Naging mabilis ang araw at ngayon ay ang ikatlong linggo namin dito, habang papatagal ang dami kong natutunan kahit minsan hindi na namin maintindihan pero iyong speaker namin napaka tiyaga as in iniisa isa niya.
Habang may pinapasagutan siya sa amin naririnig ko na naman si Iris na napakaingay kung ano ano sinasabi mukhang naiirita narin iyong mga katabi niya dahil naririnig ko iying buntong hininga nila.
Pagkatapos non nakipagpalitan kami ng paper sa kabilang row.Habang nag checheck kami sinasabi nong speaker na kung sino ang pinaka mababa eh papapuntahin sa harapan at tuturuan ng maayos.
Pagkatapos naming mag check ibinigay ni Patrice iykng papel dahil siya iyong nautusan na magbalik ng paper sa harapan. Kinakabahan ako sa Score ko baka sobrang baba nakakahiya naman kasi.
Noong nag a-announce na si Sir hindi parin nababanggit pangalan ko sabi kasi iying pinaka dulo daw iyong pinaka mababa shets. Tutok lang ako kay Sir dahil kinakabahan akl, nabanggit na ang pangalan ni Sierra at Hera ako na lang hindi.
“Coleen Martyrdom, Dito sa baba please” sabi niya kaya napatingin sila sa akin.
Habang paalis ako sa upuan ko nasulyapan ko pa iyong ngisi ni Iris sa akin kaya naasar ako. Noong pababa na ako lalong bumilis ang tibok ng puso, parang wala akong naririnig. Noong isang step na lang para tuluyan akong makababa napa buntong hininga ako.
“Sir bakit po?” tanong ko at pinakita iyong score ko
“She’s the only one who got it Perfect, Gusto niyo bang ulitin natin iyong sa tax kasi karamihan sa inyo doon ang mali” sabi niya grabe super duper blessed namin nakakatuwa
Pumayag naman kami kaso bigla siyang napatingin sa akin kaya kinabahan na naman ako lalo ngayon nakatingin din iyong mga kaklase ko sa akin para akong nasa korte tapos kailangan ko I defend sarili ko.
“And You Coleen will not do the exam for today dahil ikaw ang gagawa ng question ilan lang naman” sabi niya pa, diba unfair iyon dapat kasali pa din ako eh bahala si Sir sabagay isa lang naman ang gagawin ko
Habang gumagawa ng question sa laptop ni Sir nakita kong naglalabas sila ng Books mukhang mag rereview sila shit gusto ko ng bumalik sa upuan ko. Pagkatapos non ginawa ko na din iyong sagotat ibinigay kay sir.
Pagkabalik ko sa upuan ko nakita ko iyong mga ka row ko na parang tuta at parang na piplease na sabihin ko kung madali o mahirap iyong ginawa ko. Kaya binigyan ko lang sila ng cute na ngiti.
“Sismarz madali lang naman diba?” tanong ni Sierra
“Oo, gagi akala ko talaga hindi ako mag quiz ngayon iyin pala may isang inibahan lang si sir sa quiz natin at iyon ang ginawa ko” sabi ko pa
“Na review naman natin ito ano?” tanong ni Hera sa akin at tumango lang ako sa kanila.
Nagsagot na ulit kami at buti natahimik na si Iris. Sa totoo lang hindi naman talaga mahirap iyong ginawa ko naaral naman na namin iyon noong college kaya yaka na.
Noong tapos na ako ay yumuko lang ako sa table ko dahil inaantok ako. Sigurado ako sa sagot ko, tk be honest nevwr akong naging confident sa sagot ko ewan lagi kong pinagdududahan sarili ko eh.
Noong narinig ko ang pagbitaw ni Sierra sa Ballpen niya napatingin ako sa kanya at masama ang tingin sa akin habang nakakunot ang noo kaya nginitian ko lang siya bago tinanong kung ano problema.
“Eh paano sabi mo madali iyong question mo hindi naman” sabi niya pa pero pabulong lang
“Truth sis doon ako natagalan”Bulong ni Hera
“Mga baliw na encounter na natin iyang question na iyan during college alalahanin niyo nga” sabi ko pa kaya napaisip sila
“Gaga eto ba iyong bumagsak tayong lahat na question?” tanong ni Hera at tumango naman ako Si sierra naman loading pa
Pagkalipas ng isang oras ibinigay na namin kay Sir ang papel namin dahil oras na ng meryenda. Agad akong bumalik sa upuan ko at kumain ganoon din sila Hera at Sierra. Nag kukuwentuhan pa kami kasama si Tuche at Zeus, feeling ko mas matanda sila sa amin siguro ngayon lang nila naisipang mag review for board exam.
Pagkatapos non agad akong nag excuse dahil ihing ihi na ako iyong banyo dito napakalayo pa naman. Pagkalabas ko ng pinto agad akong tumakbo sa pinaka malapit na banyo. Pagkapasok ko sa isang cubicle agad akong umihi narinig ko naman ang pagbukas nong pinto.
Pagkalabas ko nakita ko si Iris na titig na titig sa akin habang hawak ang floor mop. Nakangisi pa ang wengya, ang creepy. Nagtititigan lang kami hanggang siya ang umiwas at bigla niya na lang akong hinampas gamit iyong hawakan nong mop.
Pagkatapos niya akong hampasin sinampal niya pa ako ng ilang beses naramdaman ko na lang iyong pagtulo ng dugo sa labi ko. Lintek netong babae na ito napakabigat ng kamay tapos napakalakas pa nong sampal niya.
Pagkatapos non hindi pa siya nakuntento at iniharap ako sa salamin tapos sinakal ako. Hindi ako makahinga shit kung mamatay ako ngayon napaka pangit naman kung si Iris pa papatay sa akin diba tapos dito pa sa Comfort Room.
“Ano masarap bang natitikman mo iyong dugo mo?” tanong niya sa akin
“Hindi eh, medyo maalat” sabi ko sa kanya
“Titigilan lang kita kaoag namatay kana” sabi niya
“Malamang may kakantiin ka pa bang CA kapag patay na ako wlaa na isipin mo nga” sabi ko tapos sinampal niya pa ako ulit kaya napadaing ako ang haodi na ng pisngi ko lagot siya kay Sierra lag nakita akong ganito.
“Gaga dito kana huh huwag ka ng bumalik don at maging bida bida” sabi niya at kinuha ang mop.
Tatawagan ko sana sila Hera kaso iniwan ko pala sa Room iyong phone ko. Nanghihina na ako dahil sa hampas, sakal at sampal niya. Grabe hindi ko akalain na sa ganyan pa ako ipagpapalit ni Xyrille.
Nanatili ako doon ng ilang oras at nanghihina parin. Natuwa ako noong naririnig kong may nagbubukas sa labas. Pagkabukas non iniluwa si Hera at Sierra kasama si Tyche at Zeus.
Napatakbo pa aa akin Si Hera habang naluluha si Sierra naman hakatang nagpipigil ng galit. Binigyan ko sila ng ngiti dahil feeling ko hihimatayin ako bigla nakita kong dala na nila ang gamit ko ganon din sa kanila ganoon na ba ako katagal dito.
Siguro hindi sila pinagbigyan nong isang speaker na lumabas kanina para hanapin ako kaya siguro ngayon lang sila. At natuwa naman ako dahil nandito sila sa akin.
“Dalhin ka namin sa Hospital?” tanong ni Hera at umiling lang ako si Tyche at Zeus nag paalam na uuwi na dahil may dinner daw sila
“Sino may gawa nito CA!” galit na sabi ni Sierra
“Huwag ka ng magalit Sie, natatakot ako sayo eh, nadulas lang ako tapos nagkada untog untog” kako pa at hinilot niya ang sentido niya
“Ganyan na nga itsura mo mag sisinungaling ka pa” sagot niya sa akin
“Kaya mo bang maglakad?” tanong ni Hera at umiling ako dahil hinampas din ni Iris kanino toh “Sierra Tulungan mo ako dito oh, payat lang si CA pero mabigat” sabi pa niya
“Mag uusap tayo sa bahay mamaya” sabi ni Sierra sa akin
Pagkalabad namin doon pinagtitinginan kami noong mga tao at nagulat pa sa itsura ko, Kuya mga ate first time niyo makakita ng ganitong itsura pero maganda parin sabi ko at natawa kaya napatingin si Hera at sierra sa akin.
Noong malapit na kaming makalabas ay napahawak ako ng mahigpit sa kanila bago ko pa tuluyang maipikit ang mata ko narinig kong may kinausap si Sierra sa Phone at sinabing SHE’S UNCONSCIOUS the next thing I know nakapikit na ako.
Habang nakapikit hindi alam kung nasaan na ako basta nakita ko na lang na kasama ko si Xy tapos masaya kami, may mga bata pa kaming kasama tapos naliligo kami sa ulan. Nakita ko pang pinagmamasdan kami noong mga tao tapos nagtataka ganon.
Noong nagising ako iginala ko kaagad ang mata ko at nakita ko si Hera na nililinisan ang sugat ko at naoasigaw pa noong nagmulat ako at tinawag si Sierra. Umiiyak parin nga siya eh kaya iniiwas ko ang tingin sa kanya.
“Il-ang or-as ora-kong tulog?” tanong ko
“Tatlong Oras” biglang sagot ni Sierra “Sabihin mo ngayon kung sino may gawa niyan dahil pag hindi mo sinabi dadagdagan ko pa” sabi niya
“Gra-be a-ng Bru-tal” sabi ko pa habang pautal utal dahil ang sakit kapag nabibinat iyong bibig ko
“Seryoso ako sasabihin mo o------” hindi niya na naituloy ang sasabihin dahil nag salita ako
“Si I-ris” paglasabi ko non pati si Hera galit na “Huwag niyo na siyang patulan huh ayos lang toh gagaling din ako ok” sabi ko pero hindi sila nakinig sa akin ar umalis sa higaan ko at nagpunta sila sa lamesa doon sa may kusina.
Hindi ko alam kung ano ang pinag uusapan nila basta ang alam ko galit sila at hindi ko alam kung aning magagwa na naman nila , iba la naman sila magalit lalo si Hera jusko. Naramdaman ko pa ang pagtulo ng luha ko at nadaplisan non ang sugat ko sa labi kaya napadaing ako.
Nokng marinig ako ni Hera at Sierra tinakbo agad nila ako at tinanong ni Hera kung bakit sabi ko naman mahapdi iyong sa labi ko. Ang sama parin ng tingin sa akin ni Sierra. Ngayon ko lang napansin na iba na ang suot ko pianlitan na siguro ako netong dalawa.
“Alam mo ba kung ilang pasa ang meron sa katawan mo ngayon huh?hindi lang isa dahil bente, bitak pa iyong isa sa hita mo dahil bakal ata iyong tumama” sabi ni Sierra
“Kaya pala mahapdi iyong sa paa ko” sagot ko
“Kaya please huwag mo kaming pagbawalan sa gagawin namin kay Iris, alam na din ni Athena tumwag kami kanina at lintek ang galit niya. Hindi pa namin nasasabi kay kuya PJ dahil baka mas malala gawin non” sabi naman ni Hera sa akin
“Ang sakit ng tagiliran ko may pasa ba dito?” tanong ko at pilit na ibinubuka ng maayos ang bunganga ko at tumango sila
“Ano ba kasing nangyari at ginanyan ka ni Iris?” mahinahong tanong ni Hera
“Pagkatapos kong umihi nandon na siya tapos nagtutugan kami tapos after non ayon na” sabi ko sa kanila at iying mga itsura nila parang sasabak sa gyera
“Kaya mo bang maupo kumain ka muna at uminom ng gamot” sabi ni Sierra
Pinilit ko namang maupo kahit sobrang hapdi netong mga sugat ko. Sinakuhan nila akong kumain kahit katatapos lang nilang kumain. Hindi sila makatingin sa akin dahil alam nilang mababasa ko mga iniisio nila.
Pagkatapos non ibinigay sa akin ni Hera ang gamot ko daw eh tabletas iyong kaya tinunaw ko muna iykng bago ininom. Hindi parin umaalis si Hera at Sierra at nililinis ang sugat ko.
“Paano na bukas hindi ka makakapasok” sabi ni Hera
“Papasok ako, kailangan ko iyon ayaw kong mahuli mahirao humabol” kako naman kaso inismiran lang ako ni Sierra “Pwede naman nating gamitin iying sasakyan niyo please kailangan kong pumasok” kako pa
“Papasok ka bukas, pero” sabi ni Sierra at oarang nag iisip
“Pero asawa ni Pera?” tsnong ko at natawa naman si Hera
“Pero Kakausapin namin si Iris, deal?” tanong ni Sierra sa akin
“Basta kakausapin niyo lang at hindi niyo gagalawin, huwag niying ibabalik sa kaniya iyong ginawa niya sa akin hayaan niyo na si Karma, Deal?” tanong ko pa at nakilag shake hands pa sila
Habang nakahiga sila sa akin iniaayos nila iyong mga gagamitin ko bukas tapos nagluluto narin sila para sa gahan namin. Kailangan ko daw kasing kumain bykas pero baka late daw sila magising.
Grabe sobrang swerte ko sa kanila, hindi mo aasahan na gagawin nila ito sa akin. Siguro ko kung hindi ko sila nakilala tapos si Iris lang kilala ko wlaa sigurong naghahanda ng gagamitin ko bukas at nagluluto.
Naiiyak ako habang pinagmamasdan sila, gusto kong sabihin na hindi nila kailangang gawin ito dahil kakayanin ko naman bukas kaso baka magalit lang sila sa akin, naramdaman ko na naman ang pag kirot ng labi ko kaya napadaing na naman ako at naoatingin sila sa akin at tianguan ko lang sila. Grabe Thank You Lord para sa mga totokng kaibigan na ibinigay mo sa akin. Salamat.
BINABASA MO ANG
SURVIVOR
Non-FictionMaraming klase ng pagmamahal, may pagmamahal para sa kaibigan, magulang at sa sinisinta. May pagmamahal din na hahayaan tayong maging malaya, at may pagmamahal din nahanggang tingin na lang