Pagdating ng biyernes nagising ako ng maaga at nagpunta sa mall para bumili ng regalo sa kanya, ibibili ko lang siya ng isang polo wala na akong maisip eh tsaka isang notebook wala akong alam sa pagreregalo eh.
Pagkarating ko doon naglibot libot muna ako at kumain dahil nagugutom na ako kumuha lang ako ng isang Hawaiian Pizza, Sour Cream Fries tapos Coffee Jelly o diba bawal sa kape pero nag coffee jelly.
Agad kong kinain iyon pagkatapos ko makahanap ng mauupuan dahil maraming tao ngayon, yung tatlong bruha magkakasama dahil magpapagupit daw bukas na ako hindi nila ako inantay eh.
Pagkatapos kong kumain nagpunta na ako kaagad sa isang store para pumili sana ng polo kaso nakita ko iyong isang hoodie na black na may naka print na Trust the Process kaya imbis na polo ang bibilhin ko napunta ako sa hoodie pagkatapos kong bayaran iyon nagpunta ako sa bookstore.
Pagkapasok ko pa lang siksikan na ang daming mga SHS students na may exam ata ewan basta parang nag rarush sila eh, hindi ko na lang silang pinansin at dumiretso sa mga notebooks tapos meron din doon mga pwedeng gawing diary kaya napili ko iyong parang diary na kulay black tapos may print na SURVIVOR pagkatapos non kumuha ako ng black box para sa lalagyan at ribbon na silver.
Pagkarating ko sa inayos ko na kaagad ang regalo ko tapos nag sukat lang ako sa may unang page ng notebook ng HAPPY 21ST BIRTHDAY DOC GODBLESS pagkatapos non ang itinali ko na ang silver ribbon ng maayos at inilagay iyon sa ilalim ng kama at baka makita ni kuya.
Pagkatapos kong sagutin iyon sinagot ko ang tawag ni Hera tapos nakipag video call na dahil ipapakita daw nila ang mga buhok nila
“Girl maganda naman diba?” tanong ni Hera sakin
“Oo ang cute lang bagay sayo iyong dalawang bruha nassan” tanong ko naman sa kanya
“Nandito katatpos lang nila” kumaway naman sila Sierra at Athena
Nagpagupit ang mga bruha tapos nag pakulay iyong kay Athena Green pero saka lang makikita kapag nasinagan ng araw iyong kay Hera sa ilalin lang pero kulay red half red at half black mas nagingibabaw nga lang iyong black si Sierra naman nag pa highlights lang ng grey at bumagay naman sa kanya
“Sismarz ikaw kelan ka mag papagupit” sabi ni Sierra
“Bukas balak ko din magpakulay” sabi ko na ikinaliwanag ng mata nila
“Ay oo pala baka makalimutan ko pinapasabi ni kuya Xy invited daw kayo bukas” sabi pa ulit ni Sierra
“Shetss wala kaming regalo” sabay na sabi nila Hera
“Ayos lang yan mayaman naman kayo eh” sabi ko at nakitang ngumuso pa sila
“Saan ba daw ba gaganapin?” tanong naman ni Athena
“Ah oo sa Resort nila kuya, Pool Party ba” sagot naman ni Sierra
“Saan naman ako sasakay eh iyong kuya kong Engineer kasama na bukas ni ate Xeya” sabi ko
“Ah Sabi ni Kuya susunduin ka daw niya by six” sabi naman ni Sierra na ikinabigla ko
Pagkatapos nong pinatay ko na ang tawag at natulog lang ako ng natulog nagising lang ako ng kumatok si kuya at sinabing papasok daw at may sasabihin.
“CA”pagtawag niya sa akin
“Yes Engineer” sabi ko at napangiti siya
“Hindi ako sanay, nga pala bukas invited tayo sa party ni Xy birthday niya eh at si Xy ang susundo sayo”
“Grabe ayaw mo ba talaga akong isabay?” tanong ko sa kanya na ikinatawa niya lang
“Ok na sa akin mag shorts ka pero wag masyado maikli, eto binilhan ka namin ng ate Xeya mo” sabay abot sa akin ng paper bag na may maong shorts tapos sandals na white at may kaunting heels tapos hindi ko alam kung ano tawag don sa pang taas parang tube lang siya tapos may makapal na strap.
“Halla bat ganto?”
“Ate Xeya mo pumili diyan wag mong sabihing ayaw mo?” tanong ni kuya
“Hindi naman, kuya magpapagupit ako bukas tas magpapakulay ng buhok ” diretsong sabi ko at itinakio kaagad ang unan sa mukha ko para hindi niya mapitik ang nuo ko
“Geh ayos lang iying regalo ko sayo sa birthday mo na lang din dana magustuhan mo iyon” nakangiting sabi niya pa
“Salamat Bossing Engineer” sabi ko at saka siya niyakap
“Para sa ikasasaya ng Prinsesa ko” sabi niya pa
Pagkatapos non bumaba kami at kumain dahil naguguton na ako ang sarap ng pagkain, napasulyap naman ako sa relo namin at apat na oras na lang birthday na ni Doc bukas ko na lang batiin.
Pagkatapos kumain piaakyat agad ako ni kuya mukhang may itinatago sa akin nakakainis pero kung ikasasaya niya naman sige lang pagkaakyat ko nagpalit agad ako ng damit at humiga na sa kama ko.
Agad kong nakuha ang tulog ko pero nagising ako at ala una na pala birthday na ni doc babatiin ko sana siya kaso naisip kong makikita ko din naman siya mamaya at tsaka mas magandang batiin ng personal.
Ipinagpatuloy ko ang pagtulog at nagising ako als nuebe trenta na naman pala kaya bumaba ako para maglinis sana kaso malinis na may pagkain narin don naka styro pa tapos may note na EATWELL MASTER kaya kumain ako at pagkatapos naligo nagsuot lang ako lants at black shirt.
Agad akong nagpunta sa parlor para magpagupit at agad naman akong inasikaso tinanong pa ako kung anong gupit ko kaso hindi ko alam, pagkatapos kong magupitang tinignan ko ang buhok ko sa salamin pacurve iyong dulo niya parang kung sa shape sana is yung dulo ng oblong basta ganon, pagkatapos non agad akong pumili ng hair color at napagdesisyunan kong ash blonde ang kulay
Nagtagal iyong ng ilang oras at naasar na ako dahil nangangati na ang anit ko buti tumawag sila sa gc namin.
“Hoy CA uso ipakita mukha” sabi ni Athena
“Mamaya dipa ako tapos” sagot ko naman
“Nagpagupit ka ba talaga?” tanong naman ni Sierra
“Yes madam” sagot ko kay Sierra
“Omg girl hanggang saan diba nagpakulay ka?” si Hera naman
“Hanggang sa may kili kili lang tapos nagpakulay ako ash blonde, mamaya na lang ulit at babanlawan na raw” hindi ko na pinatapos ang mga sasabihin nila at pinatay ang video call
Paglabalaw sa akin iblinower agad at sinuklay suklay pa tapos binigyan ba ako ng hair clip ng kulay white na may pearl sa gitna free daw kaya nagpasalamat na lang ako.
Pagkarating ko sa bahay natulog muna ako dahil baka antukin lang ako mamaya sa party gusto ko din naman mag enjoy mamaya at para makalimutan ang mga pinapagaw sa amin ng mga prof.
Sakto alas singko ng magising ako at napagdesisyunan kong magshower pagkatapos non isinuot ko ang bigay ni kuya sa akin naglagay lang ako ng kaunting tint sa bibig ko para di magmukang pale tapos sa may pisngi ko, hinayaan kong nakalugay ang buhok ko at inilagay ang clip na bigay kanina sinadya kong sa isang side lang ilagay ang clip.
Pagkatapos kong ayusan ang sarili ko inilabas ko angregalo ko at kinuha ang shoulder bag doon para ilagay ang panyo tint at wallet ko wala naman akong balak maligo sa pool kaya eto lang dala ko.
Pagkalabas ko ng kwarto narinig ko agad ang busina ng kotse kaya alam kong nandiyan na si Xy kaya kinuha ko ang susi ng bahay at inilock ang pinto ganun din ang gate.
Agad naman akong sinalubong ni Xy ng ngiti at ipinagbukas pa ako ng pinto na ikinagulat ko naman, pagkapasok ko ay umikot naman siya para umupo sa driver seat, pagkapasok niya inabot ko sa kanya ang box na naglalaman ng regalo ko.
“What is this?” tanong niya
“Gift” sagot ko
Binuksan niya naman agad iyon at nagulat pa siya magsasalita sana ako kaso bigla niya akong niyakap at nagpasalamat.
“Sorry iyan lang” sabi ko
“It’s ok lahat naman espesyal” sagot niya at tumango na lang ako kahit diko gets “ahm why did you give me a notebook or what do you call this one” turo niya sa notebook na ibinigay ko
“Wala lang in case na wala kang kausap pwede mo isulat diyan, kung stress kana pwede mo ilagay diyan pwede mo din amini diyan kung sino gusto mo, at least yan hindi ka huhusgahan diba?” sabi ko sa kanya.
“Yes thank you for this my gift for you mamaya na lang din” nakangiting sabi niya pa
Pagkatapos ng paguusap na iyon ay nagpunta na kami sa Resort nila medyo malayo pala kaya napagdesisyunan kong mag story sa Ig ko, makalipas ang ilang oras nakarting kami at mag alas otso na pala.
Pagkarating namjn don hinanap ng mga mata ko ang mga bruha at nakita ko sila don sa may upuan na pang apatan, nakita rin nila ako at tinawag kaya nagpaalam muna ako kay Xy.
Pagkarating ko don nakita ko na naman ang nanunuksong tingin netong tatlo kaya kinunutan ko sila ng nuo.
“Ano titignan niyo lang ako?” tanong ko pa
“Siz ang ganda mo tapos sana all sinusndo ng isang Xyrille” sabi naman ni Sierra
“Gaga edi ikaw na” sabinko sa kanya na ikinatawa naman nila
Agad nagumpisa ang party at puro kessage message lang nagulat pa ako ng tawagin ako ng emcee kaya inulit pa ang pangalan ko pagkarating ko sa may maliit na stage binulungan ko si Xy kung bakit pati ako sagot niya ako daw pinaka close niyang babae maliban kay Sierra kaya pinagbigyan ko na.
“Happy 21st Doc, ahm, sana bawasan mo na pagiging suplado mo and I hope you can be the best pediatrician in this country, Thank You at alam kong alam mo na iyon, God Bless sa Journey mo Happy Biryhday ulit” sabi ko habang nakatingin sa kanya at bumaba ng stage.
Pagkatapos kong magsalita naghiyawan pa ang mga barkada niya at sumali pa sila Sierra pero hindi ko na lang pinansin.
“Taray may Pa Happy 21st Doc” sabi ni Athena habang ginagaya ang boses ko.
“Siz gandang ganda ka ngayon” sabi ni Sierra
“Truth you look mature with your new hair style tapos you look sexy with your outfit kanina kapa tinitignan nung mga taga Engineering” sabi naman ni Hera
Hindi ko sinagot ang pahayag ni Hera dahil nag serve na ng pagkainang server masarap naman iyong pagakin sana kung may tubig na kasamng isinerve kaso wala etong tatlo Alak ang ininom kaya Hinanap ko kung nasaan nakapwesto ang buffet at nandon siya sa may bungad kaya nagpunta ako don kaso wala din daw tubig.
“What are you looking?” nagulat pa ako ng dumating si Xy
“Tubig I’m not fond of alcoholic drinks you know” sagot ko
“Ah Yeah I know that nabanggit ni Kuya PJ so we bought you a Chuckie” sabi niya pa at inilabas sa likuran niya ang apat na chuckie sa harap ko at inilagay ang straw
“Thank You pero wala bang tubig nauuhaw narin talaga ako” sabi ko at sinamahan niya naman ako sa isang kubo dahil nandoon daw iyong tubig
Pagkarating kumuha agad ako ng plastic cup at inamoy iyon inamaoy ko din ang tubig at baka may halong alak kaso wala kaya uminom agad ako. Natawa pa siya sa itsura ko dahil dire diretso akong uminom kaya sinamaan ko lang siya ng tingin.
“You’re not going to Swim?” tanong niya sa akin na agad ikinailing ko
“Hindi malamig na mahina ako sa lamig baka lagnatin pa ako bukas eh birthday ko ayaw ko naman non” sabi ko sa kanya
“Ohh We have inflatables pwede ka don” sabi niya pa
“Mababasa din ako I will watch you guys na lang ok”
“Ok ok but can you drink atleast one beer?” tanong niya kaya nagulat naman ako
“I’ll ask kuya” sbai ko sa kanya
Pagkatapos non ay agad akong nagpunta sa table nila ate Xeya may iba pa silang kasama ni kuya na hindi pamilyar kaya lunapit ako.
“Kuya pwede ako uminom” sabi ko
“Ikaw ba kaya mo ba yang puso mo huh” sabi niya
“Isa lang naman hiling ni Xy ang hirap hindian birthday eh” sagot ko sa kanya
“Geh isa lang papanoorin kita” sabi niya tapos ang sama ng tingin sa akin
Pagkatapos non ay bumalik agad ako sa table namin at kinuha ang isang beer in can sa table namin at tumikim kaso putakte ang pait, hindi ako sanay.
“Ayan kala mo kaya mo ah” sabi ni Athena
“Gaga isa lang” sabi ko
“Uy Lasingin natin toh” sbai nila
Inunti unti ko ang paginom ko kaso nahihilo ako kaya mabilis kong tinungga ang natitirang beer at ipinikit ang mata ko tapos etong tatlo sa paligid ko may tinatanong na naman
“CA sino iyong gusto mo sa school?” tanong ni Sierra
“Hoy hilo lang ako pero hindi ninyo ako mapapaamin” sagot ko at mulhang dismayado sila.
Huminga ako ng malalim at agad na tumayo pinipigalan pa ako nung tatlo kaso desidido ako pumunta ako don sa may hawak ng guest list at humiram ng marker at pinirmahan ko ang hawak na can ng beer.
Agad na hinanap ng mata ko Si Xy at nakita ko soya sa may pool saktong lumingon diya sa gawi ko at tinawag ko naman diya gamit ang kamay ko, umahon naman agad siya at nagpunta sa akin, pagkarating niya inabot ko ang can ng beer at nagtaka siya.
“What is this it’s empty” saad niya
“Turn it” sabi ko at agad naman niyang nakita angpirma ko don na may dtae tapos may HBD Xy pa na nakalagay.
“You should’ve called me” sabi niya
“Para naman saan” sabi ko
“Para napanood kitang uminom hahahahha” ang ganda ng ngiti niya ang ganda ng boses niya potek
“Baliw, sa susunod hindi na ako iinom sakit sa ulo”
Hindi ako sinagot at hinatak sa may open area para makita ang fireworks potek ang ganda ganda ibat ibang kulay iyong nakikita ko pero mas malinaw iyong yellow.
“It’s already Twelve midnight my birthday is over, Hapoy Birthday Ethereal” sabi niya pa at narinig ko rin ang ibang tao
“Salamat” sabi ko lang
Ikinuha niya ako ng tubig para mawlaa ang tama ng alak kaso parang walang epekto at gusto ko ng matulog iyong tatlo kong kaibigan nakahanp na ng lalandiin ako wala dahil andyan si kuya.
Hindi ako iniwan ni Xy at tahimik lang naming pinapanood ang mga kaibigan ko at mga bisita niya na nagkakasayahan na iyong iba lasing na at nahuhulog sa pool pero nagkakaroon ng ulirat kapg tumatama sa tubig ang katawan.
“Here” sabi ni Xy sa isang Yellow na box at tinanggap ko din iyon
Pagkabukas ko puro yellow lahat karga non yellow na higlighters shirt at iba pa pero ang pinaka nagustuhan ko don iyong yellow pen.
“Thank You” hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap siya
“Are You crying?” tanong niya
“No” sabi ko
Agad niyang tinanggal ang yakap ko sa kaniya at tinignan ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko tinanong niya ako kung bakit at sinabi kong masaya lang ako.
Totoo namang masaya ako dahil kahit papaano nakalimutan ko iyong kila papa hindi ko pa napapakawalan eh, dapat ngayon pakawlaan ko na ayaw ko narin mahirapan ang sarili ko.
Pagkatapos kong iayos ulit ang regalo niya sa akin ay lumabas ako at umupo sa may tapat ng gate ng resort nila nagulat ako ng biglang tumabi sa akin si kuya kaya inayos ko pagupo ko
“Happy Birthday Master mahal ka ni kuya iyong regalo ko sa bahay” sabi niya at niyakap ako at hindi ako sumagot.
Kahit pala ganon kasakit iyong punagdaan mo in the past there are person na ipaparamdam sayo kung gaano mo ka deserve mahalin wala na akong mahihiling pa siguro kung meron man iyon kasiyahan na lang na wag ng bawiin pa ng panahon.
BINABASA MO ANG
SURVIVOR
Non-FictionMaraming klase ng pagmamahal, may pagmamahal para sa kaibigan, magulang at sa sinisinta. May pagmamahal din na hahayaan tayong maging malaya, at may pagmamahal din nahanggang tingin na lang