79

5 1 0
                                    

CA’s POV

Grabe ang rupok ko super potek, noong araw na iyon naiilang man ako ay hinayaan ko siyang sumama sa amin. Ilang taon ko fing itinago si DAP sa kaniya at ayaw ko naman silang gamabalain noon. Kailan lang noong sinasabi ko na kapag nakita ko Si XY idedeny ko na may anak kami, tapos ngayon alam niya na kainis ang rupok ko naman.

Simula noong araw na iyon lagi na tinatanong sa akin ni DAP kung kailan kami babalik sa Manila dahil gusto niyang makita ang daddy niya. Minsan ay tumatawag si DAP sa akin at agad ko iyong ibinibigay kay DAP dahil naiilang ako.

Hinanap ko ang invitation ng kasal nila ni Iris at nakita ko sa may likuran ang nakasulat na I will runaway and wait for you CA, I love you. Wait for me. Kalahati sa akin ay nagsisi na hindi tinignan ang likuran non pero may parte parin na natutuwa dahil ngayon ay ayos na.

Ngayon ay nandito ako sa Ecija dahil may kailangan akong asikasuhin. Dadalaw sana ako sa Bahay ni Kuya kaso nasa school ang mga bata at si kuya nasa site naman, laking tuwa ko dahil kahit papaano unti unti ng bumabalik ang kuya ko.

Habang binabasa ko iyong report na binigay sa akin biglang tumawag ang lobby at may bisita ako kaya sinabi kong patuluyin na lang. Wala akong kaalam alam kung sino iyon eh.

Pagka bukas ng pintuan iniluwa non si Xy kaya napapikit ako. Ilang araw ko na din siyang iniiwasan dahil hindi pa ako handang makipag usap sa kanya laso sumusunod naman siya sa akin.

“Hi Maam” bungad niya kaya napakunot ang noo ko. Sinenyasan kong lumabas ang Sekretarya ko.

“Bakit ka nandito wala ka bang trabaho?” masungit na tanong ko

“Obviously I’m visiting my soon to be wife” sabi niya at natawa ako

“Sa pagkakaalam ko hindi pa ako pumapayag, hindi porke sinabi kong mahal pa kita eh magpapakasal ako agad” sabi ko pa at nginisian siya
“You know what, You should look at me, I traveled from Manila to Here” sabi niya pa

“Sinabi ko ba kasing pumunta ka dito, bumalik kana sa trabaho mo o di kaya puntahan mo si DAP at hinahanap ka” sabi niya

“Hmmm, No dito lang ako, I just want to talk CA. Simula noong nagkita tayo sa Hospital after non iniiwasan mo na ako” sabi niya at lumapit sa akin at hinila ako patayo.

Iilang sentimetro na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa’t isa kaya agad akong yumuko dahil iba na iyong mga tinginan niya. Noong tumingin ako sa ibaba ay lalo niyang hinapit ang bewang ko.

“Ano ba bitawan mo ako please, I have a lot of work to do” sabi ko

“Ako muna trabahuin mo please” sabi niya kaya napatingin ako sa kanya at gulat ako dahil ninakawan niya ako ng halik.

“At bakit ko gagawin iyon hindi ka naman trabaho, at Please bitawan mo ako o---” hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil hinalikan niya ulit ako.

“Ilang taon CA siyam na taon akong hindi naging masaya kaya please mag usap na tayo”

“Bitawan mo ako mag uusap tayo” sabi ko at lumuwang ang pagkakahapit niya sa akin. Nauna siyang naupo sa swivel chair ko at hinila ako paupo sa hita niya.

“Manliligaw pa ako ulit sa iyo huh, tapos kapag pumayag ka ay magpapakasal tayo agad agad. May bahay na ako, stable narin ang trabaho ko at may Business narin ako, ikaw na lang kulang” sabi niya pa

“Tss may business narin ako stable na rin ang trabaho ko buo na ang buhay ko” sabi ko pa

“Buo kahit wala ako, that’s very impossible” sabi niya

“Aysst, pwede dahan dahanin natin ok, tsaka bitawan mo ako ang awkward ng posisyon natin” sabi ko pa

“Na-Awkwardan ka sa pwesto natin eh nakabuo na nga tayo ng DAP” sabi niya at kumindat pa

“Sige na please diyan ka na lang sa harap kailangan kong ipasa itong report mamaya dahil kailangan bukas” sabi ko at sumunod naman siya.

Mali ang desisyon kong pinaupo siya sa harap dahil nakatitig lang siya sa akin at minsan ay kinukuhanan ako ng Picture arrrghhh. Buti na lang at mahaba ang pasensya ko dahil kung hindi kanina pa siya nakaalis.

I was busy typing my report when he suddenly kiss me again. Nakakainis lang coz she always nakaw some halik arrgh. Noong nahalikan niya ako ay tumayo siya sa pagkakaupo at inilibot ang paningin sa buong office.

Nakita niya pa iyong naka frame na family drawing ni DAP at napapahid siya sa mata niya. Mabuti na lang ay mabilis kong natapos ang report kaya agad akong lumabas para ibigay iyon kay Rain.

Pagkabalik ko sa office nakita ko si Xy na nakatingin parin doon. Noong maramdaman niya ang presensiya ko ay napalingon siya at napangiti ng mapait.

“Pwede mo siyang puntahan sa Isabela” sabi ko pa

“Nag commute lang ako” sabi niya pa

“Uuwi ako ng Isabela mamaya gusto mo sumama?” tanong ko at lumiwanag ang mukha niya.

Noong hapon na ay sabay kaming lumabas sa opisina. He offered to carry my bag at first I was hesitant pero mapilit siya sa binigay ko. Noong nasa elevator kami ay marami kaming kasiksikan kaya hinapit niya ang bewang ko para mapalapit sa kanya.

Iniharang niya din iyong bag ko sa may likuran ko dahil naka skirt ako ngayon, naka blazer ako pero sa loob ay tube. Noong nakalabas na kami ay bigla niya akong binuhat at napasigaw ako kaya napatingin ang nakararami sa amin.

Binuhat niya ako kasi daw napaka bagal kong maglakad nakakainis ang dami dami niyang alam. Noong nakarating kami sa sasakyan ay agad kong inabot ang susi sa kanya.

“So we’re back together?” tanong niya habang nasa daan kami

“Huh, Hindi ah kala ko ba may ligawan pa” sabi ko naman

“Tsk hinayaan mo akong halikan ka tapos hindi pa tayo tsk tsk”

“Tumahimik ka” masungit na sabi ko

“I just want you to inform, may Home Coming Next week at pupunta ka” sabi niya pa

“Hindi ako pupunta” sabi ko

“Bahala ka ikaw ang magsasalita doon, hindi ka ba mahihiya na inaasahan nilang pumunta ka, ilang taon ka ng hindi pumupunta tapos ngayon hindi parin tapos… sige ka naku naku” sabi niya pa at umiiling

“Sige pupunta na” sabi ko pa at nangiti na

Naging mabilis ang biyahe namin ay nandito na kami sa bahay. Pagpasok namin sa loob nagulat pa si Mom si ate naman at kuya ay binigyan ako ng nanunuksong tingin.

Pinagalitan ko pa si Kuya eh dahil sinadya niya pala na ako ang papuntahin dati doon sa check up ni Blue. Nakatulog na daw si DAP, kaya nagpunta muna kami sa dining para kumain.

Habang kumakain kami ay nagtatanong tanong si Mom, gaya ng kung kailan kami magpapakasal at para din daw masundan na si DAP kaya ako ay napapatingin sa kanya.

“Ang tagal nating hindi kumain ng sabay iyong tayong dalawa lang”sabi niya pa dahil umalis na si Mom

“Kasalanan ko pa ngayon?”tanong ko pa at napangisi naman siya sa kin

“I’m so sorry ok” sabi niya at nginisian ko siya.

Pagkatapos naming kumain umakyat kami sa kwarto ko. Ang sabi ko sa mommy sa guest room siya matulog kaso ang sabi ay sa kwarto ko na daw, kaya tuwang tuwa siya.

Pagkarating namin sa kwarto ay ako ang naunang pumasok agad napako ang tingin niya doon sa picture namin noong bata kami.

“I’m your first love” sabi ko sa kanya at kumuha ng damit at dumiretso sa banyo.

Tinagalan ko ang pagligo dahil ayaw ko siyang makita nakakailang siya. Habang naliligo ako ay naritinig ko siyang pakanta kanta pa sa labas,hindi nagbago ang boses niya isa parin iyong instrumento para pakalmahin ang puso at isip ko.

XYZ’s POV

I really admire CA she did it without me samantalang ako noon ay hirap na hirap, pero alam kong mas nahirapan siya dahil hindi niya alam ang rason ng pag iwan ko pero nakaya niya.

Habang nakaupo sa kama niya ay nakita ko ang notebook na huling binigay ko sa kanya halatang ngayon niya palang binabasa. Isa sa mga minahal ko sa kanya siguro iyong kahit pinakasimpleng bagay na bigay ng isang tao sa kanya itinatago niya.

Halatang tinatagalan niya ang pagligo niya, naiilang parin siya sa akin pero at least we have progress naman na. I want her to be my wife, I can’t imagine my life again if she’s not beside me.

When I heard the door open, I saw her drying her hair with a towel. Nakasuot na siya ng pajama at sweater, tss wala naman akong gagawin na masama  sa kanya.

Naging mabilis ang pagligo dahil gusto ko na siyang makita, hindi siya naglagay ng pagitan namin sa higaan. Naka higa na siya sa kama at nakasuot ng specs at nagbabasa ng novel.

Naka sweat shorts lang ako at t-shirt, tumabi ako sa kanya at inupo siya sa pagitan ng mga binti ko at inamoy amoy ang buhok niya. Hinalikan ko ang balikat niya kaya napatingin siya sa akin at umalis. Inilagay niya ang libro sa study table niya at nahiga na.

Nakatalikod siya sa akin kaya iniharap ko siya at niyakap. Hinalikan ko ang noo niya at napangiti siya,alam kong inaantom na siya kaya hindi kona kinukulit.

Hindi parin ako makatulog dahil pinagmamasdan ko ang mukha niya pero noong naramdaman ko ang hinta niya na nakapatong sa hita ko at niyakap ako ay nakatulog ako. Sa sobrang pagkakayakap namin ang luwang ng espasyo sa higaan niya.

Nagising kami Kinaumagahan sa tama ng araw sa balat namin. Grabe kahit sabog sabog iyong buhok niya ang ganda niya parin, binigyan niya ako ng matamis na ngiti at mabilis na halik sa labi at ipinikit ulit ang mata halatang inaantok pa.

CA’s POV

Naging mabilis ang pagdaan ng araw at ngayon ay nandito na kami Sa Coron. Ngayon ay gabi na at napagdesisyunan nilang maglaro hindi ako nag eenjoy dahil inaantok ako.

Kaninang umaga ay lumangoy langoy kami, nagsuot ako ng one piece bikini at iying dalawang bruha ay tuwang tuwa at sa wakas dalaaga na raw ako diba.

Si Xyrille kanina ay masama ang tingin sa akin kaya hinayaan ko lang eh siya nga naka beach shorts lang at walang pang itaas eh tss. Tapos hindi niya ako iniiwan at isinasama kaya pagod talaga ako ngayon.

Noong maggagabi na ay naginuman na kami oo pati ako sumali na din dahil gusto ko. Nagulat pa kami noong tumayo si Xy at kumata noong Marry Me ba iyon pagkatapos noon ay lumuhod sa harap ko.

“I have something to tell you”

“What dalian mo at nahihilo ako habang nakatayo” sabi ko pa iyong mga nakakapanood ay kinukuhanan na kami ng pictures kaya naiilang ako

“Do you know how to sing the alphabet correctly?” tanong niya at tumango ako ipinakanta niya pa eh kaso mali daw “ this is the right one… A B C D E F G H I LOVE YOU WILL YOU MARRY ME” Kanta niya at parang nawala ang pagkahilo ko ay natawa sa pagkanta niya.

“A B C D E F G H I J PAANO KUNG AYAW KO NAMAN” sabi ko pa at napanguso siya “Kidding Yes Doc, My Love I’ll marry you” sabi ko at nakita ko kung paano mag ningning ang mga mata niya at niyakap ako sabay dampi ng halik.

Iyong iba ay puro pagbati na sa amin kaya si Xy na ang nagpaslamat dahil nahihilo na talaga ako literal parang kapag tumayo pa ako ay matutumba na ako naririnig ko pa iyong pang aasar noong dalawang bruha eh.

Noong mag hatinggabi na ay nagsi alisan na sila at kaming dalawa na lang ang naiwan dito habang nakaupo dito sa buhanginan.

“I love you My CPA na Lawyer narin, at kung tatanungin ako kung gagawin ulit iyong naging desisyon ko gagawin ko ulit dahil doon tayo natuto” sabi niya pa sa akin

“Pero ngayon sabihin mo na lahat sa akin at tayong dalawa ang lalaban doon ok” sabi ko pa at tumango siya


Naging tahimik ulit kami dahil pinapakiramdaman namin ang lamig ng hangin. Tatayo na sana ako noong bigla akong matumba kaya binuhat niya na ako at ipinunta sa kwarto ko.

“Love Expensive Profit ka ba?” tanong ko pa

“Huh come again” sabi niya

“Mahal Kita” sabi ko pa at narinig ko ang mahinang tawa niy

Ito ang matagal kong hinihintay iyong mabuhay ang namatay na apoy sa puso ko at ngayon ay unti unti ng nagaalab. Naiintindihan ko ang rason niya at ganon din siya sa akin. Nasabi niya na nandoon siya nokng mga araw na hina ako at humingi ako ng tawad.

Siguro iyong pagmamahalan namin tinuruan kaming kunapit kahit alam naming malabo, Iyong pagmamahal na may dumating man na iba hindi mawawala iyong pagmamahal mo para ddon sa isang tao na iyon.

Iying pagmamahalan namin ay tinuruan kaming magsakripisyo para sa ikatatahimik namin, Ang pagmamahal na totoo ay iniisip din ang pamilya niya. Ang lagi ko lang tinatandaan mahalin mo iyong lalaking mas mahal ang pamilya niya, at sa tingin ko nasa akin na siya.

SURVIVORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon