Ngayon ang huling araw ng reviee kaya iyong iba nalulungkot iyong iba naman natutuwa dahil sa wakas tapos na at next week exam na. Nagkaroon kami ng kaunting salo salo kanina lunch ba, si Iris lang ang hindi nakisalo.
Pagkatapos non umiwi na kami sa apartment para iayos iyong mga gamit namin at uuwi na kami bukas. Habang papasok kami pinagmasdan ko iyong buong kwarto at naluha, naging saksi din ang lugar na toh sa oag iyak ko habang nag rereview.
Nakatitig lang ako mula sa labas nakita ko naman sila Hera na nag aayos na ng mga gamit nila, grabe siguro mas hindi ko kakayanin kapag sila iyong nawala sa akin.
Paika ika akong pumasok sa kwarto dahil hindi ko parin mailakad ng maayos itong paa ko, pero ayos lang, kumimirot parin lahat ng pasa at sugat ko pero nakakaya ko namang tiisin mawawal din ito.
Naupo agad ako sa kama ko para kunin iyong wallet ko dahil balak kong i-treat itong dalawa doon sa barbecue house diyan sa tapat may nakita din akong halo halo, aagd akong nagpalit ng jogging pants at maluwag na t-shirt para hindi maipit iyong mga sugat at pasa ko.
"Baba tayo, kain tayo barbecue sa baba" sabi ko at napatingin naman sila sa akin.
"Baka mahirapan ka maglakad" sabi naman ni Hera
"Kaya ko pipilitin ko, tara?" sabi ko pa at gumalaw na sila
Habang pababa kami nakaalalay lang sila sa akin baka daw madulas ako at lalo akong mapilay kaya hinayaan ko na lang sila at baka mapagalitan ako, wala ako sa mood para mapagalitan.
Noong nasa barbecue house na kami nag order lang kami ng isaw, barbecue, betamax, ulo ng manok, at hotdog na tig aanim. Pagkatapos non nag order ako ng halo halo kaso pang ten pesos na lang daw ang pwede. Kako naman pa kuha na lang nong gatas na powder at yema na tatlo at padala na lang doon sa table namin at tumango naman si ate.
Noong pababa na ako napatakbo sa akin si Hera kaya sabi ko ayos lang ako, sabi niya naman mas maigi daw iyong nag iingat. Paglaupo ko iniunat ko ang paa ko para hindi masyadong kumirot.
"Kailan mo pa ito nakita CA?" tanong ni Sierra
"Kailan lang, huwag kayong mag alala libre ko" sabi ko at nag ningning ang mga mata nila
Naunang dumating iyong halo halo kasama iyong powdered milk at yema. Nagatataka man ay gunaya lang nila ako at ibinuhos ang buong pack sa halo halo na ang sangkap lang ay saging gulaman kamote at beans. Pagkatapos kong ilagay ang powdered milk ipinatong ko naman ang yema.
"How's it?" tanong ko pa habang tinitikman nila.
"Hindi ko alam na pwedeng lagayan ng yema ang halo halo" sabi naman ni Sierra
"It's nice, I like it" sabi naman ni Hera
"Ganto lang meryenda ko dati, napag bawalan lang ni kuya simula noong na hospital ako, pero masarap naman diba?" tanong ko at tumango naman sila.
Hindi na nila nagawang sumagot dahil dumating na iyong pagkain namin. Hinayaan ko lang silang kumain dahil alam kong bibihira silang kumain ng ganito. Mayayaman eh, advantage naman siguro ng average person nagagawa mo iyong kumain sa labas na walang bodyguard. Nokn kasing una kong makita si Sierra at Hera may bantay eh pangit lang.
Habang kumakain sila nabubusog naman akong tignan sila dahil kahit papaano napasaya ko sila, kahit papaano nalimutan nila iyong problema nila. Sana kahit kaunti nabawasa iyong pain nila, dahil magsinungaling man sila gamit ang bibig nila hindi naman ang mga mata nila.
BINABASA MO ANG
SURVIVOR
Non-FictionMaraming klase ng pagmamahal, may pagmamahal para sa kaibigan, magulang at sa sinisinta. May pagmamahal din na hahayaan tayong maging malaya, at may pagmamahal din nahanggang tingin na lang