Timothy’s POV
Now Playing:Kung ako na lang sana by Kaye Cal
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang nakikita si CA na umiiyak na naman dahil sa isang gago na naman. Hinayaan ko siyang mapunta kay Xy dahil alam kong mahal na mahal niya tapos ganito lang din iyong ginawa.
Hindi ko alam iying buong istorya dahil nakita ko na lang sila kanina sa parking lot ang dinig ko nagpaalam na si Xy. Grabe iyong tiwala niya nasira na naman bakit lagi na lang siyang napupunta sa gagong katulad namin nakakainis naman.
Pagkarating ko sa bahay hindi ko man lang nagawang batiin iyong magulang ko dahil napaka gulo din nilang kausap. Pagkarting ko sa kwarto kakausapin ko sana si CA kaso alam kong gusto nkya muna ng katahimikan.
Kinaumagahan anong oras na ako nagising at napagdesisyunan kong puntahan si Xyrille sa bahay nila dahil alam ko naman. Naligo ako at napalit lang. Pagkababa ko hindi ko nagawamg kumain dahil lunch na pala.
Habang nag da drive papunta kila Xyrille hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya. Kaya habang nag da drive sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Pagkarating ko sa kanila tinanguan ko lang ang guard at pinapasok na ako.
Pagkarating ko don sakto naman may papalabas na sasakyan pero hi di ko lang pinansin at dumiretso don. Pagkarating ko nag doorbell ako at pinagbuksan ako.
“Ano po iyon sir” sabi ng kasambahay nila
“Ah si Xyrille po may itatanong lang” sabi ko
“Tuloy ka po sir tatawagin ko lang siya” sabi niya at tinanguan ko naman
Habang hinihintay ko siya naupo muna ako sa may wooden chair sa labas tapos may table pa. Pagkarating niya umupo siya sa harap ko at hindi ko napigilan ang sarili kong sapakin siya.
“Gago ka mahal na mahal ka ni CA tapos gaganunin mo lang Gago ka!” sabi ko habng sinusuntok siya buti wala iyong mga kasambahay nila.
“Oo gago ako, dapat nga masaya kana eh dahil pwede mo na siyang balikan pwede mo na siyang ligawan, pwede mo na siyang angkinin! ” sigaw niya pabalik sa akin
“Eh tangina ka naman pala eh bakit ko sasamantalahin iyong sitwasyon niya huwag mo akong itulad sayo na kumikilos pag mahina iyong tao, Gago ka” sabi ko at tinigilan ko na ang pagsuntok sa kanya
“Huh eh bakit kanga ba nakiki alam desisyon ko iyon kaya huwag kang makialam pare, tapos na kami kaya pwede tigilan mo na ako” sabi niya sa akin
“Paanong hindi ko pa pakialamanan pare inulit mo na naman iyong ginawa ko eh, hindi pala baka mas malala iyong ginawa mo hindi mo ba alam na muntik siyang madisgrasya dahil sa kaggaguhan mo” sabi ko at halatang nagulat siya “Tangina matalino ka naman eh pero sana inayos niyo na lang pare hindi lang iisa ang nasa relasyon para ikaw lang ang magdesisyon” sabi ko
“Tangina hindi mo naman alam kung gaano kahirap para sa akin nakikitang umiiyak iyong mahal ko dahil sa kagaguhan ko” sabi niya sa akin “ Kaya pare tama na wala na kaming dalawa ikaw na bahala sa kanya, ipinagkakatiwala ko na sa iyo ang babaeng mahal ko, makakaalis kana” sabi niya pa at umalis pero hinabol ko siya at sinuktok ulit bago ako lumbas ng bahay nila. Ramdam kong nasasaktan din siya pero bakit hindi ako nakakaramdam ng awa para sa kaniya.
Gago talaga siya tangina niya hindi porket mabait si CA sasamantalahin niya na hindi naman sa nagmamalinis ako dahil alam kong may ginawa din akong hindi maganda pero at least bumbawi ako dahil alam kong nasaktan ko si CA eh siya pakineng shet.
CA’s POV
Ginugol ko sa pagbabasa ang isang buwan ng bakasyon ko bibihira kung lumabas,walang gana kumain, iyak ng iyak. Nagpunta narin sila Hera at Sierra dito pero hindi ko sila nagawang kausapin, pero araw araw nilang sinasabi na makikinig sila at mahal nila ako.
Hindi ko alam kung may hinala na ba si kuya sa nangyayari sa akin hindi naman ako ganito kasi noong kay tim. Hindi narin kasi nag pupunta si Xy dito panahon na ata para bumalik ako sa dati naming bahay. Nakagawa na ako ng isang daang tula para sa kaniya pero hindi ko na maibibigay dahil sinunog ko na.
Pagkababa ko nakita kong may bagong baby na at babae din siya kaya agad kong nilapitan iyon at kinarga. Napatingin naman sila sa akin kaya ngumiti sa kanila
“She’s Ireful Charmaine Arterial” sabi ni ate “Hindi ko matandaan iyong sinabi mong name dati but atleast ICA parin ang intials diba” sabi ni ate at tumango ako
“Tinatawag kita noong manganganak ang ate mo pero hindi ka lumabas” sabi ni kuya
“Sorry, Si Isaac po?” tanong ko
“Nasa kwarto niya nag aalala sayo baka daw kung ano ng gawin mo sa kwarto mo” sabi naman ni kuya
“Pwede ko isama si Ireful?” sabi ko at tumango naman sila
Habang pataas ako at buhat ang baby napansin kong nakuha niya ang ilong at bibig ni kuya tapos siguro iyong mata kay ate, gamda kasi ng mata nila eh nakaka akit kaoag tinignan kana.
Pagkarating ko sa tapat ng kwarto ni Isaac kumatok ako pero hindi niya ako pinabuksan kaya nag salita ako
“Isaac this is tita open the door please” sabi ko pa sa kanya
Narinig ko naman ang pag click ng pintuan at napatingin ako doon at tinulak ang pinto nakita ko si Isaac na mugto ang mata.
“Did You Cried?” tanong ko sa kanya at tumango naman siya
“Why did you locked yourself in your room tita I’m so worried about you” sqbi niya sa akin at umiyak na.Shetss ang dami nilang na apektado han dahil sa akin.
“Hey baby Don’t cry, magigising si Ireful niyan mahirap pa naman patulugin” sabi ko
“Tita I’m still your baby right kahit meron na si Ireful diba” sabi niya
“Baby ko kayo pareho, halika na sa baba magluluto ako , what do you want” sabi ko pa para hindi umiyak
“I want the banana that wrap with a wrapper tita” sabi niya at namuo ang luha ko dahil ganon din ang pahlalasabi ni Xy noon.
“That’s turon baby” sabi ko at humawak siya sa damit ko at bumaba na kami
Pagkababa namin inabot ko si Ireful kay ate at kinarga ko naman si Isaac, tinanong ko pa si kuya kung meron pa kaming Wrapper at saging sabi meron pa naman daw.
Pagkarating namin sa kusina nakikita ko na agad iyong itsura ni Xy dati habang nagluluto kaya yumuko na lang ako. Kinuha ko ang mga kailangan namin at inilagay sa mesa. Tahimik lang kami pero kapag nagtayanong si Isaac kung paano ko ginagawa iyon in explain ko naman.
Habang nagluluto ako nasa likuran ko naman si Isaac at nakatayo sa may upuan siya pa nagsasabi sa akin na baka daw masunog iying niluluto namin, pagkatapos non inilagay ko sa plato at ibinigay kay Isaac.
Agad kaming nagpunta sa sala para doon kumain. Habang kumakain kami ni Xy naupo naman si kuya sa tabi ko at kumain din ng turon. Habang nanonood kami naiiyak ako dahil mamamatay iyong babae na bjda.
“CA may problema ba?” tanong ni kuya
“Wala kuya ayos lang naman ako bakit?”
“Hindi mo ugaling magkulong sa kwarto CA hindi ka rin umiiyak ng ganyan kalala ng walang dahilan” sabi niya pa
“Wala na kami kuya” sabi ko sa kanya at ngumiti habang nakatingin doon sa tv
“Kailan pa?” tanong niya
“Mag isang buwan na rin, pero huwag niyo ng kakausapin huh hayaan niyo na kuya masaya na ako para sa kanya at sa desisyon niya” sabi ko sa kanya
“Hindi pwede iyon, bakit ngayon mo lang sinabi sa akin” sabi niya pa
“Dahil alam kong pag sinabi ko sa iyo pupuntahan mo siya at alam kong may gagawin ka na naman” sabi ko pa
“Hindi pwede iyong ganon, anong rason niyq para maghiwlaay kayo. Maayos naman kayo ah” sabi niya at akmang tatayo sana pero hinila ko ang kamay niya
“Huwag na kuya, huwag mong sasaktan iyon mahal na mahal ko eh dito ka na lang. Hindi kasi lahat ng nakikita ng ating mata ay totoo minsan panakip butas lang iyon para sa totoong sitwasyon” sabi ko pa at nalaglag na ang mga luhang kanina ko pa pinipigipan
“At ikaw pwedeng masaktan?” ganong niya sa akin na ikinatahimik ko
“Kung ang saktan ako ang ikaliligaya niya sige ayos lang kaya kuya please huwag na huwag mo siyang pupuntahan o kakausapin Please lang kahit iyon na lang ibigay mo sa akin at para sa ikatatahimik niya” sabi ko pa sa kanya at niyakap ako
Nakiyakap naman si Isaac sa amin at hinalikan pa ako at ang daddy niya kaya gumaan ang pakiramdam ko. Pagkatapos non ibinalik ko na ang paningin ko sa tv at si kuya naman kumuha ng tubig para sa kin. Kahit gaano kasakit iyong iparamdam sayo may tao parin na makikinig sayo may tao parin an makikita iyong halaga mo, may tao paring ipapa ramdam sayo na kamahal mahal ka, At may tao parin na mamahalin ka kahit hindi ka na buo kahit alam mong may nawalwang parye sayo.
Siguro kung wala si kuya ngayon hindi ko alam, sobrang tiyaga niya sa akin. Sobrang sakit parin, nakikita ko parin lahat kung paano siya nakipaghiwalay at lahat ng pagtataksil niya nakikita ko parin pero siguro isang araw kahit makita ko pa iyong nagyari hindi na ako iiyak ulit.
BINABASA MO ANG
SURVIVOR
Non-FictionMaraming klase ng pagmamahal, may pagmamahal para sa kaibigan, magulang at sa sinisinta. May pagmamahal din na hahayaan tayong maging malaya, at may pagmamahal din nahanggang tingin na lang