43

5 0 0
                                    



Habang sinsulat ko iyong tula tumutulo iyong luha ko siguro nga para hindi ako masaktan kailangan ko na siyang pakawalan. Kung magkikita man kami sa future at parehas pa kaming walang pamilya edi susubukan namin kaso parang malabo din dahil sabi ni Iris ikakasal sila.

Inilagay ko siya sa white envelope at sinulatan ko pa iying harap ng envelope na nagsasabing iplay niya iyong Help Me Get Over. Pagakatapos non inipit ko muna iyong tula sa libro pag iisipan ko kung kailan ko ibibigay.

Naging mabilis ang araw at ngayon ay lunes na maaga akong pumasok kahut alas dies pa ang klase ko alam kong maaga si Xy ngayon dahil kukunin niya iyong mga gamit niya.

At tama nga ako dahil pagkatapat ko sa Faculty ayon siya at palabas buti na lang at wala si Iris kaya maibibigay ko iyong tula na ginawa ko noong sabado ng gabi.

“Yuan saglit” sabi ko at huminto naman

“Bakit?” malamig ang tonong tanong niya kaya inabot ko sa kanya ang envelope.

“Bigyan mo lang kahit limang minuto para basahin ang nasa loob niya” sabi ko at nilaglasan siya

Habang naglalakad ako papunta sa room namin nakita ko iyong mga ngiting babaunin ko pagka tapos ko ng college. Maraming ala ala ang babaunin ko pag alos ko dito, masakit man o masaya.

Pagakarating ko sa classroom namin  nandoon sila at ako na lang ata ang hinihintay nila. Nakaupo sila sa sahig at nakapa bilog may beat box pa silang dala at dalawang gitara. Iyong ibang kaklase namin ay kakikitaan ng tuwa iyong iba hindi

“Anong meron, Bakit meron kayong dalang mga instruments? ” tanong ko sa kanila

“Bonding lang naman, since ilang araw na lang iying meron tayo” sagot ni Tim na may hawak na gitara

Naupo ako sa gita nila Hera at Sierra, sa tabi ni Sierra si Iris na ayaw humiwalay sa kanya at naiirita na si Sierra kaya natatawa kami ni Hera. Sa side namin ni Hera katabi niya Si Tim.

“Ganto guys kakanta tayo, I mean tatapusin natin iyong buong kanta tapos kung kanino matapat o ang huling may hawak nitong polbo siya ang mauuna at mag dedesisyong kung left or right” sabi ng class President namin at tumango naman kami

Nagumpisa silang tumugtog at familiar iyong kanta
Oh, her eyes, her eyes
Make the stars look like they're not shinin'
Her hair, her hair
Falls perfectly without her trying
She's so beautiful
And I tell her every day
Yeah, I know, I know
When I compliment her she won't believe me
And it's so, it's so
Sad to think that she don't see what I see
But every time she asks me, "Do I look okay?"
I say

Habang kinakanta nila iyon naalala ko na naman iying araw na nasa bleachers kami ni Xy tapos nag eensayo siya oara sa mini concert tapos noong nagising ako kinanta niyang buo habang nakatingin la sa mata ko

Doon ako unang kinilabutan sa kumakanta kasi iba talaga iying boses ni Xy parang dadalhin ka sa ibang dimensyon tapos wala kang ibang maririnig kundi iying boses niya lang


Pagdating ng Chorus napasabay kaming lahat dahil parang naging live bad na dahil may mga nag snap at tumatambol pa sa mga upuan. Nakaktuwa lang makita na kahit ilang linggo na lang kaming magkakasama hindi nila iniinda iyon at sinusulit ang bawat oras.

When I see your face
There's not a thing that I would change
'Cause you're amazing just the way you are
And when you smile
The whole world stops and stares for a while
'Cause, girl, you're amazing just the way you are

Pagkatapos ng kanta si Hera ang may hawak sa polbo kaya nag kantyawan pa kaming lahat. Pinili ni Hera ang right kaya ako ang huling tatanungin. Agad naman siyang tumayo at nagounta sa gitna.

“Ano iyong best memory mo dito?” tanong ng President namin

“Maybe when I enrolled as a College Student that is the first time I saw CA, tapos natakot ako kasi akala ko suplada hindi pala” sabi niya at natawa naman sila

“Oy Tim ikaw na” sabi naman ni Sierra at tumayo siya

“Kung may isang babae kang kakantahan sino iyon at anong kanta” tanong ulit ng President namin.

“Kakantahin ko iyong kanta ngayon?” tanong niya at tumango naman kami “Kung ako na lang sana ang iyong minahal dika na muling mag iisa, Kung ako na lang sana ang iyong minahal dika na muling luluha pa dika mangangailan pang humanap ng iba narito ang puso ko naghihintay lamang sayo, Kung ako na lang sana” kanta niya habang nakapikit pa

“Eh sino o para kanino mo iyon inaalay?” tanong naman nila

“Kay Coleen” sagot niya kaya napatingin sa akin ang mga kaklase ko at nagbigay ng nanunuksong tingin at ako napayuko na lang.

Nagpatuloy  lang kami sa paglalaro iying iba nag iiyakan na dahil nga nalaman na nakakasakit na pala sila at hindi nila alam tapos nagkakapatawaran naman, iyong iba nalaman naman na gusto rin sila ng taong gusto nila.

Nakakatawa lang kasi iyong President namin kung ano ano itinatanong nagbiro pa siya na Iha hot seat niya daw kami ni Iris kaya napangisi na lang ako dahil kung kailan ko iniiwasan iyong mga ganito saka mangyayari. Pagkatapos ni Jeya si Iris na kaya natahimik ang lahat.

“I can Ask as many as I want right?” tanong niya at tumango naman si Iris

“Anong kinalaman mo sa paghihiwalay ni CA at Kuya Xy?” taning niya na ikinagulat naming lahat

“Syempre wala, Nanahimik ako eh tapos binalikan ako ni Xy” sagot niya at nagpalting naman iyon sa tenga ko dahil iba na naman iying sinabi niya. Na hindi naman talaga iyon ang nangyari

“Totoo bang tinawag mo na cheap si CA?” tanong ulit sa kaniya

“Yeah, She’s really cheap. Walang taste sa fashion” sagot niya habang nakatingin sa akin buti tapos na siya at Si Sierra na.

“Sino ang mas maganda Si Iris o Si CA?” tanong naman kay Sierra ako naman nagtataka bakit nadamay na naman ako

“To be Honest lahat ata ng kagandahan na kay CA na si Iris maganda lang physical pero pangit ugali” diretsong sabi niya at umupo na. Iying mga kaklase naman namin ay napa ohhhhh na lang at natawa.

“Ayan na si CA na! ” sigaw pa ng mga kaklase ko

“Ready ka na?” tanong sa akin at tumango lang ako “Mahal mo pa ba si kuya Xy?” tanong niya

“Oo at hindi ko alam kung paano ko soya kakalimutan” sagot ko kaya natahimik silang lahat
“Masakit ba na nakikita mo siyang masaya sa iba?”

“Saksakin mo sarili mo kung ano mararamdaman mo ganoon iyong nararamdaman ko, pero hhwag mong saksakin sarili mo dahil oo masakit hindi ko alam kung sapat na nga ba iying salitang maskit eh”  sabi ko naman at natawa iyong iba namin kaklase

“Kung may isang eksena na guato mong balikan noong kayo pa ano iyon?”

“Siguro iyong ipinagluto niya ako sa bahay kahit nagkanda paso paso iyong kamay niya. Sunong iyong una nooneh tapos iyong pangalawa hindi luto buti sa pangatlo successful naman”  sagot ko at naalala ko pa kung paano kinuha ni Xy iyong helmet ni kuya para hindi siya matalsikan ng mantika.

“Ano iyong pinaka masakit na salitang narinig mo sa kanya?”

“Salamat”  sagot ko at nagtaka naman sila

“Bakit iyon?”

“Siguro nagpasalamat na siya dahil sa mga ala alang nabuo naming dalawa” sagot ko at napa ohhh naman sila

“If may sasbaihin ka ano iyon?” tanong sa akin

“Te quéro, Adios”  sabi ko

“Ano iyon?” tanong ulit

“I love you, Goodbye” sagot ko.

Pagkatapos non nilapitan ako ng mga kaklase ko at niyakap mukha silang tanga iying iba nagpapasalamat sa tulong ko iying iba ainasabing kaya ko ito at nandiyan lang sila para sa akin pero nagulat pa kami noong biglang nagsalita iyong President namin.

“Ano ang gisto mong sabihin kay Iris?” tanong niya sa akin

Napatingin ako sa kanya ng matagal at sinusuri ang physical appearance niya. Tinignan ko ang nakakaakit niyang mga mata kagaya ni Xy, ang matangos niyang ilong at ang labi niya niya. Naoakaganda niya.

“Samahan mo siya sa lahat ng gagawin niya, minsan nagounta iykn sa hideout ng mag isa pero sundan mo siya” sabi ko at inalis ang oaningin sa kanya

Pagkatapos non napagdesisyunan namin na kumain muna dahil nagugutom na kami kaya sama sama kaming mag kakaklase na kumain sa Cafeteria grabe every School Year namin ito ginagawa t ito na ang panghuli.

“Guys huling kain na ba natin toh dito sa School na magkakasama tayo?tanong ni Jeya

“Siguro, pero alam ko one day hindi man tayo dito kakain kundi sa mga five star hotel na, iyong pang sosyal na mga resto”  sabi naman ni Tim at lahat kami napangiti. Katabi ni Tim si Iris at mukhang kanina pa lumalayo si Tim kaya si Sierra natatawa naman.

Pagakarating ng pagkain namin nag dasal muna kami at ang nag dasal ay ang loko loko naming kaklase na si Ish. Lutang ata siya kaya imbes na let us pray ang sasabihin naging one two three kaya natawa kaming lahat.

Pagkatapos non agad naming inumpisahang ang pagkain namin napaoatingin na iykng ibang Department sa amin dahil ang ingay namin paano kasi habang kumakain kami may nagpakatawa ayan tuloy may naibibiga sila.

“Oy pansin niyo tahimik si CA ngayon” sabi ni Kris

“Kumakain kasi” sagot ko naman

“Weh maniwala  sayo iyong totoo” sabi naman ni Zel

“Wala nga Promise, tsaka iniisip ko lang kung sino darating sa Graduation Day kasi hectic sched ng parents ko” sabi ko at napatango naman sila buti na lang lumusot iyong oagsisinungaling ko ngayon lang naman hehe.


Pagkatapos naming kumain nag sitayuan na silang lahat at ako ay nakaupo parin dahil inaayos ko ang pinagkainan namin iyong iba imbes na tulungan ako kinuhanan pa ako ng litrato. Pagkatapos naming ayusin naglagay kami ng note na nagsasabing THANK YOU FOR THE FOOD, THIS MAYBE THE LAST MEAL THAT WE ATE BUT IT WILL NEVER BE FOGOTTEN, THANK YOU FOR THE GOKD SERVICE – FIFTH YEAR ACCOUNTING DEPARTMENT at iniwan iyin doon

Pagkapasok namin sakto naman na nadoon na iying Prof slash Adviser namin kinongrats niya lang kami dahil lahat kami may matatanggap na award kami rin ang unang mag pictorial bukas kaya excited kaming lahat. Ang isusuoy daw namin uniform at Formal Attire.

Pagkalabas ng Prof namin nag sihiyawan na naman sila dahil nararamdaman na daw nila na kaunti na lang at magatatapos na bukas rin daw malalaman ang mga kasama sa Honors.

Pagkatapos ng klase hindi muna ako umusi at nagliwaliw muna sa Campus naikot ako mula sa Department namin hanggang doon sa Archi dahil nasa dulo ang kanila, Pagakatapos naman nagpunta ako sa bleachers at pinanood ang pagpasok ng mga  High School Students dahil first week of class nila ngayon.

Agad akong bumaba soon at dumaan sa likuran papunta doon sa likod ng classroom namin at nakita kong maraming estudyante doon an tumatambay dahil maraming puno  at masarap sa pakiramdam, kung kasama ko ngayon sila Hera mas masaya sana kaso may date silang dalawa ni Sierra eh.

Pagkatapos kong tumambay doon nagpunta naman ako sa lumang dito ko naranasang umiyak dahil minsan hindi ko nagegets iyong lesson, saksi ang library na ito kung paano ako tumawa, umiyak at umibig. Kumuha ako ng libro sa Accountancy at kumuha ng papel sa bag ko at nagsulat doon ng, THANK YOU FOR THE PAIN AND TEARS YOU MADE ME STRONGER FOR FIVE YEARS NOW I AM LEAVING WITH A LOT OF LESSON.-CAE

Pagakatapos ko sa lumang library nagpunta naman ako sa bagong library at kagaya kanina kumuha uli ako ng libro at papel at nagsulat ulit don ONE DAY I’LL BE BACK WHEN IT’S THE RIGHT TIME AND I WILL BE YOUR GUEST – CAE

Pagakatapos non lumabas na ako at nag diretso sa parking lot at pinaharurot ang sasakyan paalis. Sana pag bumalik ako sa school wala na akong maalalalng masasakit na nangyari sana mapunan iyon ng saya dahil kahit alam kong balang araw kaya ko na ayaw ko ng balikan pa.

SURVIVORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon