73

2 0 0
                                    

73

Today is Holiday kaya walang work, at bukas birthday ni Manang napagdesisyunan namin nila kuya na I treat si manang sa isang beach sa Aurora para makpag unwind din.

I alreasy got my first salary and as promised nilibre ko si Soerra at Hera ng Alak tapos si kuya softdrinks at Sandwich. Binili ko din si mama at papa ng damit ganoon din si Hestia, Isaac at Ireful.

Dinagdagan ko naman ang sahod nila manang at tuwang tuwa, noong una ayaw tanggapin pero noong binalaan kong masamang tumanggi sa gracia ayun tinanggap din.

Ngayon ay paalis na kami anong oras pa lang naman, alas kwatro. Ang sakay ko dito ay sila manang at iyong mga nanny ni Isaac. Napakasaya nga eh hindi ko namalayan na papasikat na ang araw.

“Eh CA kamusta naman ang trabaho mo?” tanong ni Manang dahil siya ang katabi ko

“Ayos lang po manang, eh noong unang araw po naninibago ako pero nakapag adjust naman po” sabi ko

“Hindi ba mahirap iyang trabaho mo?” tanong naman nong isang nanny

“Sakto lang naman ate, kapag hindi ka siguro sanay mahirap, natuto na nga akong uminom ng kape eh dahil kalaban talaga sa trabaho ang pagod at antok” sabi ko

Alas nuebe na noong nakarating kami dahil kumain pa kami ng agahan tapos kapag may na dadaanan kami na curious ang mga bata kaya tumitigil kami.

Noong makita nila ang alon agad silang nagtatalon, kasama namin ngayon sila mama at papa. Agad akong nagpalit para samahan ang mga bata sa dagat.

Habang naliligo kami tawang tawa ako sa itsura ni Isaac dahil inggit na inngit sa amin. Kaya agad ko siyang pinuntahan at pinasampa sa likuran ko.

Noong nagsawa kami sa tubig agad naman ay umahon na kami at naupo sa buhanginan. Pinahiga nila ako at tinabunan ang katawan ko ng buhangin nilagyan pa nila ako ng buntot.
Noong marinig namin ang tawag ni Ate Xeya agad akong bumangon at nagbanlaw para matanggal iyong buhangin. Nakasampa sa likuran ko si Isaac habang buhat ko si Ireful sa kaliwang kamay ko at Hawak kamay ko si Hestia.

Agad kong ibinaba ang mga bata dahil feeling ko makukuba na ako. Noong kakain na ang pinagdasal namin ay si Kuya kaya wala siyang ginawa dahil tinignan agad siya ni mama at ate tapos sinabayan ko pa.

Kinanatahan namin ng Birthday Song si Manang at tueang tuwa pa. Mayroong binili na Cake si kuya at ipinabloe namin iyon sa kanya. Habang kumakain kami napalakas ang tawanan namin dahil sa kwento ni Isaac.

“Isaac Just Eat” maawtoridad na sabi ni kuya kaya pumirmi siya sa isang gilid.

Nagpunta si Isaac kay Papa at nagpakalong at mukhang nagsusumbong na siya. Si Ireful naman ay katabi ang Tita Hestia nagsusubuan nga sila eh ang kyut. Agad kong inilabas ang Camera at kinuhanan sila ng litrato at nagulat sila noong may mag flash.

“Sabihin mo naman Master kung kukuhanan mo kami ng picture para makaayos naman kami ng pose” reklamo pa ni kuya sa akin kaya napairap ako.

“Sige ulit, Pa ngiti naman diyan, Ireful look at the camera, one, two three say cheese!” sigaw ko at ang ganda ng kuha.
Nagkaroon din ako ng mga solo picture dahil kay ate Xeya na nag volunteer na maging photographer ko. Sinisis niya nga ako dahil bakit daw hindi ako nag bikini, ang sabi ko naman hindi pa ako ready kaya natawa siya.

Grabe ang gaganda ng mga kuha ni ate Xeya, Tinawag ko naman Di kuya na nag iihaw para sila naman ang kuhanan ko. Iniayos niya pa ang polo niya habang papunta sa amin.

“Hoy ayusin mo para kunwari Prenup na namin toh” sabi ni kuya at tumango na lang ako.

Habang kinukuhanan ko sila hindi ko maiwasang matuwa dahil makikita mo kung gaano sila kasayang dalawa, makikita mo sa kanila na mahal na mahal nila ang isa’t isa.

Noong natapos kami sa isang spot pinapunta ko sila doon sa may bangka. Grave kahit anong anggulo napakaganda ni Ate Xeya ganon din Si Kuya, Iyong balat ni ate Xeya ay namumula na dahil sa araw ang cute lang.

Pagkatapos ko silang kuhanan ng Picture tinawag ko naman sila Ireful at Isaac para sa Family picture nila. Noong natapos iyon agad akong bumalik sa Hut namin at doon ni review ang pictures.

Agad na tumabi sa akin si papa at tinatanong kung ano ang ginagawa ko kaya ipinakita ko iyong pictuees nila ate at kuya.

“Anak masaya kana ba?” tanong niya

“Masaya na po pa pero may nawawlaa parin pong piraso” sabi ko habang nakangiti sa kanya

“Alam mo ba kung gaano kita kamahal anak, Sobra sobra iyin ang huwag mong kakalimutan huh kahit anong mangyari” sabi niya pa

“Oo naman pa, ganon din ako sa inyo” sabi ko

“Nga pala kamusta ang trabaho mo, may bagong manliligaw na ba o boyfriend?” tanong niya sa akin.

“Iying trabaho ko po ay ayos naman, Wala po akong manliligaw o Boyfriend dahil masyado akong Busy”  sabi ko at natawa naman siya

“Busy o mahal pa iying nasa nakaraan?” tanong niya sa akin

“Pa!” sigaw ko dahil inaasar niya ako

“Anak kita pwede mong aminin sa akin kung ano ang totoo mong nararamdaman” sabi niya.

“Isss. Huwag na lang pag usapan pa matagal na iyon” sabi ko.

Nagawa niyang guluhin ang buhok ko at hinalikan ang noo ko. Grabe namiss ko iyon kay papa super busy na kasi siya. Noong matapos kong ireview ang Pictures nila kuya, agad kong itinago ang camera.

Nagpunta ako doon sa may banana boat at tinawag sila,agad kaming sumakay doon, noong umpisa ay mabagal pa ang takbo namin pero noong nasa gitna biglang bumilis,ending laaht kami nahulog.

Sinubukan din namin iyong Flying Carpet nila, Grabe feel na feel kong lumilipad ako dahil tatlo lang naman kaming sumakay at takot sila. Siguro tumaas kami ng Three meters.

Paglarapos namin doon sinubukan namin ang Jetski nila tinanong nming kung pwede mag angkas at pwede naman daw. Angkas ko ngayon si Hestia at pianakpit ko ng mabuti.

Habang nagdadrive natutuwa ako dahil parang motor lang. Binilisan ko ang pagpalatakbo at biglang nagsalita si Hestia

“Ate Please Slow down I am already drinking the sea water” sabi ni Hestia

“I’m Sorry, Ate is Just Happy ok” sabi ko pa.

Noong dinahan dahan ko napagmasdan ko kung gaano kaganda ang View mas na appreciate ko iyong ganda noong lugar. Ngayon ko lang din napansin na marami pa lang tao ngayon.

Pagkatapos naming doon ay sumakay na kami ng bangka dalawang bangka ang inokupahan namin para maluwang ang espasyo. Habang nililibot namin ang buong lugar napansin ko sa di kalayuan ang mga barko.

Anag sabi sa amin ng bangkero namin ay barko daw iyon ng tsina, nalungkot naman ako doon. Pagkatapos non lumangoy na kami,isinama pa ni kuya si manang sa malalim dahil hindi marunong si manang.

Noong naoagod kami kakaligo at magdidilim na agad kaming umahon para panootin ang sunset agad kong tinakbo ang camera para kuhanan si ate at kuya.

Noong gabi ay napagdesisyunan naming mag bonfire. Agad na nakatulog ang mga bata  kaya dinala na nila mama sa kwarto na inokupahan namin. Nokng alas nuebe na ay nag si alisan na dila kaya kaming dalawa na lang ni kuya ang naiwan dito.

“Alam mo ba kung gaano ako kasaya para sayo CA?” sabi niya kaya napatingin ako

“Hmm Hindi, Pero kung huhulaan ko alam kong sobrang saya mo para sa akin” sabi ko

“Huwag na Huwag kang magagalit sa akin Huh o sa amin, basta tandaan mo mahal ka namin.” Sabi niya at tumango ako.

Nagpaiwan ako saglit para mag isip. Nararamdaman ko ang malamig na simong ng hangin. Naiinis akong Isipin na sa ganiting sitwasyon ay siya ang naiisip ko.

Naiisp ko na kung nandito siya hindi mararamdaman ang laming ng simoy ng hangin dahil alam kong ipupwesto niya ako sa pagitan ng mga hita niya at yayakapin.

Ayaw ko mang maisip siya ngunit tuwing mag iisa ako papasok siya na para bang ayaw niya akong walang kasama kaya natutuwa ako. Napapahid ako sa aking luha dahil aa pag iisp nong mga pinagdaanan ko, namin ni kuya bago mapunta sa ganitong sitwasyon.

Naging mabilis ang araw at ngayon ay pauwi na kami. Napagdesisyunan naming mag night trip at para daw maiba naman. Nauna akong dumating sa bahay dahil sakay ko sila Mama, Hestia, Isaac, Ireful, si manang at iyong dalawang nanny.


Noong nasa bahay na kami nkita kong tumatawag si kuya kaya gad kong sinagot iyon.

“Asan na kayo Bossing bigla kayong nawala”  sabi ko

[Mas-ter si Pa-pa, si pa-pa nan-di-to ka-mi sa Osp-it-al” sabi niya kaya pinatay ko ang tawag nakita kong may text message sila sa akin na Mard Hospital daw sila kaya agad akong nagpunta doon.
Iyong mga kamay ko ay nanginginig na wala akong ibang maisip kundi si papa, paano kung may nangyari sa kanyang hindi maganda, hindi ko kakayanin. Sa Sobrang lapit ng ospital sa amin parang ang tagl kong nag drive.

Pagkarating ko sa emergency room nakita ko si Ate na pinapatahan si kuya dahil umiiyak kaya agad akong lunapit sa kanila.

“Kuya nasaan si papa?” tanong ko

“Nasa OR na kailangan operahan iyong kamay niya, Wala namang tama iyong ulo niya nahimatay lang siya” sabi ni Ate

“Paano ba kasi ito nangyari?”tanong ko

“Nawalan ng preno iying sasakyan ni Papa at bumangga sa poste, sira iying harapan nong kotse niya” sabi ni ate kaya napasapo ako sa noo.

Hindi mag dadrive si Papa na hindi nakikita kung maayos ang lagay ng sasakyan niya. Paanong naging ganon, ayaw kong isipin na may gumawa nito pero hindi ko maiwasan.

Naghintay kami ng ilang oras at ngayon ay ililipat na si Pala aa Private Room pinauwi ko muna sila Ate at Kuya para hindi mag alala sila mama sa bahay.

Hinintay kong magkamalay si Papa, Hindi ko alam ang magagawa ko kung may nangyaring mas malla dito takte. Nakita kong may sugat din siya sa noo, noong hahawakan ko na ang mukha niya bigla siyang nagmulat.

“Pa ano nararamdaman mo?May masakit ba sayo?” magkasunod na tanong ko

“Tawagan mo ang mama mo”  sabi niya kaya agad kong ginawa iyon.

Noong natapos kong tawagan si mama hindi parin nagsasalita si papa. Hinintay ko na dumating si mama at kahit antok na ako ay hindi ko magawang ipikit ang mata ko.

Pagpasok ni mama agad na pinalabas ni papa sila ate at ipinaiwan si kuya at mama sa loob. Nagkatinginan silang tatlo bago napatingin sa akin.

“Panahon na”  sabi ni papa kaya napatingin ako sa kanya habang nakatingin siya kay mama “CA sana mapatawad mo ako, kami. CA hindi ka namin totoong anak, hindi ka totong kapatid ni PJ, Ang tanging totoo lang sayo ay ang pangalan mo” magkakasunod na sabi na sabi ni papa at natawa ako

“Pinagpalit kayo ni papa mo sa totoong anak namin dahil may kumplikasyon ang baga niya, kailangan niyang mabuhay at nalaman naming mayaman ang mga magulang mo kaya ginawa namin iyon” sabi ni Mama

“Ma, Pa Nice Prank po pero hindi iyan totoo” sabi ko pa at natatawa

“Totoo nga, Hindi ka taga Nueva Ecija, Naioanganak ka lang dito sa Nueva Ecija dahi ang totoo ay taga Isabela ka. Kamalas malasan na hindi nabuhay ang anak namin kaya hindi ka namin ibinalik at inangkin" sabi ni mama kaya hindi ko na napigilang umiyak

“Ba-kit kai-la-ngan nin-yo-ng it-ago”  sabi ko pa at inayos ang pasasalita ko “Parte iyon ng pagkatao pero bakit kailangan niyong itago, matatanggap ko naman kung sinabi niyo, hindi niyo ba alam kung ilang taon kong hindi nakasama ang magulang almost twenty five years”

“Susunduin ka na nila bukas”  sabi ni papa

“Sorry CA”  narinig kong sabi ni kuya

“Alam mo?Nasaan iyong sinasabi mong dapat hindi tayo magtago ng sikreto sa isa’t isa, NASAAN!, Hindi ko alam kung magpapasalamat ako sa inyo dahil iniwan niyo din naman kami noong bata, Pero salamat parin, Hindi ko kayang magalit sa inyo lalao saiyo kuya, bakit? Kasi mahal ko kayo, hindi ko man kayo kadugo pero mahalaga kayo sa kin. Pero patawad kailangan ko ng bumalik sa Totoong PAMILYA KO” sabi ko at umalis sa kwarto na iyon na luhaan narinig ko pa ang tawag ni Ate pero wala na akong lakas na harapin siya

Takte bakit anong ginawa ko, bakit kailangan nila akong ganituhin. Hindi naman ako naging masama diba pero bakit ako, Bakit kailangan ako pa. Agad akong dumiretso sa isang store at bumili ng alak.

Alam kong hindi solusyon ang alak na ito para mawla iyong sakit na nararamdaman ko pero ano ang gagawin ko, para akong nawalan ng kaluluwa.Iyong iisipin ko palang na hindi nila ako kadugo, na wala talaga akong parte sa pamilya nila para na akong pinapatay. Kaya ba sinasabi nilang huwag akong magalit sa kanila dahil ito pala.

Pagkadating sa bahay hindi ko nagawang pansinin ang mga bata at agad na nagpunta sa kwarto. Agad kong inimpake ang mga gamit ko. Pero habang nageempake ako wala akong ibang maisip kundi ang kasinungalingan nila na,na ang buong buhay ko ay kasinungalingan lang.

Noong makuntento ako sa gamit na nailagay ko sa maleta ko agad akong nahiga at itinaklubong ang kumot at doon umiyak ng umiyak. Hanggang ngayon tinatanong ko kung sino ako na baka Prank lang toh kasi diba malapit na birthday ko baka may big surprise naman sila, kaso hindi eh.

Nakatulugan ko ang pagiyak ngunit pati sa panaginip ko ay dinadalaw ako ng eksena kanina sa ospital kaya nagising ulit ako hindi ko alam kung anong oras na pero nakikita ko na ang papasikat na araw.

Agad akong naligo at nagpalit, napangiti ako ng mapait dahil alam kong hindi na ako kailanman rito’y babalik. Pagakatpos non tinawag ako ni manang dahil may nahahanap daw sa akin.

Pagkababa ko naabutan ko si Kuya sa baba at agad akong niyakap.

“Sana mapatawad mo kami”  sabi niya

“Hindi ko alam kung paano o kailan, dahil ginawa niyo akong tanga kuya bakit anong ginawa ko,Pero... huwag kayong mag alala kuya dahil pamilya parin ang turing ko sa inyo at mahal na mahal ko parin kayo walang pagbabago kahit itunago niyo kung sino ako.” sabi ko at kumalas ako sa pagkakayakap niya.

Agad kong iniabot ang susi ng sasakyan na bigay niya. Nakita ko pa ang mga bata at umiiyak na kaya hinalikan ko silang tatlo.

“You’ll be back right?”tanong nilang tatlo.

“I’m not sure but be good to each other, always remember I love you always ok” sabi ko at muling humalik at yumakap sa kanila.

Now Playing :Home by Daughtry

Humabol pa si manang at niyakap ako, sabi ko bantayan ng mabuti iying mga bata at tumnago naman siya. Pagkalabas ko ng gate na ito tapos na buhay ko bilang CA.

Parang after neto mag uumpisa na naman ako at hindi ko alam kung paano na naman ang gavawin, ang gandang advance birthday gift, takte hindi ako tunay na anak.

Pagkalabas ko may kumuha ng gamit ko at pinasakay aa isang van na suit pa sila at shades. Napalingon pa ulit ako sa bahay ni kuya at natanawan kong pinipigilan ni kuya na humabol sa aking ang mga bata. Ang sakit sakit pero ito ang totoo kaya pala hindi pinapakita sa akin ni kuya ang Birth Certificate niya.

Minsan talaga mapapasabi ka na lang na kung sino pa ang minamahal mo ng sobra ay sila pa iyong sasaktan ka. Iyong mga mas nakakakilala sayo ay nagagawang pag taguan ka ng sikreto. Sana masaya sila sa nagawa nila,wala kong galit sa kanila, kahit kaunti dahil binuhay parin nila ako, wala akong galit dahil mas ramdam ko iyong sakit.

SURVIVORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon