Gustuhin ko mang sampalin ang sarili ko dahil hindi ko siya nilabanan kaso napagtanto ko na sinaktan na nga ako sasaktan ko pa sarili ko. Pero minsan hindi din natin masisi iyong mga nagpapakamatay siguro super lungkot lang nila pero nakakapag hinayang iyong buhay nila.
Naoangiti ako ng maoaithabang naglilinis ng katawan sobrang hapdi ng katawan ko gusto kong umiyak kasi hindi pa gaanong maayos iyong ginawa niya sa binti ko tapos eto na naman.
Pagkatapos ko nagpalit lang ako ng pajama at maluwag na shirt, wala kaming pasok bukas dahil every Saturday at Sunday is Family Day kaya ang ganda, suggestion ko iyon kay Tim eh.
Agad akong nahiga pagkatapos ko magpalit, ramdam ko parain ang pangingitot ng mga bagong lasa ko lalo na itong tahi sa noo ko. Dapat sinabi niya sa akin kanina na itatapon niya lang sa mukha ko iyong cake edi sana kinuha ko nalang at ibigay doon sa mga nanlilimos na mga bata.
Habang nakatingin sa ceilinybigla kong naalala iyong mga bata gusto ko man silang bisitahin kaso baka magalit si kuya bukas kapag umalis ako, siguro magpapaalam na lang ako bukas kaya ko naman eh.
Habang nananaginip ako natutuwa ang pakiramdam ko dahil nakita ko si Xy tapos nakangiti siya sa akin at parang sinabi na magiging ayos lang ako at lahat lahat na malalagpasan namin toh kahit hindi kami mag kasama.
Kinaumagahan hindi ko alam kung anong oras na ako nagising dahil medyo makulimlim sa labas ang sabi may Bagyo daw. Pagkababa ko nakita ko sila sa sala na naonood ng news napalingon pa sa akin si Ate Xeya at napa oh my god pa siya.
Agad ko silang binati kaya napalingon sa akin si Kuya at Tumango si Ate Xeya naman ay nalulungkot dahil sa itsura ko, iyong dalawang bulinggit sumunod sa akin sa kusina.
Pagkaupo ko lumapit sa akin si Ireful at nagpapakandon si Isaac kasi kaya ng maupo kaya hindi na nagpapakandong. Habang kumakain ako nagpapasubo din sila kaya sinsubuan ko naman sila.
Nagulat pa ako nong biglang may mabasaga kaya napa angat ako ng tingin at nakita ko si manang. Gulat na gulat pa siya sa itsura ko mukhang maluluha na nga eh kay nginitian ko siya.
Pagkatapos linisin ni manang ang nabasag agad siyang nagpunta sa akin at pinakatitigan ako at niyakap.
“Ano na naman ba ang nangyari CA at ano iyang sa noo mo?” tanong niya pa
“Wlaa po ito manang ganito ang nangyayari kapag hindi ka lumalaban, iting nasa nok ko tahi po” sabi ko pa at parang nahilo siya dahil napa hawak pa siya sa upuan.
“Susmaryosep magagalit na naman ang kuya mo niyan” sabi niya sa akin kaya tumango lang ako.
“I don’t want to be a Doctor, I want to be a Lawyer and ounish who did this to tita” sabi pa ni Isaac
“So Grow Up Fast First and study well so you can punish them ok?” sabi ko pa at tumango naman siya.
“Me I want to be aDoctor to treat your wound tita” sabi pa ni Ireful kaya ginulo ko ang buhok niya.
Habang kumakain narinig ko ang boses ni Kuya na pinapaakyat ang mga bata, pinaalis niya din sila manang. Grabe wala pa siyang tinatanong sa akin pero kinakabahan na ako.
Pagkatapos nilang umalis naupo siya sa harap ko at pinka titigan ang mukha ko. Noong una ay napailing pa siya at naoatampal sa noo niya at sa tingin ko sinisisi niya ang sarili niya.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain dahil nagugutom na ako kailangan ko pang magpunta doon kila Therese dahil baka miss na nila ako. Tinititigan lang ako ni kuya kaya hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya.
Naoatakip siya ng kanyang mata gamit ang isang kamay dahil naiiyak na kaya lumapit ako sa kanya at tinapik ang likuran niya narinig ko pa ang mahina niyang pag iyak at paghingi ng tawad sa akin.
Habang hinahagod ko ang likuran niya bigla siyang tumayo at yumakap sa akin. Napadaing pa ako dahil nahawakan niya ang sugat ko.
“Sorry Master” sabi niya pa
“Ayos na iyon bossing” kako naman
Agad siyang humiwalay sa akin at naupo ulit kaya ganon din ako. Kung kanina ay lungkot ang bumabalot sa mga mata niya ngayon galit na ang mababasa ko.
“Pwede ko na bang malaman ang nanyari diyan?”tanong niya at tumango naman ako
Habang ikinukwento ko iyon nakita ko iyong pag kuyom ngvmga kamaya niya iyong mga mata niya nakakatakot ngayon. I kwinento ko iyon ng walang labis walang kulang.Alam kong galit siya ngayon dahil sa tahin sa noo ko.
Hindi mo gugustuhin na makaharap si kuya kapag ganyan ang itsura dahil nakakatakot. Pagakatapos kong ikwento iniwan niya na ako dito sa mesa at nagmamadaling magpunta sa kwarto nila.
Paika ika man ako ay pinilit ko parin na sumunod kaso noong nasa hagdan na ako pababa na siya at dinaanan lang ako kaya nag diretso ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko nandon na si Ate at iyong mga bata.
“Maligo kana sumama ka sa amin” sabi niya pa
“Saan kayo pupunta ate?” patatanong ko naman
“Doon sa Feeding Program niyo, kaya maligo kana at lilinisan ko pa ang sugat mo” sabi niya pa at tumango naman ako
Agad kong kinuha ang tuwalya ko at pumasok doon sa banyo. Agad kong tinanggal ang takip ng tahi patiyong nilagay na band aid ni Hera sa balikat ko. Hinayaan kong lamunin ng tubig ang katawan ko, mahladi man ay tinitiis ko.
Pagkatapos kong maligo dito narin ako nagpalit sa banyo. Nagsuot lang ako ng square pants at tshirt. Noong nasa labas na ako ay agad akong tinawag ni ate para linisan ang sugat ko.
Habang nilikinisan niya ang sugat ko napapadaing ako dahil mahapdi kaya nag so sorry si Ate kaya tumango lang ako sa kanya, nilagyan niya ulit ng takit ang noo ko tapos iyong mga sugat at pasa ko nilagyan niya ng oitment.
Pagakatapos non ay pinatuyo ko na ang buhok ko at lumabas si ate para paliguan iyong dalawa kaya sumunod ako sa kanya habang nagsusuklay. Pagkapasok ko nag sasabon na si Isaac Di Ireful naman takot na sumabay sa Kuya niy dahil doon sa ginawa niyang oaglakagay ng sabon nong nakaraan.
Pagakatapos nilang maligo ako na ang nagpalit sa kanila para makaligo na si Ate. Habang pinaoalitan ko sila tinutusok tusok ni Isaac ang tagiliran ko dahil ang una kong pinalitan ay ang kapatid niya.
Pagkatapos non nakita kong nakapalit narin si Isaac kaya sinuklay ko ang buhok niya, nilagyan ko lang ng kaunting ipit ang buhok ni Ireful. Sinuotan ko sila ng rubber shoes na regalo ko at lumabas na kami.
Habang hinihintay namin si Ate sa sala nanood muna kami ng baby tv tawang tawa ako dahil kahit iika – ika ako ay napasaway parin nila ako. Habang sumasayaw kami nakita kong kinuhanan kami ng video ni ate.
Pinakuha ko kay ate ang camera ko sa taas. Noong pababa na ulit si ate inayos ko iyong ipit ni Ireful dahil magulo na. Pagkatapos non ay agad kaming lumabas at iniabot naman sa akin ni ate ang Camera.
Habang nasa biyahe naglilikot ang dalawa sa likod kaya hindi ako inaantok, bagaman minsan ay humihikab ako. Napansin iyon ni ate kaya sinenyasan niya akong matulog.
Habang natutulog tinutusok pa nila Isaac ang kaliwang tagiliran ko kaya sinusuway sila ng mommy nila. Ang totoo’y hindi ako tulog at ipinikit ko lang ang mata ko.
Pagkarating namin doon walang mga batang sumalubong gaya ng dati kinakabahan ako dahil baka kung ano ang nangyari dito habang wala ako. Pagkapasok namin nakita ko sila Therese na nakatayo ng tuwid doon sa covered court.
Pagkapatay pa lang ng makina ay agad na akong bumaba at kahit iika ika ay tumakbo ako doon sa kanila. Noong makita nila ako ay tumakbo sila sa akin at yumakap.
Nagulat pa ako noong may umiiyak hindi ko alam kung miss lang ako netong mga bata pero parang hindi ganon eh. Pagkatapos non ay nakita ko si Therese kaya tinawag ko.
“Anong nangyari noong wala ako?” tanong ko pa
“Ate, hindi na po kami nakakapag laro dahil iyon po ang sabi ni maam Iris lagi lang po kami sa loob ng bahay at naglilinis, iying iba po ay tumakas na dahil hindi na nila kaya iyong oang aabuso ni maam Iris” sabi niya pa kaya nagulat ako.
Agad kong tinipon ang mga bata at sinabing maari sikang maglaro, noong una ay takot pa sila kaso sinabi ni Therese na jba ako sa Maam Iris nila. Habang naglalaro sila dumating na iying food truck nila Ate Xeya.
Habang kumakain iykng mga bata nakita kong pumayat sila siguro ay ginugutom sila. Nakakatuwa sa pakiramdam dahil nakikipaglaro si Isaac at Ireful sa kanila.
Pagkatapos non umuwi din kami dahil nagbabadyang bumuhos ang ulan. Bago pa man ako pumasok ay may bata na ngbigay ng card sa akin kaya ginulo ko ang buhok niya.
Laking pasasalamat ko parin sa Maykapal dahil kahit ganoon ang naging kabataan ko hindi ko naranasan na mapunta sa sitwasyon noong mga bata. Kung sa hinaharap ay may kaya na ako kukunin ko sila, dahil isa sila sa mga naging inspirasyon ko.
BINABASA MO ANG
SURVIVOR
Non-FictionMaraming klase ng pagmamahal, may pagmamahal para sa kaibigan, magulang at sa sinisinta. May pagmamahal din na hahayaan tayong maging malaya, at may pagmamahal din nahanggang tingin na lang