3 (Love At First Sight)

1.2K 69 3
                                    


LISA'S POV.

6:00 PM na pala at kailangan ko nang pumunta dun sa venue sa may covered court ng barangay. Hinihintay ko nalang si chaeng papano nagpahiram pa ako sa kanya ng gagamitin kong boots para sa performance ko.

Pa tanaw-tanaw ako sa bintana sa pag abang sa kaniya. Baka malate kami eh.

Hays sa wakas andito na siya.

"Grabe ka bes ang tagal mo. Muntik na akong atakihin sa puso sa nerbyos na baka wala akong magamit mamaya." bungad ko sa kanya. Ito at humihingal pa siya galing sa labas.

Pina upo ko na muna at binigyan ng tubig.

"Naku bes sorry na. Alam mo ba pinilit pilit ko pa yung si ate para ipahiram sakin yan akala yata ako ang gagamit eh nung sinabi kong ikaw ayun binigay agad. Crush ka ata nun eh hahaha." pang-aasar nito sa akin at tumatawa pa.

"Ewan ko sayo hahaha pero in fairness ang ganda ng boots nitong si jimin. Buti maganda taste ng kuya mo este ate pala hahaha." biro ko naman.

Kinuha ko na ito sa kanya nang matapos na ako.

Nagmadali na akong mag-ayos ng sarili.

Si chaeng na din ang nag make-up sakin.

"PERFECT!!" sambit niya pag tingin sa akin.

"Ohh well hindi ka naman nag effort masyado dahil given na sa akin ang pagkakaroon ng ganitong kagandang mukha!" sagot ko sa kanya.

"Oo na. HAHAHA yabang!"

Pikon na naman siya hahaha. Pero sobrang thankful ko. Napaka perfect talaga nito eh maaasahan ko lagi.

"How can i live without her?" bulong ko sa sarili ko habang busy sya sa pag-aayos ng buhok ko.

"Oh ayan na bes..! Ang gandang gwapo mo na hahaha. Pagtitilian ka na naman dun tsk. May masusupalpal na naman ako kapag may humarot sayo." inis nyang sabi. Ang cute talaga nito pag inis.

"Hahaha ayan ka na naman. Relax di naman papaharot eh. Yung cash prize ang sadya ko don." sagot ko naman.

Matapos ay niyaya ko na siya na umalis.

Nilocked ko na ang bahay at sabay na kaming nagpunta doon. Siya lang naman ang tanging supporter ko kapag sumasali ako sa ganito. Ewan ko ba kung bakit hindi siya sumasali eh ang galing naman niya.

Sabagay may pagka conservative kasi nag aattend siya ng choir sa simbahan.

~~~~

Malayo palang kami kita ko na ang dami ng tao. Halos mapuno na ang buong lugar. Mas lalo tuloy akong kinakabahan eh. Bigatin din daw kasi ang mga judges ngayon compare last year. Balita ko eh ang isang judge ay sikat na influencer sa social media at anak ng well-knowned business tycoon.

A Song For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon