68

2 0 0
                                    




Noong bumalik ako kila Sierra nagulat pa sila dahil halatang galing ako sa iyak, tapos hindi ko sila pinapansin dahil okupado ng isip ko iyong sinabi ni Isabelle, ang hirap para sa akin na tanggapin iyon. Hindi man niya direktang sinabi alam ko ang pinupunto niya ay malandi ako.

Nag focus lang ako sa pag aasikaso nong mga customer iying iba nagulat pa dahil sa mata ko pero nginitian ko lang sila. Sila Hera at Sierra ay tinatapik ang balikat ko kaya napalalingon ako sa kanila.

Hindi parin lumalabas si Isabelle don at oras na lumbas sila siguradong hindi na ako ang paniniwalaan ni Tim, tutal parehas sila ng ugali ni Iris tsk may I talaga.

Hindi ko naramdaman ang pamamanhid ng mga paa ko dahil napakatagal ko ng hindi umuupo. Kahit walang customer ay nakatayo lang ako at hinahayaan sila Hera.

Nararamdaman ko pang kinakalabit nila ako pero hindi ko alam kung paano sila papansinin dahil iniisip ko parin iyong sinabi ni Isabelle. Namataan ko silang palabas ni Tim kaya tinignan ko lang sila. Nagulat pa ako noong bigla akong sinabuyan ni Tim ng Iced Coffee kaya nag salita ako.

“Ang Bilis mo namang ma brainwash Tim, baka gusto mong tignan iyong CCTV doon sa Opisina mo” sabi ko at nagulat si Isabelle “Bakit Hindi mo alam? Paalala lang huh bago kayo gumawa ng actions niyo siguraduhin niyong tama” sabi ko at napatakbo si Tim sa CCTV room ako naman ay kumuha ng envelope at paper.

Habang nagsusulat ako ng Resignation letter nagulat ako dahil bigla ding nag sulat sila Hera at Sierra. Pagkatapos naming sulatin iyon agad naming tinanggal iyong apron namin at sumunod sa CCTV room.

Habang papalapit kami lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi na namin nagawang kumatok dahil nabuksan iyong pintuan at nakita namin si Isabelle at Tim.

Agad naming iniabot kay Tim ang Resignation Letter namin wala akong pakialam kung tanggapin niya o hindi ang mahalaga wala na ako dito lintek sila.

“Ano toh? Bakit kayo aalis?” tanong niya pa

“Isabelle aalis na ako huh wala ka ng maipalaratang sa akin na kung ano ano, at ikaw Tim huwag kang mag aalala sa ibang tao dahil may masasaktan huh. Turuan mo ng manners ang girlfriend mo kailangan niya ata” sabi ko at akmang sasampalin ako ni Isabelle saktong nahawakan naman ni Hera iyong kamay niya.

“Tim Parang awa mo disiplinahin mo girlfriend mo” sabi ni Hera

“Tanggapin mo man iyan o Hindi aalis na kami grabe na ang inabot ni CA dito” sabi naman ni Sierra

“Sana iyong pag saboy mo sa akin kanina huling pamamahiya mo na iyin dahil hindi mo gugustuhin kapag ako ang namahiya sayo. Siguro kaya mo ginawa iyon dahil sinabi nito” turo ko kay Isabelle “Grabe hindi ko alam na aso ka na ngayon matalino ka huwag mong hayaan na ganyanin ka” sabi ko pa kaso naramdaman ko ang paghila ni Isabelle sa buhok ko.

Hindi ko siya sinabunutan hinayaan ko lang siya, it’s really childish kapag punatulan ko pa. Noong natapos siya sa akin nakita ko ang galot sa mga mata niya parehas silang abnormal ni Iris.

“Are You done?” tanong ko pero hindi siya sumagot “Kaya lumapit ako sa kanya at sinampal siya at nakita kong humarang si Tim “Bakit aawatin mo ako?” sabi ko pa “Hindi mo nga nagawang awatin ang girlfriend mo, And You Iris Try to hide your crazy because you are a lady. I’M DONE WITH THIS” SABI KO AT UMALIS DON.
Agad akong dumiretso sa locker ko at nagpalit ng damit, kinuha ko iyong gamit ko at naunang lumabas iniitsa sa akin ni Hera iyong Susi ng sasakyan niya kaya dumiretso ako doon.

Pagkapasok ko doon sa sasakyan ni Hera nag unahan na ang pagtulo ng luha ko. Napasapo pa ako sa noo ko at sinasabi kong bakit ko ginawa iyon ang pangit na attitude, hindi ako iyon.

Paglapasok noong dalawa agad nila akong niyakap kaya agad kong pinunasan ang luha ko kaso narinig kong umiiyak na sila kaya humiwalay ako sa yakap namin at pinunasan ang luha nila.

“Saan niyo gusto magpunta?” tanong ko pa

“Kahit saan” sabi ni Sierra

“May camping ngayon pwede pa tayong pumunta doon, may mga damit naman na kami na extra ni Sierra ikaw na lang anv wala” sbai ni Hera

“Tara doon sa dati naming bahay” sabi ko dahil may mga iniwan pa kaming mga damit doon ni kuya.

Minsan ay tumutuloy din kami doon pati sila Ireful at Isaac alam na iyon eh. Nakwento narin namin ang naging buhay namin doon. Habang binabaybay namin ang daan tahimik lang kami pero naririnig ko ang pag iyak nila.

Pagkarating namin sa bahay agad kong binuksan iying gate at tumakbo sa loob. Agad akong naglagay ng damit sa isang hand carry na bag. Pagkatapos non agad ko ring isinara ang bahay at gate.

Dumiretso kami sa isang convenience store dahil bibili ng alak si Hera nagpunta naman sa Isang store si Sierra dahil bibili siya ng tent at latag namin ako naiwan dito.

Habang hinihintay ko sila nakita ko ang isang bata na nanlilimos kay binuksan ko ang bintana ko at binigyan siya ng bente pesos tapos inabutan niya ako ng Sampaguita na ginawa niya,kaya dinagdagako iyong binigay ko.

Namataan ko si Hera na papunta na dito. Pagkabukas niya sa back seat nagulat pa  ako dahil ang daming alak iba’t ibang uri may mga naka can tapos may naka bote.

Pagkalagay niya non lumabas din siya agad dahil may bibilhin pa daw siya kaya naiwan ulit akong mag isa dito. Pinapanood ko lang iyong mga dumadaan na sasakyan.

Nagulat pa ako noong bumykas iyong pinto sa likod at sumakay si Sierra.

“Nasaan mga pinamili mo?” tanong ko

“Comforter lang binili tapos maliit na net, kanina ko lang naisip na pwede naman tayong matulog sa likod” sabi niya kaya tumango ako “Luh kadami naman nito” turo niya doon sa mga alak may plastic cups pa iyon.

Pagkabalik ni Hera may dala dala na siyang tatlong bucket ng chicken wings. Bumili din siya ng off lotion tapos gamot, may tubig at chuckie pa. Agad akong kumuha sa chuckie, ngayon ko lang nakita na may yakult kaya kumuha din ako.

Pinaabot ko kay Sierra iyong plastic cup, inihalo ko iyong isang chuckie at isang yakult, ang sarap lang bat ba. Noong malapit na kami sa camping site inayos namin ang sarili namin dagil may registration pala at ako na ang nagbayad.

Agad kaming naghanp ng magandang puwesto dahil magdidilim na. Itinabi lang namin ang tent namin sa sasakyan. Grabe super ready iting dalawa dahil may dala pa silang powerbank.

Noong na set ul na namin iying tent ay inilagay na namin iyong banig na may foam,at inilagay namin doon mga gamit namin. Inayos ko naman ang comforter sa likod tapos kinuha ni Hera iying mga pagkain, si Sierra ay nagpunta doon sa restroom dahil naiihi na daw.

Pagpatak ng gabi ay inumpisahan na naming uminom nilimitahan ko lang ang sarili ko sa dalawang can ng beer para pag na lasing sila may mag asikaso.

Nakaubos na ng ilang bote sila Hera kaya medyo hulo na sila, ang binili pala ay Black Label, May Alfonso pa. Hindi ko na sila maintindihan kaya lumapit ako ng kaunti sa kanila, medto nahihilo narin ako.

“Alam niyo ba Hiwalay na magulang ko lintek diba kung kailan akala ko maayoa na tsaka naman maghihiwalay, iyong akala kong lumalabas sila to make up their relationship pero nagpupunta pala sila sa abogado whew” sabi pa ni Sierra at tumutulo na ang luha.

“Handa ba kayong ampunin ako when hindi ako nakpasa you know sa board exam, cause mom told me that If I couldn’t pass that fvcking board exam hindi niya na ako kilala” sabi niya pa at pinipigipan ang luha

“Ano man mangyari handa akong tanggapin kayo ok welcome kayo lagi sa bahay, pwede naman tayong tumuloy doon sa dati namimg bahay gusto niyo?” tanong ko at ngumiti lang sila.

“Takte CA paano mo na kayang wala iyong magulang mo any Tips naman para alam ko kung ano gagawin ko” sabi pa ni Sierra at diretsong nilagok ang isang can ng beer

“To be Honest hindi ko alam kasi sobrang bata pa alang ako noon I was just ten that time lumaki akong walang magulang nakapag aral ako dahil sa Scholarship, nagbibigay sila noon pero pang kain lang kaya kailangan naming mag trabaho noon ni kuya. Dasal lang Sierra andito lang kami”sabi ko

“Eh ano naman tips mo sa akin CA?” tanong naman ni Hera

“Hindi magulang ang ganoon, ang tunay na magulang tatanggapin ang failure ng anak nila pero huwag kang mag aalala dahil papasa ka” sabi ko

“Eh ikaw, tinatago mo na naman iyang nararamdaman mo, to be honest nagulat ako sa ginawa mo kanina don sa Isabelle” sabi ni Hera

“Nakita ko na Si Xy, niyakap niya ako at alam niyo iyong pinaka tangang naramdaman ko umasa ako na noong niyakap niya ako hindi niya na ako bibitawan” sabi ko.

Ipinagpatuloy ko ang pag kukwento habang nakatingin sa malayo, halos hindi na ako nakainom sa beer ko samantalang sila Sierra kulang na lang matumba na.

Pagkatapos kong mag kwento nakita kong umiiyak na sila at sinabing bat daw kaai mahal ko pa kay sabi ko naman ganon talaga.

“Ilang Araw at Buwan halos isang taon narin pero wala parin siya parin mahal ko” sabi ko at napangiti ng mapait sila Hera.

Pagkatapos non nagkalat na si Sierra  kaya kinuha ko ang tubig at pinainom si Sierra ganon din si Hera.

Pagkatapos non inakay ko sila doon sa tent namin. Lalabas sana ako kaso bigla na lang akong hinila ni Sieera at nagmakaawang huwag akong umalis.

Nakakalungkot isipin na iyong Hera at Sierra na sobrang saya during college may dinaramdam na hindi naman daoat pero alam kong challenge lang sa kanila ito.

Habang nakatulog sila napakahigpit ng yakap nila na parang ayaw nila akong pakawalan. Pinapangako ko hindi ako aalis sa tabi nila dahil kung wala sila,matagal na akong tapos.

SURVIVORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon