48

8 0 0
                                    

Pagka upo ko nagulat pa sila Hera dahil umiiyak ako kaya todo ang pag alo nila sa akin. Hindi ko na naman alam gagawin ko dahil next next week na start ang start ng review tapos ganito nangyari. Sana hindi niya na lang ako sinundan kasi kaya ko naman na,kasi kakayanin ko naman na.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakayuko sa table namin at umiiyak. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari ang tanging alam ko lang nandito si Sierra at Hera hindi nila ako iniwan wala akong narinjg na salita sa kanila pero ramdam ko iyong comfort nila.

Hindi sila makapag enjoy kaya inayos ko ang sarili ko at nginitian sila kaso ang ginanti nila ay isang mahigpit na yakap. Kaming tatlo lang ang narito dahil nagsasayaw pa sila Jeya.

"Sige na mag enjoy na kayo ok lang ako dito" sabi ko sa kanila kaso umiling lang sila "Please ayaw kong nadadamay kayo sa nararamdaman ko" sabi ko pa at ngumiti sa kanila

"Edi mag enjoy tayong magkakasama dito" sabi ni Sierra

"Truth hindi ka namin iiwanan" sabi naman ni Hera

"Paano tayo mag enjoy dito, sige na balik kayo mamaya" sabi ko at napilitan silang umalis.

NOW PLAYING: MY LOVE BY WESTLIFE

Na katulala lang ako sa kawalan at paulit ulit na iniisip iying nangyari kanina. Gusto ko siya dito sa tabi ko kasi alam ko na walang mangyayaring masama kapag kasama ko siya. Ang sakit lang isipin na kasama niya akong nagplano sa pangarap niya pero hindi ako kasama sa pag buo nito.

Siguro ito na iyong way para sa amin. Para mag grow kami as an individual person. Mahal ko siya eh at hindi ko alam kung paano ako magiging ayos. Paano ako magiging masaya na hindi siya kasama. Nakakatakot na magmahal parang kapag nag mahal ulit ako ganon din iying cycle strangers to friends to courtship to relationship to strangers.

Hindi ko alam kung nakakailang baso na ako ng wine lero ramdam kong hilo na ako nakakainis. Naririnig ko parin ang malakas na tugtugan na nagmumula sa naglalakihang speakers. Iyong umalis siya pero alam kong siya parin ang lama ng puso na kahit may dumating hindi siya mapapantayan.

Ipagdarasal ko na sana maging masaya siya sa lahat ng bagay na gagawin niya dahil iyong kasiyahan niya, kasiyahan ko na rin. Sa susunod naming pagkikita alam kong mahal ko parin siya. Iaahon ko ang sarili ko para sa susunod na masaktan ako hindi na ganoon kasakit.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng nararamdaman ko para sa kanya. Pero hanggat narito pa ito at hindi nawawala alam kong magiging kasama ko pa siya sa lahat ng battles ko, at kapag dumating iyong oanhon na wala na akong nararamdaman at nagkita kami magpapasalamat ako sa kanya.

Iniwan niya akong nagtatanong ngayon. Hindi ko alam kung may pag asa pa ba sa hinaharap. Siguro nga kung hindi kami para sa isa't-isa ngayon baka sa susunod na panahon. Alam kong hahanapin ko siya dahil nangako kami eh na hindi kami magmamahal ng iba bukod sa isa't isa.

Mahal na mahal ko siya, at dahil mahal ko siya hahayaan ko siyang maging masaya sa piling ng iba. Kahit gaano pa siya kalayo alam kong kaya niyang iparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal.

Pagakatapos kong mag isip isip dumating na sila Hera at may hawak pa na wine glass sa kanang kamay, buti wlaa na silang tama ng alak. Gusto ko ng umuwi, gusto kong takasan ang sakit na ito pero hindi ko alam.

"Gusto mo na umuwi?" tanong ni Hera

"Dito daw matutulog diba?" tanong ko pabalik

"Iyong mga gusto lang naman daw" sabi ni Sierra

"Tara" sabi ko at sabay tayo.

Nagpaalam muna kami kila Jeya na uuwi na dahil hindi ko na kaya at kung hindi ako hawak netong dalawa kanina pa ako natumba. Para akong nakalutan hindi ko maramdaman iyong pa ako siguro manananggal na ako?.

SURVIVORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon