Mabilis na lumipas ang araw at ngayon katatapos lang ng mid terms namin nag aaya nga sila Sierra ng Hang out kaso may gagawin pa ako. Kaya nag punta na lang kami sa fast food chain at nilibre ko sila ng Burger, Fries at Float.
“Naisip niyo ba kung sino makakasama niyo sa pag iintern?” tanong ni Sierra
“Gusto ko kayo kasama, mas maayos kasi trabaho ko kapag kayo kasama ko” sabi naman ni Hera
“Same” sabi ko naman sa kanila
“Grabe pagkatapos natin ng fourth year isang taon pa tapos boards tapos work, Grabe mamimiss ko kayo” sabi pa ni Sierra
“Sana naman hindi na masungit iyong mag handle sa atin nakaka trauma iyong nangyari last year” sabi ni Hera
“Basta kasama naman kayo ayos lang sa akin masungit o mabait man mag handle sa atin” sabi ko pa at napahawak naman sila sa puso nila
“Kamusta naman pala kayo ni kuya” tanong ni Sierra
“Ayos lang matatag parin, busy siya eh graduating” sagot ko naman
“Ghad sobrang ideal ng relationship niyo, nakakainggit” sabi naman ni Hera
“Baliw hindi naman, tsaka wag mong pangarapin iyong relationship namin hayaan mong bumuo kayong dalawa ng love story niyo na hhangaan din ng iba at baka mas higitan niya pa iyong pinapangarap mong love story namin” sabi ko pa sa kanila
“Ok Nanay CA in the house” sabi ni Hera
“Sabi na kasing huwag masyadong malalalim mga usapan natin dahil nadadala si CA at napagsasabihan tayo” sabi naman ni Sierra at tumawa lang ako
Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan hanggang sa napatingin ako sa labas, nakita si Athena na may hinihithit kaya tinuro ko siya sa dalawa at siya nga iyon.
“Puntahan natin baka kung ano na iyon” sabi ko sa kanila at lumabas na kami
Dumadagundong ang tibok ng puso para silang lalabas ang isip ko naman umaasa na hindi iyon droga dahil alam kong hindi magagawa ni Athena iyon kahit isang buong Barangay pa mag alok sa kanya.
Pagkarating namin doon nakita namin tinitikman niya na ang nasa pakete kaya tinakbo ko siya agad at hinablot ang hawak niyang pakete. Nagulat pa siya ng sumulpot ako sa harapan.
“Ano toh Athena” sabi ko sa kanya
“Ano ba naman CA bat mo kinuha!” sigaw niya sa akin
“Tinatanong kita kung ano toh” sabi ko sa kanya habang pinapakita ko sa kanya
“Huh, hindi mo ba alam kung ano yan, CA DRUGS yan ILLEGAL NA DROGA” Sabi niya pa sa akin kaya tumulo na ang luha ko
“Bakit mo ginawa, bakit mo sinubukan athena naman” sabi ko sa kanya
“Tangina wag mo na akong pakialaman CA” sabi niya sa akin
“Kaibigan kita tapos hindi kita pa pakialam ano iyon, parang tanga naman, ayaw kitang mapunta sa mali kaya ganon, ano na lang sasabihin ng tatay mo niyan huh Athena naman”
“CA WAG MO NA AKONG PAKI ALAMAN PARANG AWA NA, KUNG GUSTO MO ITAKWIL MO NA AKO” Sabi niya pa
“Huh itakwil nababaliw kana ba, paano kita itatakwil eh kaibigan kita, maging masama ka man kaibigan parin kita kaya please itigil mo na iyan” sabi ko at nagulat naman ako ng sumabat si Sierra
“Athena Please, Habang maaga tigilan mo na alam mo naman kung ano side effects niyan diba?”
“Tangina CA bakit nandito sila” sabi niya sa akin
“Kasama ko sila kanina pa,Isa na lang itigil mo na toh dahil kung hindi ako mismo ang mag paparehab sayo” sabi ko sa kanya
Hindi siya sumagot pero naramdaman ko ang pagdampi ng mga palad niya sa pisngi ko kaya lalong bumuhos ang luha ko habang nakatingin sa kanya pero umiwas siya.
“Sige I pa rehab mo ako sige lang, Alam mo sa totoo lang CA kaya lang naman kita kinaibgani para may taga gawa ako ng mga projects at assigment ko, Sa totoo lang galit ako sayo galit na galit. Naghiwalay kami ni Titus nang dahik sayo, nasira pamilya ko at dahil sa nanay mo, Galit na galit ako na gusto kitang makitang bumagsak,ginamit lang kita CA. At kung isusumbong mo ako sa Pulis, Go sa tingin mo hahayaan ako ng tatay kong makulong hindi, Tapusin na natin ang pagkakaibigan natin at huwag ka na ulit magpapakita pa sa akin dahil sawang sawa na ako sa pagkakaibigan na ito ”
Pagkatapos niyang sabihin iyong oara akong pinomoyang at binuhusan ng malamig na tubig sa katawan ko, parang nawala iying kalahating parte ng katawan ko. Best Friend ko na iyon eh, Masama na ba ako dahil ayaw ko siyang mapunta sa masama.
Pinaharutot niya ang kotse palayo sa amin nila Sierra, hindi ako makapaniwala ganon lang pala iyong tingin niya sa akin takte parang kapatid ko na iyon tapos bjgkang ganon na lang.
Agad akong niyakap ng dalawa bagaman pati sila ay umiiyak na din dahil may sinabi pa sa kanila si Athena na hindi ko na naintindihan kanina. Ayos na sa akin kung ayaw niya na akong maging kaibigan, pero sana tigilan niya na iyong ginagawa niya isang taon na lang graduating na kami.
“Sorry CA” sabi nila Sierra
“Wala naman kayong kasalanan sa akin wag kayo humingi ng tawad” sabi ko sa kanilang dalawa
“Sasamahan ka namin CA, Kahit gaano kasakit iyan” sabi ng dalawa
Sumakay kami sa sasakyan ni Hera dahil sinundo niya kami kaninang umaga umupo na lang ako sa likuran at isinandal ang ulo ko sa may bintana kaso nakita ko ang ilong kong dumudugo na naman.
“CA ayos ka lang, Sierra sakay dalhin natin si CA sa ospital” sabi ni Hera
“Hi-ndi na a-yos la-ng ako” sabi ko dahil alam kong inaatake na ako ng asthma ko
“Kwingina Hera bilisan mo, wait tatawagan ko si Kuya Xy” sabi pa ni Sierra
Pagakarating namin sa ospital dinala agad ako sa emergency hindi ko na alam iyong nangyayari basta alam ko nakahiga ako sa hospital bed the next thing I know nawalan na ako ng malay.
XYZ’s POV
I was busy reading a book kahit katatapos lang ng exam CA is with Sierra and Hera. Ililibre niya daw sa fastfood dahil hindi daw siya makakasama sa hang out nila Sierra mamaya kaya iyon daw ang parusa niya.
Habang pababa ako ng hagdan nakatanggap ako ng Tawag galing kay Sierra pumunta daw ako sa Hospital dahil dinala daw nila doon si CA kaya kahit sobrang layo ng Library sa Parking lot tjnakbo ko.
Pagkapasok ko sa sasakyan ko ang bilis bilis ng tibok ng tibok ng puso ko at ipinagdadasal na sana walang nangyaring masama sa kanya. Sa bilis ng pagpapatakbo ko patang sobrang bagal ng oras kaya mas lalo akong kinakabahan.
Pagkarating ko sa Hospital nadatnan ko sa may Emergency sila Hera at Sierra na namumugto ang mga mata pag kakita nila sa akin agad silang yumakap sa at umiyak sa dibdib ko.
“Hey stop crying ayaw ni CA niyan” sabi ko sa kanila “Anong nangyari bat biglaan?” tanong ko hanmbang sinusbukang pakalmahin ang sarili ko
“Nakita kong dumudugo iyong ilong niya kuya, then hindi namin alam na may asthma siya tapos inatake” Si Hera na ang sumagot
“Saglit lang huh tatawagan ko lang kuya niya”
Agad kong inilabas ang cellphone ko at idinial ang number ni Kuya buti na lang isang ring lang sinagkt agad
[Bakit nasa trabaho ako] sabi niya
“Si CA nandito sa Hospital ngayon, dalian mo sa Hospital kung saan nanganak si Ate nandito kami ngayon”
[Kwingina saglit hintayin niyo ako] sabi miya at pinatay ang tawag
Pumasok ako kung nasaan si CA at nakita ko siyang nakahiga don na hinang hina ang itsura. Napansin ko ang pasa sa may braso niya kaya tinignan ko pa ang ibang parte ng katawan niya.
Ang hina hina ng mahal ko ngayon habang nakaratay sa hospital bed. Pumasok din sila Sierra don at tinitignan si CA na umiiyak na naman.
“Girls tama na ayaw ni CA na umiiyak kayo please”
“Hindi kasi namin alam kuya na may dinadamdam siyang ganyan, Ang lakas lakas niya kapag kausap namin siya, Ang lakas namn niya hindi mahahalatang may sakit siya, ngayon lang namin napansin na may pasa pala siya” sabi pa ni Sierra
Hindi ko na lang siya sinagot at hinahawakan ang kamay niya at sinasabing gumising na siya mag tatatlong oras na siyang nakahiga diyan. Nagulat ako sa biglaang pagpasok ni Kuya kasama si ate na naka mask pa at may dala pa silang damit ata ni CA
“Tangina anong nangyari ayos pa siya kaninang tumwag ako sa kanya”
“Hindi po namin alam kung paank ikukuwento, basta nakita ko na lang po na dumudugo na iyong ilong niya naoansin din po namin iyong pasa sa katawan niya tapos inatake siya ng asthma niya”
“PJ napansin ko na iyan eh four months ago kaso ang sabi niya ganon daw talaga siya pag tag init” sabi naman ni ate
“Takte naman, saglit aayusin ko iyong kwarto niya ayaw kong nandito tayo” sabi niya pa
Nagtagal kami ng ilang oaras pa sa Emergency Room bago mailipat si CA sa isang private room. Makalipas lang ang ilang oras dumating naman ang doctor. May sinasabi siya kaso hindi ko magawang intindihin basta ang tanging naintindihan ko May Anemia si CA, at buti na lang daw nadaka namin siya sa ospital. Kailangan niya daw ng pahinga. Ni recommend narin ng doctor na ibili namin ng nebulizer si CA para in case na atakihin ulit siya may aagap.
Alas dose na ng maramdaman kong nagugutom ako, sinabihan din kami na dapat masusustansya lang ang kakainin niya. Napalingon pa ako sa kanya at natuwa dahil nakamulat na siya.
“CPA ayos ka lang, nagugutom ka ba?” tanong ko sa kanya
“Sila Hera nasaan” namangha na naman ako kahit siya iyong nasa hospital bed inalala niya parin iyong mga kaibigan niya
“Kanina pa sila Umuwi love, pati na din sila Kuya umuwi na babalik sila bukas ng umaga dahil sila kapalit ko” sabi ko sa kanya
“Love gusto ko ng umuwi ayaw ko na dito please. Ayaw ko sa amoy ng ospital naninikip dibdib ko” sabi niya pa
“Hindi pa pwede love hanggang Friday ka pa dito. Sabi nila Hera idadala na lang daw nila iyong kailangan mong notes, tapos ituturo na lang daw nila iyong lesson niyo, just rest dahil alam kong pagod kana sa maraming bagay” sabi ko pa
“Nagugutom ako” sabi niya pa“Lalabas ka? Sama ako sayo” sabi niya at agad naman akong nagpakuha ng wheel chair.
Habang hinihintay namin iyong wheel chair kwinekwentuhan ko lang siya pero hindi ko alam kung pumapasok iyon sa isip niya dahil habang tinitignan ko siya ay masasabi kong ang lalim ng iniisip niya. Hindi ko alam kung paano siya tatanungin dahil sobrang tahimik niya buti na lang dumating na iyong wheel chair.
Habang naglalakad kami sa hallway nakatakip lang iyong dalawang kamay niya sa ilong niya, Totoo nga iyong sinabi niyang ayaw niya sa amoy ng kemikal. Pagkarating namin doon sa Cafeteria ng Hospital butk na lang may kakaluto silang gulay kaya iying ang kinuha ko para kay CA at isang bottled water.
“Salamat” agad niyang sinabi sa akin
“All For You Love, Kain kana” sabi ko at kumain na siya
Tahimik lang kaminkumakain dahil ayaw kong mag salita. Hindi ko alam kung anong iniisip niya ito ang unang beses na nag kaganito siya kaya hinahayaan ko na lang.
“Doc Hindi mo naman ako iiwan diba?” sabi niya at nagulat naman ako
“Hindi ah CPa saka lang siguro kita iiwan lag namatay na ako” sagot ko sa kanya at binigyan siya ng matamis na ngiti
Pinisil niya ang pisngi ko pagkatapos kong sabibin iyon pagkatapos ipinagpatuloy namin ang pagkain namin. Pagkatapos naming kumain nagpahangin kami ng kaunti sa kabas bago pumasok sa loob.
Kahit maging mahina pa si CA hindi ko siya iiwan.
CA’s POV
Gusto kong humingi ng tawad kay Xy dahil alam kong dinidstract niya ako sa mga kwento niya pero lahat ng iyon hindi ko magawang intindihin. Ang tanging laman lang ng isip ko ay si Athena, kung ano ang nangyayari kay Athena, Kung bakit iyin nagawa ni Athena.
Aware naman ako sa sakit ko hindi ko lang sinasabi sa kanila dahil ayaw kong mag aalala sila, Tatlong klase ng Anemia ang na sa akin paniguradong alam na iyon nila Xy. Hinidi naman masyadong Fond ng gukay iting si Xy mas ok pa siya sa fruits pero nagulat ako ng kuamin siya ng gulay.
“Tulog kana Doc” sabi ko sa kanya
“Babantayan kita” nakangiting sabi niya habang hawak hawak ang kamay ko at hinahalik halikan ito
“Sorry pinag alala ko kayo” sabi ko pa
“It’s ok love hindi mo naman intensyon. Alam kong may iniisip ka pero kung hindi pa pwedeng sabihin pero handa ako maghintay kapag handa ka ng sabihin iyang problema mo huh” sabi niya sa akin
“Salamat, matulog kana matututlog narin ako para makaalis na ako dito sa ospital” sabi ko sa kanya at pumunta naman siya sa couch sa kabilang banda ko.
Pansin kong hindi pa umuuwi si Xy dahil naka uniform pa siya, nagmadali siguro sa pagpunta dito. Habang natutulog siya pinagmamasdan ko siya, sobrang blessed ko dahil siya iyong minahal ko, na siya iyong pinili ko
Siguro nga ganon ang pag mahal mo ano sasamahan mo kahit may sakit, ikaw iyong magbabantay hanggang magising siya, sasamahan mo siya sa lahat ng bagay. Pero minsan kahit gusto nating samahan ang isang tao kung siya na mismo ang nag papalayo sa atin wala na tayong magagawa, at doon na naman pumasok si Athena.
BINABASA MO ANG
SURVIVOR
Non-FictionMaraming klase ng pagmamahal, may pagmamahal para sa kaibigan, magulang at sa sinisinta. May pagmamahal din na hahayaan tayong maging malaya, at may pagmamahal din nahanggang tingin na lang