Kinakabahan ako pagkagising ko dahil nga may game kami jusko tapos iniisip ko pa yung nangyayari kay kuya, pagkalabas ko ng kwarto nakahanda na pagkain ko tapos si kuya naliligo may pupuntahan ata kaya nauna na akong kumain pagkatapos ko niligpit ko at naligo narin pagkarating ko sa taas agad nag ring phone ko.
[Hello CA si Sierra toh agahan mo huh para may warm up tayo] sabi niya
[ Ah sige maliligo na ako pahintay na lang ako salamat]
[Take Care CA]
[Ikaw din] agad kong binaba ang tawag at mabilis na pumasok sa banyo at naligo.
Pagkababa ko nagpaalam ako kay kuya agad akong pumara ng tricycle dahil baka late na ako nakakahiya kay Soerra siya na nga nagpahiram ng raketa eh ako pa tong mahuhuli.
Pagkarating ko sa school lakad takbo ang ginawa ko nakakahiya kasi sa kanila pag na late ako, pero noong malapit na ako naglakad na lang ako. Pagkarating ko sila jeya pa lang andon nag wawarm up na baka may dinaanan si Sierra kaya wala pa antayin ko na lang.
"Omg you're here na CA I'm sorry pinauna pa kita pero nahuli ako"
"No, it's fine"
"Start na tayo boys kalaban natin"
"G lang" sabi ko naman
Naging mabilis ang warm up namin at ngayon papunta na kaming gym lintek talaga ang kaba ngayon hindi ko alam kung bakit hindi ata ako sanay na madaming nanonood tapos mag chicheer, naalala ko nung high school nanood sila papa lintek muntik natalo kaya mula noon diko na sila pinanood ng laban ko.
"CA ok ka lang?" pagtatanong nila jeya
"Medyo kinakabahan daming nanonood eh" sagot ko naman
"Same pero enjoy lang keri toh guys manalo matalo atleast masaya tayo" nakangiting sabi pa ni ton
Agad kaming ipinatawag dahil first game kami sa doubles kinakabahan ako dahil matatngkad sila kahit hindi sila tumakbo makukuha nila bola. Nakipag toast coin kami at Panalo sila serve ang pinili kaya dikami lilipat ng court. Sa unang serve pa lang nila halatang expert pakshet kabilis ng bola halos diko mabalik.
"Sierra aalalayan kita huh basta balik mo lang ako na bahala nabasa ko na"
"Ah ok sige sige"
Pagkaserve ko naibalik nila kaya binalik din ni sierra pagkapablik samin nag sprint sila buti natsambahan kong pektusan. Dikit parin laban at talagang kinakabahan ako dahil sa lakas ng hiyawan ng tao tapos na ang singles a and b kaya buong atensyon masa amin.
Nag timeout bigla yung kabilang team kaya binulungan ko si Sierra
"Sierra short lang huh"
"O sige pero bakit?" napakamot ako sa ulo pumayag na nga lang nagtanong pa kung bakit
"Hindi sila mahilig maghabol ng bola Sie kasi mahaba kamay nila tapos tignan mo kung kaya mong ilagay sa may edge masyado din silang madikit sa table"
"Sige basta alalay huh ikaw na bahala hinahabol natin sila"
"Oo"
Naging mabilis ang laro at gaya ng napag usapan namin Sierra yun ang ginawa namin ang hirap nilang kalabanin dahil magaling sila super kaya natapos ang laban at panalo kami dahil sa short service ni Sierra.
BINABASA MO ANG
SURVIVOR
Non-FictionMaraming klase ng pagmamahal, may pagmamahal para sa kaibigan, magulang at sa sinisinta. May pagmamahal din na hahayaan tayong maging malaya, at may pagmamahal din nahanggang tingin na lang