Oh mukhang seryoso natin ah anu ba ang ba ang nalalaman mo tungkol sa totoo mong manga magulang ?
Nito ko lang kasi nalaman at nakapag usap na kami sa dinami dami ba naman ng manga tao sa mundo sila pa ang manga magulang ko ..'
Tika anu ba ibig mong sabihin na guguluhan ako Darren.
Ang manga Dela Viega ang totoo kung manga magulang inakala nila na namatay ako sa aksidente nong kaarawan namin ni daryl.
What'? !!! So ibig sabihin kakambal mo si daryl ?
Oo at alam mo naman ma init ang dugo ko sa gagong yun at akalain ko ba naman na kambal pala kami.
So ano na planu mo ngayon na alam mo na pagka tao mu alam ko malaki ang galit mo sa kanila sa nangyari sayo noon at sa lola mo . Pero wala ka parin ma gagawa kasi sila parin ang totoo mong manga magulang ..
Alam ko naman yun mahal pero ang hirap lang tanggapin pero in time matatanggap ko rin naman at mapapatawad sila .
Niyakap nalang nang dalaga si darren para naman gumaan ang pakiramdam nya alam naman nya na nahihirapan din syang nakikita na nasasaktan at nahihirapan si darren.
Mahal salamat sa lahat ah kasi nandito ka at sinosuportahan ako sa lahat malaki ang naitutulong mo sa akin mahal na mahal kita sabay halik nya kay rhea. ..
Mahal na mahal din kita darren alam mo naman kung gaanu kita mahal at hindi na ako susuko sa ating dalawa .
Mabuti pa mahal mag mall nalang tayo total ako naman ang boss sa companya halika na bago pa may magawa ako sayong kakaiba sabay hipo nito sa hita.
Hoy lalaki alam ko na yang ibig mong sabihin minamanyak mo na naman ako eh . Tara na nga baka masapak kita .
Habang naglilibot sa mall ay abala naman sa pa grocery ang mag asawang Dela Viega . At nakita nila si darren at rhea na abala din sa pamimili nang manga kailangan nila .
Anak darren halos nabigla naman si darren ng may tumawag sa kanya na anak hindi lang sya sanay na may tumatawag na anak sa kanya .
Ah hello po tita " si rhea nalang ang sumagot dahil hindi parin nakabawi si darren sa pagkabigla ..
Ah rhea kamusta na kayo sana ma isipan nyong pumunta sa bahay at makapasyal manlang ipagluluto ko si darren ng paborito nya ..
Pero bigla nalang sumagot si darren .
No need na kaya ako ipagluto ni rhea ng paborito ko at wala akong balak na tumongtong sa pamamahay nyo. Aalis na kami salamat nalang sa paunlak ..Halos mangilid ang luha ng mag asawa dahil hindi parin sila tanggap ng anak nila na si darren pero hindi sila susuko hanggang sa tuluyan na silang mapatawad nito.
Anu kaba darren dapat hindi mo ginaganun ang ina mo nanay mo parin yun .
Pwedi ba rhea wag mo akong pangunahan hindi mo ako na intindihan kasi hindi ikaw nasa posisyon ko .
Bakit huh akala ko ba magkaramay na tayo sa lahat pero bakit parang pati sa akin galit ka darren .
Please rhea not now magulo pa ang isipan ko . So ganun nalang yun lahat naman iniintindi ko sayo pero ikaw tong hindi ko ma intindihan hindi sa kinakampihan ko ang manga dela Viega pero dadating ang araw na magiging magulang rin tayo sa isipin palang na magagalit sa akin ang anak ko parang pinipiga na ang puso ko.
Pwedi ba rhea iba tayo sa kanila gagawin ko ang lahat para sa anak ko at kapag nag kaanak tayo hindi ko hahayaan na danasin nila ang manga naranasan ko . Kaya pwedi ba wag ka sa akin magalit.
Alam mo sige para humupa yang init ng ulo mo uuwi na muna ako sa amin at babalik lang ako dito once na makausap mo ng maayos ang manga magulang mo. Pero syempre hindi naman ako umaasa na gagawin mo ang sasabihin ko sino ba naman ako para sayo. Hanggang sa umalis na si rhea sa condo nya.
Nasabunutan nalang nya ang ulo matapos iwan sya ni rhea sa condo nya.
Ok naman na kami ni Rhea eh epal lang talaga ang mag asawang yun. Walang nagawa si Darren pumunta nalang sya sa opisina nya ma libang ang kanyang sarili pero mainit parin ng ulo nya kaya marami syang napagalitan na empleyado nya dahil sa badtrip ang araw nya .
Sir Darren halos mautal na ang kanyang secretary dahil takot din sya sa boss nya . Ahhh sirrr gusto ko lang po sabihin na may pa pirmahan lang po ako na manga papeles halos mapanganga sya dahil tambak ang kanyang trabahu buong maghapon syang busangot daig nya pa ang may regla .
Hindi nya namalayan na mag gagabi na kaya naghanda na sya para maka uwi pero naalala nya wala ang nobya nya sa condo nya kaya mas lalo syang badtrip.
Nang makauwi diretso nalang sya hubad ng lahat ng kanyang saplot at nag madaling mag shower pagkatapos ay natulog dahil sa subrang pagod pero miss nya na si rhea kahit isang gabi palang na wala ito sa kanyang tabi. .
Kina umagahan ay parang walang ganang bumangon si darren at masama ang kanyang pakiramdam ...
Masakit ang kanyang ulo at parang nilalamig kahit naka patay na ang aircon. Ganito sya pag may sakit naalala nya ang kanyang lola na palagi syang inaalagaan pag ganitong may sakit sya .Samantala excited naman si mrs. Dela Viega na pumunta sa condo unit ni darren Kahit hindi nya sigurado kung patutunguhan sya ng anak nya ng maayos o hindi pero hindi sya titigil at susuko para sa anak dahil mahal nya ito at bilang ina gagawin nya ang lahat mapatawad lang sya ng anak.
Nakailang ulit na syang mag doorbell pero walang bumubukas may dala syang pagkain na paborito ng kanyang anak simula pagkabata .
Dahil walang sumasagot hinawakan nya ang siradura ng pinto at nagpasalamat syang hindi ito naka lock .
Kaya nag lakas loob syang pumasok bahala na basta makapasok lang at makita nya ang kanyang anak .
Darren anak anjan kaba nakakain kanaba anak may dala ako na manga paborito mo.
Pero hindi parin sumasagot si darren kaya pumunta sya sa kwarto at nakita nyang tulog pa ang kanyang anak at naka talokbong ng kumot pero patay naman ang aircon kinabahan sya at pinuntahan si darren ng kinapa nya ang balat nito subrang init at kinikinig na parang nilalamig sinalat nya ang noo at nalaman nya inaapoy ng lagnat.
Dyosko anak ang init mo tika lang ikuha kita ng maligamgam na tubig at bimpo.
Umoongol lamang si darren habang pinupunasan ng kanyang ina at halos maluhaluha ang ginang dahil ngayon nya lamang ito naalagaan sa mahabang panahon kamusta kya ito dati kapag nilalagnat kapag wala sya .
Nagloto ng sopas ang ginang pagkatapos ay ginising nya ang anak at paiinumin ng gamot si darren .
Ay salamat at humupa na ang lagnat mo kamusta pakiramdam mo anak kumain ka para may laman yang tyan mo.
Anong ginagawa mo dito ? Nakakunot na tanong darren sa ina nito.
Ah darren pumunta ako dito para sana hatiran ka ng paborito mo pero nalaman ko na inaapoy ka ng lagnat.
Umalis kana kaya ko ang sarili ko hindi kita kailangan .
Darren anak kahit ngayon lang pagbigyan mo akong alagaan ka pakiusap anak.
Natahimik nalang si darren at napangiti ang kanyang ina .
Oh kumain ka muna pagkatapos nito uminom ka ng gamot para madali kang gumaling.
Susubuan sana ni ng ginang si darren ng agawin nito ang kutsara at sya na ang kusang kumain.
Ok na ang pakiramdam ni darren dahil sa ginawa ng kanyang ina ..
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Lost Son
RomanceIsang pamilyang masaya at halos kompleto na walang nang hihilingin pa pagdating sa buhay. Meet mr. and mrs dela viega ang mag asawang walang hiniling kundi ang kompleto at masayang pamumuhay dahil halos nasa kanila na ang lahat . hanggang sa hindi n...