statement." pagpapaliwanag nya sa amin. Subalit laking gulat namin ng biglang tumayo si Lisa.
"Boss, bakit hindi nalang natin aminin ang tungkol sa amin ni Jennie?? We have many shippers out there at alam kong matatanggap nila ang sa amin. Tapusin na lahat ng issue na ito at ilabas na ang sa amin!" direchong nasabi ni Lisa. Sila Jennie man ay nabigla sa sinabi nyang iyon.
"Lisa we can't do that! We have an agreement diba about sa dating issue nyo ni sehun at hindi basta pwedeng tapusin lang yun dahil magugulo lalo. Isa pa kahit madami kayong supporters mas madami pa rin ang against. Remember globally recognized kayo at madami dyan ang homophobic. Wag na wag mong gagawin yan Lisa dahil yan ang ikasisira nyo." pag kontra naman ni boss sa kanya.
Nadismaya si Lisa pagka rinig nya nito, ganoon din si Jennie.
Buong akala nya ay mapapapayag nya ito subalit hindi ganun lang rin ang nangyari.
BINABASA MO ANG
A Song For You
FanfictionPROLOGUE: "Ace Pink" isa sa pinaka matagumpay na girlgroup hindi lang lokal kundi international. Binubuo ang grupo ng apat na kababaihan. Sila ay sila Jennie Kim 21yrs old, Lisa Manoban 20yrs old, Jisoo Kim 22yrs old and Chaeyoung Park 20yrs old. I...