Lunesssss
Hindi ko alam kung paano ako at bakit ako nagsing ng sobrang aga ngayon dahil siguro hindi pa ako handang kausapin si Xy pero anong gagawin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nakakatakot pa man din iyong school dahil mukang maraming mumu kapag walang katao tao.
Agad akong bumaba at buti na lang gising na sila manang at nagluluto na ng agahan nakahanda narin iyong lunch ko para mamaya. Inaya ko na sila manang na kumain noong una ayaw pa sumabay dahil nahihiya daw sa akin sabi ko huwag na mahiya wlaa din naman akong hiya eh.
"Maam CA pwede bang magtanong?" sabi niya
"Jusko manang CA na lang po hindi niyo naman ako amo mas maganda pakinggan ang pangalan ko kaysa maam, sige po maari kayong magtanong" sabi ko
"Napagalitan ho ba kayo noong isang gabi ni Sir PJ?"
"Napagsabihan lang po pero ayos lang nag aalala eh" sagot ko naman
"Eh nagulat nga kaming lahat dahil hinahanap ka sa amin eh hindi namin alam kung saan ka nagpunta noong araw na iyon"
"Ah opo iyon nga ang sabi niya sa akin, sorry po baka napagalitan kayo" sabi ko
"Hindi naman nagalit sa amin ang sabi lang kapag umalis ka daw ulit na ganon eh tanungin daw namin kung saan ka pupunta" sabi niya at tumango na lang ako.
Pagkatapos kong kumain pina akyat na ako ni manang para maligo, pagka akyat ko naman napatingin ako sa orasan at saktong alas sais kaya nagdesisyon kong mag online muna dahil halos dalawa akong offline.
Pagka online ko bumungad ang mga message na puro galing lang naman sa group chat naman. Sabi pa ng mga kaklase ko na nakita daw ako sa art gallery kaya nag reply lang ako at sinabing nanggaling nga talaga ako don.
Napansin ko ang message ni Xy na napakarami pero ang sinasabi niya lang doon ay sorry tapos tinatanong kung saan ko daw nakuha iyon kaya nagreply lang ako at sinabing nag explain siya sa akin mamaya.
Pagkatapos kong magbasa ng mga message nagpunta na agad ako sa banyo para maligo dahil alas otso na. Pagkalabas nagsuot lang ako ng three fourth na floral dress na above knee at nag sneakers na white. Naglagay lang ako ng tint sa bibig ko, natututo na talaga ako ng kaartejan ni Sierra at Hera.
Pagkatapos non nagpaalam na ako kay manang at dumiretso sa sasakyan ko. Hindi ko sana gagamitin ang sasakyan pero makulimlim ang kalangitan kaya no choice ako. Paglarating ko sa School bumusina pa ako kay manong guard na kumakain at tumango naman siya.
Pagka park ko ng sasakyan ko agad akong bumaba sakto namang bumba din si Tim kaya nag sabay kami papuntang calssroom kaso ang tahimik niya basted siguro tong mokong na ito.
"Hoy ok ka lang?" tanong ko
"Hindi potek feeling ko matatanggal ako sa DL neto eh" sabi niya
"Bakit naman napaka talino mo eh" sabi ko
"Sabay sabay kasi iying nangyayari sa pamilya ko hindi ko na alam gagawin ko ang hirap maging panganay" sabi niya sa akin
"Tol dasal lang katapat niyan Promise" sabi ko at tumango naman siya sa akin
Pagkarating namin sa classroom may mga kaklase na kami doon at napatingin sila sa amin ni Timothy. Hindi rin nag tagal dumating na ang iba naming kaklase dahilan para umingay ang classroom namin. Tumigil din naman sila agad pagkarating ng prof.
Nag lecture lang siya sa amin at kinongrats dahil isang taon na lang daw lalayas na kami kaya natawa naman kami. Tapos bigla namang nagsalita ang kaklase ko na atat daw kaming paalisin ni maam eh baka daw mamiss niya kami sagot naman niya oo daw hindi daw kami makakalimutan.
BINABASA MO ANG
SURVIVOR
Non-FictionMaraming klase ng pagmamahal, may pagmamahal para sa kaibigan, magulang at sa sinisinta. May pagmamahal din na hahayaan tayong maging malaya, at may pagmamahal din nahanggang tingin na lang