Maaga akong nagising para tumulong sa paglilinis dahil nagkalat ang mga bote at lata ng alak jusko iyong iba nga sa garahe na natulog eh iyong iba naman umuwi narin kaninang alas doon.
Medyo hilo pa ako dahil medyo madami din ang nainom ko pero kaya naman. Noong nakita ako nila manang nagulat pa sila at bakit kaaga kong nagising.
“Eh manang tutulong nga ako, tapos ikaw doon na sa loob at magluto ka na lang, nagbubuhat pa kasi mamaya madulas ka” sabi ko pa sa kanya
“Eh iilan lang kayo dito oh” sabi niya pa pero inakay ko na siya papasok sa bahay
Pagkalabas ko nakita kong may mangilan ngilang upuan pang hindi naayos kaya tumakbo ako para ayusin. Pagkatapos ko doon inipon ko ang lata ng berr tapos iyong mga bote ng alak.
Pagkatapos naming iayos iyong mga upuan at mesa, nalinis na din namin iyong paligid inaantay na lang nila mang mando iyong kukuha. Nagpunta naman kami sa may pool at tinanggal ang tubig para kapag nagawi iyong dalawang bulinggit hindi sila malunod.
Habang unti unting nawawala ang tubig sa pool nakikita ko ang mga piso sa may lapag ng pool may mga wrapper pa ng candy. Bababa sana ako kaso bigla na lang sumakit ang ulo kaya hindi na ako bumaba.
Noong tapos na kaming maglinis dokn sa pool pumasok na kami sa bahay at nakita kong nagpa-paalam na iyong iba kay kuya, at noong makita ako nagpasalamat sila kaya tumango ako.
Noong makarating ako sa loob nakita ko ang dalawang bruha na umiinom ng kape kaya tumabi ako sa kanila. Muntik oang maibuga ni Sierra sa akin dahil sa gulat.
“Ayusin niyo sarili niyo ang pangit niyo ngayon” sabi ko
“Bakit naman namin aayusin sarili namin?” tanong ni Sierra
“Linisan niyo iyong kalat niyo kagabi, Sa susunod lakasan niyo pa uminom, mga mahihina pa kayo eh ts” sabi ko bago umalis.
Agad akong dumiretso kay manang at humingi ng tubig. Tinanong ko kung tapos na siyang magluto at malapit na daw kaya umakyat muna ako sa kwarto.
Napatingin ako sa baba at nakita ang dalawang bruha na diring diri sa kalat nila hahaha. Agad akong pumasok sa banyo at naligo alas nuebe na pala, kailangan kong pumunta sa Nerajo ngayon kasi kakausapin daw ako noong may ari.
Pagkatapos kong maligo nag palit lang ako ng long sleeve na Floral at slacks tapos heels. Pagbaba ko nagpaalam ako doon sa dalawa at sabi na ingat ako.
Pwede kong ibigay iyong ino-offer sa akin doon sa isang company kay Sierra tapos iyong isa kay Hera. Ang Nerajo ay isa sa pinaka malaking Company dito kaya gusto ko.
Dito rin sa amin ang Main branch pero may ibat ibang branch na sila sa iba’t ibang panig ng Luzon. Habang nagmamaneho pinuno ko ng magandang at positibong enerhiya ang sarili ko.
Noong nasa harap na ako ng Nerajo nakita ko ang napakalaking building. Habang tinitignan ko ang building kinakabahan ako pero alam kong kaya ko ito para sa kanila at para sa sarili ko.
Pagpasok ko sa lobby nila tinanong ko kung anong floor si Mr. Gamboa, pero bago sabihin sa akin iyon tinanong niya muna ako kung anong pangalan ko kaya sinabi ko at tumawag siya sa floor ni Mr. Gamboa at pinatuloy ako sa 15th Floor.
Habang nasa loob ng elevator nagbibilang ako, minsan ay tinatapik ko ang dibdib ko para hindi ako kabahan minsan hinihipan ko ang thumb ko at effective naman.
Noong narinig ko ang pagbukas ng elevator napabuntong hininga pa ako at lumabas. Agad akong naglakad sa hallway may mga empleyado pang nakakakita sa akin at nagtataka kung bakit akong nandito.
Office of The Chief Executive Officer sabi doon sa may pinto kaya kumatok ako at narinig ko ang boses niya na sabing come in kaya dahan dahan kong pinihit ang door knob.
Sumenyas sa akin si Mr. Gamboa na lumapit kaya iyon ang ginawa ko. Agad akong lumapit, iyong lakad ko papunta doon sa harap hindi ko alam kung nakailang buntong hininga na ako. Isinenyas niya pang maupo ako kaya sumunod naman ako.
Agad kong inabot sa kanya iyong mga dala kong papeles tapos inaaral niya itong mabuti at minsan ay napapangiti pa. Grabe siguro mga nasa mid thirty palang si Mr. Gamboa.
Noong matapos niyang tignan iyong mga papel ko tinanong niya lang ako ng mga bagay bagay tapos sinabi niya hired na ako as Accounting Manager sis agad agad wew, iba feeling ko dito.
Sinamahan niya pa ako doon sa magiging Office ko. Nakota kong maluwang iyon, may isang cubicle din doon sa gilid para daw sa secretary ko wew katuwa naman.
Napahawak pa ako sa table ko tapos doon sa swivel chair at naluluha is this a dream, kung nananaginip ako paki sapak ako. Pero hindi eh totoo and Yes I am now fulfilling my Dream.
“Rain na lang o Matthew masyadong formal pag Sir I’m just five years older than you” sabi niya at natawa “Oh by the way I have something for you tomorrow, pwede ka ng umuwi ngayon tapos bukas you can start” sabi niya pa habang nakangiti
“Thank you sir I mean Rain thank you uwi na ako huh, kung may ipapatrabaho ka lapag mo na lang dito ako na bahala bukas” sabi ko pa
Iyong ngiti ko hindi na maalis habang papalabas ako ng Company. Habang nasa loob ako ng sasakyan nagapapamusic lang ako tapos nag head bang pa hahaha.
Dumaan ako sa Alice at nag order ng Wings at Fries para sa amin, dumaan din ako sa Cafè ni Tim at bumili ng doughnuts at Cake. Noong pauwi na ako nadaanan ko iyong isang bata kaya inabutan ko na lang nong Fries ko.
Pagkarating ko sa bahay agad kong tinawag iyong nanny nila Isaac para tulungan ako. Tinanong ko kung nasaan ang dalawang bruha ang sabi umuwi dahil may interview din daw kaya tumango ako.
Pagkapasok ko agad nagpabuhat saakin si Ireful at humalik sa pisngi ko kaya tuwang tuwa ako. Pinahanda ko kila manang iyon inuwi ko at binuksan ang tv para manood ng movie.
Habang kumakain kami hindi ko mapagiling mapangiti dahil nakikita kong masaya sila. Bagaman hindi nila alam kung ano ang dahilan, wala muna akong balak ipaalam dahil mas maiging sikreto muna.
Noong gabi na ay dumating sila kuya at Ate. Sa sala na kami kumain dahil hindi namin maiwan iyon pinapanood namin. Pagkatapos non tumulong ako sa pagliligpit ng pinagkainan bago tumaas.
Pagka akyat ko agad kong iniayos ang gagamitin ko para bukas napili ko ang isang Pecil cut na skirt tapos isang Long sleeve na stripes at heels. Inilagay ko sa bag ko ang extrang damit panyo at hygiene kit.
Naging mabilis ang araw at ngayon ang ikalawang linggo ko dito grabe ang babait ng mga tao. Si Hera ay napunta doon sa ojt place namin si Sierra sa banko. Grabe si Athena na lang.
Habang gumagawa ako ng report nakita kong aligaga iyong sekretarya ko kaya agad kong tinapos ang report at lumapit sa kanya. Nagulat pa siya noong nakita akong nasa harap na niya.
“Ano ang Problema?”pormal na tanong ko pa
“Maam kasi, a-no.. Ano iyong anak ko na ospital, Kailangan daw ako doon. ” sabi niya kaya tumango ako at napatingin sa relo ko.
“Sige balik ka mamayang twelve, ten pa lang naman, puntahan mo na at baka hinahanap ka” sabi ko at napayakap pa siya sa akin habang umiiyak at nagpapasalamat
“Magiging ayos din ang anak mo huwag kang mag aalala” sabi ko pa
Agad kong tinapos ang trabaho ko at nakita kong nag text si Sierra kung pwede daw bumisita kaya sabi ko oo. Naghintay ako ng ilang minuto at narinig ko ang boses niya sa labas kaya pinatuloy ko.
“Huy sis I miss you stress na ako” sabi niya at yumakap sa akin.
“Same pero ayos lang” sabi ko
“Gaga si Hera nag stress eating na” sabi niya pa “Grabe Accounting manager pala agad?” tanong niya pa ako at tumango ako at hinampas ako
“Nahihiya nga ako kasi tinatawag akong Ma'am hindi ako sanay whew hahaha” sabi ko pa
“Im so Proud para sa atin” sabi niya pa
“Walang work?” tanong ko
“Meron, lunch break na namin” sabi niya.
“Ay weh lunch na” sabi ko pa at malapit ng mag twelve
Agad kaming bumaba at nag kwentuhan grabe naiiyak pa siya kasi sa wakas daw pwede na siyang lumayas sa bahay nila hahaha. Nakita ko iyong pinagbago ni Sierra mas nag bloom siya ngayon at iyon ang masaya.
Masaya akong makita silang masaya na. Iyon ang isa sa pinakamahalaga sa akin ang masaya iyong mga taong mahal ko, iyong hindi lang basta masaya kundi sobrang saya at walang halong lungkot iyong saya nila, nakaka ginhawa sa pakiramdam aat napaka sarap panoorin. Kung sa kanila ang Best View ay iyong mga lugar na napupuntahan nila sa akin iyong masayang ngiti ng mga mahal ko sa buhay.
BINABASA MO ANG
SURVIVOR
Non-FictionMaraming klase ng pagmamahal, may pagmamahal para sa kaibigan, magulang at sa sinisinta. May pagmamahal din na hahayaan tayong maging malaya, at may pagmamahal din nahanggang tingin na lang