Nagpatuloy ang pagta trabaho ko sa Café ni Tim, naging maayos naman ang pag tatrabaho ko doon halos lahat nfa nong mga katrabaho ko ay natutuwa sa akin o sa amin dahil maganda ang pakikisama namin sa kanila.
Hanggang ngayon hindi parin kami nagpapansinan ni Kuya dahil doon sa inilihim ko, totoo namang hindi ko isinadya at nag sorry naman na ako. Pero siguro hindi niya lang matanggap na inilihim dahil nag aalala siya.
Hindi ko alam kung anong oras na dahil kahit mga salita nila Sierra at Hera ay hindi pumapasok sa utak ko. Napatingin ako sa orasan at nakita kong alas dos na. Nagpalupas na naman ako ng pananghalian
Napatingin pa ako kila Hera at Sierra tapos mukhang nagulat pa sila.
“Ok ka lang kanina ka pa trabaho ng trabaho pati trabaho namin inako mo na may nangyari ba?” tanong ni Sierra
“Meron, saan kayo kumain?” tanong ko sa kanila
“Sa fastfood lang binilhan ka na namin, kain ka muna habang walang customer” sabi pa ni Hera.
God ano pong ginawa kong kabutihan noong nakaraang buhay ko at mayroon akong Hera at Sierra. Hindi ko alam kung paano ko sila gagantihan sa kabutihan nila sa akin.
Habang kumakain ako sila muna ang toka sa pwesto ko. Kinuhanan ko sila ng litrato dahil ang cute nila sa uniform at apron na suot nila, parang nag ibang tao bigla iyong Sierra na nakilala ko ganon din si Hera.
Ang isang bagay na ipinagpapasalamat ko sa kanila hindi nila ako pinilit sa isang bagay na hindi ko gusto siguro kung about sa pagpapaganda doon nila ako napipilit pero iyong sa bisyo hindi.
Pagkatapos nilang I serve ang order nong isang customer ay agad silang naupo sa tapat ko na handang makinig sa sasabihin ko. Agad kong isinubo ang kanin at chicken tapos uminom ng softdrinks bago huminga ng malalim.
“So ano nga problema mo at bakit kailangan mo pang akuin ang trabaho nmin, hindi ka naman ganyan eh” sabi pa ni Hera
“Ganito kasi iyan… may nagdedeliver sa akin ng mga kung ano ano at-“ hindi ko na naituloy ang sasabihin pa lang sana kaso bigla na lang sumigaw tung si Sierra
“Ano buntis ka? Kailan pa CA naman” sabi niya kaya nagtataka ako kung anong connect nong pagdedeliver sa pagbubuntis.
“Gaga huwag kang OA Sie hindi pa kasi natatapos eh sumisigaw kana” sabi pa ni Hera at naiinis na.
“Ayon na nalaman ni kuya na may nagpapadala sa akin na hindi ko kakilala kaya noong nalaman niya nagalit siya, pero nagusap naman na kami tungkol don. Then ilang araw na ang nakalipas hindi niya parin ako pinapansin” sabi ko pa at tinutusok ang bones nung chicken.
“To be Honest with you Babe, mali talaga iyong ginawa mo kasi paano kung iyong ipinadala nong tao na iyon is death threats na. Kung ako man ang nasa posisyon ng kuya mo ganon din ang gagawin ko” sabi ni Hera
“Same sis karapatan ni kuya PJ malaman iyon kasi nakatira ka sa bahay niya at siya ang tumatayong guardian mo” sabi pa ni Sierra
“Alam ko naman iyon kaya nga nag sorry ako, Sis halos dalawang linggo na niya akong hindi pinapansin eh, Hindi ako sanay sa ganoong treatment niya” sabi ko pa
“It takes time sis, alam kong magiging maayos din iyan” sabi pa ni Hera
Pagkatapos naming magusap usap bumalik na kami sa pwesto namin dahil may mga customer na dumating. Binuhay ko ang sarili ko at iwinaglit ang aking mga iniisip. Kaya nga ako nandito para maging masaya pero kung ano ano naman iniisip ko.
Nagulat pa ako noong pagkatingin ko sa sliding door nakita ko si Iris at nakangisi na agad sa akin. Dumiretso agad siya sa akin at nag order cake at doughnut.
Pagkatapos non agad kong isinerve iyon sa table niya dahil siya lang naman mag isa. Pagkalapag ko nong inorder niya nakatingin lang siya sa akin parang nagmamakawa.
“Can we talk?” tanong niya kaya tumango naman ako sa kanya
“Anong sasabihin mo” tanknko pabalik
“I am getting married CA, I know I shouldn’t tell you this but gusto ko lang malaman mo na wala ka ng babalikan kay Xyrille” sabi niya kaya napangiti naman ako.
“Matagal ko ng alam at tanggap iyon Iris ikaw na nga lang ang hindi makatanggap non eh” sabi ko pa at akmang tatayo sana ako noong bjgla niya akong hilain.
Noong nahila niya na ako bigla niyang idinikit ang cake sa mukha ko, nabubuhay ang kaba ko lalo ngayo at wala si Iris at Hera dahil nagpunta doon sa Public Comfort Room. Pahkatapos niyang idikit ang cake sa mukha ko sinapal niya pa ako sa magkabilang pisngi ko kaya napadaing ako.
Walang tao ngayon dito bukod sa akin at kay Iris, iyong ibang customer ay umalis na pagkakita pa lang kay Iris kanina. Pagkatapos niya akong sampalin sinakal niya pa ako tapos binasag ang pinggan sa braso ko iyong tray naman ay ipinalo niya sa ulo at binti ko kaya napadaing ako.
Napaluhod na lang ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Kailan lang noong nakalakad ako ng maayos tapos eto na naman iyong nanagyari. Noong nakaluhod na ako bigla niya sinip ang sikmura ko lintik na iyan.
Hindi ko mabilang iyong sampal niya dahil inulit niya pa nalalasahan ko na naman iyong dugo na may halong luha na naman. Pagkatapos niyang gawin iyon nginisian niya pa ako at biglang nag salita.
“Ano kayang kailangan kong gaein para mamatay kana, para mawala kana sa landas namin ni Xy. Alam mo ba kung gaano kasakit iyong ako ang pinili pero hindi ako ang mahal” sabi niya kaya pinilit kong magsalita.
“Hin-di mo ka-si mapi-pi-lit a-ng pu-so na ma-halin ka. Tan-daan mo pili-in ka man ni-ya pa-la-yain ko man si-ya kung a-ko pa-rin wa-la kang maga-ga-wa ma-i-ka-sal ma-n kay-o” sabi ko at nakatanggap na naman ako ng sampal at tadyak.
Pagkatapos non agad siyang umalis at ako naman pilit na itinatayo ang sarili ko para linisin iyong kalat niya. Buti na lang iniwan ni Butching iyong mop at tambosa isang gilid kanina.
Habang nag ma-mop ako, tumutulo iying dugo na galing sa bibig ko o sa ulo ko hindi ko alam dahil kumikirot din ang binti at braso ko. Pagkatapos kong linisin namataan kong papalapit na si Hera at Sierra kaya inilugay ko ang buhok ko para hindi nila ako nakita.
Pagkapasok nila inaasar pa nila ako na sobrang sipag ko daw at pati ang trabaho ni Butching ginawa ko na. Nakita kong biglang tumulo iyong dugo galing sa balikat ko kaya agad kong iminop iyon para hindi nila makita.
“Hoy CA uso pumansin nandito kami oh baka naman” sabi pa ni Hera
“Wa-it la-ng” sabi ko at napatigil dila sa oag kukwentuhan at napatingin sa akin.
“CA” sabi ni Sierra at hindi parin ako napapatingin sa kanila kaya lumapit na siya at iniangat ang ulo ko “Lintek naano ka na naman iniwan ka lang namin saglit ganyan kana” sabi niya pa at galit na naman
“Wala toh mag trabaho na tayo baka magalit si Tim” Hindi na sila nagsalita pero alam kong alam na nila kung sino ang may gawa neto sa akin ngayon.
Paika ika akong nagpunta doon sa locker ko at nagpalit dahil malapit ng matapos ang shift namin nariyan narin iyong kapalit namin kaya nagpalit na kami. Agad nagpunta sa akin si Sierra at Hera dahil alam nila iyong ginagawa nila kalag ganito nag training daw sila eh.
Habang ginagamot ni Sieera ang Braso ko nililinis naman ni Hera ang labi ko may maliit pa daw na cut sa ulo ko na baka iyon daw ang dahilan kung bakit siguro nahihilo ako ngayon.
Pagkatapos non pinagpalit nila ako dahil kailangan daw tahiin iyong nasa noo ko kaya pumayag na ako ayaw kong magalit sila kaya sige na lang. Noong makarating kami sa Emegency Room agad naman akong inasikaso dahil kilala pala sila dito taray dmaing connections.
Nokng makita ko iyong Syringe lintik gusto kong maiyak dahil napaka laki. Tinusukan pa nila ako ng anesthesia dahil hindi pa naman ako manhid, mahal ko pa nga eh.
Walang stitch ata iyong ginawa dahil maliit lang daw iyong pero malalalim. Pinoproblema ko ngayon kung paano na naman ako haharap kay kuya alam kong magagalit iyon sa akin.
Pagkatapos non bumili iyong dalawa ng pamalit daw dito sa takip ng tahi ko dahil ang oangit naman daw kung nakikita iyong tahi ko. Noong nakabili na kami dumiretso agad kami sa saskayan ni Hera.
“Hindi mo parin ba sasabihin sa amin iyong nanagyari” mahinahon na sabi ni Hera
“Si Iris may gawa neto” iyon lang ang sinabi ko pero lintek naman ang galit ni Sierra.
“Sinasabi ko ngayon din kahit anong dabihin mo CA magbabasag din ako ng Pinggan sa sa ulo niya gaga siya” sabi niya pa at nanginginig na ang kamay.
Habang binabaybay namin ang daan papuntang bahay nakita namin si Iris saktong traffic naman kaya bumababa bigla si Sierra at Hera ako naiwan dito, nagulat pa ako noong biglang sinampal ni Sierra si Iris at isinaboy ang milktea na hawak niya sa damit ni Iris,Sumenyas pa siya na isa pa tapos umalis na.
Noong nandito na sila tahimik lang ako at nagpanggap na walang nakita dahil kung pipigilan ko sila ngayon baka pati ako masampal at mapagalitan na bakit hindi ko ni labanan.
Pagkarating ko sa bahay sobra ang kaba ko lalo na noong nakita ko iyong sasakyan ni kuya na nakapark na. Pagkapasok ko sa bahay gusto kong bumalik sa labas dahil nandokn si kuya.
Agad siyang napalingon noong nakita ako at nagulat dahil nakita ang sugat sa katawan ko hindi pa din ako nakakapagpalit ng damit kaya may dugo pa na kaunti.
“Hindi muna kkta tatanungin kung anong nangyari dahil gusto ko munang mag sorry” sabi niya at ngumiti naman ako.
Natutuwa ako dahil kahit sa pangalawang lagkakataon ay ganito anf lagay ko nagkaayos naman kami ni kuya at iyon ang mahalaga kailangan kong ihanda ang sarili ko bukas dahil alam kong magagalit siya sa akin.
BINABASA MO ANG
SURVIVOR
غير روائيMaraming klase ng pagmamahal, may pagmamahal para sa kaibigan, magulang at sa sinisinta. May pagmamahal din na hahayaan tayong maging malaya, at may pagmamahal din nahanggang tingin na lang