Pag kauwi namin sa apartment namin tinulungan nila akong mag ayos ng gamit ko dahil hirap akong yumuko. Habang nagliligpit sila palihim ko silang kinuhanan ng picture at sinubukan ulit tumayo para tulungan sila.
Uupo sana ako kaso sabi ni Sierra iabot ko na lang daw iyong damit ko at sila na bahala kaya ganon ang ginawa ko. Habang iniaabot ko sa kanila iyon, sila naman ay nagtutupi nong mga damit ko.Sabi ko kaya ko pero nag insisit sila dahil baka lumalala iyong sugat ko kaya iniaabot ko na lang sa kanila.
Pagakatapos non iniayos namin iyong mga upuan at mga styro plate at inilagay sa isang plastic. Pagakatpos nong inabutan ko sila ng tubig dahil hinagl na hingal sila halatang hindi sanay mag trabaho eh.
“Okay pa kayo?” tanong ko sa kanila
“Grabe it’s really hard pala ano?” sabi ni Hera
“Yeah, hindi ko akalain na ganito kahirap, like parang doon sa mga nakikita ko andali lang para sa kanila” sabi naman ni Sierra
“I have a plan, after nong exam mag part time tayo, naalala ko may Restaurant sila Tim” sabi ko naman
“Huh baka hindi ko kayanin”sabi naman ni Hera
“Same eto na nga lang nahihirapan na ako, paano pa iyong trabaho doon. Kaya minsan eh bumibilib ako sa kanila” sabi ni Sierra
“Parang gagawin natin itong preparation kapag nagtrabaho na tayo” sabi ko naman “Mas maiging masanay na tayo sa pagod para hindi ma bigla iyong katawan natin”sabi ko pa at napatango naman sila.
“Sige payag ako, pero kaoag hindi ko kakayanin hahanap ako ng iba” sabi naman ni Sierra
“G ako may pagkain doon eh libre iyon for sure” sabi ni Hera kaya natawa kaming dalawa ni Sierra
“Tandaan niyo huh girls, hindi importante kung matalino ka ang mas importante ay kung gaano ka kasipag, matalino ka nga pero tamad ka naman so anong silbi nong katalinuhan mo kung tamad ka?” tanong ko kaya napa isip sila.
“Tulog na tayo, bast g ako don sa part time job ni CA” Sabi ni Sierra at itinalukbong na ang kumot niya.
“Tulog narin ako CA” sabi naman ni Hera at tumango oang ako dahil akl na lang ang gising.
Makalipas ang ilang minutong pag mumunimuni ko napagdesisyunan kong mahiga narin dahil sumasakit na naman iying mga sugat ko. Pagkahiga ko sa kama bigla kong naisip iyong nagpapadala sa akin, hindi na naman siya nag padala. Kinakabahan ako dahil bka malaman toh ni kuya iphanap niya iyon.
Kinabukasan maaga akong nagising dahil gusto ko silang I pagluto may Itlog, bacon at toccino pa naman, kaso wala kaming bigas pero may bread naman. Habang nagluluto nangangawit iyong paa kong nakatayo, kaya minsan nauupo ako.
Habang isinasalin ko sa plato ang nalutong egg at bacon, biglang nagising si Sierra kaya dali daling nagpunta sa akin. Tinanong pa ako kung bakit ako nagluluto sabi ko naman nagugutom ako.
“Paano natin kakainin iyan wala namang rice” sabi ni Sierra.
“May bread naman, pa gising naman si Hera para sabay sabay tayo” sabi ko pa at nagpunta siya don sa higaan ni Hera at inalog alog.
“Goodmorning, wow sino nagluto?” tanong niya at napatingin sa amin ni Sierra “Impossible naman kasing si Sierra diba sunog kaya ang toccino kapag siya ang nagluto pero ito looks nice” sabi niya pa laya napairap si Sierra
“Kain na, tayo” sabi ko pa at naupo na sila
Kumuha ako ng dalawang bread tapos iyong isa nilagyan ko ng egg tapos tocino at bacon at pinaibabawan ko ng ketchup tsaka ko muling ipinatong iyong isang bread. Ipina abot ko kay Sierra iying kutsilyo para hatiin iyong pag kain ko at sumubo.
“Masarap, try niyo” sabi ko at ginaya nila ang ginawa ko
“Yeah, pwede ka ng magtayo ng restaurant CA” sabi naman ni Sierra
“Soon guys, malapit na iyan” sabi ko pa
“Naa- amaze na naman Ako” sabi pa ni Hera
“Pag luto ito ni Hera hi di pwedeng kainin iyong itlong, hindi luto eh” sabi naman ni Sierra pero walang imik si Hera at kumakain.
“Hoy sige napapadami kain mo mawawala iyang shape ng katawan mo” sabi ni Sierra kay Hera
“Hindi naman mahalaga iyon, tsaka pwede naman mag work out, Masarap pagkain kaya huwag mong bitinin” sabi pa niya.
Pagkatapos naming kumain pinauna na nila akong maligo sila daw bahala sa pinagkainan namin. Pagkatapos kong maligo nagpalit lang ako ng sweatpants at t-shirt. Pagkatapos non inayos ko na iyong maliit na maleta ko at tinignan ang mga gamit ko kung may hinfi pa sila nailagay kaso wala naman.
Naging mabilis ang oras at ngayon ay pauwi na kami at itong dalawa sa harap ay napakaingay na naman pinag uusapan nila si Zeus dahil napaka pogi daw , basta pogi talaga ts.
Pagakarating namin sa bahay sinalubong kaagad kami ni Isaac ng mahigpit na yakap, si Ireful naman ay nakakapaglakad na kaya kasama din siya sa kuya niya.
Pagkapasok ko nagulat pa sila manang hindi ata nila alam na uuwi ako ngayon. Sila Hera at sierra ay nagpaalam na uuwi din muna sa kanila. Pagkakita nila manang sa akin nalungkot ang mukha nila siguro dahil sa mga sugat na nakikita nila sa mukha ko.
“Juskopong bata ka anong nangyari sa mukha mo” sabi pa ni manang
“Wala po ito, hirap nga pong maghilom eh” sagot ko naman
“Ang dami mong mga sugat, ang sabi ng kuya mo meton pa daw sa binti mo” at isinenyas na itaas ko ang damit ko
“Ay gagi bat kadaming pasa” sabi pa nong nanny nila Ireful
“Siguro dahil sa sakit ko tapos iying iba po baka po hindi pa naaghihilong iyong noong pinalo ako ng mop” sabi ko pa
“Manood ka muna ng tv diyan at kami na ang bahala sa mga gamit mo” sabi ni manang kaya nagpunta ako sa harap ng tv at nanood. Nadatnan ko doon si Isaac at Ireful na nanonood ng Baby Tv kaya binayaan ko na lang.
Nagulat ako nong bigkang tumakbo papunta sa akin si Ireful at tumalon para makaupo sa binti ko kaya mahina akong napadaing, at napatingin siya sa akin.
“Why tita?”
“May sugat si Tita diyan eh” sabi ko at lumipat siya isang binti ko
“Dito po ba you don’t have sugat na, because if you have I’ll just sit beside you po so you wont say aww” sabi niya pa at sobrang cute lang.
“It’s fine ok, do you miss tita?” tanong ko
“Yes, I miss Tita!” sigaw ni Isaac habang nakatingin sa tv
“Miss din kita, how about Ireful do you miss tita?”
“Miss dun kita tita, super” sabi niya, dito ako nabibilib kila kuya at ate eh ang tatalino ng mga anak diretso na magsalita
Habang nanonood kami biglang naglagay si manang ng meryenda sa harap namin kaya nagpasalamat ako. Natutuwa akong pagmasdan ang mg pamangkin ko dahil kahit papaano natutuwa sila sa simpleng inihahain sa harap nila.
Pagkatapos naming manood ng Tv pinaliguan ko silang dalawa, kahit mahirap yumuko sa akin pinilit ko na lang dahil ayaw kong mag alala ang dalawa. Inilabas ko pa ang cellphone ko at kinuhanan sila.
Nagulat pa ako noong umiyak si Ireful, nilagyan pala ni Isaac ang mata niya ng sabahon kaya pinagsabihan ko, at nag sorry naman sa kapatid niya. Pagkaatpos non binihisan ko sila. Si Ireful naghahanap ng gatas ganon din si Isaac kaya nagtimpla ako at pinatulog sila.
Grabe ang sarap sa pakiramdam na mapalibutan ka ng makukulit na bata iyong stress ko sa review biglang nawala. Iyong sakit na nararamdamn ko tinangay ng hangin. Bukod sa pumasa sa Boards at makakuha ng maayos na trabaho at tuluyan ng maging masaya, wala na ata akong dapat hilingin pa.
BINABASA MO ANG
SURVIVOR
Non-FictionMaraming klase ng pagmamahal, may pagmamahal para sa kaibigan, magulang at sa sinisinta. May pagmamahal din na hahayaan tayong maging malaya, at may pagmamahal din nahanggang tingin na lang