77

1 0 0
                                    


Naging mabilis ang araw at ngayon ay ikalawang linggo na ng Pebrero at nandito ako ngayon ako sa Ecija dahil pinakiusapan ako ni kuya kung pwede muna ako dito dahil mag celebrate sila ng Valentines ni Ate sa Bohol ang sabi ko naman oo, uuwi din naman sila sa akinse dito.

Meron din kasi akong gagawin dito mag sa-submit ng reports, tapos bibisitahin ko pa iyong mga bata iyong dalawa nasa Isabela ayaw ako samahan dito.

Kaninang umaga lang din umalis sila kuya eh kaya ngayon isasama ko ang mga bata sa office, may office parin naman ako eh. Nakita kong nakapalit na sila at nakasukbit sa kanilang likuran ang bag nila.

“Goodmorning, did you two eat na?” tanong ko at umiling sila kaya inakay ko sila sa kusina “Manang ano pong luto?” tanong ko

“Pancake lang, iyan kasi ang sabi nitong dalawang bulinggit na lutuin ko eh” sabi niya at tumango naman ako

Habang kumakain kami napapansin kong nahihiralan sa paghiwa sa pancake niya si Ireful kaya ibingay ko ang akin at tumango ako. Si Isaac ay ingat na ingat sa pagkain.

Pinagalitan kasi siya ni kuya dahil mabilis siyang madumihan kawawa daw iyong naglalaba ng damit nila. Natutuwa akong makita sila na ganito, palagay narin ang loob ko sa bahay at tinanggap ko na sila talaga ang pamilya ko.

Pagkatapos naming kumain pinunasan ko ang labi nila dahil may syrup bago ko sila inakay sa sasakyan. Pinaupo ko silang dalawa sa shotgun seat dahil kasya naman sila doon.

Habang papunta kami sa office nakikita kong nagtuturo na sila ng pagkain ang sabi ko later na we’ll eat sa labas kaya tuwang tuwa sila. Noong madaanan namin ang dating bahay itinuro din nila iyon kaya tumango ako.

Noong makarating kami sa office kinarga ko si Ireful habang nakahawak naman sa kamay ko si Isaac. Pagpasok namin sa lobby pinagtitinginan na kami at baka iniisip na anak ko sila.

Pagpasok namin sa elevator bumaba si Ireful, ngayon ko lang naalala na takot pala si Isaac sa elevator kaya lumuhod ako para yakapin siya at yumakay naman siya pabalik.
Pagkabukas ng elevator agad akong tumayo at hinawakan silang dalawa sa kamay. Pagkapasok namin sa office ko nakita ko iyong secretay ko na gulat dahil may dala akong bata.

“Goodmorning maam anak mo?” tanong niya agad

“Pamangkin ko, nga pala ibigay mo toh kay Rain” sabay abot nong financial report, tapos iyong report na ginawa ko para sa branch.

“Yes ma’am, ang cute niyo” sabi niya pa at pinanggi-gilan pa ang mga bulinggit bago lumabas.

“What do you want to do?” tanong ko

“Can we have some paper tita we’ll draw po” dabi ni Isaac kaya binigyan ko sila ng bond paper.

Habang inuumpisahan nilanv magdrawing nag inat muna ako bago inumpisahan ko ang trabaho ko. Minsan ay napapasulyap ako doon sa dalawa dahil inaagaw ni Isaac ang color ng kapatid niya.

Noong malapit na akong matapos ay biglang pumasok iyong sekretarya ko at may dalawang isang bungkos ng bulaklak siguro bigay ng boyfriend niya. Nagulat pa ako noong ilapag niya sa nesa ko iyon.

“Bakit mo ibinibigay sa akin?” tanong ko

“Eh maam sa inyo po talaga iyan eh ako lang nag receive, sabi kasi nong nag deliver eh may nagpapadala daw para kay Ms. Martyrdom, buti na lang bumaba ako sa lobby kanina” pagpapaliwanag niya kaya napatango naman ako.

Nagpapadala na naman siya, at kinakabahan na naman ako dahil hindi ko parin siya kilala. Noong sinubukan ni Kuya na ipahanap hindi daw nila ma trace kung sino kaya hanggang ngayon, I’m still clueless.

Noong lunch time na ay nagpa order ako sa sekretarya ko ng pagkain dahil kailangan na naming kumain. Agad akong nagtake ng break at nagpunta sa mga bata na nakaupo sa lapag.

“How’s your drawing can I see?” tanong ko pa at agad naman nilang ibinigay ang bond paper.

“It’s nice right tita” tanong pa ni Ireful at tumango ako

“Tita I’m hungry na” sabi ni Isaac

“Wait lang huh iyong food parating na” sabi ko at bumalik sa upuan ko at tinanggal ang heels ko.

Agad kong isinuot ang slippers ko dahil sumasakit ang paa ko. Babalik na sana ako sa mga bata kaso biglang pumasok si Rain at nagulat dahil may dala akong mga bata.

“Hey! who are you, and why did you come in without knocking, Bad attitude” sabi ni Isaac kay Rain kaya napayuko si Rain bago lumapit sa akin.

“Told you dapat kumakatok ka, nga pala bakit ka andito akala ko nasa vacation ka” sabi ko pa

“I want you to ask if you are available for lunch pero may kadama ka pala” sabi niya at narinig ata iyon ni Ireful at lumapit sa amin.

“I don’t know you mister, but can I ask why are inviting my Tita for lunch?” tanong ni Ireful kay Rain

“Let me Introduce myself, I am Rain and the the owner of this company and I am inviting your tita because I missed her” sabi niya kaya tumaas ang kilay niya.

“No We wont allow you to go out, and your reason is not valid” sabi ni Ireful at tumango naman si Isaac.

“Ireful, Respect, your daddy will get mad huh” sabi ko pa at bumalik siya sa pagkakaupo sa lapag.

“Grabe mas kinakabahan pa ako sa kanila kaysa sa mga kakompetensya ko sa business” sabi niya at natawa naman ako

“Ganyan talaga ang mga iyan naturuan na sa bahay eh” sabi ko pa

“They are something you know” sabi niya pa “So next time na lang iyong lunch” sabi niya at tumango.

“Yeah, libre ko sa sususnod” sabi ko pa at lumabas na siya ng kwarto,makikipag apir pa sana siya kay Isaac kaso umalis doon ang dalawa kaya napatawa ako.

Agad na lumapit sa akin si Isaac at Ireful habang naka pout kaya napataas ako ng kilay.

“Is he Courting you tita?” tanong ni Isaac

“What, No we are just friends you know” sabi ko pa

“Eh bakit he’s inviting you a while ago for lunch” sabi pa ni Ireful

“Kasi we are friends, it’s ok naman na lumabas ang babae at lalaki Together kahit friends lang diba?” tanong ko pa at napilitan silang tumango

Noong dumating iyong secretary ko, iniabot niya sa akin ang pagkain na ipinabili ko. Agad din siyang lumabas dahil inaantay daw siya ng asawa niya sa labas dahil may advance celebration daw sila para sa Valentines.

Habang kumakain kami nakikita kong nappasulyap sa akin si Isaac at parang inaaral ang mukha ko. Agad akong humarap sa salamin at tinignan kung may dumi ba ako sa mukha kaso wala naman.

Noong tapos na kaming kumain agad akong bumalik sa trabaho para mabilis. Pagsapit ng alas singko tapos ko na ang trabaho ko, nakahiga na ang dalawa sa sofa at pinagmasdan sila.

Agad akong nag send ng photo nila sa gc namin nila kuya at ginising sila para umuwi na.

“Wake up na” sabi ko pa at nakita kong naginat na si Isaac. Si Ireful ay Hindi ko nagising kaya kailangan kong buhatin, nakahawak sa akin si Isaac habang buhat ang bag ng kapatid niya.

Pagkarating namin sa sasakyan agad kong ipinuwesto sa likuran si Ireful at sa shotgun seat naman si Isaac. Habang papauwi na kami nakita kong nakatulog ulit si Isaac siguro ay napagod.

Mabilis ang naging araw at ngayon ay ang araw kung kailan uuwi sila ate kaya tuwang tuwa ang mga bata, nagpaluto pa nga sila ng dinner kay manang dahil baka gutom daw ang mommy at daddy nila.

Pagsapit ng gabi ay wala pa sila tinatawagan ko ang cellphone ni kuya kaso hindi siya sumasagot, siguro ay nag da drive papauwi kaya hinayaan ko na lang. Nakatulugan na nila Isaac at Ireful ang paghihintay sa mga magulang nila.

Bandang alas onse ng gabi ng may tumawag sa akin at pinapapunta ako sa Hospital, noong una ay ipinagsawalang bahala ko pero noong binanggit Si Ate at Kuya ay agad akong napatayo mula sa pagkakaupo.

Hindi ko alam kung anong itsura ko, paling pa ang naisuot kong tsinelas kakamadali iyong kaba sa akin ay kaba. Sa sobrang lapit ng Hospital ay hindi ko alam kung bakit sobrang tagal ko iyong drinive.

Pagkarating ko sa Hospital ko dire diretso ako sa Emergency Room kado agad akong hinarang nong Guard at sinabing bawal daw akong pumasok kaya medyo nainis ako.

“Sir Kapatid at Hipag ko ang nandiyan, kailangan kong pumasok please” sabi ko pa

“Maam bawal po talaga eh” sabi niya pa

“Please kuya, kailangan kong makita ko ang kapatid ko please lang naman" sabi ko pa at umiiyak na

Noong naawa siya ay pinapasok na din ako at agad agad kong hinanap si Kuya, nakita ko siya sa ikatlong Hospital Bed at may benda ang ulo at duguan ang damit.

Si ate ay nasa ICU dahil mas madami siyang tama, may slaamin daw na tumama sa baga niya. Hindi ko alam ang gagawin ko nanginginig ang mga kamay at paa ko.

Nailipat na si kuya sa Private Room at tulog parin. Palipat lipat ako ng pinupuntahan. Hindi ko rin macontact si Xyrille o Sila Tita kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Pagkabalik ko sa kwarto ni kuya ay gising na siya

Now Playing :Kung Mawawala ka By Ogie Alcasid

“CA si Xeya nasaan?” tanong ni agad kaya huminga ako ng malalim

“Nasa ICU Natusok siya ng salamin sa may baga kuya” sabi ko at agad na tumulo ang luha niya

“Hindi kami nadisgrasya CA nakita ko binunggo kami tumigil na nga kami sa gilid eh tapos binunggo parin kami, CA sabi ni ate mo papakasalan niya pa ako” sabi niya at umiyak na sa balikat ko

Na-alarma ako noong nagtatawag sila ng Code Blue sa ICU, hindi ko sana isasama sa ICU si kuya kaso nagalit sa akin kaya kumuha ako ng Wheelchair at nagpunta kami sa ICU.

Pagkakita ni Kuya sa isang Doctor ay agad siyang nagmakaawa na gawin lahat para mabuhay sa ate, hindi ko kayang tignan si Kuya na ganyan kaya tinalikuran ko siya.

Noong may lumabas na Doctor ay agad na lumapit si Kuya doon at tinanong kung ayos lang daw ba si Ate at umiling ang doctor sa kanya.

“Hindi niya kinaya, dalawang baga niya ang natusok, Im sorry for your loss, Time of Death 3:06 am” pagkasabi ng doctor non napaupo na ako.

Agad kong nilapitan si Kuya at niyakap ng mahigpit humagugol siya doon na parang bata hindi ko siya kayang tignan. Tinatatagan ko ang loob mo dahil ako lang ang makakpitan ni kuya ngayon.

“CA sa-bi ni-ya pa-pa-kas-al-an niya pa a-ko sa sim-ba-han, Ba-kit na-man gan-to” sabi niya pa.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil baka pag nagsalita ako ay mas maiyak ako kaya niyakap ko lang si kuya, Agad kaming nagpalit at pumasok sa ICU.

Pagkapasok pa lang namin doon humagulgol na ulit si Kuya kaya inilapit ko siya sa walang buhay na katawan ni Ate Xeya.Agad akong lumapit doon at hinawakan ang kamay ni Ate Xeya.

Makalipas ang ilang minuto ay ipinunta na ang katawan ni Ate sa Morgue ng Hospital gusto mang sumunod ni kuya ay hindi pwede. Pagkapasok namin sa kwarto niya ay nakatulala na siya kaya kinakausap ko parin.

“Tangina Para akong nawalan ng buhay, Paano na kami nila Isaac bakit ganito naman. Ang saya pa namin sa Bohol eh at plano pa naming isama iyong dalawa sa susunod pero bakit ganito” sabi niya kaya lumapit ako

“Andito lang ako kuya hindi ko kayo iiwan huh” sabi ko pa

“Tawagan mo Mommy niya” sabi ni kuya at ginawa ko iyon mabuti na lang at sinagot.

“Tita Punta po kayo dito sa Hospital”sabi ko pa

[Bakit anong nangyari?] tanong niya

“Kailangan po kayo eh” sabi ko at ibinaba na ang tawag.

Habang hinihintay sila tita nakatingin lang ako kay na hindi parin humihinto sa pag iyak. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil hindi parin pumapsok sa isip ko.

Pagkadating nila tita agad na yumakap si Kuya sa kanila at sinabi iyon muntik pang matumba si Tita mabuti na lang at nahawakan ni Tito. Habang I kwinekwento ni Kuya ang nangyari nakita ko ang alit sa mata ni Tita na parang kilala niya kung sino ang may gawa.

Tumawag ako kay mom at sinabing hindi ako makakuwi dahil sa nangyari nagulat din siya sa balita ko at bibisita daw sila bukas. Pagkauwi ko mabuti na lang at hindi pa gising ang mga bata, agad kong pinuntahan si manang.

“Oh bakit ganyan ang itsura mo paling pa ang tsinelas mo, saan ka na naman galing?” sunod sunod na tanong niya sa akin

“Manang nakainom naman kayo nong gamot niyo ano, Inom kayo ng tubig”  sabi ko pa at ginawa iyon, pagkatapos non ay niyakap ko siya ng mahigpit

“Wala na si Ate Xeya manang, patay na si ate Xeya” sabi ko umiyak na

Hindi na nakapagsalita si manang dahil sa gulat at napayakap narin sa akin. Naging mabilis ang araw at ngayon ay huling araw na ni ate dito sa bahay. Gindi oa namin pinapalabas ang mga bata iyon ang sabi ni kuya.

Nasaksihan ko kung paano naging miserable si kuya at hinfi ko siya iniwan. Ngayon ay pinalabas na ni kuya ang mga bata at gulat pa sila.

“Daddy who is in the coffin?”tanong ni Ireful at nagpakandong kay Kuya

“I’m sorry” sabi niya at yumakap sa mga anak nila ni ate at doon siya umiyak ng sobra sa mga anak niya.

Agad kong binuhat si Isaac pagkatapoa siyang yakapin ng daddy niya at ipinakita ang mommy niya na nakahimlay na. Noong makita niya ang mommy niya lumakas ang pagiyak niya ganoon din si Ireful kaya yumakap sa akin si kuya.

Noong araw na iyon hindi umalis si Ireful at Isaac doon at sinamahan ang daddy nila. Nakita ko din Si Xyrille ngayon, ang sabi ni manang araw araw daw siya dito hindi ko lang napapansin. Pagkalingon niya sa akin ngumiti siya ng pilit.

Ngayon ay idadala na namin sa church si Ate,hindi ko alam ang mararamdaman ko kaya sumama muna ako kay mommy at sa kanya umiyak ng umiyak. Pagaktapos namin siyang dalhin sa church agad kaming nagpunta sa memorial.

Hindi ko nakitang umiyak si kuya ngayon pero makikita mo sa mata niya kung gaano siya kalungkot. Nagpumilit pa si kuya na kantahan si ate ng huling el bimbo.

“Ma Please gustong gusto ni Xeya ito eh”  Sabi niya  “Xyrille gitara nga bro.” sabi niya

Strum

Kamukha mo si Paraluman
Nung tayo ay bata pa
At ang galing galing mong sumayaw
Mapa boogie man o cha cha
Ngunit ang paborito
Ay ang pagsayaw mo ng El Bimbo
Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig balahibo
Pagkaggaling sa eskwela
Ay dideretso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako

Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalaymalay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay

Habang kumakanta si kuya ay nadala ang mga nanonood sa kanya at umiiyak na ako man ay ganoon din. Punong puno ng pagmamahal ang pag awit niya, ngunit nararamdaman mo ang sakit.

Hi di ko magawang tignan si kuya, agad na lumapit sa kaniya si Isaac at Ireful at yumakap. Ang hirap lumaking wlaang ina at alam ni kuya iyon dahil lumaki kaming walang ina at ama.

Hindi na tayo nagkita
Balita ko’y may anak ka na
Ngunit walang asawa
Tagahugas ka raw ng pinggan sa may Ermita
At isang gabi’y nasagasaan sa isang madilim na eskenita
La-hat ng pa-nga-rap ko’y big-la la-ng nat-un-aw
Sa pa-nag-ini-p na lang pa-la ki-ta ma-isa-sa-yaw

Pagkatpos kantahin ni kuya ang dalawang huling liriko ay umiyak na siya at hindi na naituloy ang pagkanta. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ay niyakap siya.
“I love you so much Xeya, at pangako aalagaan ko ang dalawang anghel na iniwan mo sa akin. Bantayan mo kami Mahal ko. Hanggang sa muling pagkikita” sabi ni kuya habang pinipigilan ang luhang tumulo

“We love you mommy” sabi ni Isaac at Ireful

Agad naming inihulog ang ang white rose na paborito ni ate. Nakatingin lang kami doon habang pababa ang coffin ni Ate. Magbabago na naman ang buhay ni kuya at nandito lang ako.

Sana kayanin ni kuya dahil hindi ko makakayang makita siya na nagiging miserable dahil sa pagkawala ni ate. Lahat kami ay nahihirapang tanggapin pero wala na siya at alam kong gusto niya kaming maging masaya. See you soon again ate when the right time comes sabi ko sa isip ko habang nakatingin sa langit at pinipigulan ang luhang tumulo.

SURVIVORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon