37

9 0 0
                                    



AN:Playing I’m not the only one by Sam Smith

Naiwan ako sa Parking Lot na naktulala hindi ko alam kung paano pumasok sa sasakyan at idrive iyon dahil nanginginig iyong tuhod ko. Anong nagawa kong mali, ilang beses niya na akong nasaktan eh hindi niya lang alam kung paano ko siya sundan kasama ni Iris. Pero ipinilit kong huwag ipahalata sa kaniya kasi ayaw ko siyang mawala ayaw ko siyang umalis ayaw kong iwan niya ako. Pero bakit ganon.

Kwingina ang hirap naman para akong nawlaan ng kaluluwa, iying taong ginawa kong mundo iniwan na ako. Paano ako ngayon tatayo, paano ko kakayanin, kwingina sana naman sinabihan niya ako para hindi ako umasa na hindi niya ako iiwan.


Pumasok na ako sa sasakyan pero hindi ko parin pinapaandar iyon at doon ako umiyak ng umiyak, kaya ba nagkanya kanya kaming sasakyan ngayon dahil hindi niya na ako kayang ihatid o dahil pagkatapos naming magusap pupuntahan niya si Iris.

Nagtagal ako doon ng ilang oras paglatingin ko sa relo ko alas dies na pala ilang oras na akong umiiyak pero hindi parin tumitigil parang hindi nauubos iyong luha ko nakakainis nag blur tuloy paningin ko. Parang kailan lang ako lang masaya kami tapos pinag sabay niya kami tapos ngayon andito ako iniwan na lang potek.

Agad akong nag drive pag kakita kong tumatawag si Kuya kaya sinagot ko tinatanong kung nasaan kami ni Xy kako naman nasa amusement park ako nauna na si Xy tapos pinatay ko iyong tawag niya dahil hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin masyadong okupado ng isip ko ang pinagsasabi ni Xy.

Naging mabilis ang pagpapatakbo ko at muntik pa akong mabangga sa barikada buti na lang nakaoag preno ako. Kaya nagdahan dahan na ako wala pa naman sa plano ko ang mamatay kahit nasaskatan ako. Bukas pupuntahan ko siya kahit mapahiya ako wala akong pakialam mahal ko eh.

Pagakarating ko sa bahay buti na lang wala pa sila kuya baka doon na matutulog sa mama ni Xy. Pag kapasok ko nakapatay na ang mga ilaw hudyat na tulog na ang mga kasambahay nila kuya kaya agad akong umakyat sa kwarto dala dala ang binigay niyang paper bag kanina.

Pagkapasok ko sa aking kwarto nag lock ako ng pinto at humiga agad sa kama at niyakap ang unan at doon ko ibinuhos ang luha ko nakakainis lang dahil nag play pa iyong I’m not the only one. Pagkatapos kong umiyak nagpunta ako sa banyo at doon na naman itinuloy iyong pag iyak ko at naghilamos.

Kaya siguro tinawag na Comfort Room kasi pagkalabas mo doon ok na iying pakiramdam mo medyo gagaan pakiramdam mo kahit sobrang bigat ng nararamdaman mo. Pagkalabas ko doon naisipan kong tignan iyong nasa paper bag at nakita ko ang isang album na sobrang kapal dahil puro pictures namin.

Nakita ko pa ang ilan na may date parang kailan lang ang saya saya pa namin. Parang kailan lang hawak ko pa iyong kamay niya pero ngayon hawak na iyon ng iba ngayon. Parang kailan lang na kapag gusto kong kasama siya para mabawasan iyong pagod ko, ngayon malabo na. Dati pwede ko siyang yakapin kahit anong oras at araw ko gustuhin pero ngayon napakalabo na.

Nakita ko ang huling litrato namin at iyon ang picture namin kanina habang naka toga siya at ako naman naka dress, tangina nasaan na iyong pangako niya na kasama niya ako hanggang pagtanda potek sinisigurado kong hindi na ako magmamahal kagaya ng pagmamahal ko sa kanya.

Alas tres na ng madaling araw ng makatulog ako dahil naalala kong pupunta ako mamaya sa bahay nila. Hanggang sa pagtulog ko nakikita ko kung paano siya nakipaghiwalay sa akin kasama pa iyong putanginang fireworks. Dapat talaga hindi na lang pumutok iyong fireworks nila eh baka hindi niya ako tuluyang iniwan.

Pagkagising ko alas sais pa lang ng umaga. Pagka kita ko sa itsura ko sa salamin nakita ko kung gaano ako ka miserable hindi maayos na buhok dugyot na mukha dahil sa pag iyak potek kaya siguro ako pinagpalit noh. Pagakatapos kong titigan ang sarili ko sa salamin agad akong pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos non nagpalit lang ako ng three fourth na stripes at maong jeans tapos nag slippers lang.

Pagkababa ko nagpaalam ako sa mga kasama namin sa bahay na may pupuntahan lang ako at baka pag uwi ko mag alala naman si kuya. Agad kong pinaandar iyong sasakayan at umalis na. Pag kaon ko ng music player nag play iyong Pusong Ligaw at napasabay ako sa kanta

Di kita malimutan
Sa mga gabing nagdaan
Ikaw ang pangarap
Nais kong makamtan
Sa buhay ko ayikaw ang kahulugan
Pag ibig ko’y
Walang kamatayan
Ako’y  unaasang muli kang mahagkan

Ikaw parin ang hanap ng ousong ligaw
Ikaw ang patutunguhan at pupuntahan
Pag ibig mo ang hanap ng pusong ligaw
Mula noon, bukas, at kailanman.

Kung hindi man magbabago iyong isip niya ngayon kung talagang desisdido na siyang kalimutan ako kung wala talaga at si Iris na talaga titigil na ako at mamahalin ko siya sa malayo, kung sa piling ni Iris siya masaya doon na ako dahil ang hangad ko lang para sa kanya kasiyahan niya.

Natapos ang kanta at nagbagsakan na naman ang luha ko. Malapit na ako kila Xy kaya tumigil muna ako saglit para ayusin ang sarili habang nakatingin sa salamin biglang may kumatok sa binatana ko kaya binuksan ko nanlilimos kaya biniguan ko na lang at pumasok sa village nila Xy kilala naman ako ni kuya guard kaya nakapasok agad ako.

Pagkarating ko don humimga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa gate nila. Nagulat pa ang kasmabahay nilang nagbukas ng pinto na makita ko kaya nginitian ko lang siya at nagtuloy tuloy sa loob. May nakuta pa akong isang kasambahay at tiannong kung andito iyong parents ni Xy at sila kuya ang sabi naman pumunta daw Batangas kagabi pa. Grabe ang layo non ah Nueva Ecija to Batangas whew.

Pagkarating ko sa kwarto ni Xy nakabukas iyon at nakita ko siyang may kasama sa loob tulog naman sila kaya tumuloy na ako pagkakita ko pa lang sa kamay ni Iris na nakayakap sa kanya para na naman akong tinutusok ng libo libong kutsilyo. Amoy alak pa sila nakapatong pa ang t-shirt ni Xy  kaya kumuha pa muna ako ng damit niya sa cabinet niya at dinamitan siya.

Nagpakuha ako sa baba ng planggana na may tubig at pamunas para punasan ang siya at agad namang kumuha iyong kasambahay nila. Kaya siguro nagulat iying nagbukas kanina ng pinto kasi nakita niya ito kagabi. Pagkarating ng planggana na may tubig at bimpo kinuha ko iyon at magpasalamat sa katulong nila. Habang pinupunasan ko iyong mukha niya naguunahan namang tumulo iyong luha ko. Nagulat pa ako ng nagmulat ang mga mata niyang bumihag sa akin, iyong mga mata niyang kapag nasisinagan ng araw napaka gandang tignan, iyong mga matang napaka amo, iyong mga matang kapag tinitigan mo maakit at iyong mga matang pagmamay-ari ng lalaking mahal ko, kayanapatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya at napangiti.

“Anong ginagawa mo” sabi niya at may bahid na ng inis ang tono ng boses niya

“Inaalagaan ka, amoy alak ka pa,ganyan ba ang gusto mo mahal ko iyong sasabayan ka sa gusto mo pero hindi ka maalagaan?, baba ka usap tayo” sabi ko sa kanya at bumaba na naramdaman ko naman ang pagsunod niya kaya nagpunta ako sa pool nila sa likod kung saan walang tao.

Pagkarating ko doon agad akong umupo at inilubog ang paa ko sa tubig. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko pero may malaking espasyo Tahimik lang ako dahil kinakabahan ako pero nilakasan ko ang loob ko.

Now Playing : Huling Patak ng Luha By Still One and
Kung mawawala ka by Ogie Alcasid

“Huling pagmamakawa ko na toh, Balik kana sa akin, Hindi ko kaya bawiin mo iyong sinabi mo” sabi ko habang nakatingin sa kanya

“Please don’t cry, Don’t be miserable just because of me it makes me sad looking at you like that. Kayanin mo para sa sarili mo dahil hindi mo na ako makakasama sa paglalakbay mo, mupa ngayon ikaw na lang CA wala na ako ” sabi niya pa

“Kung ganoon mas gusto ko na lang maging miserable kasi kahit ppaano naapektuhan parin kita”  sabi ko

“CA sinasaktan mo na sarili mo sa ginagawa mo tigilan mo na please ayaw kitang nahihirapan ng dahil sa akin please, umuwi kana”

“Kahit ba lumuhod ako sayo ngayon hindi kana babalik sa akin?, Kahit ba gawin ko iying ginagawa niya hindi mo parin ako babalikan?Hindi kana ba talaga akin, dahil meron ng siya?” tanong ko pa sa kanya

“Hindi na, Pero huwag kang mag aalala pagkatapos ng lahat lahat  malay mo magkita tayo diba, huwag ka ng umiyak, FROM THIS DAY ON DO NOT LOOK FOR MY HEART ANYMORE, Umalis kana dahil ayaw kitang nakikita na ganyan”  sabi niya sa akin at pinunasan ang luha ko at hindi ko na napgilan ang sarili kong yakapin siya.

“Bigyan mo lang ako ng Limang minuto, limang minuto para iparamdam sayo ang pagmamahal ko, huwag kang humiwalay sa yakap ko at pagbigyan mo ako, kung walang magbago sa nararamdaman mo sige pagaktapos ng limang minuto,hahayaan na kita sa kanya, hindi na ko na kayo gagambalain pa dahil pagkatapos ng limang minuto malaya ka ng sumama sa kanya” sabi ko habang nakayakap sa kanya at niyakap naman ako pabalik at aaminin ko gumaan ang pakiramdam ko.

Pagkatapos ng limang minuto ako na ang kusang lumayo sa kanya at tinitigan siya sa mga maya niya at hinaplos ang mukha niya dahil kahit hindi siya sumagot alam kong hindi nagbago ang nararamdaman niya kaya tumayo na ako at tinignan siya.

“Mahal na mahal kita, iingatan mo ang sarili mo, See you soon again Doc. Malaya kana, at please lang huwag ka na ulit magpakita dahil ang sakit sakit na para sa akin na iyong mukha na dati lakas ko ngayon kahinaan ko na” sabi ko at iniwan siya sa pool at lumabas ng bahay nila

Hindi ko na naman alam kung saan pupunta kaya napagdesisyunan kong umuwi na lang sa sobrang bagal kong magoatakbo ng sasakyan ngayon pwede na ako sa traffic sa EDSA. Ganoon pala talaga kaoag mahal mo noh, siguro magkaibang pagmamahal iying naramdaman ko kay Xy at kay Tim mas masakit ito eh puta.

Pagkarating ko sa bahay nagulat pa ako dahil nakita ko iyo g sasakyan ni kuya na nakaparada kaya dali dali akong pumasok at nakita ko nga silang nandokn sa sala at nanonood kaya tumuloy na ako.

“Akala ko ba may pimuntahan kayo kuya” sabi ko

“Huh hinatid lang namin sila mommy sa airport CA bakasyon sila sa ibang bansa”  sabi ni ate kaya napatango na lang ako

“Ikaw saan ka nagpunta”  sabi ni kuya

“Road trip lang” sagot ko sa kanya

“Road Trip na parang kakaiyak lang”  sagot niya pabalik sa akin

“Nanood ako ng Kdrama kagabi ok?” sagot ko at nagpunta sa kwarto

Nahiga lang ulit ako at tumitig sa ceiling at hinayaang tumulo ang mga luha ko. Nakakainis lang dahil hindi na nauubos iying luha ko dapat bang hindi na ako uminom ng yubig para wlaa ng lumabas na luha? Paano na ako gagaw nito eh kahit ano atang agwin ko siya nakikita ko. Tangina halos isang taon din iyon amg daming nangyari. Hindi ko pa naayos iyong sa amin ni Athena eto na namang kay Xy napakagod na ako sa challenge ni kapalaran wengyyyyaaaa.

Ngayon hindi ko na alam, hindi ako galit sa kanila mas galit ako sa aafili ko dahil baka kaya niya ako naiwan dahil nagkulang ako. Grabe naman ipamukha sa akin ni Xy na ganito lang ako at sobrang layo ni Iris sa akin. Ang hirap naman kasi tatanungin ko na naman kung saan ako nagkukang.

Kailangan ba kapag nagmahal may kasamang pait hindi ba pwedeng puro saya na lang kasi deserve naman nong mga tao na maging masaya. Loko ka kupido maling tao na naman ata iyong pinana mo para sa akin bulong ko pa. Kwingina puro lang pala siya plano na maglasama kami sa hirap at ginhawa akk naman tong si paniwalain at naniniwala. Kwingina ang hirap ng magtiwala ulit, at tangina dahil bakit ganito kasakit magmahal.


SURVIVORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon