Ngayon ang araw ng alis namin para magpunta doon apartment na tutuluyan namin. Syempre sinundo ako nong dalawang bruha. Nagpaalam ako kanina doon sa bulinggit at naiintindihan daw nila, pinabaunan pa nga kami ng sandwich eh tapos etong dalawa sarap na sarap pa.
“Grabe Hera mahiya ka sa pamangkin namin ni CA mas magaling lang gumawa ng sandwich kesa sayo” sabi ni Sierra na ikinatawa ko naman
“Marunong din ako sadyang ang ipinapakain ko lang sayo eh iying mga hindi luto” ganti naman ni Hera sa kanya at napa irap na lang sa likuran si Sierra.
Habang binabaybay namin ang daan napalatingin ako sa paligid at nakaisip ako ng pamagat para sa bagong tula kaya inilabas ko ang cellphone ko at hinanap ang notes.
Rehas(Again this is my poem)
Pagmamahalan natin
Nakaksakit na sa atin
Tila kailangan ng bitawan
Mga plano natin sa nakaraan
Iginapos mo ang aking mga kamay
Upang hindi ako makapagsulat
Makapagsulat kung gaano kasakit ang aking buhay
Upang hindi makapagsumbong at walang maiulat
Pagmamahalang kasing tamis ng mansanas
Biglang naging ala ala
Ikinulong mo ako sa iyonvg rehas
Upang hindi na makawala
Gusto kong sumigaw
Ako’y kinakain na ng panglaw
Hindi ko na masilayan ang tanglaw
Para sa panibagong araw
Hawak ang rehas nagmakaawa ako sayo
Paalis mo na ang mga taong ito
Ngunit anong ginawa mo
Hinayaan mo akong babuyin ng mga ito.
Pagkatapos kong I type iyon hindi ko inasahang tumutulo na iyong luha ko, hindi naman talaga kasi ganon iyong plano ko dahil ang dapat, naka kulong siya sa loob niya at hindi niya kayang ipaglaban ang pangarap niya pero Ending ganon na rehas.
“Huy bakit ka umiiyak diyan?” tanong ni Hera sa akin
“Hoy CA umayos ka mag eexam tayo bukas ah baka mamaya ma mental block ka sige ka” pananakot naman ni Sierra
“Eh kasi naman hindi ko inasahang ganito kasakit iying itatype ko” sabi ko at inabot kay Sierra ang Cellphone ko.
Habang binabasabiyon ni Sierra grabe nakita ko lang iyong nakakulong na ibon kanina iyon na ang nangyari nakakatawa lang. Kaya minsan ayaw kong natutulala eh dahil alam kong may papasok sa utak ko na ideya at hindi ako magdadalawang isip na gawan ng tula iyon
Pagkatapos basahin ni Sierra nakita kong nangilid ang luha niya at pinunasan iyin. Masama na ang tingin niya sa akin eh hindi ko naman kasi siya inaano.
“Oh bakit umiiyak kana rin Sie?” yanong ni Hera
“Paano kasi naawa ako doon sa babae sa tula ni CA, iyong pilit niyang tinatakasan iyong rehas kung saan siya nakakulong pero hindi niya magawa” sabi ni Sierra
“Awtts naman, Eh saan mo ba nakuha iying idea CA?” tanong pa ni Hera
“Doon sa nakakulong na ibon kanina” sabi ko pa at narinig kong natawa sila
“Grabe imagination sis, pwede naman iying ibon na lang eh pero ang ginamit tao” sabi pa ni Sierra
“Tss, kinakabahan kayo?” tanong ko sa kanila
“Hindi bakit?” tanong ni Hera
“Hoy ikaw lang ako kinakabahan” sabi ni Soerra
“Gaga sinabi ko ba na HINDI KAMI KINAKABAHAN?” Tanong ni Hera at napaisip si Sierra
“Ay hindi mo pala sinabi, pero kahit kinakabahan ako, ikaw CA?”tanong niya sa akin
“Fifty fifty pero normal lang daw kabahan pero sana hindi ko na maramdaman bukas” sabi ko
Hindi na kami nag usap dahil inaantok kami ni Sierra kaya isinandal ko ang ulo ko at ipinikit ang mata. Habang natutulog ramdam kong dumadaan kami sa road reblocking dahil larang may butas na iyong dinadaanan namin.
Nagulat pa ako noong napatigil kami kaya nagising ako, pagmulat ng mata ko nasa gasoline station pala kami. Nakipagpalit ako ng pwesto kay Hera dahil baka inaantok na siya. Noong ako na ang nag da drive inopen ko iyong music player, hindi ako familiar sa mga kanta pero sige lang dahil ayaw ko mag drive na tahimik.
Noong nag dadrive ako binuksan ni Hera ang GPS ng phone niya at nakita kong malapit na pala kami. Habnag nagmamaneho nasisilaw ako don sa araw dahil hindi ito tinted kaya kinuha ko ang salamin ko. Nadaan pa namin iyong kinainan namin ni Xy noon.
Noong nakarating na kami sa tutuluyan namin hindi na naman magising ang dalawa kahit alam kong nagtutulutulugan lang sila. Kaya nag isip ako ng paraan kung paano sila magigising sakto namang may naoadaan na pogi.
“Girls gising na may pogi walang pang itaas!” sigaw ko pa at nagising sila bigla kaya natawa ako
“Nasaan?” tanong nila agad
“Kakadaan lang papasok din dyan sa tutuluyan natin” sabi ko pa at mas nauna pa silang bumaba kaya natawa ako, tss mga mahihina sa gwapo
Laking pasasalamat ko dahil sa baba ang room namin, medyo ayos naman na iyong mga pasa ko iyong nasa binti ko na lang kaya medyo iika ika pa akong maglakad.
Tinulungan ako nong dalawa na buhatin ang bag ko kahit hihilain lang naman iyon. Bago kami pumasok binigyan ko na sila ng tig isa nilang susi just in case lang naman diba.
Agad kaming pumasok at nagiga sa kanya kanya naming kama. Ako ngayon ang nasa malapit sa bintana tapos si Sierra sa taas ko at si Hera doon sa single bed. Agad rin kaming natulog dahil sa pagod sa byahe.
Anong oras na din noong nagising sila alas singko diba ang tibay nila ako nagising ako nong alas tres at kumain sa tapat. Iniwan ko silang tulog dahil napakahirap nilang gisingin. Nagulat pa sila noong pagka gising nila nagbabasa na ako ng libro.
Sinamahan ko silang kumain sa tapat at sakto naman na may poging bumibili kaya ginanahan sila. Nakatatlo ata silang Rice dahil meron pa sa tapat namin na pogi pero may bebe,pero ang sabi ni Hera maghihiwlaay din daw iyon pero nagulat kami noong sabihin nong lalaki na sismars bet ko itey na dress.
Halos mapahilamos sa mukha nila ang dalawa dahil sa dismaya kaya tinawanan ko sila. Iying kinain nila kanina para daw gusto lumabas dahil daw sa maling akala nila.
“Eh kasi nga hindi lahat ng Pogi Straight na lalaki iyong iba Pogi pero Barbie” sabi ko pa habang tumatawa.
“Teh sino ba naman kasing mag eexoect na barbie nga iyin kung tumindig kanina akala mo naghahamong ng away nakakainis” sabi pa ni Sierra
“Grabe kung lalaki siya lalandiin ko soya agad sinasabi ko sa inyo” sabi naman ni Hera
“Dalian niyo last minute review para bukas at sa mga susunod pa na araw” sabi ko naman at agad naman nilanag tinapos ang pagkain nila.
Noong nasa kwaeto na namin kamai kumuha din sila ng libro ko at nagbasa basa. Pagkatapos non wala na kaming balak mag lunch pero nag order pala si Hera ng wings at softdrinks kaya ngayon nag aaral kami habang kumakain.
Pagakatpos non nag kanya kanya na kaming higa sa kama namin.
“Goodnight Guys, GodBless bukas kaya natin toh” sabi ko pa at ganon din sila
Bago ako natulog nagdasal muna ako gawain ko naman talaga hindi lang nailalagay ni Ethel wew(charotttt). Pagkatapos kong magdasal inisip ko naman sila mama at papa at lahat ng nagtitiwala sa akin. Kaunti na lang ho isang tulak na lang.
Pagkatapos non piankalma ko ang sarili ko at ipinikit na ang mata ko. Alam kong kakayanin ko dahil hindi lang ito para sa sarili ko kundi sa mga taong walang sawa na sinuportahan ako simula umpisa. Napakaaga kong nagising at naunang maligo noong narinig nong dalawa ang pagbagsak ng tubig kumatok sila sa banyo.
Naglalit lang ako ng isang t-shirt at lants tapos rubber shoes para kumportable akong mag sagot mamaya. Pagakatpos maligo nong dalawa napagdesisyunan naming mag breakfaat sa isang fast food chain. Habang kumakain kami napansin namin iying iba na baka mag eexam din today.
Ang tanging dalawa ko ngayon ay ang isang maliit na backpack na ang laman ay mga pencil at ballpen pambura at calculator. Pagkatapos naming kumain dumiretso na kami doon sa Saint Pilar Academy.
Napakaraming tao kaya agad kaming nag hiwa-hiwalay nila Sierra at naghanao ng langalan namin dahil siguradong hiwa hiwalay kami. Noong naghahanap ako nakayanggap ako ng text galing kay Hera na nahanap niya na ang room niya,pahkalipas lang ng ilang minuto nahanp na rin ni Sierra ang kanya kaya nag reply lang ako na hindi ko pa nahahanap sa akin.
Nakita ko sa isang room si Patrice na kinakawayan ako kaya lumapit ako.
“Bakit” tanong ko
“Magka room tayo” sabi niya pa sa akin kaya natuwa ako at nagtext na nahanap ko na ang room at Nag GodBless sa kanilang dalawa
Pagkapasok ko lintek iyong tibok ng puso ko ang bilis bilis para akong tumakbo ng ilang milya iyong lalamunan ko parang tag tuyot as in literal huhuness sana kayanin ko.
Agad akong napaayos ng upo noong dumating iyong magpapa exam sa amin. Inayoa niya pa ang upuan namin kaya napalayo ako kay Patrice ay natapat kay Iris whew is this fate chour hahahaha.
“GodBless, and I am serious” sabi niya pa at napangiti ako
“Same to you Iris” sabi ko pa
Noong dumating iyong papel at Folder hindi muna namin binuksan iyon dahil sabay sabay daw. Shets eto na Guide me Loed alam kong lahat ng mangyayari is Will mo gagawin ko na lang ang best ko ikaw na bahala sabi ko pa.
Narinig namin ang Go Signal kaya nagumpisa na kami lintek lang dahil mani mano ang pag sosolve walang calcu, iyong kasama ko mula Senior High School bigla na lang hindi ko na kasama huhuhuhness.
Ang unang inexam namin ay Tax shetss dito pa naman ako delikado. Napahinga ako ng malalalim bago sumagot, kapag hindi ko na alam iyong sagot tumitingin ako sa taas at iginagalaw ang lwwg ko dahil nakakangawit.
Naging mabilis ang araw at ngayon ay tapos na ang exam iying iba ay naiiyak pa kanina. Nauna akong natapos at sumunod si Hera ngayon inaantay namin si Sierra dito sa may fountain na tapat ng room niya. Pagkalabas niya agad siyang yumakap sa amin at umiyak.
“Tahan na may pupuntahan tayo” sabi ko at inaya sila sa Church
Pagakarating namin dito walang masyadong tao kaya pumuwesto kami sa pinakaharap. Aagd kaming lumuhod at nagdasal,Nagpasalamat ako sa lahat ng Biyaya Niya at sa lahat ng natanggap ko, ipinagdasal ko din na pumasa kaming lahat dahil nakakatuwa iyon sa pakiramdam, humingi din ako ng kapatawaran sa mga pagkakasalako, ipinagdasal ko rin ang pamilya ko. Pagkatapos non ay naupo na ako at nakita kong kanina pa tapos sila Hera.
Noong palabs na kami lahat ng kaba at takot kanina pagkatapos ng Exam talagang nawala, grabe Lord sobrang bilis salamat po talaga. Nagpunta kami sa iaang karinderya at doon kumain nakita ko parin na namumugto ang mga mata ni Sierra.
“Papasa ka, trust me” sabi ko pa atnginitian siya pero hindi siya sumagot “Papasa tayo” sabi ko at napangiti pa siya
Iyon lang ang nais ko ang makita silang ngumiti at maging masaya dahil nakakagaan iyin sa pakiramdam, kahit siguro kapalastikan na iying ngiti nila basta ngumiti sila dahil ayos na sa akin iyon dahil hindi madaling ipilit na maging masaya.
BINABASA MO ANG
SURVIVOR
Non-FictionMaraming klase ng pagmamahal, may pagmamahal para sa kaibigan, magulang at sa sinisinta. May pagmamahal din na hahayaan tayong maging malaya, at may pagmamahal din nahanggang tingin na lang