Naging mabilis ang araw at ngayon nandito si kuya at ate kasama si Osaac naiwan daw si Ireful dahil natutulog pa kaya pinabantayan na lang sa nanny niya. Hindi ko alam kung paa o sasagot dahil pagka gising ko nandyan na sila.
“Kaya ba hindi ka umuuwi?” tanong ni kuya at napatango naman ako “Sino may gawa nito, tignan mo nga ang sabi ni Hera hindi parin daw maayos paglalakad mo” sabi niya kaya naoatingin ako kay Hera
“Wala ito kuya ganon siguro talaga” sabi ko naman sa kanya
“Tapos pagkakita daw sayo sa Comfort Room Hirap ka daw huminga”sabi ni ate kaya napayuko na lang ako
“Sabihin mo kung sino may gawa” sabi pa ni kuya pero iyong kamay niya nanginginig na
“Si Iris iyong bago ni Xy” sabi ko pa at napasapo sa noo si Ate
“Maghanda sa akin iyon” sabi niya at lumabas ng room namin
“Tita are you ok you have a lot of bruises does it hurt?” tanong niya pa sa akin
“Yes it hurts but tita will be fine ok?” sabi ko pa sa kaniya at kiniss pa ako sa pisngi
“Sierra patulong naman uupo ako” tawag ko kay Sierra at nagpunta naman
“Nagulat lang din kami noong dumating sila kanina at binisita tayo, pag kakita niya sa mga sugat mo galit siya at tinatanong kami kaya nasabi namin “ pag pa paliwanag ni Sierra.
“Ayos lang, huwag niyo na intindihin, Si Hera pala?” tanong ko
“Sumama sa kuya mo dahil gusto malaman kung taga saan iyong Iris” sabi naman ni Ate.
“Pakuha ako nong damit please” sabi ko at kinuha naman ni Isaac iyon.
Inalalayan ako ni ate at Sierra papunta sa banyo para maligo. Sobrang sakit parin lalo iyong nasa hita ko. Iyong mga pasa ko hirap humilong dahil sobrang lalaki tapos parang naputok talaga itong kanang braso ko.
Habang naliligo ako napapadaing ako sa hapdi dahil tumatama iyong sabo sa hita at mukha ko. Kulang na lang iiyak ko ang sakit, buti nga at hindi nakita ni kuya iyong bakat ng kamay ni Iris sa Leeg ko.
“Ahhhhhh!” sigaw ko kaya napatakbo sila
“Bakit CA anong nangyari?” tanong ni Sierra sa akin
“Nadulas lang pero okay lang patapos na ako dito"sagot ko at narinig ko ang pag buntong hininga ni Sierra at nila ate.
Agad napahawak si Ate sa akin at pinakiramdaman ang temperatura ko dahil namumutla daw ako at sinabi niyang may kagnat daw ako. Kaya siguro tinatamad akong bumangp kanina.
Nag blower muna ako para patuyuin iyong buhok ko dahil kailangan ko daw matulog para mabilis akong gumaling. Tatabi sana sa akin si Isaac kaso sabi ko huwag dahil bala mahawa lang siya sa akin.
Habang inaalagaan ako ni Ate hindi ko maiwan na hindi alalahanin di Kuya ate Hera dahil kung anong sinabi niya ay hindi siya mag aatubiling gawin iyon, mamaya mapaano sila eh makapangyarihan pa mandin iyong pamilya ni Iris.
Hindi nagtagal ay nakatulog ako, nakita ko kung ang isang lalaki na hindi ko naman kilala at inaaya ako kaya natatakot ako dahil mamaya pag sumama ako hindi na ako makabalik diba ganoon kaya iwinaglit ko sa isip ko iyon.
Ilang oras din akong nakatulog at pinakiramdaman ko ang tempreratura ko kung atos na ba kaso parang hindi bumaba, kaya ipinikit ko ang mata ko at natulog ako.
Habang nakapikit ako nakikita ako hindi ko na naman iyong tulog ko napansin kong nakahiga na si ate at Isaac doon sa higaan ni Sierra at mahimbing na natutulog kaya pinagmasdan ko lang sila.
Habang nakatingin sa ceiling nakita kong bumukas ang pintuan at nakita kong si Iris iyon tapos papalapit sa akin tapos may hawak na baril at nakatutok sa akin kaya noong ipuputok niya na ay sumigaw ako.
“Ayos ka lang bakit ka sumisigaw?” taning ni Sierra.
“Akala ko nandito si Iris promise nakita ko siya” sabi ko
“Paanong nandito eh gising kami at binabantayan kang matulog” sabi naman ni ate kaya nagulat ako.
Imposibleng natutulog lang ako dahil parang to o iyong nangyari nakakatakot naman baka iyong panaginip ko biglang magkatotoo. Kaya nagdasal ako.
“Seryoso wala talaga?” tanong ko at umiling sila
Biglang pumasok si Kuya ate Hera na may mga dalang plastic ng grocery, napakadami akala mo mag papa fiesta sila eh tsk tsk.
Habang nagluluto si kuya tahimik lang ako dahil mahirap mapagalitan, gusto ko sanang ituloy ang tulog ko kaso baka mapanaginipan ko ulit si Iris, grabe baka nagka trauma na ako.
Pinagmamasdan ko lang sila dito si ate ang taga abot kay kuya noong mga ingredients iyong dalawa naman nag aaral ako naman gusto ko rin sana kaso baka lalong walang pumasok sa utak ko mahirap naman iyon.
Parang kapag nag rereview ka tapos pinipilit mo para mo naring ipinipilit iyong sarili mo sa raong hindi ka naman gusto diba. Kaya mamaya na ako pagkatapos kong kumain.
Noong matapos magluto si Kuya agad kong pinilit ang sarili kong tumayo dahil ayaw ko naman maging pabigat masyado. Agad akong naglakad papunta doon kahit paika ika. Nagulat pa sila noong nakaupo na ako sa upuan.
“Pwede ka naman kasing dalhan na lang doon eh pasaway ka talaga CA neh” sabi pa ni kuya
“Nakakabagot din kasi iyong lagi kang nakahiga kuya tapos iyong nasa paligid mo kumikilos” sabi ko pa at napa ngisi lang siya nakakainis
“Tita you still hot” sabi ni Isaac sa akin habang kinakapa ang mga palad ko
“Of course tita is hot pero pinagpapalit” sabi ko at natawa naman si Ate
“Do you think Tita is Hot?” tanong ni Kuya.
“Yeah ang init po kasi niya so she’s hot po” sabi naman niya at lunakas ang tawa nong dalawa habang nag aaral
“I mean do you find your tita CA sexy?” tanong ni kuya sa kaniya
“If she’s sexy dapat a lot of boys po pumipila sa kanya, kaso I don’t see anyone po, so tita is not sexy”sabi niya at ikinatawa nilang lahat maliban sa akin na nakanguso.
Pagkahain ng pagkain namin itinigil ni Sierra at Hera ang pagbabasa at sumalo sa amin at kumain nakakatuwa lang dahil kahit ganito ako ay nagagawa parin nila akong pasayahin. Kahit alam kong may kulang nandyan naman sila para punuan iyon
BINABASA MO ANG
SURVIVOR
Non-FictionMaraming klase ng pagmamahal, may pagmamahal para sa kaibigan, magulang at sa sinisinta. May pagmamahal din na hahayaan tayong maging malaya, at may pagmamahal din nahanggang tingin na lang