35

3 0 0
                                    



During the first week of internship I feel strange, kasi dati company tapos ngayon bank naman parang mas busy nga dito eh pero mabait naman iyong may hawak sa amin.

Dalawang buwan na kami dito, ewan ko ba sa school nag internship naman na kami last year eh meron pa ngayon,siguro para lalong mahasa ng maayos. Kasali kasi iyong school sa Top Ten best school of Accountancy.

Ngayon nandito kami sa isang restaurant, karinderya to be exact dahil hindi pa na try netong dalawa kaya ipapasubok ko. Nag order lang ng pakbet kay hera naman tinola, tapos kay sierra tortang talong dahil gusto niya daw subukan.

“Lagi ka dito CA?” tanong ni Sierra

“Dati noong hindi pa nag asawa si kuya dito talaga”  sagot ko naman

“Eh diba sabi ni kuya mo, magbabaon ka ng pagkain mo” sabi naman ni Sierra

“Hmm minsan kasi nauuna ako magising kila manang kaya hindi na ako nakakapag baon kaya kapag kumain ako gulay ang kinakain ko”sagot ko ulit

When our food arrived we prayed and eat silently. May mga tao pang napapatingin sa amin dahil sa mga suot namin pero hindi na lang namin napansin. Pagkarating namin sa bank dumiretso na kami sa kanya kanya naming cubicle.

Nagulat pa kami dahil biglang sumulpot ang head at ngumiti sa amin. Lunapit siya sa cubicle Namin at may inilagay na mga sticky notes. Pagkalabas niya agad kong kinuha ang sticky note na ipinaibabaw niya at nakita ko ang uno na nakalagay as in flat one.

“One point twenty five grade potek mataas na toh” sabi ni Sierra

“Yeah we have the same how about you CA?” tanong ni Hera sa akin

“Uno, flat”  sagot ko naman

“Congrats CA”  sabi pa nila

“Oh work na baka pwede pang magbago iyang one point twenty five niyo kapag nagsioag kayo” narinig kong sabi ng head kaya napatango kami at nagpasalamat.

Alas singko trenta na ng matapos kami.Kaya nagpunta kami sa head namin para sana mag paalam kaso umuwi narin pala. Pagkalabas namin nag paalam kami kay manong guard napakabait kasi. Iisang sasakyan ngayon ang dala namin dahil Friday at Last day na at sa bahay dila kakain.

Habang nasa biyahe kami nakatingin lang ako sa labas dahil nasa backseat ako. Kapag may tinatanong iyong dalawa sumasagot naman ako.
“Ano iniisip mo CA” sabi ni Sierra

“Hmm naisip ko lang na hindi pala nasusukat ang pagakakaibigan sa dami ng taon na magkakilala kayo” sagot ko

“Ay totoo yan, to be honest mas na pagkatiwalaan ko pa kayo” sabi ni Sierra

“Same, dati kasi akala ko hindi ko kayo ka vibes lalo si CA because she’s too loud pero kapag seryoso na magugulat ka na lang eh” sabi ni Hera

“Salamat CA” sabi nilang dalawa

“Wala iyon tsaka kaibigan ko kayo eh kaya ganon” sabi ko naman

Pagka namin sa may guard house ng village pinatigil kami kaya ako na ang kumausap kaya nakadaan kami. Pagkarating naman namin sa bahay hindi na nila ipinasok ang sasakyan para hindi na daw hassle mamayang lalabas.

Pagkapasok namin sinalubong ako ni Isaac nagulat pa ako dahil ilang buwan din siyang wala dito kaya napayakap ako sa kanya.

“Hi tita’s”sabi niya sa amin nila Hera tsaka humalik ang dakawang bruha sa pisngi niya

“Where’s your daddy and mommy?”tanong ko at itinuro ang kusina

“Sismarz punta lang ako doon ah dito muna kayo feel at home” sabi ko pa bago maglakad papunta sa kusina. Pagkarating ko doon ang naabutan ko lang ay si kuya na umiinom ng tubig.

“Oh nandyan ka na pala kamusta?” sabi niya

“Ayos lang bossing”  sabi ko at ibinigay ang sticky notes sa kanya

Muntik niya pang maibuga sa akin iyong iniinom niya pakakita nkya sa papel na inabot ko pagkatapos niyang tignan, tumingin siya sa akin at nginitian ko lang siya.

“Galing, Master ka talaga” sabi niya naman

“Inspired by you bossing” sagot ko naman

“Kamusta kayo ni Xy” sabi niya

“Ayos lang naman kahit busy nakakahanapparinn ng time para mag usap” sabi ko naman

“Goods kung ganon”  sabi naman niya

“Nga pala andyan sila Sierra dito daw kakain” sabi ko

“Ipagluto mo”  sabi niya

“No no no brother sila daw ang magluluto para sa akin”  sabi ko at tinawanan siya bago umalis don

Pagkarating ko sa sala nandon sila sa mat ni Isaac at naglalaro kaya hinayaan ko na lang at nanood sa Tv itutuloy ko iying kdrama na pinapanood ko ganda eh.

Habang nanonood ako biglang nag ring iying cellohone ko at tumatawag pala si Xy kaya sinagot ko kaso pagka sagot ko hindi naman siya nagsasalita.

“Doc anyaare, ok ka lang?” tanong ko sa kanya

“Ah yes gusto ko lang marinig boses mo habang nag aaral ako” sabi niya naman
“Huh eh ang pangit ng boses ko tapos gusto mo pang pakinggan”  sabi ko pa

“Your voice makes me relax it’s like a music that makes me concentrate with my work” sabi niya pa

“Eh anong sasabihin ko” sabi ko naman sa kanya

“Anything” sagot niya naman

Kaya hinayaan ko lang na iyong call at ipinagpatuloy iyong pa onood nagsasalita naman ako paminsan minsan tapos kapag natatawa kapag may nakakatawang scene.

Pagkatapos ng isang episode pintay ko na ang tv at kinausap na si Xy.

“Doc magluluto lang kami huh tawag ka na lang ulit mamaya huh study well, I love you” sabi ko pa

“I love you too”  sabi niya pa at pinatay na ang call

Pagkarating ko sa kusina naghihiwa na iyong dalawa ng sibuyas at bawang at kung ano ano pa. Tutulong sana ako kaso pinigilan ako ni Sierra at sila na daw ang bahala.
Habang nagluluto sila napagdesisyunan kong mag bukas ng messenger ko at puros group chat lang kainis pero napansin ko iyong message request ko at nakita ko na tinatanong kung ako daw ba iyong girlfriend ni Xy at dumagit na lang ako ng oo at nag offline na.

Pagkatapos nilang magluto agad naman nilang Inihain iyon. Sila kuya at ate mamaya na lang daw kakain kaya ang kasabay naming tatlo ay si Isaac na nagtataka kung ano iyong iniluto nila.

Habang kumakain kami nag kukuwento lang si Isaac tungkol sa mga napalanood niya at iying mga nangyari noong nandon siya kila lola niya kaya kaming tatlo naman tutok na tutok sa kanya.

Pagkatapos naming kumain nag prisinta na iyong mga kasama namin sa bahay na sila na daw ang mag uurong ng pinagkainan namin kaya inakyat ko na si Isaac at pinatulog.

Pagkatapos kong patulugin si Isaac bumaba na ako at inihatid ang dalawang bruha sa labas. Pagka alis pumasok na ako sa bahay at umakyat sa kwarto ko. Pagkarating ko naman don ay binuksan ko ang messenger ko at nakita kong nagsend iyong nagtatanong sa akin kung ako ba girlfriend ni Xy ng photo.

Naiinjs na ako dahil sobrang bagal ng Internet kaya mas lalo akong pinapakaba kaya nag antay na lang ako at naupo sa kama ko habang inaantay kong magpakita iyong photo ay nagsend ng message iyong tao at nagsabi ng Sorry. Pagkasemd niya non nagpakita iying photo.
Para na naman akong binuhusang ng malamig na tubig dahil sa nakita ko hindi lang pala photo iyong sinend niya kundi video kaya kinalma ko ang sarili ko bago panoorin ang video. Habang pinapanood ko iyong video ng lalaking mahal kong may kahalikan at wala ng pang itaas na damit para akong tinutusok ng kutsilyo.

Habang tumatagal iyong video wala na ding oang itaas ang babaeng kahalikan niya. Nasasaktan ako pero mahal ko parin at alam kong isang paghingi niya lang ng tawad ayos na ulit. Pagkatapos ng video nagpasalamat ako don sa nagpadala non at tinawagan ko si Xy.

“Doc online ka nga tignan mo nga iyong ifinorward kong vid wala kaming internet ngayon”

[Ok love]  sabi niya tsaka ko pinatay iyong tawag

Masakit sobrang sakit pero hindi ko magawang sabihin sa kanya na hihiwlaayan ko na siya dahil oras na wala siya baka hindi ko na kayang gumalaw. Grabe naman love…  love really has the power to hurt a person.

Tinititigan ko lang iyong convo namin at typing na siya hindi ko alam kung paano siya magpapaliwanag sa akin habang inaantay iying message niya nag punta muna akong twitter at nag tweet

@Ethereal: WHY…?
Pagka tweet ko non saktong nag send na iyong message ni Xy sa akin at sinasabing mag usap kami pero sabi ko sa Monday na kailangan ko munang buuin iyong sarili ko kahit magkaroon man lang ng samoung pursyento.

Pagkatapos kong umiyak ng umiyak nakatulog na ako. Pero kahit nakatulog na ako nakikita ko parin iyong ginawa ng mahal ko bakit ayaw mawala whew. Pagkagising ko dumiretso ako sa banyo at naligo at lumabas.

Hindi ko na nagawang magpaalam pa kay kuya dahil tulog pa sila. Hinfi ko alam kung saan ako pupunta gusto ko lang aliwin iyong sarili ko kaya napagdesisyunan kong pumunta ng art gallery.

Pagkarating ko doon nag register lang muna ako bago tumulo. Nandito narin iyong paintings ni Hestia eh nakaka proud lang ang bata pero may ibubuga na samantalang noong ako iyan ang dungis dungis ko pa habang naglakaro ng putik.

Nakita ko ang painting ni Hestia sa may pinaka gitna at kinuhanan iyon ng litarto at ipinost ko sa Ig at may caption na PROUD SISTER pagkatapos nakita ko iyong abstract painting na noong una hindi ko ma gets kaya nilapitan ko agad.

Habang papalapit ako nakikita ko na kung ano iyong nandoon isa iyong babae na nakakulong tapos may mga tao sa labas na pinagtatawanan siya parang ganon kaya nakaisip ako ng magandang title REHAS.
Pagkatapos ko sa art gallery nagpunta naman ako sa public trampauline. Pagkarating ko doon may mga bata na ngayon ko lang narealize na anong oras na pala at hindi pa ako kumakain alas dos na pala pero hindi halata dahil hindi ganoon ka tirik iyong araw kaya maganda tumalon talon.

Pagkatapos non pumunta ako sa tapat na fastfood chain at nagburger lang. Wala akong ganang kumain ng kung ano ngayon. Sa loob na ako ng sasakyan kumain at nagpunta sa isang barangay dahil anrinig kong may laro daw ng basketball doon.

Tinapos ko halos lahat ng laro at nakita kong mag alas nuebe na pala kaya naoagdesisyunan kong umuwi. Pero naoadaan muna ako sa isang convenience store at bumili ng tubig dahil nauuhaw na ako kakahiway buti na lang iyong mga sinuportahan kong team nanalo kaya worth it.

Habang nasa daan pauwi sinadya kong bagalan ang pagpalatakbo ko dahil alam kong lagkarating ko sa bahay mapalagalitan ako. Pero kahit anong bagal ko nakarating parin ako sa bahay at saktong alas dies pa talagang mapapagalitan na ako neto.

Pagkapasok ko pa lang sa bahay nakita ko na si kuya sa may sala at siya na lang mag isa paniguradong pinatulog niya talaga ng maaga sj Isaac dahil palagalitan ako.

“Saan ka galing ineng?” tanong niya

“Sa tabi tabi lang ho bossing nag liwaliw, hindi ko naman pinabayaan sarili ko”  sabi ko naman

“Tinawagan ko mag kaibigan mo ang sabi hindi ka daw kasama, at ganoon din si Xy”  sabi niya

“Nagpunta lang akong art gallery kuya nandoon na nga iyong paintings ni Hestia eh nakakaproud”

“Kahit matanda kana magpaalam ka pa din sa akin dahil kapag may nangyari sa iyo diyan sa labas sino mapapagalitan?Ako” sabi niya pa at halata sa boses niya na galit na siya kaya tumahimik na lang ako

“Eh magpapapa alam naman daoat talaga ako sa iyo eh kaso tulog kapa tapos wala din akong load kaya hindi kita ma itext sorry na bossing”

“Kahit kila manang lang, pagkalabas mo daw sa kwarto mo dumiretso ka daw sa labas at sumakay sa kotse at hindi mo man lang daw sila pinansin, may problema ka ba mag sabi ka naman dahil nag aalala ako”  sabi niya

“Eh sa susunod magpa paalam na ako sayo bossing Sorry na ulit” sabi ko

Tinanguan niya lang ako at pinaakyat sa kwarto. Pagkarating ko sa kwarto nakita ko iyong itsura ko kagabi na umiiyak at gusto kong yakapin. Hindi ko na nagawang maghugas ng katawan at nahiga na lang sa kama ko at natulog. Napatanong ako sa sarili ko kaya ko kaya siyang harapin?.

SURVIVORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon