42

6 0 0
                                    


Naging mabilis ang araw at kahapon ang huling araw ni Xy sa school dahil dumating na iyong papalit sa kanya at ayos na rin iyon. Sabado ngayon at napagdesisyunan komg sumama sa feeding program dahil hinahanap narin daw ako nong mga bata.

Pagkarating ko doon sinalubong nila ako ng mahigpit na yakap. Nagpatayo kasi iyong mommy ni Xy ng orphanage at doon na naktira iyong mga bata ngayon ang next plan nga dapat eh iyong mga lolo at lola na inabanduna kaso hindi pa kami nagkakausap nila tita kaya pending pa.

Nakita ko ang malaking pagbabago mula sa patpatin nilang katawan ngayon malusog na sila. Mula sa mga punitpunit nilang damit ngayon maayos at malinis na silang tignan. Hindi ko maitatangging nakakatuwa sa puso na makita sila na maatos ang kalagayan.

“Ate kamusta na nasaan si Kuya Doc?” magiliw na tanong sa akin ni Therese

“Hindi ko alam kung nasaan si Kuya Doc mo eh, kamusta kayo dito?”

“Ayos naman po, nagpunta po si Kuya Doc dito noong nakaraan may kasama nga po eh kaso mukhang maarte ayaw niyang dumidikit kami sa kanya” sabi niya sa akin habang nakatingin sa langit

“Iyon ang bagong girlfriend ni Kuya Doc, sana kung paano niyo ako tratuhin mas higitan niyo pa pag dating sa kanya” sabi ko pa habang nakahawak sa mga balikat niya

“Bakit po hindi na kayo ate mas gusto po namin kayo ate” sagot niya

“May mga bagay kasi tayong gusto pero hindi natin makukuha, huwag kang mag aalala dahil bibisitahin ko parin naman kayo, sa ngayon hindi ko alam kung kailan ako makakabalik dito” sagot ko sa kanya

“Aalis kana po ba ate, please huwag po nag aaral na po kami ng maayos” sabi niya at naluluha pa

“Basta magtiwala ka lang kay ate huh pag sinabi kong babalik ako, babalik ako ok?” sabi ko pa at niyakap siya

“Sa ngayon punta muna tayo doon sa kanila at may ibibigay ako sa inyo”

Hawak ko ang kamay ni Therese dahil ayaw niyang bitawan, hindi ko naman talaga gustong hindi bumisita dito kaso baka mag kita na naman kami ni Iris at mag kainitan kaya ako na ang iiwas.

“Kamusta kayo?!” tanong ko sa kanila

“Ayos lang naman po Ate” sabi nila at ngumiti sa akin

“Gusto niyo bang maglaro tayo?” tanong ko sa kanila at tumango naman sila “Ang una nating laro ay patintero lahat naman kayo alam iyon diba?” tanong ko at tumango naman sila kaso may nagtaas ng kamay kaya tinanguan ko

“Si Savi po ate hindi pwede kasi napilay kahapon” sabi naman niya

“Kasama ko si Savi na mag titingin ng taya, ayos ba iyon?” tanong ko at tumalon naman sila sa saya kaya kumyha na ako ng tubig at gumawa ng paglalaruan

Tinulungan ako nang mga bata mula sa oag igib ng tubig dahil sa lupa kami maglalaro. Hindi pa man nag uumpisa ay nagkakatuwaan na sila dahil nag babasaan sila sa bombahan laya sinuway ko sila. Habang gumagawa kami biglang may dumating na sasakyan at nakita kong bumaba si Iris at Xyrille.

“Ate Siya po iyong kasama din ni kuya noon nakakatakot po siya” sabi ni Therese sa akin at sinegundahan naman nong ibang bata iyong iba nag tago pa sa likuran ko at sinabi ko naman na ipagpatuloy lang namin ang ginagawa namin.

Habang papalapit sila sa amin minadali ko ang pagpapalaro sa mga bata para malibang ako at hindi sila mapansin kaso bigla na lang natumba ang isang bata kaya napatakbo ako sa  kanila.

“Anong nangyari?” tanong ko

“Nagkabundulan po kami” sabi nong isa

“Ayos lang Sorry” sabi niya at nakipag shake hands pa kaya itinuloy namin ang laro.

SURVIVORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon