67

2 0 0
                                    



Maaga akong nagising ngayon dahil alas sais pa lang nandito na ang mga bruha, pumasok pa nga sola sa kwarto eh. Noong nakita ko sila agad akong napabangon.

Pinaghintay ko na lang sila sa baba dahil maliligo pa ako. Habang naliligo napapaisip parin ako kung pupunta ako sa kasal niya, pero ayaw ko namang maging manhid kaya siguro babatiin ko na lang siya.

Pagkalabas ko nakapalit na ako at nakita ko paring tulog iyong dalawa kaya hinalikan ko sa noo. Dumiretso ako sa baba dahil sabi ni Sierra makiki kain daw sila kaya panigurado nandoon sila.

Nginitian ko sila noong makita nila ako kumakain na sila ng sandwich,ako naman ay kinausap si manang na tignan sila Isaac at Ireful dahil tulog pa iyong nanny naman nila ay inihahanda iyong damit.

Agad kaming nagpaalam noong natapos kaming kumain mabuti lang at hindi na ganoon kasakit ang binti ko kaya nakakalakad na ako ng maayos. Nakakapagtaka na sinundo nila ako ngayon ng ganito kaaga eh alas otso pasok namin, may chismis itong dalawa pustahan.

“CA alam mo ba nagpunta si Iris sa bahay” sabi ni Hera at tama nga ako.

“Hmm nagpunta din siya sa bahay kagabi binjgay iyong invitation ng kasal nila” sabi ko at halata ang gulat niya
“Weh seryoso katapang naman, so kamusta ang naging pag uusap?” tanong ni Sierra sa akin.

“Hindi naman kami nakapag usap eh ininvite lang ako sa kasal tapos ibinigay iyong invitation tas umalis na” sabi ko

“Abnormal talaga eh, pero ang tanong pupunta ka ba?” tanong pa ni Hera

“Mahalaga sa atin iyong araw na iyon kaya bakit ako a attend sa kasal niya” sabi ko naman.

“Huh wala akong maalala na plans natin sa araw na iyon”sabi ni Sierra

“Gaga wala naman kasi talaga kasi labas iying ng result ng board exam” sabi ko at napa omy god pa sila wew

“Ay ano pupunta tayo mag aabang tayo?” tanomg ni Hera

“Iyon ang Plano ko eh kayo ba?” tanong ko

“Balitaan niyo na lang ako mas guato kong mag inom sa araw na iyon para hindi masakit kung hindi pumasa” sabi ni Sierra

“Same sis labo eh” segunda naman ni Hera
Noong malapit na kami nag ayos na kami ng sarili namin. Nadaanan pa namin iyong traffic may nag aaway ata kasi nagasgasan ata iyong kotse niya tsk.

Pagkadaan namin doon nagsusuntukan na iyong dalawang lalaki kaya inaawat na sila noong mga tao. Pagkarating namin sa Cafè ni Tim agad kami nagpalit ng uniform namin.

Agad kaming nagpunta sa pwesto namin, nangangawit na iyong paa ko dahil nakatayo ako buti na lang may pumasok na customer at nag order ng bkack coffee at Yema cake.

Si Sierra na ang naghatid nong order dahil may sunod pang customer. Naging busy kami noong umaga buti noong tanghali himdi na ganoon kadami ang customer at saktong dumating si Tim.

“CA sa office may gustong kumausap sa iyo” sabi ni Tim kaya dali dali kong tinanggal ang apron at sumunod sa kanya.

Pagkarating ko sa pintuan nakaawang na iyon pero kumatok parin ako at pinatuloy ako ni Tim. Pagkapasok ko nakota ko ang isamg babae na maganda kaya napanganga pa ako.

“CA this is Isabelle, Isabelle this is CA”pagpapakilala ni Tim kaya nakipag kamay ako

“Finally I meet you” sabi niya at yumakap sa akin
“Huh?” nagtatanong na sabi ko

“Na ikwekwento kasi kita sa kanya CA, ang tagal niya ng hinihiling na makita ka” sabi ni Tim kaya ngumiti ako kay Isabelle

“Babe Can you leave us please” sabi niya pa so si Isabelle iyong girlfriend niya at lumabas naman si Tim

Pinaupo niya ako sa tapat niya grabe kinakabahan ako bakit niya ako gustong makausap. Habang nakatingin siya sa akin nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya hindi ko alam kung bakit.

Now Playing :Kunin mo na ang lahat sa akin

“Alam ko iyong history niyo ni Tim” sabi niya kaya nakinig lang ako “Alam mo ba walang araw na hindi ka niya binanggit sa akin, Ang sakit kasi mahal niya daw ako pero hindi ka niya makalimutan” sabi niya at tumulo na nag luha niya mag sasalita na sana ako kaso naunahan niya ako “Please CA huwag mo siyang agawin sa akin hindi ko alam ang mangyayari sa akin” sabi niya

“Iyong past namin wala na akong pakialam don, tsaka si Tim parang kapatid ko na iyan. Hindi ko ugaling manira ng relasyon” sabi ko pa

“Alam mo ba kung gaano siya nag lasing noong nalaman niya na Hiniwalayan ka ng ex boyfriend mo” sabi niya at pinahiran ang luha “CA gusto niyang bumawi sayo pero alam kong oras na pumayag kang bumawi siya, iiwan niya ako. Alam kong hindi mo ugaling manira ng relasyon pero ang hirap ikaw ang unang minahal eh” sabi niya

“Hindi ko naman siya aagawin sayo Isabelle, saan mo ba napulot iyong mang aagaw ako huh” sabi ko pa at nanginginig na ang kamay ko

“Sinabi ni Iris sa akin” sabi kaya napa pikit na lang ako

“Si Iris, takte wala naman akong ginagawa sa boyfriend mo nag tatrabaho lang ako dito oh bakit naman ganito” sabi ko naman at tumutulo na ang luha

“Ayon nga wala kang ginagawa pero iyong araw araw ka niyang nakikita, nag care siya sayo at ayaw ko non” sabi niya

“Para maliwanagan ka, Mag kagusto man si Tim sa akin wala na akong pakialam, dahil si Xy lang ang gusto ko naiintindihan mo iyon. Huwag kang mag aalala last week na namin ngayon hindi na ako makikita ni Tim, Unless… gusto niya akong makita. To be frank with you, you’re selfish you don’t want your boyfriend to care for others, your love for him is not love, because your love for him is prisoning. I am afraid one day he will leave you” sabi ko at tinalikuran siya

“How dare you to say that! ” sabi niya pa sabay sampal sa akin

“And how dare you too, to give me false accusations huh, and how dare you to slapped me when I did nothing wrong. Para hindi ka magselos sige itali mo siya dyan sa tabi mo rapos lagyan mo Placard na May Isabelle’s Property don’t you dare touch” sabi ko pa

“No wonder why Iris did that to you” sabi niya kaya napalingon ako

“So may alam ka? Sige lang kaunti na lang sagad na ako parehas kayong I Iris, Isabelle, INGGIT Kay CA” sabi ko pa at iniwan siya doon.

Dumiretso agad ako sa comfort room at doon umiyak lintek na Iris ako pa talaga ang mang aagaw eh siya nga itong may gawa. Ang galing niyang mag pa inosente kung ang totoo ay may kasalanan naman siya.

Palibhasa maganda si Iris at nakakaakit kaya siguro bumaliktad si Xy pakineng shet. Hindi pa tapos iyong kay Iris meron na namang Isabelle na inaakusahan akong mangaagaw lintek na iyan.

Tapos itong Iris naman siniraan na ako, bagay sa amin iying kanta na kunin mo na ang lahat sa akin. Dahil iyon naman ang nangyari. Tangina pagod na pagod na ako sa mga nangyayari ayaw kong maubos ako dahil baka may magawa akong hindi nila gusto.

Habang nasa loob ako ng cubicle naalala ko na naman iyong nangyari. Iyong kung paano ako pinagtaksilan ni Xy bakit ganon, bakit kailangan nilang gawin iyon, takte parang bibitak na ulo ko.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaupo sa may bowl at umiiyak lang dahil sa mga nangyayari. Kapag nakita ako nila Sierra na ganito magtatanong na naman sila.

Kahit wala ka pa lang ginagawang masama kung kaya nilang gumawa ng kwento tungkol sayo may masasabi sila. Iyong kahit manahimik ka ku g ayaw ka naman nilang patahimikin wala parin. Kahit iwasan mo sila kung ayaw nila wala talagang magagawa. Para silang magnet at ako ang bakal na kahit anong iwas ko didkit parin sila sa akin. Mga attention seeker.


SURVIVORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon