I don't know what to feel I'm enaged na, tapos ngayon mamamanhikan na sila dito sa bahay. Hinihintay na lang namin sila dahil galing pa sila sa Ecija kaya malayo pa biyahe nila.
Noong nalaman nila Mom at Mama ay tuwang tuwa sila eh. Iyong dalawang kuya ko ay tuwang tuwa dahil umayon daw sa plano nila iyong ginawa nilang pag set up sa amin, Si ate ay masaya din sa akin dahil sa wakas daw ay masaya na akong tunay.
Habang hinihintay sila ay nandito lang ako sa sala naka shorts nga lang eh tinatamad ako magpalit. Katabi ko sa couch si DAP at hindi pa naliligo kanina ko pa sinasabi na darating ang Daddy niya eh.
"Mommy after the wedding, magkaroon na po ako ng baby sister?" tanong niya at nagulat ako
"Sino nagsabi niyan sa iyo?" tanong ko
"Lola and Tito" sabi niya at napatampal ako sa noo
"I don't think so baby, halika na let's take a bath na" aya ko sa kanya pero hindi sumama kaya nauna na ako sa kwarto. Pagkapasok ko dumiretso ako sa banyo. Hinayaan kong umagos ang tubig sa katawan ko at pinaglayag ang isip ko.
Kung nandito si Ate Xeya alam kong masaya siya para sa amin. Pagkatapos nito ay pupunta kami sa puntod ni dad dahil iyon ang sabi ni Xyrille. Magpapaalam daw siya sa daddy ko.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako at nagpalit, nagsuot lang ako ng short at white shirt. Noong pababa ako ay nakita kong nakatingin sa akin si Xyrille.
Pagkababa ko agad kong binati sila Tita, nandito rin sila mama lahat sila ay nandito. Napansin ko ang pag kailang ni Ate Tyche kay Kuya Pj kaya natatawa ako sa kanila at the same time natutuwa.
Agad silang pinaupo ni Mommy pinaghiwalay kami ng upuan ni Xyrille, nasa may left side ako siya naman ay sa right. Hindi nga kami nakikinig tamang landian lang kami at buti na lang hindi napapansin nila Mom.
Noong tapos na ay nagpaalam kaming pupunta sa Memorial para bisitahin si Dad. Habang naka hawak si Xyrille sa bewang ko ay tinutukso nila kami. Isasama sana namin si DAP kaso kami na lang daw muna para makausap namin ng maayos si Dad.
Dumaan muna kami sa isang flower shop at bumili ng Flowers at dahil walang Sunflower ay nag white rose kami. Bumili din si Xy ng dalawang can ng beer tapos pagkain.
Habang nasa daan kami hindi parin nawawala iyong ngiti ni Xy sa mukha niya kaya tinitignan ko lang siya. Nagugulat pa ako dahil minsan tumatawa siya kaya napapalayo ako sa kanya eh tss.
"Bakit ka ba tumatawa huh" inis na sabi ko na
"Naalala ko lang iyong kung paano tayo nag umpisa, hanggang ngayon hindi ko parin akalain na ikaw ang first love ko" sabi niya pa
"Ako man ay hindi makapaniwalang ikaw ang pakakasalan ko" sabi ko pa at napatigil siya at ngumuso sa akin.
"Talaga hindi ka naniniwala?" tanong niya at tumango ako nagulat ako noong hinapit niya ang bewang ko at hinalikan ako ng mariin sa aking labi siya rin ang naunang bumitaw at ako naman ay napayuko
"Ngayon kailangan mo ng maniwala" sabi niya ulit at nagmaneho na
Nakakainis gusto kong mainis sa kanya dahil doon niya ako pinupuntirya sa parteng nanghihina ang mga tuhod ko at lahat ng parte sa katawan ko. Habang nasa daan hindi ko siya pinapansin at sa labas lang nakatingin, bahala siya.
Pagkarating namin sa memorial ay ako ang unang bumaba hawak iyong kandila at posporo. Noong nasa tapat na kami ng puntod ni Daddy agad kong sinindihan iyong kandila. Mauupo sana ako kaso naka short pala ako.
Noong napansin niya ayaw kong maupo ay agad niya akong hinila at napaupo sa hita niya. Naka maong pants siya at nakatupi iying long sleeve niya hanggang sa siko niy nakabukas din ang dalawang butones non.
"Sir magandang hapon po, ikakasal na kami ng anak mo apat na buwan mula ngayon. Alam kong marami akong naging kasalan sa kanya at humihingi po ako ng tawad. Totoo pong hindi ko alam kung paano na naman ako kapag wala siya. This time I will make things right Sir" sabi niya pa
"Dad payag ka ba, kasi kung hindi ka payag pakakasalan ko parin namana ehehhe. Mahal ko siya pa at dahil mahal ko siya papakasalan ko siya ng buong puso" sabi ko habang nakatingin sa puntod ni papa
Nagulat pa ako noong bigla siyang kumanta kaya isinandal ko ay ulo ko sa dibdib niya at naririnig ko ang tibok ng puso niya.
Sir, I'm a bit nervous
'Bout being here today
Still not real sure what I'm going to say
So bare with me please
If I take up too much of your time
See in this box is a ring for your oldest
She's my everything and all that I know is
It would be such a relief if I knew that we were on the same side
Nagulat pa ako noong may inilabas siyang kulay pula na box at nakita ko iyong Isang singsing, bumili siya ulit ng bag o siguro. Habang kumakanta siya nakita ko ang pagtulo ng luha niya kaya pinunasan ko ito gamit ang plad ko.
Very soon I'm hoping that I...
Can marry your daughter
And make her my wife
I want her to be the only girl that I love for the rest of my life
And give her the best of me 'till the day that I die, yeah
I'm gonna marry your princess
And make her my queen
She'll be the most beautiful bride that I've ever seen
I can't wait to smile
When she walks down the isle
On the arm of her father
On the day that I marry your daughter
"Sir alam ko pong hindi na kayo makakarating sa araw ng kasal namin ni CA pero alam kong sasamahan mo siya papunta sa akin alam kong darating ka sa araw na iyon at ipaparamdam sa amin ang pagmamahal mo sa amin"
I can't wait to smile
As she walks down the isle
On the arm of her father
On the day that I marry your daughter
"Dad thank you for bringing me in this world, kahit ilang taon tayong nagkahiwalay alam kong iyong pagmamahal mo sa akin ay hindi nawala kahit noong huling tibok na ng puso mo" sabi ko pa sa kanya
Nanantili kami doon hanggang sa magtakip silim na, doon anrin namin pinanood ang sunset na palagi naming ginagawa noong kabataan namin. Siguro kung mawawala ulit si Xyrille doon siguro hindi ko na kakayanin dahil alam ko sa sarili kong pagod na ako.
XYZ 's POV
I am so happy super duper happy, ilang buwan na lang akin na siya asawa ko na siya. Hindi ko ma imagine iyong magigising ako sa umaga at siya ang una kong makikita, tapos si DAP.
Kanina habang nasa puntod kami ng daddy niya ramdam ko iyong lungkot niya, hindi niya manlang nakita ang dad niya. But I promised to myself I will make her happy, hindi dahil gusto kong bumawi, it is because I love her and it's my responsibility to make her happy.
Time flies so fast and we're done with the prenuptial pictures and videos. We already talked with the wedding organizer and about the cake sila na din daw bahala doon. I bend to give her a soft kiss dahil nakapikit ang mata niya halatang pagod na.
Nagmulat siya ng tingin sa akin at nginitian ko siya bago ibigay iyong tubig niya. Lahat ay nalaman ko noong wala ako sa tabi niya dahil sinasabi iyon sa akin ni Tim. Iyong pagsaboy ni Tim ng Iced Coffee nalaman ko din iyon kaya nagsuntukan kami nokn eh.
Habang umiinom siya ay nakapikit pa dahil inaantok nga kaya tumabi ako sa kanya at isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko. Pagod na iyong mahal ko kaya hindi ako pwedeng mapagod.
Minsan dapat kahit mahina ka kailangan mong maging malakas para sa mahal mo dahil hindi lang ikaw ang nahihirapan. Habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko ay nag hum ako ng kanta para mapasarap tulog niya.
Alam kong mas gusto niya iyong kinakantahan siya habang natutulog dahil mas sumasarap ang tulog niya pagka ganon. Nakita kong bigla siyang napangiti kaya napangiti rin ako. Finally Hindi ko na makita iyong lungkot sa mga mata niya at napalitan na iyon ng saya.
Pagkatapos ng break ay ginising ko na siya at ngumiti ako sa kaniya. Agad ko siyang tinulungang tumayo at idanala doon sa tent dahil magpapalit siya ng damit, ganoon din ako.
Matapos ang ilang buwan na prelarasyon ngayon ay isang linggo na lang bago ang kasal namin. Ang sabi ni mom sa akin bawal daw magkita kaya tinitiis ko na lang may pa stag party pa ako sa twenty thre e dahil September twenty-five ang date ng kasal namin.
Araw araw akong nagpapadala sa kanya ng mga bagay na nagpapahiwatig sa pagmamahalan namin. Gaya na lamang ng Ballpen at notebook kung hindi kami ang magkasama ay hindi magandang kwento ang kalalabasan ng aming istorya.
Noong gabi ng stag party ay para akong bumalik sa kabataan ko tamang inom lang pero nililimitahan ko ang sarili ko dahil alam kong ayaw ni CA na malasing ako.
Pagkatapos nong stag party ay umuwi din ako. Pagkapasok ko sa kwarto nakita ko iyong can ng beer na bigay niya sa akin. Agad ko iyong nilapitan at napangiti, dahil sa akin uminom siya kahit bawal sa kaniya. Sa lahat ng babaeng nakilala ko si CA ang pinaka pure, alam mo iyon hindi ka pa nag sosory sa kanya pero napatawad kana.
Tinititogan ko ang isusuot kong tux sa araw na iyon, hinayaan ko siyang mamili noon at nagbibigay lang ako ng suggestion sa kanya. Hindi na ako makapag hintay na makita siya.
Ang unang suggestion nila noon ay Beach or garden wedding pero agad na nag dis agree si CA noon she valued church wedding so much. Kaya wala silang nagawa. Sa Panggasinan kami magpapakasal lulan kami sa twenty five ng chopper nila kaya ayos lang.
Ang mga bisita namin ay may reservation na sa isang hotel lahat ay maayos na ang kailangan ko na lang gawin ay hintayin siya sa dulo at sabihing I Do.
Habang nakahiga sa kama ko labis akong nagpapasalamat sa Diyos dahil binigyan niya parin ako ng panibagong simula kasama ni CA. Kung wala Siya sobrang Labo ng mga bagay bagay sa akin.
Simula noong nakilala ko si CA nakilala ko din Siya. Dati Hindi ako naniniwala sa kanya pero ginamit niyang instrumento ang babaeng mahal ko para mapalapit akong muli sa kanya.
Noong mga panahong lugmok ako at hindi makapag isip ng tama ay siya ang kinapitan ko. Paulit ulit akong humingi ng tawad sa kaniya dahil sa mga ginawa ko at alam kong napatawad niyo ako.
Ako siguro iyong isa sa pinak maswerte at pinaka blessed na tao dahil nagmahal at minamahal ko iyong babaeng inilapit ako sa Kaniya. Maraming nagmamahalan ngayon pero hindi nila kayang ilapit iyong mahal nila sa Diyos.
I woke up with a heavy head, dahil sa tama narin ng alak sa akin inayos ko na iyong gamit ko dahil aalis na kami today at sa hotel daw mag stay. Nauna na nga daw si CA roon eh kaya mas na- excite ako.
Habang nasa biyahe kami hindi ko maiwasang isipin na oras na lang ay ikakasal na ako sa babaeng mahal ko, nakatutuwa naman. I opened my Twitter account and I saw her last tweet saying.
@Ethereal: @Xyyyyyyyrilllllle See you tomorrow love, Tè Quero
I just replied I love you too and turned off my phone dahil narito na kami sa hotel. Habang papunta sa hotel room nakita kong tumatawag si CA.
"Hello Love" sabi ko
"Nakarating na ba kayo?" tanong niya
"Yes malapit narin kami sa hotel room bakit?" tanong ko
"Wala lang kailangan ko kasing lumabas eh baka magkita tayo sa hallway eh diba bawal" sabi niya at mahina akong natawa
"Sige I'll walk fast so you can go out ok? I Love You" sabi ko pa
"I love you too see you tomorrow" sabi niya at binaba ang tawag
Pinaka ayaw ni CA iyong 'Goodbye' na word dahil para sa patay lang daw iyon sabi niya, bakit daw nag goodbye kung magkikita rin naman kaya See You daw dapat.
Naging mabilis ang oras at It's our Big Day today, kanina pa ako palakad lakad dito sa veranda at hindi nawawala ang ngiti ko. Nokng pinapaligo na ako dahil may photo shoot pa daw sa Church ay naligo na ako.
Pagkatapos ko ang isinuot ko ang ang damit ko it's beige LV tuxedo. Inayos pa nila ang buhok ko dahil sabi daw ni CA kaya hinayaan ko na lang. Pagkatapos noon ay nagpunta na kami nila mom sa Church kasama si DAP.
Habang nasa saskayan ay nagpicture na kami ni DAP dahil naka Long sleeve siya with Tie dahil siya ang Ring Bearer namin. Pagkarating sa church ay kinakabahan na ako, kinuhanan lang ako ng litrato kasama nong mga Bearers at mga abay.
Noong narinig kong nasa labas na si CA ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Agad kong inilabas ang panyo ko dahil alam kong maiiyak ako. Ang ganda lang ng color namin iyong mga Abay na babae ay naka golden yellow tapos black na amerikana naman na may yellow na tie sa mga lalake. Pagkabukas ng door nakatutok lang ako.
NOW PLAYING : DESTINY BY Jim Brickman and Jordan Hill
Habang naririnig ko ang kanta at nakikita siyang naglalakad papunta sa akin nag halo- halo ang nararamdaman ko sa totoo lang nanginginig ang mga paa ko ngayon. Sa dami ng nagawa ko sa kanya nakikita ko parin siyang naglalakad papunta sa akin.
Halos lahat ay nakalabas ang cellphone at kinukuhanan ang paglalakad niya si Dady ay tinapik ang balikat ko kaya lalong tumulo ang luha ko sa ilang metro naming layo nararamdaman ko iyong sata niya.
Ang ganda niya sa wedding dress niya, lalo siyang lumitaw. Agad akong tumingin sa taas dahil iiyak na naman ako. Sa dami ng pinagdaanan namin dito rin kami mapupunta.
Ganoon ba talaga kapag mahal niyo ang isa't isa? Maghiwalay man kayo ng napakatagal ay gagawa ang Maykapal upang muli kayong pagtatagpuin at bibigyan ng maraming rason para ipagpatuloy ang pagmamahalaan niyo.
Noong malapit na siya sa akin ay pinunaaan ko na akong luha ko at ngumiti sa kanya nakita kong pinipigilan niyang tumulo ang luha sa mukha niya. Pagkatapat niya sa akin ay nagmano pa muna ako sa mga magukang niya at humalik ganoon din siya sa magulang.
Noong nakita niyang may luha sa mata ko ay pinunaaan niya iyon gamit ang kamay niya at ngumiti sa akin. Inakay ko siya papalapit sa altar,noong mag uumpisa na ay lahat naupo.
Exchanging Vows na at mauuna ako lintek ang kaba ko at ewan ko kung bakit ba kaya bago ako mag salita ay napabuntong hining muna ako.
"CA, Coleen Aphrodite Ethereal, My Love, My CPA, My Heaven... Hindi ko alam kung anong sasabihin ko"narinig ko pang natawa ang mga nanonood "Noong una kitang makita dahil nga na twist iyong paa mo napasabi na lang ako ng Stupid noon tapos tinawag ako ni Hera, Simula noong araw na iyon lagi na kitang iniisip. Napakadami nating pinag daanan, napaka daming bagyo ang dumating pero iyong pagmamahal natin sa isa't isa ang hindi sumuko. Ang dami kong natutunan sa iyo, ang dami kong gusto ng ipagpasalamat. Siguro ganoon talaga ano paghiawlayin man nila tayo muli tayong mag uugnay at magmamahal dahil hindi natin binitawan ang isat isa" sabi ko pa at umiiyak na at pinunasan niya ulit iyon "I love you My Heaven, When You're with me I can endure everything beacause you're my Heaven.Magkasama nating haharapin at lalabanan ang mga pagsubok sa buhay natin" at ngumiti sa kaniya
"Xyrille, Hindi ko alam kung ano ang ipinukpok sa iyo at nagkagusto ka sa akin eh. Una gusto kong paslaamtan Si God dahil nakilala kita. Mahal ko wala akong maipapangako sa iyo maliban sa isa na mamahalin kita hanggang sa aking huling hininga. Marami na tayong pinagdaanan ng magkahiwalay at ngayon pag dadaanan natin ng magkasama, ikaw ang lahat sa akin, at kung dumating sa panahon na parang guguho ulit lilipat ako sa isang pwesto para maging balase tayo. Salamat sa pagpaoatibay ng loob ko Doc, At kung tatanungin ako ngayon kung sino ang gusto kong makasama ikaw parin ang pipiliin ko. Mahal na Mahal Kita"
After that nakita ko ang luha niya kaya napangiti na lang ako sa kanya,agad na sinabi ni father I pronounced you husband and wife you may now kiss the bride.
I slowly roll her veil, she's looking straight to my eyes. I can see the happiness iyong saya na matagal na nagtago ngayon nakikita ko na sa mga mata niya. Noong naitaas ko na ang veil, nag atok pa kami.
Noong inilapit ko ng mukha ko ay hinapit ko ang bewang niya para mapalapit siya sa akin. Hawak ng iaang kamay ko ang kamay niya iyong isa ay nakahawam sa bewang niya. Marahan ko siyang hinalikan at tumugon naman siya. Naririnig ko ang tibok ng puso niya.
Pagkatapos noon at humarap kami sa mga tao at ngumiti. Finally I can say that I am happy. Being with CA is like living in Heaven. She's my heaven when I am with her I can endure everything.
BINABASA MO ANG
SURVIVOR
Non-FictionMaraming klase ng pagmamahal, may pagmamahal para sa kaibigan, magulang at sa sinisinta. May pagmamahal din na hahayaan tayong maging malaya, at may pagmamahal din nahanggang tingin na lang