Nagung mabilis ang araw at ngayon ay huwebes na at nagbabasa basa na ulit ako para hindi mawala iyong inaral ko sa review center. Habang nag rereview ako nagulat ako nong biglang bumukas ang pinto at iniluwa non si Isaac, Ireful at si Manang.
Agad nilang inilapag sa isang table ang meryenda. Naunang lumabas si manang dahil nagluluto pa siya naiwan ang dalawang bulinggit sa akin at pinipilit akong mag break kaya pinagbigyan ko na.
“We helped manang to prepare your meryenda tita” sabi ni Isaac
“Ako naghalo sa juice tita” sabi naman ni Ireful kaya ginulo ko ang buhok nila.
Agad kong kinuha ang sandwich na ginawa daw nila at tinikman,nahihiya pa ako dahil pinapanood nila ang pag kain ko sa sandwich at parang nag aabang sila kung sasabihin kong masarap o hindi.
“How’s the taste tita?” tanong ni Isaac
“It’s good, you should prepare for your mom and dad” sabi ko at tumango naman sila.
Tumatalon pa silang lumabas ng kwarto ko at narinig ko pa ang sigaw nila na masarap daw ang sandwich na gawa nila. Pagkatapos non tinikman ko ang orange juice at masarap naman.
Pagakatapos kong ubusin iyong meryenda na inihatid nila, ibinalik ko iyong paningin ko sa binabasa ko. Hindi ko iminememorize hindi ko ugali. To be honest mas madaling mag review kapag naiintindihan mo kesa nasaulo mo lang.
Habang nag rereview ako may biglang nag text kaya binuksan ko ulit iyon pero unknown number ang sabi lang GodBless daw sa exam ko, hindi ko man kilala ay nagpasalamat ako at pinatay ang cellphone ko.
Habang nagbabasa ako nakita ko ang isang picture kaya kinuha ko ito. Iyon pala ang picture ni Xy na bigay niya sa akin, picture niya noong bata. Habang tinitignan ko iyon hindi ko maiwasang maalala siya, pero iwinaglit ko siya sa isipan ko dahil mas mahalaga ang inaaral ko.
Pagkalipas ng ilang oras naisipan ko ng bumaba, pagkakita ko sa relo ko alas tres na pala ng hapon hindi pa ako nanananghalian. Pagkababa ko naabutan kong hindi na naman tulog si Isaac paniguradong papagalitan toh mamaya.
Pagkababa ko nakita niya ako at tumakbo siya sa akin at nagpabuhat kaya binuhat ko na lang at baka mag tampo. Pagkarating namin sa kusina nagluluto na naman sila manang ng meryenda eh manananghalian pa lang ako.
Agad iniabot sa kin ni manang ang plato na may kanina at ulam na tortang talong pala ang ulam nila kanina, iyon daw ang request ni Xy at para narin daw matuto si Ireful.
Habang kumakain umalis si Isaac sa kandong ko at napunta sa water dispenser at kinuhanan ako ng tubig kaya nagpasalamat ako. Habang kumakain naupo si manang sa harap ko kaya napatigil ako.
“Kamusta kana CA?” tanong niya sa akin, alam kong iba ang tinutukoy niya kaya napa buntong hininga ako
“Malapit na maging maayos manang, Bakit niyo natanong“sabi ko pa
“Narinig ko ang pag uusap niyo nila Kuya mo noong nakaraan, ikakasal na pala si Xyrille ayos lang ba sayo iyon? Nasasaktan ako para sayo, sa inyo dahil saksi ako sa pagmamahalan ninyong dalawa” sabi niya pa habang nakatingin sa akin.
“Maging masaya na lang po tayo para sa kanya, may mga bagay kasi na kahit sobrang mahal natin malabo nating makuha” sabi ko pa at napangiti sa kanya.
“Lahat kami ay nalungkot noong nalaman naming wala na kayo, totoong gusto kita para kay Xyrille dahil saksi ako kung paano siya nagbago simula noong nakilala ka niya” sabi pa ni manang kaya napangiti ako.
“Ang huling hiling niya po sa akin maging masaya ako kahit wala na siya kaya sinusubukan ko pa dahil iyon ang hiling niya sa akin, nandito parin po iyong sakit pero para po sa kanya at para na din po sa sarili ko gusto ko narin pong maging masaya katulad ng dati, Kung ikaw man po ay nahihiraoang tanggapin ano pa po kaya akong pinangakuan diba kaya ayos lang po” sagot ko sa kanya.
“Siguro nga hindi natin maipipilit ang isang tao o bagay na mapasa atin kung hindi ito ang panahon para doon, at kung dumating man iyong panahon na iyon at buhay pa ako magiging masaya ako oara sa inyong dalawa” sabi pa ni manang
“Siguro manang basta po sa ngayon maging masaya na lang po tayo lara sa kanya at para sa kasal niya” sabi ko pa
“Alam mong handa akong makinig sa lahat ng hinaing mo, para mo narin akong nanay” sabi niya pa
“Oo naman po manang salamat po” sabi ko pa
“Halla sige kumain kana at pagkatapos iwan mo na lang diyan ang pinagkainan mo at umakyat kana sa kwarto mo, Galingan mo sa pag aaral” sabi niya pa at umalis na
Habang kumakain ako napaisip akong hindi lang ako ang nasasaktan sa sitwasyon namin kundi ang mga taong, saksi,nakapaligid at mga nagmamahal sa akin.
Pagkatapos kong kumain hinugasan ko ang pinagkainan ko bago umakyat pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto pero nakita ko si Isaac at Ireful na na natutulog na. Ang ganda lang nong pwestonila dahil nakayakap si Isaac sa kapatid niya na parang pinoprotektahan niya ito.
Inilabas ko ang cellphone ko para kuhanan sila ng litrato dahil cute na cute ako sa kanilang dalawa. Pagakatapos non agad akong nagpunta sa kwarto at ipinagpatuloy ang pag aaral ko.
Hindi ko alam kung anong oras na basta ang alam ko ay madilin na dahil iyon ang nakikita ko muka sa bintana ko. Pinagasabihan pa ako ni manang kaninang sunset na huwag magbasa dahil nakakasira iyon ng mata kaya tumigil ako ng ilang beses.
Habang nagbabasa at sinusubukang mag solve ng mga problem sa libro, bigla na lang may kumatok kaya sabi ko pasok, narinig ko ang mabibigat na yabag kaya baka si kuya ito.
“Hindi ka daw nag lunch sa tamang oras baka magkasakit ka naman niyan kaka aral” sabi pa ni kuya
“Hindi naman kuya sakto lang nag lunch ako kaninang alas tres kaya naka kain parin naman ako bakit ba?” tanong ko pa sa kanya
“Alam mo ba kung anong oras na?” tanong niya ulit
“Alas otso” sagot ko naman tapos napangisi lang siya sa akin.
“Huwag ka ng mag relo” sabi niya pa at tinanggal ang relo ko at pinakita ang relo ko “Iba na pala ang alas otso mo ngayon, alas onse na bumaba ka don at kumain” sabi niya pa at hinla ako patayo.
Habang naglalakad kami itinutulak niya ang likuran ko para hindi ako bumalik sa kwarto nagulat pa ako dahil nandoon sila manang at ate. Agad akong naupo at tinignan sila.
“Manang asan po iyong pagkain?” tanong ko at inabot niya sa aking ang mangkok na may sinigang at iyong palto ko na may kanin.
“Kumain ka, isang bese ka lang daw lumabas tapos tinatawag ka daw ni mana kanina para kumain hindi ka sumasagot” sabi niya pa
“Eh bossing nag aaral ako eh kaya ganon” sabibko at tinitikman ang Sinigang ni manang
Patuloy lang ako sa pagkain kahit alam kong may guato silang itanong ngayon ko lang din naramdaman ang gutom kaya go na. Habang kumakain ako may ibinubulong si Ate kay Kuya kaya napapa ngisi naman si Bossing.
Nakatatlo akong Rice kaya nagulat pa si manang. Pagkatapos kong kumain ililigpit ko na sana ang pinagkainan ko kasi agad iyong kinuha ni manang at iniwan kami sa kusina nila kuya.
“Akyat na ako maaga pa alis ko bulas” sabi ko at hinila ako ni ate
“Nakausap ko na siya” sabi niya kaya napaupo ako bigla “Galingan mo daw” sabi pa ni ate at napangiti naman ako
“Pasabi na lang ate Salamat” sabi ko pa at tumayo na pagkatalikod ko narinig kong nagsalita si Kuya.
“Hindi ka namin maihahatid bukas pero mag paalam ko doon sa dalawa, gigising daw sila ng maaga dahil gagawan nila kami ng sandwich. Alam kong kakayanin mo iyon, Master Dasal muna huh bago isulat ang pangalan. GodBless” pagkasabi niya non humarap ako sa kanila at niyakap sila.
“Salamat po sa lahat Bossing, Ate” sabi ko pa at hinaplos naman nila ang buhok ko si kuya ay tinapik ang likuran ko.
Pagka akyat ko sa kwarto inayos ko na iyong damit ko. Halos isang oras din akong nag aayos ng damit tsaka ko napagdesisyunan na mag linis ng katawan dahil pawis na pawis na ako.
Habang nilalamon ng tubig ang katawan ko bigla kong naalala ang mga paghihirap namin ni kuya mula noong I iwan kami nila papa at mama, naalala ko iyong sakripisyo ni kuya para lang hindi ako apihin nong mga kaklase ko noong elementarya at sekondarya ako.
Iyong mga araw na nag aabsent si Kuya dahil may meeting sa classroom, naalala ko pa iyong nakiusap daw siya sa prof niya na mag absent dahil kailangan niya ako at pinagbigyan siya. Iyong araw na nabato ako at dumugo ang ulo, iyon ang unang pakikipag sapakan ni kuya dahil sa akin.
Noong nakita niya akong nahihirapan at lagi akong tinutulungan. Iying may hindi ako kayang idrawing at nag peprisinta siyang gumawa kahit nag ra-rush din siya ng project niya.
Siguro kung wala si kuya walang CA ngayon. Walang CA na kilala sa school, walang CA na matatawanin at walang CA na umibig sa isang Xyrille Yuan Zeal Yeoman.
Noong panahon na dumating Si ate Xeya sa buhay ni kuya, never kong naramdaman na may kahati ako sa kanya,dahil kapag may meeting nandoon siya palagi, Never niya akong pinagalitan dahil sa grade dahil hindi naman daw masusukat doon ang pagiging mahusay ng isang tao.
Pahakatapos kong maligo agad kong binalot ang sarili ko sa tuwalya at lumabas sa kwarto. Binuksan ko ang cabinet ko at nakita ko doon ang picture frame na may litrato namin ni Xy.
Habang tinitignan iyon hinihiling ko na makamtan niya ang walang humpay na kasiyahan. Pagkatpos ay kumuha na ako ng damit. Habang pinapatuyo ang buhok ko nagbabasa rin ako. Pagkatapos non ay nahiga na ako at hinayaan kong lamunin ng panaginip ang isip ko.
BINABASA MO ANG
SURVIVOR
Non-FictionMaraming klase ng pagmamahal, may pagmamahal para sa kaibigan, magulang at sa sinisinta. May pagmamahal din na hahayaan tayong maging malaya, at may pagmamahal din nahanggang tingin na lang