Maaga akong nagising ngayon dahil pupunta ako sa church. Kaya bumaba akong nakabihis, nagulat pa ako dahil nakabihis din sila kuya. Iyong saya ni kuya hindi niya maitago tuwa niya.
Noong makalapit ako sa kanila agad akong inakbayan ni Kuya tapos ginulo ang buhok ko kaya nagalit si Ate Xeya sa kanya. Iyong mga bulinggit naman ay hinalikan ako.
Bago kami umalis ay nag paalam muna kami kila manang at pinag ingat kami. Gusto ko sanang kasama sila manang kaso may aantayin daw sila kaya kami lang.
Habang nasa daan kami binuksan ni kuya iyong window namin para makalangahap ng sariwang hangin. Pinigilan ko naman ang dalawa dahil ilalabas nila ang nila.
Nakakatuwa lang dahil habang nasa daan kami ay parang may concert sa loob ng sasakyan at pasimuno si Bossing. Tahimik lang kami ni ate Xeya at nakikinig sa kanila. Magaling kumanta si Kuya eh nakakaantok nga lang.
Noong makarating kami sa church ako ang naunang bumaba. Agad akong pumasok at naupo sa pinaka harap dahil mas gusto ko doon. Noong sinimulan kong magdasal agad na tumulo ang luha ko.
Hindi ko nagawang punasan ang luha ko dahil sobrang focus ko sa pagdadasal. Pagkatapos non nakita kong nakikipag-usap na si kuya kay Archbishop at kasama niya ang mga bata, Si ate naman ay nakatingin lang sa akin.
Agad niya akong niyakap at tinapik ang likuran ko at kino-congrats ako. Naalala ko na naman iyong sinabi ni Xy na after naming makita iyong result sasamhan niya ako dito sa church kaso nasaan siya wew pangako niya napako na.
“We’re Proud of You CA, pati siya” sabi ni Ate kaya napangiti ako
“Nagkita kami ate, kailan lang parang hindi na siya iyong Xy na minahal ko ibang iba na siya. Hindi maayos ang pananamit at may balbas na siya, mahaba narin ang buhok” kako pa at tumango siya
“Ayon din ang sinasabi ko sa kanya pero hindi nakikinig tss” sabi niya pa at napailing
“Kamusta na pala sila tita at tito ate?” tanong ko pa
“Maayos sila, malapit naring uuwi eh. Tsaka nga pala Congrats daw” sabi niya pa bago tumayo
Pagkatapos noon ay pumunta kami doon sa gumagawa ng tarpaulin ewan ko kung bakit kaya naghintay na lang kami nila Isaac dito sa loob at naglaro ng bato bato pik.
“Tita Congratulations po, I’m so Proud po” sabi ni Isaac
“Me too tita I’m so Proud po” sabi ni Ireful.
“Thank You so much” sabi ko pa at hinalikan silang dalawa sa noo
Agad naman silang nagpakandon sa akin bago ako hinalikan sa pisngi. Naabutan nga kami nila kuya na hinahalikan nila ako kaya nagtatampo na si Kuya kasi daw hindi kinikiss samantalang ako araw araw.
“Oy Master saan ka mag tatrabaho?” tanong ni kuya
“Doon sa pinag-Internan ko bakit bossing?” tanon ko din
“Sabi niya kasi sa akin CA kailangan mo daw siyang ilibre when you get your first salary” sabi naman ni Ate
“Grabe, sige isang bote ng coke at sandwich hahaha” sabi ko pa nginisian lang ako kaya tawang tawa ako
“Wala bang kumukuha sayo na ibang company ganon?” tanong ni Ate
“Meron po Iyong offer agad sa akin isa Accounting Manager na taas din ng sweldo” sabi ko pa
“Kaya mo namang magtrabaho sa dalawang company master eh” sabi niya pa tapos tumawa
“Gagi Bossing malabo iyon, Pero tignan ko lahat kung saan ako kumportable tapos isasama ko sila Hera at Sierra, ganems” sabi ko pa at tinignan ako ni Kuya
“Nakausap namin si Xyrille, Congrats daw” sabi ni kuya
“Nasabi na ni ate kanina kuya” sabi ko naman at tumahimik siya.
Ayaw ko naman sana siyang isipin kaso kapag hindi ko na iniisip doon naman nila binabanggit nakakainis lang. Dumaan kami sa Alice dahil nag pabili iyong mga bata ng Fries nila kaya no choice si kuya.
Habang kumakain iyong mga bata inutusan ko silang subuan ang mommy at daddy nila kaya ginawa nila. Tuwang tuwa naman si ate, si kuya naman ay inirapan ako mula sa salamin kaya kinunutan ko siya ng noo.
Pagkatapos non ay may dinaanan pa sila kuya parang catering, wait anong meron, ay oo pala sabi ni kuya mag celebrate mamayang gabi tapos pinag invite niya pa ako wew.
Noong tapos na lahat ng ginawa nila kuya at ate ay dumiretso na kami sa bahay. Noong nasa guard house na kami binati ako ni manong guard tapos ibinigay ni kuya iyong isang tarpaulin kay manong.
Pagkarating namin sa bahay nakita kong may mga upuan ng nakaset up eh anong oras palang. Pagkakita ko sa relo ko alas tres na pala eh alas sais ang sabi ko sa mga kaklase ko.
Nilinisan din nila iyong pool at ngayon may tubig pinapasabi pa ni kuya na pag dalahin ko iyong mga dati kong kaklase ng extra na damit. Kaya ginawa ko,pagka akyat ko agad akong nagpalit ng oambahay at tumulong sa baba.
Binuhat ko iyong isang table at ipwinesto, ang sabi kasi ni kuya celebration narin daw para sa mga kaklase kong pumasa din. Grabe hindi ko in-expect na ganito kagalante si kuya.
Dumating din sila mama at pala tapos si Hestia may sketch na regalo sa akin, si Papa binigyan ako ng pera ganoon din si mama kaya ending binigyan ko din si Hestia, Ireful at Isaac. Tampo nga si kuya dahil bakit noong siya wlaa daw kaya binigyan ni Papa at mama ng isang libo at tuwang tuwa.
Noong alas singko na nag umpisa ng magsidatingan ang mga bisita kaya pinapasok ko muna sila. Pinalabas din ni kuya iyong mga sasakyan para daw malaki pa ang space.Nagulat pa ako noong naglabas siya ng mga collection niya ng alak, whewww talaga.
Halos kumpleto na noong sumapit ang alas sais naka high-waisted maong short lang ako tapos yellow na sando at slippers. Natatawa ako dahil parang ang ginawa ay birthday party.
May palaro pa kaya ang nag enjoy iyong mga lalaki kong kaklase dahil matagal na daw silang hindi nakakapaglaro. Namigay pa si kuya ng fresh yellow rose na may Congratulations tapos sa akin, Sunflower syempre matik na iyon.
Noong lumalim ang gabi hinayaan na kami ni kuya at pumasok na sila sa bahay. Ako naman ay napalingon sa may gate dahil may nakita ako kaya agad kong tinakbo kaso pinaharurot niya ang motor.
Nakita ko ang isang paper bag doon tapos Boquet ng Sunflower, may nakalagay na Congratulations At Love You doon. Malabong si Xyrille ito dahil tanda ko pa ang sabi niya, Sampaguita ang ibibigay niya sa akin dahil I’m pure daw.
Kinuha ko na lang iyon at dinala sa loob bago pumunta sa likuran dahil nagiingay na sila. Hindi ko nakita si Tim ngayon o hindi ko lang napansin. Si Hera at Sierra ay naroon na sa pool at basa, iyong iba ay lasing na at hilo.
Noong nakita nila akong hinfi pa basa ay binuhat nila ako at hinagis sa pool kaya ending basa na. Sobrang saya kasi kahit papaano nakita ko ulit sila kahit papano iyong nawawalang piraso sa puso ko nabuo.
BINABASA MO ANG
SURVIVOR
Non-FictionMaraming klase ng pagmamahal, may pagmamahal para sa kaibigan, magulang at sa sinisinta. May pagmamahal din na hahayaan tayong maging malaya, at may pagmamahal din nahanggang tingin na lang