09

12 1 0
                                    



Maaga din akong nagising dahil andito na pala sila ate Xeya hindi pala nakapunta kagabi dahil tulog na at nagaalala daw sila kay Sierra buti nabasa niya daw message ni kuya sa kanya kaninang umaga.

“San ba kayo galing Kahapon CA?” pagtatanong ni kuya sa akin dahil nakita niyang gising na ako

“Birthday ng kajlase namin ayon nagaya sa Alice akala ko pa naman walang alak eh” pagpapaliwanang ko

“Anong oras klase niyo?” si ate Xeya naman

“Ten ate”

“Nagkalat ba si Sierra magagalit na naman mama niya sa kanya eh”

“Hindi naman ate nag pass out lang nong nasa labas sila ni Hera kami lang ata ni Jeya hinfi uminom”

“Sorry sa abala huh”

“Ayos lang ate kaibigan ko naman eh”

Ngumiti lang siya sa akin at pumunta na ng kusina ako naman iniligpit ko na ang hinigaan ko at pumunta sa kwarto ko, nakakatawang makita ang dalawang leng leng iyong isa humihilik pa iyong isa naman nakalay lay na ang paa at kamay kaya itinaas ko naman.

Agad akong napatingin sa wall clock ko at als otso na pala kaya maliligo na ako at papasok mamayang alas nuebe tambay muna sa may likod ng building namin dahil maraming uouan don eh don minsan nagkikita iying mga magjowang taga Engineering tapos Accountancy.

Sinulit ko ang oras para maligo at pinaglayag ko ang isip ko kung saan saan at natutuwa na naman ako, pagkatapos maligo nagpalit na ako white shorts at yellow shirt tapos white sneakers lang ang suot ko natuto na ako kay Hera eh, tuwing exam lang ata kami nag uniform don wew.

Bumaba na ako oara kumain at nandon parin si ate Xeya dala ang pamalit ni Sierra mamaya si Hera naman may damit laging dala sa kotse niya kaya walang problema.

Pagkatapos kong kumain nagpaalam na ako at nagpunta ng school as usual pagkarating  ko sa school nagkalat ng ang mga archi student dahil minsan parang in sketch ata nila iyong school minsan may mga metro pa sila eh.

Pagkarating ko don sa mga upuan nag bukas ako ng message sa gc namin.

Timothy Sawyer: Salamat sa pagpunta guys sakit ng ulo ko
Kris Andala: pucha Brad ayaw ko na uminom pero pag libre g ulit salamat sa pagimbita sa amin
Natatawa ako sa sinabi ni Kris kaya nakisali nadin ako sa usapan nila dahil ako lang ata ang hindi uminom naka dalawang bote daw si jeya eh eh malakas pala alcohol toleran non.

Coleen Martyrdom : Salamat sa pa wings ako lang ata nakasulit hehhe peace.
Jeya Buena: Loko ka CA ikaw lang hindi uminom madaya ka, Kamusta si Hera at Sierra
Hera Celeste: Hey My head still shaking I don’t know what I did last night but don’t mention it btw thabks @Timothy Sawyer Sierra is panivking RN.

Lagkasabi niya non halos lahat naging active mga chismoso talaga mga kaklase ko wew hindi sa pang jajudge pero sila ata unang nakakasagap ng chismis sa school

Hera Celeste : Natatakot daw siya baka may ginawa siyang kakaiba.

Nagtawanan lang sila sa groupchat namin at hindi na ako nag seen at nagooen na lang sa twitter ko at nag tweet ng photo kasama si Athena na may caption na I Miss You Sis bisita ka pag ok kana I love You Doc GodBless at nag reply siya agad.

@jasMINEEEE: uwu ilyt sis ayaw ko na mag med hirap.
@Ethereal: Fighting Doc kaya mo yan.
@jasMINEEEE: You’re the best CPA.

Nagsend kasi ako sa kanya ng motivation niya dahil exam niya this week buti hindi niya na masyadong iniisip iyong sa family niya dahil naapektuhan din ako nasbai ko narin sa kanyang nakausap ko na si Mama at sobrang nagpasalamat sa akin.

“Can I seat here”
Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot netong si Xy sa harapan ko

“Ah yeah it’s fine baka I will disturb you?”

“Ah no I’m not studying naman”

“Ah ok you don’t have class?”

“Mamaya pa maaga lang pumasok I like it here”

“Ganda dito noh sarap tumamabay”

“Yeah, It is hard ba?” pagtatanong niya

“Huh”

“ I mean Mahirao ba mag Accountancy?”

“Mahirap pag dika nagaral at hindi nakinig lahat naman mahirap”

“Oo nga noh lahat mahirap”

“Alam mo pag nag tatagalog ka mas maraming kakausap sayo” pero hindi niya ako sinagot at pinanood lang ang mga taong tumatambay don

“Next week na pala announcement ng mga PL at DL in case you didn’t know”

“Pasok ka don malabo ako eh”

“Ok I’ll bet you’ll be a DL, pag natalo ka sasamahan mo ako kahit saan ng isnag buwan”

“huh eh sige ganon din ako sayo pero I’ll bet naman na PL ka kayang kaya mo yon eh halos jowain mo na libro mo eh”

Hindi na siya sumagot at tumawa lang ng tumawa he look carefree parang hindi stress eh some people say med is really stressful kaya ayaw ko nga eh little did I know nakakastress din ang Accountancy nadala ako ng mga sinasabi nilang madali toh wew.

“You know what you should smile a lot to have friends with you baka kaya you don’t have friends because of how the way look parang laging masungit” I said

“CA I have friends not a lot but I have You’re my friend too kaya madami na I’m not like you, I think You have a lot”

“Yeah I have a lot of Friends but most of them lang pinagkakatiwalaan ko it is so hard to be betrayed”

“You’ve  been betrayed?”

“Of course duh”

“You know what we must continue this next time it is almost 10 we should proceed to our classroom”

“Ok ok”

Sabay kaming naglakad dahil madadaanan niya ang building namin dahil sa pang apat na building pa sila malayo sa amin ng makarating kami sa tapat ng building namin agad akong nagpaalam sa kanya at tumango lang siya.

Tumakabo ako hanggang thurd floor dahil bigla akong nilamig kasi humangin ng malakas pagkarating ko iilan pa lang nandon, pero nandoon na rin si hera at sierra at nagkukuwentuhan na.

“Kamusta mga Leng Leng!?” sigaw ko pa para makuha atensyon nila

“Oy nexttime si CA lasingin natin baka mapaamin natin yan”  Si Ton

“Labo yan Ton”  sabi ko naman

Kaya agad akong pumunta kung saan nakaupo si Sierra at Hera na hanggang ngayon iniisip parin ata kung ano pinaggagagawa nila kahapon, pag nagkwento siguro ako sa dalawang toh ikakahiya nila sarili nila.

“CA ano ginawa ko kahapon” si Sierra agad nagsalubong ng tanong sa akin

“Nag pass out ka nong nasa labas kayo ni Hera tapos ang lakas ng loob niyong kumanta wala naman sa tono iba iba pa lyrics niyo yung pang senti ginawa niyong rock tapos pagkarating sa bahay humihi—”  hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita

“STOP CA!” Sigaw niya kaya tumingin mga kaklase namin sa amin

“Totoo nga si Hera naman pagkaarating ng bahay nagsuka agad sa labas buti nga nabuksan ko agad tapos nag sorry pa sa akin muntik pa atang mauntog sa banyo ko kagabi wengya”  natatawang sabi ko

“Swear I won’t drink that hard ahain grabe my head still hurt”

“Geh lang sasamahan ko kayong maglasing wag niyo lang akong painumin”

“Wag na!” sigaw naman ng kaklase ko

“Ayaw niyo non guys may taga kwento kayo kapag di niyo alam nangyari sa inyo kapag nalalasing kayo?” tumatawang sabi ko pa sa kanila

Agad akong napaayos ng upo dahil dumating na iyong prof may pinakopya lang at sasaguyan sa libro bukas na daw ichecheck kaya ginawa ko na lang dahil gusto ko matulog mamaya sa bahay.

“CA kain tayo may class ka pa ba mamaya?”

“Wala na tsaka hoy Sierra magkaklase tayong tatlo sa lahat ng subject natin hilo ka pa? ” sagot ko kay Sierra

“Medyo sis sa susunod magtutubug na lang ako” Sagot namn niya

“Oh Hera tahimik ka”

“Nasusuka kasi ako”

“Ay gaga ka bakit dimo sinabi agad” si Sierra

“Natural nagdadaldalan  pa kayo eh”

“Tara CR” sabi ko naman

Nagpunta naman kami don sa  dulong Comfort Room para walang makarinig at baka maissue pa si Hera na buntis patay kaming tatlo mahirap na.

“Ano ok ka pa ba diyan?” tanong ni Sierra

“Tubig nga” sagot naman niya

Agad ko naman inabot ang bottled water ko sa kanya dahil nakakaawa na iyong itsura niya jusko lalo atang ayaw kong matutong uminom o dikaya tumikim man lang baka mas malala pa ako sa kanila.

Pagkatapos ng ilang minuto lumabas na si Hera sa loob ng cubicle at nagayos na sa salamin todo lagay siya ng make up because she look pale, kaya tinatawanan siya ni Sierra tapos todo irap siya.

“Next time uminom pa kayo huh tapos sama natin si Athena palakasan kayong tatlo ang unang matumba magbabayad sa bill”

“Gaga ka talaga CA” si Hera naman

“Oo para umamin na kayo sa akin hahaha” pero sinamaan lang nila ako ng tingin

“JOKE LANG WAG NA KAYONG UMINOM KAWAWA ATAY NIYO” Sinserong sabi ko pa

“Liquor can help us forget our problems for a little while” sabi naman ni hera

“Correct ka diyan sismarz” si Sierra naman

“Mas ok pag hinaharap mo kahit sobrang skait kelangan mong harapin kasi sa bawat pagtagay mo ng alak sinasaktan mo sarili mo eh sa bawat pag iwas mo sa problema mo lalao mong hinahayaang talunin ka ng problema”

“Ayan na nagsalita na ang nanay natin Hera”

“Yeah kaya ayaw ko ng ganito eh pagsasabihan lang tayo ni CA”

“Syempre kaibigan ko kayo ayaw kong masaktan or mawala kayo ayaw kong nagkakasakit kayo dahil sa bawat gagawin niyo apektado ako” sagot ko naman

“No wonder why you have a lot of friends”

“Yeah I have a lot pero minsan nakakatakot din kasi kaya ka nilang pagtulungan the fewer the better” pagkasabi ko non agad kaming nagpunta sa Cafeteria

Umorder ako ng Budget meal para sa akin tapos etong dalawa ang daming inorder para tuloy may fiesta sa table namin, gutom daw sila kaya kailangan nilang kumain, kakain sila ng madami tapos nag wowork out din tsss ewan ko dito sadalawnag toh.
Bigla akong napatanaw sa kabilang table at nakaupo don si Xy kasama niya ata iying mga blockmates niya may hawak siyang hard copy ata ng isang lesson nila or quiz ewan tapos sobra pagkakatitig niya don na akala mo aawayin niya siguro mababa nakuha ewan, Iiwas na sana ako ng tingin ng bigla niyang salubungin ang tingin ko at nagtbumbs sa akin at ngumiti ng pilit, May problema ata toh sa acads niya.

Hindi na sila nagtagal ng mga kasmaa niya don at  lumabas na tumingin pa ulit siya sa akin at nag thumbs up pa kaya nag thumbs din ako at saka ako ngumiti sa kanya,grabe kanina ayos pa siya tapos ngayon iba na mood ibang klase.


SURVIVORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon