Tapos na Mid Terms ngayon at isang exam na lang tapos na ang college life. Naiwan muna ako dito sa room dahil iyong dalawa gutom daw kaya nagpanili na lang ako sa kanila. Syempre tinitiis kong katabi si Iris hindi naman ako galit sa kanya eh naiingit siguro oo dahil nakita sa kanya ni Xy iyong wala sa akin.
Lumabas muna ako ng room dahil naiihi na ako ayaw ko sana kaso baka magka sakit naman ako kaya nagpunta ng CR habang pababa ako ng hagdan natapilok ako buti na lang at may humawak sa brasonkopara hindi tuluyang matumba.
“Hey are you alright?” tanong ni Xy
“Oo, pwede mo ng tanggalin kamay mo” sabi ko sa kanya at nilagpasana siya
NOW PLAYING USED TO YOU BY:ALIE GATTIE
Habang pababa ako narinig ko pa ang panunukso sa amin nong mga nakakita sa amin. Aaminin kong natutuwa ako pero kahit ganon may halo paring lungkot kasi kahit hindi ko aminin kahit masakit sa aking damdamin alam kong hindi na siya babalik sa akin.
Magtatanong siya kanina kung ayos ako kahit alam niya namang hindi dahil simula noong iniwan niya ako hindi ko na alam kung paano ako oumapasa sa mga quizzes at exams ko. Minsan pa akong pjnatawag ng President ng Campus at kinausap kung ano ang nanyayari sa akin kaya sinabi ko.
Doon ko nalaman na single mom din pala siya. Dahil noong aksidenteng nabuntis siya noong boyfriend niya iniwan siya iyong anak nga daw nong ex boyfriend niya nag aaral daw dito sa school ngayon.
Pitong buwan na ang nakakalipas pero wlaang pinagbago iyong nararamdaman ko mahal ko parin, siya parin at kahit ata lumipas ang ilang taon siya parin. Ang hirap niyang bitawan,sana man lang kaya kong maging masaya kagaya niya. Bakit ko kasi sinanay na nandito siya sa tabi ko na hindi niya ako iiwan.
Noong wala si Iris sa room nag usap nga iying mga kaklase ko na awayin daw nila kasi ahas daw kako naman huwag na. Lagi nila akong tinatanong kung nahihirapan ako ang sabi ko naman oo pero ilang buwan na lang naman. Lagi nilang sinasabi na kapag kinanti ako ni Iris backer ko sila kaya natawa naman ako doon. Noong araw din na iykn sinabi kong huwag nila akong tawaging CA kundi Aphrodite lang dahil hindi alam ni Iris.
Pagkarating ko sa CR sa second floor pumakos agad ako sa cubicle at umihi pagkalabas ko naghugas lang ako ng kamay. Paakyat na sana ako ng bigkang may humarang sa Kin na dalawang lalaki, halatang mas bata sa akin.
“Pwede ka po bang ligawan?” tanong sa akin nong isa
“Huh ako liligawan mo? Mag aral ka na lang boy mapanlinlang ang pag ibig na iyan” sabi ko at nilampasan siya. Pagakarating ko sa classroom nakita ko iyong mga kaklase ko pati si Hera at Sierra na nakatingin sa akin halos lahat sila nasa gilid at may tinitignan sa upuan namin kaya naoatingin ako.
Nakita ko si Xy at Iris don at hindi ko ma explain iyong ginagawa nila, kaya nagounta ako sa upuan ko dahil naka upo doon si Xyrille, napatingin naman iyong mga kaklase ko sa akin at nagsusumigaw ang mga mata nila na palayasin ko si Xy
“ahemmm Xyrille” sabi ko
“Po” sagot naman niya habang nakatingin kay Iris
“Potlong” sagot ko naman na ikinatawa ng mga kaklase ko kaya nabaling ang paningin ni Xy sa akin
“Bakit” sabi niya pa
“Upuan ko iyan pwede ka bang umalis dahil inaantok ako?” sabi ko sa kanya at nagtawanan naman iyong mg kaklase ko
“May pangalan ka?” maangas na tanong ni Iris
“Wala pero diyan ako naka upo, pwede niyo naman ituloy iyang ginagawa niyo sa labas doon kayo mag PDA” sabi ko at buong pwersa kong hinatak si Xyrille.
“Wait sino ka ba sa inaakala mo you’re just Aphrodite na PL” sabi niya
“At least PRESIDENTIAL LISTER diba?” sabi ko pa sa kanya habang nakangisi
“Sino ka ba?”tanong niya ulit
“Hindi bat sinabi ko sayo na ang pagtatanong ng impormasyon sa akin ay nakakamatay pero sige dahil hindi ka naman mamatay gusto mo akong makilala?tanong ko at tumango siya“Tanungin mo si Xyrille kung sino ako” sabi ko sa kanya at kukuhanin ko na sana ang bag ko kaso hinila niya ang braso ko
“Huh akala mo kung sino ka tandaan mo kayang kaya kitang bayaran” sabi niya sa akin
“Ayos lang hindi naman ako nagpapa bayad eh” sabi ko pero hindi niya ako tinigilan at hinil ako ulit
“Bakit ba ayaw mong sumagot ng maayos huh?”
“Baka kasi pag sinagot kita ng maayos magulat ka?” sabi ko at pinanlakihan ko siya ng tingin
“Sabihin mo na kung sin—” hindi niya na naituloy ang sasabihin niya dahil nag salita na ako
“Ako ang Ex Girlfriend ni Xyrille ako iyong tinatawag mong Cheap, pero nasa honors, ako iyong tunatawag mo sa kwento mong pangit at walang kwenta, pero huwag kang mag alala dahil handa parin kitang turuan sa mga assignments natin kahit ganon ang sinasabi mo sa akin. By the way I am Coleen Aphrodite Ethereal Martyrdom remember my name and one day you’ll pay for what you have done”Pagkasabi ko non lumabas agad ako at naramdaman kong may sumunod sa akin kaya napalingon ako at nakita kong si Xy iyon.
“Bakit mo siya ginanon” sabi niya pa
“Huh takte anong ginagawa ko sa kanya eh soya nga yong nang hila hila sa akin eh” sabi ko sa kanya at iwinaksi ko iying kamay niya at naglakad ng mabilis.
Nagpunt agad ako sa pinaka dulo ng school sa lugar kung saan walang pumupunta. Pagkarating ko doon ibinuhos ko iyong luha ko potek, bakit napunta don bakit ko inaway nakakainis naman bakit kasi don pa sila naglampungan nakakainis.Habang umiiyak ako nakita kong tumatawag si Hera at sinabi ko naman na nandito ako sa likod. Wala naman ng exam eh laya ayos lang kung dito muna ako.
Pagkarating nila Hera at Sierra pinapalakpakan pa ako na akala mo nananalo ako sa contest kaya tinignan ko sila ng masama pero ipinagpatuloy parin nila kaya nag salita na ako.
“Pwede ba tigilan niyo na” sabi ko sa kanila
“Grabe sismarz kung nakita mo iying itsura ni Iris kanina pagkatapos mong mag pakilala sa kanya matatawa ka” sabi pa ni Sierra
“Gaga nagi guilty na nga ako eh dapat hindi ko ginawa iyon baka magkaroon ako ng last three months of suffering dito sa school” seryosong sabi ko pa
“Subukan niya ipapamukha namin ni Hera kung paano ang impyerno” sabi naman ni Sierra
“Tsaka wag kang ma guilty, At least alam niya na kung sino ka kahit papaano naman siguro matayahimik na siya kakatanong sayo kung sino ex ni kuya Xy” sabi pa ni Hera
“Ewan ko ba don sa babaeng iyong magakatabi kami pero hindi niya nakikita pangalan ko, Alam niyang PL ako pero hindi niya alam na ako ang ex ni Xy” sabi ko naman
“Baka hindi sinabi para hindi magkagulo” sabi namna ni Hera.
“Tss magulo na talaga” sabi ko naman “ Pero huwag niyo ng oansininma stress pa kayo” sabi ko at tumango nan sila sa akin
Nagpalipas lang kami ng ilang minuto doon bago bumalik sa classroom.Habang nag lalakad kami naka salubong namin iyong isang kaklase namin at kinausap kami
“Grabe alam niyo ba sinabi niya don na wala daw kaming kwenta dahil hindi namin sinabi na ikaw ang ex ni Xy bakit tsismoso at tsismosa ba kami para magbalita diba t saka hindi sita nagtanong sa amin duh” sabi niya pa
“Hayaan niyo na lang baka mas lalong magkagulo eh” sabi ko at tumango naman siya
Pagakrating namin sa classroom nakita ko si Iris na nakaupo doon at masama ang tingin sa akin. Ewan ko kung anong katapangan ang sumapi sa akin at umupo pa ako sa tabi niya.
“Totoo naman pala talagang cheap ka look at you, and your clothes” sabi niya pa sa akin
“Ayos lang maging cheap kesa gumastos ng pera na hindi naman ikaw ang nag hirap” sabi ko sa kanya
“Kaya siguro ako ang pinili ni Xy” sabi niya ulit
“Siguro nga pero at least kahit hindi na siya sa akin ramadam ko parin kyon care niya” sabi ko at inirapan siya
“Ang lakas naman ng loob mo” sabi pa niya
“Oo naman kung ang pusang ang amo amo nga nagagalit eh ganon din ang tao, kaya mag dahan dahn ka huh baka mamaya hindi na lang pusa ang makalaban mo” sabi ko sa kanya at tinalikuran ko siya
“Tss, buti na lang maganda ako paniguradong hindi iiwan” sabi miya pa kaya hinrap ko siya ulit
“Maganda pero ang utak mo punong puno ng hangin, ewan ko ba sa iyo mas maganda pang kasama iyong mga nasa lansangan dahil mas may utak pa sila eh ikaw ano lang” sabi ko
“Maganda lang at handang pakasalan” sbai niya pa
“Gusto mo magpunta pa ako eh” sbai ko naman
“Huwag na makaksira ka lang sa kasal namin” sabi niya
“Makakasira o takot ka lang na baka pag nakita ko ni Xy bigla siyang umatras sa kasal niyo?”
Hindi na siya nakapag salita pag katapos non. Nakipagpalit naman si Sierra sa akin ng upuan dahil gusto niya daw makipag kwentuhan kay Iris kaya hinyaan ko na lang, grabe hindi ko alam gagawin ko kay Iris. Hindi ko naman dapat palatulan dahik ayaw kong maki level sa kanya kaso sumosobra na eh may paghila pa siyang nalalaman at ang higpit pa kaya namumula parin iykng hinawakan niya hanggang ngayon.
Habang nag kukuwentuhan sila Sierra at Iris nakikinig lang naman ako sa kanila at itong So Soerra kung ano anong tinatanong kaya naiinis na ako.
“Mahal ka ba nj Kuya Xy?” tanong ni Sierra
“Of course hindi naman ako ang pipiliin kung hindi ako ang mahal diba” sabi niya la
“Malay mo kasi diba napilitan lang siya tapos assumera ka lang talaga” sabi niya pa
“I’m not mahal niya talaga ako” sabi niya kay Sierra
“Ok ka lang?” tanong ni Hera sa akin
“Hindi nasasaktan ako” sabi ko pa sa kaniya
“You’ll be okay in right time” sabi niya at napangiti naman ako
“Ipagdadasal ko iying araw na iyon, iyong araw na kahit ngumiti siya wala ana akong mararamdaman, iying kahit tignan niya ako hindi na ako maniniwlaa at iyong kahit kahit hawakan niya ako hindi na magkakarambola ang tibok nv puso ko” sabi ko sa kanya
“Darating iyong araw na iyin CA at alam ko kapag dumating ang raw na iyon isa ako sa pinaka masyang tao para sayo” sabi niya oa at ngumiti sa akin
Siguro nga tama sila na dapat hindi natin ibinibigay lahat sa taong mahal natin dahil kapag nawala sila sa piling natin para tayong nagiging kandila at unti unting nauubos minsan la kapag naoabayaan lumiliyab at iyin ang nakakatakot. Minsan kahit pala sigurado kana sa kanya hindi pala kayo parehas ng nararamdaman, iyong kahit nangako siya pero hanggang pangako na lang dahil hindi niya kayang tuparin.Siguro mahirap ibalik iyong dating ako pero handa kong pasukin ang proseso ng pagbabalik ng dating ako kahit gaano pa katagal gagawin ko dahil ayaw ko ng nakikitang ganito ang sarili ko
BINABASA MO ANG
SURVIVOR
Non-FictionMaraming klase ng pagmamahal, may pagmamahal para sa kaibigan, magulang at sa sinisinta. May pagmamahal din na hahayaan tayong maging malaya, at may pagmamahal din nahanggang tingin na lang