Chapter 35

330 0 0
                                    

Oh darren  ano nga pala pinamili mo?

Ah wala naman na aliw kasi ako dun sa bata naligaw ata buti nahanap naman nong nanay nya kaya ayun hindi ako nakapag pamili ok lang naman wala naman ako masyadong gustong bilhin.

Darren alam ko na awkward ka sa sitwasyon natin ngayon pero alam ko ang naalala mo kasintahan mo si france pero kasi bago ka nagka amnesia matagal na kayong wala ni france at may iba kang mahal na babae kaso nagka hiwalay kayo.

What do you mean daryl hindi kita maintindihan?  Anu ba pinagsasabi mo na may iba akong minahal?

Kasi darren bro nagkahiwalay kasi kayo ni rhea nong last time na inatake ka nang sakit mo hindi mo nakayanan ang break up nyo kasi nagpakasal sya sa iba kaya kayo nagka hiwalay.

Pero bro wag mo munang isipin yun maalala mo rin ang lahat. Wag mong pilitin sarili mo.

Nangakarating sila sa bahay nila ay halos hindi parin maintindihan ni darren ang kanyang nalaman tungkol sa manga sinabi sa kanya ni daryl ang naalala nya eh kung gaanu nya kamahal si france dati at paanu na nagkaroon sya nang iba eh halos umikot nanga ang mundo nya kay france.

Oh darren ok kalang anak parang may iniisip ka ata ah?

Ah ok lang po ako mom may iniisip lang pwedi hoh ba tayong mag usap mamaya may itatanong lang po ako.

Sige kung yan ang gusto mo pumasok kana at makapag pahinga ka alam ko pagod kayo sa pamamasyal sa mall.

Nang matapos maghapunan napag pasyahan ni darren na kausapin ang ina at nang maliwanagan.

Ano ba ang bumagabag sa isip mo anak alam mo wag mong pwersahin ang utak mo baka makasama sayo.

Ah wala naman po mommy talaga po bang ikaw ang mommy ko asan napo si lola?

Ah anak totoo na ako ang mommy mo nawalay ka sa amin nang ilang taon at  hanggang sa natagpuan ka namin ang lola mo naman na nagpalaki sayo matagal nang wala namatay sya dahil sa kanyang sakit.

Pero wag kang mag alala andito kami na pamilya mo hindi ka namin iiwan.

Mom totoo po ba na bukod kay France may ibang babae pa akong mahal?

Totoo yun anak bago paman naging si France at daryl ay matagal na kayong hiwalay at may isa kang babae na lubos mong minahal higit pa sa pagmamahal na binigay mo kay France subalit nagka hiwalay kayo.

Ah ganon po ba pwedi ko po bang malaman ang pangalan ng babaeng ito?

Rhea ang pangalan nya nag live in kayo  ng matagal magandang bata si rhea at mabait kasal na ngalang ang kulang sa inyo eh ang alam ko si rhea ang nag udyok sayo na kausapin mo kami para magkaayos na tayo kaya ayun nagkaayos tayong magpamilya.

Ganun ko sya ka mahal para sundin sya ang alam ko kasi sa sarili ko ayaw ko na dinidiktahan ako pero parang ganun ko sya siguro kamahal para lang sumunod sa kanyang gusto.

Sige ma salamat sa impormasyon magpapahinga na ako .

Sige anak sleep well goodnight.

Nang nasa kwarto na si darren hindi parin maalis sa isip nya ang babaeng gumugulo sa kanya sino ba itong babae at ganun nalang ito kahalaga sa kanya.

Rhea anu nga pala planu mo sa kaarawan ng kambal?

Pero lumilipad naman ang isipan ni Rhea habang tinatanong sya ni adrian.

Rhea ok kalang ang lalim ata ng iniisip mo....
Doon natauhan si rhea at tumingin sya kay adrian na kasalukyan na nagliligpit nang gamit kasi may flight pa ito papuntang ibang bansa dahil sa manga negosyo.

The Billionaire's Lost Son Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon