Dumiretso kami nila Hera sa bahay dahil doon ang celebration kaya nandoon din ang parents nila. Todo Picture pa kami ang cute lang kasi sa amin na iyong Toga tapos papagawa sila next year ulit. Habang nasa biyahe papunta sa bahay naluluha ako kanina pa habang kinakanta iyong graduation song namin ewan ko ba.
Pagkarating sa bahay nagulat pa ako noong pagpasok ko dahil may pumutok poppers pala at sila manang ang may pakanan kaya nagpasalamat ako. Pag akyat ko sa kwarto nag palit lang ako ng Blouse at maong shorts tapos naka slippers na.
Nakapalit narin sila Hera,Sandali lang daw kami dito eh anong oras pa lang alas singko pa lang, eh iyong party sa school alas otso naman mag uumpisa. Habang inaadikaso iyong mga bisita dahil ang dami palang kakilala nila tita, todo bati naman sila at nagpapasalamat ako.
Nagulat pa ako dahil inilabas ni mama sa kwarto ko iyong medal na natanggap ko kanina pati rin iyong certificate ko at ipinagmamalaki sa mga kakilala jusko, hindi pa ako CPA eh.
Kaunti lang ang kinain namin dahil may kainan din mamaya sa school ewan ko sa SC kung paano iyong party na ginawa nila. Habang kumakain kami dumating sila Iris at Xy. Nakita ko pang napatingin sa akin iyong mama ni Xy.
"Hoy ok ka lang?" tanong ni Sierra
"Oo naman hayaan niyo na makakwala din ako"
Pagakatapos naming kumain umakyat agad kami sa kwarto para mag palit dahil alas siete na. Ipinasuot nila sa akin ang hapit na hapit na dress na kulay pula at heels na kulay itim ibinun pa nila iyong buhok ko. Si Hera ay may slit ang suot na kulay itim sakto lang dahil naokaganda naman ng legs niya. Si Sierra backless talaga pero may pa ekis sa likod hapit din sa kanila.
Bago kami umalis nag paalam muna kami na pupunta na sa school namataan ko pa si Iris na nakatingin sa akin o sa amin habang palabas. Sasakyan ko ang gagamitin,dala ko ang isang purse at iying camera na regalo ni kuya sa akin kanina ko lang naalala itong regalo.
Habang nasa biyahe kami nagcheck ako ng social media accounts dahil nagprisinta si Hera na siya ang mag drive nakita ko iyong tav photo niya sa akin. Tinotoo nila iyong sa picture namin ni Xy kaya naoakaraming nag retweet kaya nilike ko na lang at nagpalit ng icon tagal na netong icon ko birthday ko pa ito noong first year.
Pagakarating namin sa school rinig na iyong napakalakas na sounds kaya agad kaming bumaba at dumiretso doon, pagkarating namin ay may nagsuot sa kamay namin ng ribbon sa akin yellow kay Hera green kay Sierra Blue at sabi huwag daw naming tanggalin iyon.
Agad kaming nagpunta sa table nila Jeya, Barkada talaga namin sila eh mas close lang siguro kaming tatlo. Nagumpisa na sila Kris Ton at Tim na uminom mukhang nkakarami na nga.
"Ang ganda ni Baby mo oh Tim" sabi ni Ton sa kanya
"Syempre alaga ko, joke" sabi niya dahil sinaaam ko siya ng tingin
"Grabe pagkapasok niyo palang na tatlo napatingin na lahat sa inyo" sabi ni Jeya
"Of course" sabi pa ni Hera at hakatang nagmamalaki.
"Imagination mo lang iyon Jeya" sabi ko naman at umiling siya.
Napansin ko naman ang dalawang bakamtwng upuan sabi kasi nila kami kami lang sa iisang table eh balit may sobra, dahil na curious ako tinanong ko sila
"Sino uupo sa dalawang upuan?" tanong ko at si Kris ang sumagot
"Wait lang, ay ayan na pala sila kuya Xy dito, Iris" tawag niya kaya napatingin kami doon at nakita ko si Xy na naka semi formal, naka fix pa ang buhok niya napaka gwapo lang tignan.
Habang pinagmamasdan ko si Xy, naagaw naman ni Iris ang suot ko at halos parehas sila ng suot ni Sierra iyong kanya kulay pula kagaya ko pero ang disenyo gaya kay Sierra.
BINABASA MO ANG
SURVIVOR
Non-FictionMaraming klase ng pagmamahal, may pagmamahal para sa kaibigan, magulang at sa sinisinta. May pagmamahal din na hahayaan tayong maging malaya, at may pagmamahal din nahanggang tingin na lang