15

6 0 0
                                    




Naging masaya ang gabing iyon at hindi ko kailan man makakalimutan iyong araw na iyon, kahit papaano navbawasan iyong sakit na nararamdaman ko, iyong mga iniisip ko at parang unti unti na akong nakakaahaon.

Mabilis ang naging oras at ngayon ay ang huling linggo ng deal at sa sabado na ang birthday niya at wala pa akong naiisip na ibigay, halos lahat nasa kanya na kasi.

Pumasok ako ngayon kahit may sipon ako at pinapasakit ang ulo ko, ayaw ko namang umabsent dahil lang sa sipon duhh never ko iyang ginawa kahit nga may bagyo eh pumapasok ko.

Pagpasok ko nagulat ako dahil nandon na si Hera pero pupuntahan ko sana siya kaso may dumating na lalaki kaya pinanood ko lang sila iyon ata iyong taga archi eh, pagkatapos nilang mag usap umalis din si Hera pero nakita niya ako at natatawa ako sa itsura niya.

“Sino iyon?” tanong ko sa kanya

“Si Terrence iyon yung taga archi” ngumiti pa siya sa akin

“Ok na ba kayo ni Mark wala ka na bang nararamdaman don?” tanong ko pa sa kanya

“Meron pa” sagot niya naman

“Oh meron pa pala Hera namam, ayaw kitang pakialaman pero mali yan”

“Mahal ko na si Terrence, at hindi ko naman siya panakio butas” sabi niya

“Sorry, pero sana hinayaan mo munang makalaya iyang sarili mo bago ka nagmahal uli kasi baka sa kakadalos mo masaktang ka na naman” sabi ko habang nakatingin sa kanya na nakayuko

“Salamat CA” nakangiting sabi niya

“Bakit baliw toh”

“Kasi sa lahat ng nakakalam ng tungkol sa amin ikaw lang iyong nakinig”

“Wala naman akong karapaatan para hindi lakinggan ang rason mo diba? Mas maiging may alam ako sa sitwasyon niyo kesa iyong wala tapos mamaya malalaman na lang namin na sinasaktan ka na naman edi mas masakit iyon sa part namin, alam naba nila Sierra at Athena?”

“Hindi pa” nakayukong sabi niya

“Gusto mong sabihin?”

“Natatakot ako eh parang hindi pa ako ready sabihin sa kanila hahanap ako ng time ok? ” sagot niya sa akin habang nakangiti

“Pasok na tayo” sabi ko at tumango namna siya

Habang naglalakad kami hindi parin mawala sa isip ko kung anong dapat kong iregalo nakakainis hindi ko naman kasi alam kung anong gusto niya, maybe I should give him anything that is black since it’s his favorite color.

Pagkarating namin sa classroom nandon na pala si Sierra at nagulat pa na magkasama kaming pumasok ni Hera kaya nginitian ko lang siya hindi ata siya sanay na mas una siyang pumapasok sa akin.

“San kayo galing?” tanong agad ni Sierra

“Nagkita lang kami diyan sa baba kaya sabay kaming umakyat” sagot ko naman

“Oo tapos akala namin wala ka pa kaya inantay ka namin” pagsisinungaling ni Hera at mukang kumbinsido naman tong si Sierra
Nag simula na ang klase at lumilipad ang utak ko para lang sa regalo wala eh nagtanong ako baka umasa iyon na meron akong ibigay, hindi na ako nakikinig sa prof. Dahil sa pag iisip ko sa regalo at pa thank you narin sa kanya.

“Uy CA ok ka lang?” tanong ni Hera

“Ah oo ok lang may iniisip lang”

“Ano naman iyon” mapanuksong tanong ni Sierra pero hinfi ko sila sinagot.

Pagkatapos ng class namin hapon na kaya napagdesisyunan nilang pumunta sa bahay, namalengke pa kami para lang sa pagkain na iluluto ko tapos sinundo namin di Athena dahil DL siya, pagkarating doon Feel at home na sila.

“CA manonood muna kami ah?” pagpapaalam ni Hera at tumango lang ako

Si Sierra at Athena ayun at kinuha ang electricfan dahil mga hindi sanay sa init habang nagluluto ako iniisip ko parin kung ano pwede ireagalo  pang masunog niluluto ko kaya ipinagsawalang bahala ko na muna.

Pagkatpos kong lutuin naghain na ako dahil ang alam lang gawin ng apat na iyan kumain tsk kawawa magiging asawa ng mga ito pero ok lang mayaman namna pwedeng kumuha ng katulong.

“Kain na halina kayo dito” tawag ko sa kanila
Hindi na nila ako sinagot at nagunahan sa pagupo matatapang ang mga ito dahil wala si kuya inireready ang sarili dahil bukas labas na ng result ng board exam niya.

“Potek CA walang kuoas ang sarap netong ginataang adobo mo” sabi ni Athena

“Yeah it’s delicious” sabi pa ni Hera at nag thumbs up pa si Sierra

Pagkatapos kumain nag agawan pa sila kung sino ang maghuhugas pero sabi ko naman sa kanila isa magtatanggal ng tirang pagkain, Isa ang magsasabon at isa ang magbabanlaw para patas at ayon ngiting ngiti sila akala mo ngayon lang naghugas.

Pagkatapos nila don tumabi sila sa akin sa lapag para umupo tapos nanood kami sa may tv hanggang sa nagsalita si Hera.

“We can sleep here” sabi ni Hera

“Uy agree”  sabi naman ni Sierra at tuwang tuwa naman si Athena dahil ngayon na lang uli makakapag sleep iver dito

“Paano damit niyo?” tanong ko sa kanila

“Duh pinaghandaan namin toh” sagot naman ni Sierra

Agad silang lumabas at kinuha ang mga gamit nila sa kotse nila at ako naman kinuha ang banig ko na may foam dahil napagkadunduan naming dito sa sala matulog, wala din kasi mga prof namin bukas dahil may seminar pero nagiwan ng gagawin hanggang Friday na iyon kaya marami parin gagawin at iyon ang ayaw ko.

Pagkapasok nila naayos ko na ang higaan namin at tuwang tuwa sila nagsitalunan pa nga eh kaya nagulo lang ulit ang inayos kong hihigaan sana namin parang bata.

“CA we love you” sigaw nilang tatlo kaya napangiti na lang ako ibang iba

“Mahal ko din kayo at ayaw kong maligaw kayo ng landas”  ngumiti ako at napatingin ako kay Hera

“Let’s play spin the bottle dapat maging honest sa sagot huh” suggestion ni Hera kaya payag lahat at sa tingin ko aamin na siya sa min

Agad silang kumuha ng bote at ang unang nagpaikot si Sierra at tumama kay Athena kaya nabigla siya pero nakabawi naman din agad at pinili ang truth

“Ako magtatanong” sabi ko at tumango lang siya

“Wala na ba kayo ni Titus?” at nagiba agad ang ekspresyon ng mukha niya, alam na

“Kelangan eh masyado na akong busy ganon din siya, We’re in good terms naman Friends nagkikita kami sa Campus at wala naman pinagbago” nakangiting sabi niya ngunit nababahiran ng lungkot at pait

Pagkatapos non ay nagpatuloy na kami at tumapat naman kay Sierra at nag dare siya

“Sigaw ka sa labas ng PAG DI AKO NAG KA JOWA MAG MAMADRE AKO tapos mag budots ka”
Agad naman kaming lumabas at inilabas naman nitong dalawa ang Cellphone nila para ivideo iyong ginagawa ni Sierra dahil nakakatawa si Iserra, may pamblackmail na naman kami.

Agad kaming pumasok at ipinagpatuloy ang laro at this time kay Hera tumapat at nag truth siya, at inamin niya iyong sa kanila ni Terrence naiiyak pa nga kasi akala niya magagalit etong dalawa ako naman nakangiti lang, at least she finally unfold what’s going on between them diba nagpatuloy ang laro at this time sa akin tumapat at nag truth ako

“Ako magtatanong”agad na sabi naman kaagad ni Sierra at tumango lang ako

“Do you like someone sa Campus?” tanong niya at tumango lang ako

“Sino” sabi naman nila kaya halos sumakit ang eardrum ko dagil masakit sa tenga

“Isa lang naman iyong tanong” sagot ko naman na ikinadismaya nila kala nila huh

Nagpatuloy ang laro at hindi na ulit tumapat sa akin ang bote kaya naiinis sila dahil kakampi ko daw ang bote kaya natawa lang ako sa kanila, pagkatapos namin, agad naming oinatay ang ilaw at tsaka humiga iniwan naming nakabukas ang bintana para makita ang mga bituin.

“Sabi nila pag namatay ka magiging star ka?” tanong ni Athena

“Oo daw” sagot naman ni Sierra at Hera

“Pero akalain mo iyon noh kahit patay na sila nagagawa parin nilang paliwanagin iyong mundo ang ganda nilang pagmasdan kahit malabo na silang abutin” sagot ko naman sa kanila na ikinatahimik nila

“To be Honest mas nasaksihan ng mga bituin sa kalangitan kung gaano ako ka drama sa buhay” natatawang sabi ko pa at nakikinig lang sila “Minsan siguro kailangan lang natin masaktan ng paulit ulit para matuto, yunv akin naman nasaktan ako pero nadapa pa tapos nahiraoan na akong umahon” sagot ko habang pumapatak ang luha ko

“Kung gayon pwede naming tanungin sa mga bituin sa kalangitan kung ano ang iyong nararamdaman?” tanong ni Sierra

“Pwede naman kaso hindi madaling hulaan ang sagot na makukuha mo sa kanila” sagot ko naman

“Pwede ikaw ang tanungin kung ganon?” tanong ni Hera “Ayos ka lang ba?”

Ngumiti ako ng mapakla at napilitang sumagot kahit alam kong hindi tugma ang sasabihin ko sa nararamdaman ko “Oo naman tsaka masaya ako makita ko lang kayong hindi nasasaktan ayos na iyon sa akin”

Agad nila akong niyakap iyong yakap na matatagpuan at mararamdaman mo sa mga totoong kaibigan mo iyon ang nararamdaman ko ngayon bumubulong pa sila sa akin na napakaswerte daw nila dahil meron daw ako sa buhay nila kay napangiti ako kahit papaano pala may ibang takng pjnapahalagahan ako na nakaka appreciate sa akin.

Pagkatapos ng isang mahigpit at matagal na yakap nakatulog na sila pero ako hindi  kahit anong pilit ko hindi ako makatulog kaya nagpunta ako ng kusina at uminom ng tubig pagkatapos bumalik pero nagukat ako ng gising si Hera.

“Akala ko tulog kana” sabi ko sa kanya

“I just want to say Sorry” seryosong sabi niya pa

“Wala ka naman kaslaanan” sabi ko pero hindi na siya sumagot at niyakap lang ako

Naramdaman ko ang tahimik na pag iyak ni Hera sa balikat ko hindi ko alam ang problema niya at ayaw kong tanungin mas gusto kong siya ang mag sabi sa akin o kahit kila Sierra kung hindi siya kumportableng sabihin sa akin, pagkatapos non natulog na siya ako naman nag open ng Twitter at nakita ko ang tweet ni Xy

@Xyyyyyyyyyyyrillllllle: I found my heaven

Nilike ko na lang pero may nakita ulit akong tweet niya

@Xyyyyyyyyyyyyyrilllllle: When I am with you I am at peace

Katulad kanina nilike ko na lang iyon nag scroll pa ako at nakita ko naman ang tweet ni tim

@Tim13: Please Cull me in case someone will court you, I like You My Goddess

Katulad ng ginawa ko kay nilike ko na lang din yon at nag tweet ako

@Ethereal: Sometimes You just have to close your eyes, open your heart, adjust your crown, and spread your wings to feel the wind and fly.


I CAN’T SLEEP

Pagkatapos kong I tweet yon ay humiga na ako sa tabi nila at niyakap si Hera dahil siya ang katabi ko, hindi ko alam kung paano pagagaanin iyong pakiramdam niya, pero mas maiging samahan ko siya sa kahit anong gagawin niya itatama ang maling ginagawa niya at aalalayan siya.

SURVIVORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon