54

1 0 0
                                    




Nagising ako bandang alas kwatro dahip naiihi ako, kaya pinilit kong bumangon kahit kumikirot ang sugat ko. Noong nakaupo na ako naramdaman ko ang pag kirot ng likuran kaya mahina akong napadaing.

Dahan dahan akong naglalakad dahil baka magising si Hera at Sierra eh anong oras narin nong natulog sila kapag napapadaing ako babangon ylit sila eh nararamdaman ko naman dahil hindi rin maayos ang tulog ko.

Noong malapit na ako sa pintuan ng banyo muntik pa akong madulas buti na lang at naka kapit ako sa may lamesa. Inilibot ko muna ang paningin ko at tinignan kung basa iyong tatapakan ko, buti na lang hindi kaya tumuloy ako.

Pagkalabas ko namali ang tapak ko doon sa basahan kaya nadulas ako at napasigaw nagising tuloy si Hera at Sierra at dali dali akong inakaya papunta sa higaan ko para maiupo.

“Ano ba kasing ginagawa mo don?” galit na tanong ni Sierra

“Naiihi nga ako eh ayaw ko naman kayong gisingin dahil anong iras na rin kayo natulog kakabantay sa akin” sagot ko naman

“Ayos lang naman iying kesa madagdagan iyang pasa mo sa katawan” mahinahong sabi ni Hera

“Sorry na  matulog na kayo ulit” sabi ko

“Hindi na iinit ko na lang iyong niluto kagabi” sabi ni Sierra

“Ano na bang oras?” tanong ko sa kanila

“Malapit na mag five” sabi ni Hera

“Iyong damit ko maliligo na ako, baka matagal ako eh” sabi ko at kinuha naman ni Hera nagpaalam siya sa akin na aayusin ang paligo ko eh kaya ko naman. Inilagay pa niya sa banyo iyong isang mono block chair para hindi daw ako nakatayo at mahirapan.

Pagkatayo ko inalalayan ako ni Hera papunta sa banyo. Tatlong metro lang namanang layo nong banyo sa higaan ko pero halos kalahating oras namin iyon nilakad dahil kumikirot ang binti ko.
Noong nandon na ako sinabi kong kaya ko na at isinara ang banyo. Habang naliligo nararamdaman ko ang hapdi ng katawan ko dahil sa sugat ko. Tignignan ko mula asa salamin at nakita kong muntik pa bumitak ang kilay ko.

Nakita ko rin iyong pumutok na pasa sa hita ko at hindi ko alam kung paano mamaya mag susot ng damit dahil ang hirap kapag yumuyuko. Parang may naputok pa sa katawan ko pero huwag naman sana dahil kapag nalaman ni Kuya ito magagalit na naman iyon.


Pagkatapos kong maligo agad kong kinuha ang damit ko at long sleeve iyon kaya mas madaling suotin,tapos skirt na one inch ang taas mula sa tuhod ko kaya hindi ako nahirapang mag suot ng damit ko.

Pagkatapos non agad akong lumabas at kinuha ni Hera ang emergency kit niya para linisan ang sugat ko, napapadaing ako kapag nadidiinan niya ang paglilinis sa sugat ko kaya nag so sorry siya sa akin.

Pagakatpos lagyan ni Hera ng mga ointment yata iyon tinulungan niya akong pumunta sa table para kumain, naliligo na rin kasi si Sierra kaya sinabayan njya muna akong kumain.

“Hera pakuha naman nong relo ko sa bag” pagpapakiusap ko sa kanya at kinuha naman iyon.

“Eto ba?” tanong niya sa kukay itim at tumango naman ako, regalo ito ni Xy eh.

“Sorry” sabi ko kaya napatingin siya sa akin “Hindi ko naman alam na gagawin ni Iris toh sa akin dahil wala naman akong ginagawa sa kanya bukod sa pakikipag salitaan lang sa kanya” sabi ko habnag nakayuko

“Hey, don’t be sorry for what happened, Tsaka kung iniisip mo na you are burden to us no, ok so cheer up” sabi niya at inabot pa ang buhok ko para guluhin.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain, pero nahihirapan ako kaya napaoatingin si Hera sa akin kayanag ta-thumbs up lang ako para hindi siya mag alala. Pagkatapos ni Hera kumain sakto namang palabas na si Sierra at naupo sa tabi ko.

“Lintek talaga niyang si Iris, ingungudngod ko yan sa tae ng kalabas sinasabi ko” sabi niya habang nakatingin sa akin

“Hayaan mo na huwag mo na lang gantihan, pero pwede naman hahaha huwag lang ganito kalala” sabi ko habang nakatingin sa kanya

“Mas Galit iyong nasa Rehab sa amin CA, wala daw siyang jarapatan na gawin iyan sayo” sabi niya

“Noong nahimatay ako anong nangyari?” tanong ko dahil curios ako

“Nagulat iyong mga nakakita, may nag volunteer na iahatid tayo dito sakto naman na nag rereview siya for nursing kaya siya din gumamot sayo” sabi niya sa akin.

“Salamat” sabi ko lang habang nakatingin sa kanya

“Wala iyon pero oras na makita ko si Iris ewan ko lang kung anong magagawa ko sa kanya” sabi niya pa at pinanggigilan niya ang kutsara at tinidor na hawak niya.

Pagkatapos non mag alas siete na noong bumaba kami, nagulat pa iying ibang nakakita sa akin lalo na si Patrice kaya naki chismis pa muna sila eh nangangawit na paa ko.

“Gaga talaga iyong Iris na iyon ano tawagan ko na iyong iba nating kaklase” sabi pa ni Patrice

“Uy huwag” biglang sabi ko naman

“Tsss, Kami na bahala don, Sorry CA pero kailangan malaman toh nila Timothy” sabi ni Patrice at inunahan kaming maglakad

Pagkarating namin sa sasakyan ni Hera nahirapan akong pumasok dahil kailangan ko pang tumapak sa tapakan para makapasok, ayaw ko namang mahiraoan sila kaya kahit sobrang sakit at kirot na pumasok na lang ako.

Habang nasa biyahe hindi ako mapakali dahil iniisip ko kung ano namang gagawin ni Iris sa akin ngayon,kung aawayin ba siya nila Hera dahil sa galit na. Noong nasa taoat na kami ng gate ibinaba ni Heraa ng window niya at sumenyas sa guard kaya ointatuloy kami.

Ipinarada niya ang sasakyan niya sa mismong tapat ng room namin para hindi daw ako mahirapang maglakad. Habang pababa ako nakita ko iyong awa nong mga taong nakakakita sa akin kaya nginingitian ko lang sila.

Habang naglalakad kami bigla kaming hinarang ni Iris kaya napatigil kami at napatingin sa kanya.

“Buti buhay ka pa?” tanong niya sa akin

“Oo naman, ikaw hindi ka pa pala patay?” tanong ko naman sa kanya kaya naoangisi siya.

Akmang sasampalin niya ako kaso biglang hinarang ni Sierra iyong kamaya niya at hinawakan ang grip ni Iris ng super higpit kaya napadaing siya sakit.
“Subukan mo pang kantiin si CA, hindi lang iyan ang mararamdaman mo” sabi ni Sierra.

“Tss, ang dami mong sinasabi eh hindi niyo naman siya mailigtas sa kamay ko” sabi niya

“Stupid, kung hindi namin siya nailigtas sayo sa tingin mo humihinga pa siya ngayon” sabi naman ni Hera

“Kung stupid ako ano ang tawag kay CA super duper ultra mega Stupid?” sabi niya at inirapan pa kami.

Sinubukan kong hilain ang kamay nila para umalis don buti na lang at nagpahatak sila dahil kung hindi baka mag away lang sila. Nakita ko kung paano kumunot ang noo nilang dalawa dahil sa inis.

Habang naglalakad kami naririnig namin sa likuran si Iris, gusto na nilang humarap kaso inilingan ko sila.

“Dapat pala nilakadan ko iyong hampas ko ano? Para hindi kana makalakad” sabi niya pa at natawa

“Oo nga eh, maling nali ka doon. Hayaan mo next time tuturuan kita kung paano pumalo” sabi ko sa kanya dahil naririndi na ako.

Pagkarating namin sa classroom nakita kami nong mgakaklase namin kaya tinulungan nila kami dahil seat teenty six to twenty eight kami kaya kailangan naming umakyat.

Pagkarating ko sa upuan ko, nagpa salamat ako sa kanila at tumango naman sila sa akin. Habang nakaupo nararamdaman ko ang pangingirot ng binti ko kaya napapapikit ako sa sakit kaya napapalingon sila Hera at Sierra.

Noong dumating iyong Speaker tinanong ako kung bakit daw ako wala kahapon nong hapon ang sabi ko naman umuwi ako kaso nagtaka siya kung paano at ano ang nangyari sa mukha ko at bitak ang labi ko.

Habang nag lelecture kami nakikinig lang ako kahit sumasakit ko ang ulo ko at nahihilo ako pero pinipilit ko paring makinig dahil wala ako kahapon. Pinakiusapan ko iyong speaker kung pwede ko bang itake iyong ginawa nila kahapon ang sabi naman niya kukuhanin niya daw kay Sir Mathew dahil siya nga iyong spealer tuwing hapon.

Hindi ko alam ang magagawa ko sa iyo Iris oras na ang malalapit na sa akin ang kinanti mo. At oras na may hindi ako nagustuhang ginawa mo umalis ka na lang dahil hindi ko alam ang magagawa ko sayo oras na ako ang sumabog.

Mabait ako sa mabait, hinahayaan ko lang na ganituhin mo ako pero oras na mas nalala ang gawin mo dito hindi ako mag dadalwang isip na saktan ka, kahit ikaw pa ang mahal ni Xy.

SURVIVORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon