Third Person POVHindi parin nila ako mahanap dahil hindi ko hahayaan na mahanap nila ako. Gawin man nila lahat, ipahanap man nila ako sa kakilala nila ay hindi nila magagawa.
Habang pinagmamasadan ko ang mga litrato ng anak niya ay nakangisi ako. Naroon sana ako, kasama niya sana ako kung naging maayos lang lahat at hindi nagulo ang plano.
Habang ibinabalot ko ang regalo ko sa kanya ngayon ay napapangisi na lang ako at iniisip kung kailan nila malalaman kung sino ako. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa niya ang isa kong tauhan.
“Royalty naihatid na namin ang ipinapadala mo” sabi niya
“Mabuti, ito ipadala mo din pero hindi sa kanya” sabi ko
“Royalty maari po ba kaming magtanong” sabi niya
“Tungkol saan naman ang itatanong mo?”
“Bakit kailangan mo po silang padalhan ng mga regalo, pero hindi ka nagpapakilala sa kanila” sabi niya
“Mahirap pa ang sitwasyon, hindi pa panahon” sabi ko
“Paano pag hindi mo po sila maabutan Royalty?” tanong niya sa akin
“Imposible iyon” sabi ko
Hindi nila alam na pinapanood ko siya ang bawat kilos niya simula noong araw na umiyak siya dahil sa isang lalaki.
Nagulat pa ako noong pumasok si Rain at nakangiti sa akin kaya tinignan ko siya ng diretso sa mata.
"Royalty, Success ang Plano natin Nakuha ko na siya ano pa ang ipaguutos niyo" sabi niya
"Sa ngayon bantayan mo siya lalo ang mga kilos niya. Kapag may umaaligid tumawag ka sa akin at dalhin mo dito, Hindi nila siya pwedeng saktan" sabi ko sa mahinahong boses
"Eh Paano po iyon Royalty hindi ko naman siya nakakasama lagi lagi dahil may mga bagay din siyang ginagawa"
"Bobo! May mga tauhan ka doon mo siya ipabantay. Ewan ko ba kung bakit kita kinupkop minsan hindi ka gumagana" sabi ko at natawa naman siya
"Syempre Royalty Gwapo ako, pang hakot kaya ako ng chicks" sabi pa at kumindat jusme
Agad akong humarap sa monitor kung saan napalanood ko ang kilos nila, nakita ko kung gaano sila kasaya at natatakot akong magpakita sa kanila dahil baka magulo ang sitwasyon.
Hindi nila alam na dumating ako noong kasal niya,noong naipanganak niya ang pangalawang anak niya, noong binyag, at lahat ng importanteng okasyon sa buhay niya. Naroon din ako noong pumasa siya, noong sinaktan siya at pinahirapan sa Comfort Room.
Ang hirap lumapit sa kanya at ipaliwanag lahat ng nangyari sa nakalipas na taon. Natatakot akong magtanong siya pero ano ang magagawa ko, ginusto ko ito.
May kailangan pang mag bayad sa mga nangyari, kailangan pa nilang magdusa. Kung ang mga taong pinapanood ko ay wala na sila iyon sa akin meron pa.
Napakapit ako sa wheelchair ko at pinipigilan ang luha na pumatak, kung babalik ba ako may pwesto parin ba ako sa puso niyo?.
“Royalty oras na po para sa pag inom niyo ng gamot” sabi nong personal nurse ko at tumango ako.
Habang iniinom ang gamot ay hindi parin nawawala ang tingin ko sa isang monitor. Nakita kong may handaan sila ngayon at nag sasaya silang lahat, kung naroon ako siguro mas masaya.
“Royalty iyong pinapakuha niyo nasa underground na, pupuntahan niyo po ba” sabi nong isa ko pang tauhan
“Sandali lang, ihanda niyo na siya doon huwag niyo tatanggalin ang piring niya lintek” sabi ko at napatingin pa muli sa monitor bago tumango sa tauhan ko.
Habang nasa daan kami papunta sa underground ay napapangiti ako ng mapait kaunti nalang matatapos na din ako dito, mapagbabayad ko na sila at sana makayanan kong magpakita sa kanila.
Pagkarating namin doon nakita ko ang isamg babae na nakatali sa upuan. Tumakas daw ito eh tsk tsk, ligtas ka na sana kaso… hayss sabi ko sa at naiiling pa.
“Patakasin niyo ako dahil kung hindi magugunaw ang mundo niyo, Sino ba kayo!?” sigaw na tanong niya
“Matagal na kayong talo at hawak ko narin sa leeg ang tatay mo kaya wala na kayong kawala. Kwingina niyo sa pagpapahirap sa amin!" sigaw ko sa kanya at sinampal siya
“Sino ka Gago!Tandaan mo kahit hawak mo ang tatay ko sa leeg hindi mo parin kami mapapatumba” sabi niya pa at tumawa na parang baliw juskopo
“Kung gago ako ano ang tawag sa inyo?Hinding-hindi niyo na ako matatalo dahil oras na lumabas ako dito kung saan ako nagtatago lahat ng mga tao niyo babalik sa akin at tatalikuran kayo. Tandaan mo iyan” Sabi ko sa kanya at natahimik siya “Tanggalin niyo ang piring niya” sabi ko pa at ginawa naman nila.
Hawak ko ang isang tubo sana para gawin sa kanya iyong ginawa niya kay CA kaso naalala ko hindi ako ganon kasama, hindi ako kagaya nila, at hinding hindi ko hahayaan na matulad ako sa kanila.
“I-kaw, Ikaw pinatay ka na namin ah, lintek naman talaga at matibay ka nga, buti hindi ka na tuluyan noon” sabi niya at tumawa pa ulit ang lintek na babae
“Mas masama akong damo kaya buhay pa ako at oo nakaligtas ako at hindi niyo na ako mapapatay muli” sabi ko at kinuha ko ang tubo at hinampas sa binti niya dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Napadaing siya sa sakit dahil sa hampas ko. Hindi ko siya naririnig dahil tanging galit lang ang nasa isip ko. Noong papaluin ko na sana siya ulit naalala ko soya at pinaalalahanan akong huwag iyin ituloy at tama na kaya huminto ako
“Kwingina ng pamilya niyo mga gago!” sabi ko “Kwingina niyo sa mga ginawa niyong walang katuturan, Kwingina niyo dahil gustong gusto niyong sumira ng pamilya, Kung wala kayong gumawa magpakamatay na kayo, Kwingina niyo.!” sigaw ko at umalis na doon dahil sumisikip na ang dibdib ko at parang hindi na naman ako makahinga
Balang araw magpapakita din ako sa inyo pero ngayon ay kailangan ko kayong protektahan ng patago dahil hindi pa ako handang magpakita sa inyo. Gusto kong mayakap kayo dahil ang tagal kong hindi naramdaman ang yakap ng pamilya.
Buhay ako at makikita niyo rin ako kaunti na lang. Makikita mo pa ang Daddy CA, ako ang nasa likod ng mga regalong dumadating sa iyo nandoon ako noong kasal mo, ako ang nagpatunog sa kampana.Maghintay lang kayo mga mahal ko, mayayakap ko marin kayo. Buhay ako at nalalapit na ang pagbabalik ko.
*END*
BINABASA MO ANG
SURVIVOR
No FicciónMaraming klase ng pagmamahal, may pagmamahal para sa kaibigan, magulang at sa sinisinta. May pagmamahal din na hahayaan tayong maging malaya, at may pagmamahal din nahanggang tingin na lang