30

4 0 0
                                    

30

Pagkatapos naming bilhin iyong cake na hiling ni Isaac napunta na kami sa parking lot. Ang sabi namin mga gamit lang sa school ang bibilhin namin tapos coloring book ending may tybe ng ice cream na kaming dala at Pizza para daw kumpleto sabi ni Xy kay Isaac.

“Are you happy, Isaac?” tanong ko sa kanyan

“Yes po Tita” sabi niya habang nakatingin sa picture nila ni Elizabeth

“Isaac if you remember one day that you like Elizabeth I’ll help you to find her” sagot ni Xy sa kanya

“Thank You tito, I will ask mommy and daddy to go sa kiddy land, para lagi ko makita si Elizabeth”  sabi niya pa
Tumahimik ulit kami dahil nakikinig kami ng music tapos pinabuksan niya sa tito niya iyong bintana kaya tinatangay ng hangin ngayon ang buhok ko. Minsan kalaban din ng mga babae ang hangin eh.

Pagkarating namin sa bahay naabutan namin sila ate at kuya na inaayos iyong garden nila at ngayong nagtatanim sila ng panibagong halaman. Kaya tinawag namin sila sa loob dahil malapit ng lunch pero magmemeryenda muna kami.

Pagkapasok namin sa bahay dumiretso kami ni Isaac sa kusina at inayos iyong pagkain namin tinawag ko pa si Xy para siya ang mag hawak nong Ice cream.

“Anong meron?” tanong ni kuya

“Daddy, Mommy I’m sorry po kasi hindi po ako nagpaalam kanina” sabi ni Isaac at inabot sa mommy at daddy niya iying cake

“It’s ok baby just don’t do it again ok, mommy and daddy will be worried”

“Sakto may handaan naman na pala may I announce kami ni ate niyo” sabi naman ni kuya

“I am five weeks pregnant” sabi niya at ako naman pumalakpak

“Congrats ate” sabay naming sabi ni Xy kaya natawa kaming dalawa

“Mommy I want to have a little brother” sabi ni Isaac

“Hindi tayo pwedeng pumili anak, we should be grateful kung anong ibibigay sa atin ni God ok?” sabj ni kuya sa kanya

“Ok, can we go to kiddy land every Saturday daddy or Sunday please Daddy, Mommy?” sabi niya pa at nakangusong nakatingin kila ate at kuya,gusto ko mang matawa kaso parang hindi naman akma kaya napangiti na lang ako.

“Why, ano ang gagawin natin don, diba ayaw mo sa ganon” sabi ni kuya dahil totoo naman ang sinabi ni kuya

“I met the girl I want to marry” sagot niya sa akin

“Baby, mag tatatlo ka palang bakit pag aasawa na iyang nasa isip mo”

“Look daddy she’s pretty, right?” tanong niya sa daddy niya habang pinapakita iyong picture nila kanina

“Aba magaling kang pumili bata” sagot naman ni kuya at tumawa lang si Isaac

“Kain na tayo matutunaw iyong Ice Cream sayang” saad ko at nagumpisa na kaming kumain.

Habang kumakain kami nanood kami ng movie at napag desisyunan naming Home Alone na lang dahil iyong ang continue to watch ni kuya. Bata pa lang kami iyan na ang paborito naming movie.

Habang nanonood kami hindi ko maiwasang mapa sulyap dito sa katabi ko na wala man lang reaksyon Nakakainis porke napanood na hindi man maki join

“Staring at me is a crime” sabi niya na hindi ko na ikinagulat

“Ok lang basta sayo mag kakasala” sagot ko kaya napalingon siya sa akin

“Sigurado ka ba?”tankng niya sa akin at kinindatan lang siya bago ibalik ang tingin sa pinaoanood namin

Pagkatapos ng isang movie niligpit namin ang pinagkainan namin nag tira din kami para sa mga kasama dito sa bahay dahil naliligo pala sila ulit. Pagkatapos non nagpaalam na si Xyrille dahil magbabasa pa daw siya ngayon naka schedule kaya hinatid ko na siya sa labas.

“Ingat sa pagmamaneho Doc”  sabi ko

“Yes naman, ikaw you should read your books na” sabi niya sa akin

“Nagbabasa naman eh tsaka ang schedule ko today is free day”  sagot ko naman sa kanya

“I’ll go ahead Love” sabi niya sa akin

“Ok Doc. Love, ingat ka” sagot ko pa habang nakangiti sa kanya at yumakap

“Ang sarap ng yakap mo Ethereal nakakagaan sa pakiramdam” sabi niya

“Tama na, kukulangin iyong time mo sa pagbabasa kapag” sagot ko at humalik naman siya sa noo ko at sumakayna siya sa sasakyan niya.

Pagkaalis ng sasakyan niya agad akong pumasok sa loob grabe hindi na kami nag lunch alas dos narin kasi kaya nagpunta na lang ako sa kwarto at natulog. Kanina pa gustong bumagsak ng talukao ng mata ko.

Paglagising ko kinuha ko agad ang Cellphone ko sa may side table at nag open sa gc naming magkakaibigan at nakita kong tinutukso nila ako dahil nakita pala nila kami kanina

@Sierradaldaleraperomayjowa: Muka silang family the habang bumibili ng cake
@AthenaWalangJowa: Ang cute naman @ColeentheVirgin sana all si Isaac na ba iyan tumangkad ata lalo eh mag tatatlo pa lang
@HeraLasinggera: Parang fusto ko din ng isang Xyrille
@ColeentheVirgin : @AthenaWalangJowa oo sizt si Isaac yan, alam niyo ba nakita niya na daw iyong papakasalan niya.
@AthenaWalangJowa : sana all ako nga hinfi sigurado sa kanya pero sigurado sa akin
@HeraLasinggera : kaya ka lang naman hindi sigurado sa kanya kasi nakatali pa iyong puso mo sa nakaraan mo
@ColeentheVirgin: Agree ako sa sinabi mo Hera

Pahkasabi ko non nag offline na ako dahil gusto kong matulog hindi na ako kakain dahil tinatamad akong bumangon. Habang natutulog ako nakita ko sa panaginip ko ang isang bata at ako habang naglalarp sa park.

Nagising ako na akala ko totoo ang panaginip ko kaya kinailangan ko pang sampalin ang sarili ko dahil baka nananaginip ako. Napatingin ako sa Wall Clock at alas singko palang, pero hindi ko na makuha ang tulog ko.

Pagkababa ko naabutan ko si kuya na nagkakape pa lang pero nakapalit na at mukang papasok sa trabaho niya ngayon. Nang Masulyapan  niya akong papunta sa kanya ay tumango lang siya.

“Kelan ka ulit uuwi dito kuya”  sabi ko sa kanya

“Sa sabado, buti kahit wala ako maayos iying mga tauhan ko” sabi niya sa akin

“Ah oo nga pala si ate dito lang ano?Sino na kasama niya next week eh may klase na ako” sabi ko sa kanya

“Inihabilin ko naman na siya kay Manang, ok lang naman daw sa kaniya”  sabi niya sa akin.

Pagkatapos niyang ubusing ang kape at ang tinapay ay agad niyang kinuha ang blueprint at iying bag niya at umalis na ng bahay. Ending ko naiwan akong mag isa dito.

Pagkatapos kong uminom ng Chocolate drink nagpunta ako sa kusina para magluto ng agahan namin. Kumuha ako ng Tocino, Bacon at Itlog, paborito ni Isaac.

Pagkalipas ng ilang minuto gising na si ate at nagtimpla ng gatas niya at kumuha ng Bread at naglagay ng Nutella don. Pagkatapos kong lutuin iyon inilagay ko ang mga iyin sa mesa at sinamahan si ate

“Ate wala ka bang hindi ayaw sa pagkain?” tanong ko

“Wala naman, hindi naman kagaya noong ipinagbubuntis ko si Isaac”

“Ayon goods may naisip na ba kayong pangalan?” tanong ko ulit

“Ayun nga wala pa may naiisip ka ba?”

“Gusto ko iying parehas sila ng initials ni Isaac ate so naisip kong Isabelle Charmaine Angeline” sagot ko sa kanya

“Pang babae naman iyan paano pag lalaki?”

“Babae iyan ate sigurado ako diyan” sabi ko pa sa kanya

“Kamusta naman kayo ni Xy?” tanong niya sa akin

“Ayos naman ate, akala ko dati nakakatakot siyang mahalin pero hindi”  sagot ko sa kanya

“Hmm seryoso kasi ano, kaya iilan lang kaibigan bilang kang sa kamay ko”  sabi niya pa habang naiiling.

Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan namin at napadpad kami sa pagkukuwentuhan noong bata si Xyrille kwinento niya kung paanong nakunok ni Xy ang isang piso, kung paano siyang pinapagalitan dahim hindi siya gaanong lumalabas. Sabi pa ni Ate maraming hindi naranasan si Xy noong bata soya dahil puro libro lang ang gusto.

“Kaya siguro noong nag aya si Isaac sa kiddy land hindi na siya umangal” sabi ko sa kanya

“Oo kapag nagpupunta kami sa mga ganon dati mag isa ko lang na naglalaro, kapag pinili mo naman siya iiyak” sabi ni ate at natawa naman ako

“Laya siguro ngayon kapag stress siya nag ro road trip siya kasi hindi niya nagawa iyin noong bata siya”  sabi ko at tumango naman si ate Xeya

“Meron pa mag New Year dapat kami sa other country kasi pumayag na siya kaso nang malaman niya na may requirements sila nagbago agad desisyon niya” sagot ni ate Xeya

“Grabe mahal na mahal ang pag aaral” sabi ko habang namamangha sa kanya

“CA, may dugo sa ilong mo” sabi niya at napa takbo ako sa banyo

Aagd kong hinugadan ang ilong ko at napasampal sa noo ko dahil nakita ni ate paano pag sabihin niya kay kuya mag aalala iyon nakakainis naman tapos malalaman ni Xy, tapos iabbalita kila Hera huhu ayaw ko pong maging pabigat sa kanila.

“CA ayos ka lang?” tanong ni Ate sa akin

“Oo ate sobrang init kasi eh”  sagot ko

“Oo nga, hindi ko alam na nagkakaganyan ka pala”

“Tuwing mainit lang ate tsaka kapag sobrang lamig” sagot ko sa kanya

Pagakalabas ko nanddon ma sa kusina si Isaac at tinitignan niya kamkng dalawa ng mommy niya kaya nginitian ko siya at ngumiti naman siya pabalik, buti naniwala si ate Xeya sa sinabi ko

Habang kumakain kami nagkukuwentuhan lang kami para hindi tahimik sinisingit ni Isaac sa usapan na mas gusto niya dawang lalaking kaoatid kaysa babae para daw maya kasama siyang naglalaro kapag.

Pagakatapos naming kumain ako na nagligpit at pinaypo na lang si ate doon sa couch para makapag relax siya si Isaac naman nandoon na sa mat niya kasama ng mga laruan niya at doon naglalaro.

Pagkatapos kong mag hugas ng pinagkainan lumabas muna ako para mag pa araw. Umupo lang ako sa may gutter dahil tinatamad akong maglakad lakad. Habang nakaupo ako don naisip kong mas maswerte parin ako kumpara sa mga batang lansangan. Kasi kahit ganoon ang nangyari sa pamilya namin nagawa naming itaguyod iyon. Naging masaya parin kami kahit papaano.

Nandito parin sa loob loob ko iyong sakit ng kahapon pero napupunan iyong ng kasiyahan ngayong kasalukuyan. Hindi na nga siguro matatanggal iyong pait na iyon kahit alam ko sa sarili wala na ako sa nakaraan. Minsan naiisip ko at umaasa parin ako na sana maging maayos ulit ang mga magulang namin kaso malabo na. Si Papa walang iba pero naka focus sa trabaho dahil binibigyan parin kami ng pera, Si mama naman may Hestia na at nag tatrabaho din. At least kahit ganoon iyong kinahinatnan ng kwento nila masaya na sila ngayon, at iykn ang mahalaga sa akin.

Natatakot akong baka mangyari din sa akin iyon pero malabo, alam kong mahal ako ni Xy at iyin ang hahawakan ko dahil iying ang nararamdaman ko. Iying takot ko noon napunan niya ngayon ng pagmamahal. Unti unti niya akong iniahon sa nakaraan at ngayon masaya na akong naglalakad kasama siya sa kapatagan.

SURVIVORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon