Chapter 30

376 4 0
                                    

Umuwi si rhea na halos wala sa sarili sa manga nalaman nya tungkol kay darren halos gumuho ang mundo nya pero iniisip nya parin ang kapanan ng magiging anak nya.

Darren, patawad kung alam ko lang na malala na pala sakit mo ang tanga tanga ko kasi hindi kita ipinaglaban ikaw lang ang tanging lalaki na minahal ko wala ng iba sana mapatawad mo ako.

Naalala nya ang kanyang tyan dahil malapit na syang manganak ilang buwan nalang at makikita nya na ang kanyang anak ang kanilang anak ni darren. Lingid sa kaalaman ni darren na buntis na sya nong magka hiwalay na sila at itinago nya lang sa lalaki dahil sa mas pinili nya si adrian na pakasalan dahil sa may malubha na daw itong sakit.

Oh rhea mabuti nandito kana halika kumain kana baka gutom na kayo ni baby makakasama yan sa iyo.

Pwedi ba adrian kakain ako kung nagugutom ako kaya wag mo akong pakialaman .

Rhea nag aalala lang ako sa inyo ni baby please lang intindihin mo ang bata sa tyan mo' maaring ngang kahit patak nang dugo walang nanalaytay dyan sa bata pero mahal ko kayo at handa akong magpakaama para sa bata dahil mahal kita.

Linampasan nya lang si adrian at pumasok na sa kwarto nila at nagpahinga wala syang panahon para makipag argumento rito galit sya kay adrian kasi ito ang dahilan kung hindi nya manlang nakasama kahit hanggang sa huling hininga ang kanyang pinakamamahal at ama ng kanyang anak.

Kinaumagahan nagising si rhea dahil sa mabangong amoy na niluluto ni adrian at dahil na rin sa mataas na ang araw bumangon sya naligo at nag ayos para mag agahan .

Naabutan nya na nag aayos na si adrian para sa kanilang umagahan.
Oh rhea maupo ka pinagluto kita ng paborito mo . Walang imik syang kumuha ng kanin pero nilagyan nalang ni adrian ng kanin ang kanyang plato at ulam.

Nga pala may check up ka diba samahan nalang kita ihahatid kita kasi wala na naman akong gagawin eh .

Ah wag na kaya ko naman sarili ko at tsaka hindi mo naman responsibilidad ang anak ko.

Rhea pwedi ba maaring para sayo wala akong karapatan sa bata pero sa mata ng dios at sa mata ng tao kasal tayo at asawa kita kaya responsibilidad kita.

Alam mo adrian wag mo nang idamay ang dios dito kasi alam ng dios kung gaanu ka kasama at maksarili .!

Kahit ma matay man ako kahit ma ubos na ang lalaki sa mundo hinding hindi kita magugustuhan kasi nga wala kang kasing sama!!!

Tumayo nalang sya at umalis sa hapag nawalan sya ng ganang kumain kapag nakikita nya si adrian na syang dahilan kung bakit hindi nya parin tanggap ang pagkawala ni darren.

Maalaga at mabait na tao si adrian pero hindi nya kayang suklian ang lahat ng yun dahil tanging si darren lang ang kanyang minahal pinahid nya nalang ang kanyang manga luha at baka ma stress pa sya makakasama sa kanyang baby.

Lumipas ang manga buwan hanggang sa ilang araw nalang at manganganak na sya . Nandyan ang kanyang ina at ama na kasalukuyan na inaalalayan sya para kung sakaling manganak sya ay may mag aasikaso sa kanya kasalukuyang nasa trabaho si adrian ng biglang sumakit ang tyan ni rhea at parang manganganak na sya.

Ahhhhhh ang sakit nay!!!!
Oh anak bakit?
Parang manganganak na yata ako nay aray ang sakit ....

Tika lang dadalhin ka na namin sa hospital kapit lang anak .

Nang nasa hospital na sila ay dinala na agad sya sa labor room kasi pumutok na ang kanyang panubigan.

Sige pa misis eh eri mo pa ...
Halos hindi ma wari ni rhea ang sakit habang umiri ito..

Sige pa 1,2,3 push ahhhhhhhhhhhhhh
Isang iyak nang batang lalaki ang kanyang isinilang at halos walang pag sidlan ang kanyang ligaya ng bigla na naman syang pina eri  ng doctor sige pa eh eri mo pa malapit na yung isa ibig sabihin kambal ang kanyang isinilang . Congrats it's a very beautiful baby girl. Hanggang sa nawalan sya ng malay.

Nang magising ay nasa isang pribadong kwarto na sya at pagmulat nya nakita nya kaagad ang kanyang nanay na kalong ang sanggol at ang isa naman ay karga karga ni adrian . Ibinigay ng nanay nya ang sanggol at itinabi ito sa kanya at yong isa naman nasa kabilang gilid nya nilagay ni adrian tumolo ang kanyang luha ng masilayan ang kanyang kambal na anak.

Ah anak ano nga pala ipapangalan mo sa manga anak mo ?

Ang baby girl ko ang pangalan ay Dyrah izrah at ang baby boy ko naman ay si Daniel ace.

Wow kaygandang manga pangalan sige ipaparehestro ko nalang yong manga pangalan ng manga apo ko.

Ahmm rhea nagugutom kanaba gusto mo subuan kita para hindi kana mahirapan pa.?

Salamat adrian pero ako nalang kakain kaya ko naman .
Sige kung yan ang gusto mo rhea kumain kalang dyan marami akong dala na pagkain na paborito mo.

Pinakatitigan lang ni rhea ang manga natutulog na manga sanggol daniel ang gwapong bata matangos ang ilong may mahabang pilik mata mapupulang labi at ang puti halos na mana nya lahat kay darren . Habang ang kanyang anak na babae subrang ganda may matangos din na ilong maputi may magadang pilik mata mapulang labi pero parang hati sila ng mukha ni darren pagdating kay dyrah izra .

Sa isip nya siguro kung nakikita lang ni darren ang kanilang manga anak sasaya ito nang subra . At siguro subrang saya nang kanilang buong pamilya.

Hinawakan nya sa kamay ang manga anak at sinabing "i love you" mahal namin kayo ni papa. Madamdamin nyang salita sa manga anak na animoy naiintindihan ang kanyang manga sinasabi.

Nang matapos ang ilang araw sa hospital ay nakalabas narin sila at si adrian ang gumastos sa lahat kasi sa paniniwala ng iba anak nila ni adrian ang bata kaya hinayaan nya nalang ang lahat dito.

Ingat na ingat nyang inilagay sa crib ang manga bata nya na animoy babasaging cristal dahil sa malambot pa ang kanilang manga buto at natatakot sya baka ma bitawan nya ang manga ito pero mabuti nalang andyan ang kanyang ina na inaalalayan sya sa lahat kahit galit sya sa kanyang manga magulang ay unti unti nya rin natatanggap ang kanyang kinahantungan.

Naabutan nyang nagtitimpla nang gatas si adrian at animoy ito ang ama ng kanyang manga anak.

Ah adrian ako na dyan alam ko pagod ka galing trabaho.

Ah it's ok rhea kaya ko to handa akong gawing lahat para sa inyo ng manga bata kung mararapatin mo gusto ko sanang maging isang mabuting ama sa kanila kahit hindi naman nila ako tunay na ama.

Ahmm oo naman salamat huh kasi sa kabila ng lahat naging mabuti ka parin sa akin baka kung iba ang napakasalan ko baka mahirapan ako at hindi nya matanggap ang manga anak ko.

Hmm ano kaba asawa mo ako at dapat magkatuwang na tayo sa lahat hindi ko kayo pababayaan tandaan mo yan.

The Billionaire's Lost Son Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon