Being married to someone you love is one of best feeling. Being a mother of three and a wife of Xyrille is the best feeling I have felt in my life. Meron na kaming DAP na ten years old, Nike Amourette Porcelain at Tristan Apollo Peon.
Iying dalawang dekadang kasal namin ay parang roller coaster parin pero magkasama na kami. Noong ipapanganak ko si TAP ay doon nabaril si Xyrille dahil kay Iris kaya hindi ako mapakali sa operating room noon.
Noong nanganganak ako ay nalaman din namin na si Iris ang dahilan kung bakit namatay si Ate Xeya kaya doon nagalit si Kuya at sinampahan siya ng kaso.
Patong patong na kaso ang kinaharap noon ni Iris, hanggang ngayon ay nakakulong parin siya. Pagkatapos ng kasal namin ay nag bukas kami ng regalo at nakita kong nagpadala iyong nagpapadala noon.
Ngayon ay kasama ko si Xyrille dito sa labas at hinihintay na dumating ang mga anak namin. Habang nakatanaw sa gate namin ay iniyakap niya sa akin ang kamay niya.
"Ang bilis ng panahon ano, parang kailan lang magkahiwalay pa tayo pero ngayon may mga anak na tayo at iyong panganay malapit ng magtapos" sabi niya pa
"Salamat dahil kahit minsan nagbabago ang mood ko hindi nagbago iyong pagmamahal mo sa akin, hinahabaan mo ang pasensya mo sa akin, mahal"
"Kung tatanungin ako ngayon kung uulitin ko ang ginawa kong desisyon noon, gagawin ko parin dahil doon tayo natuto, Mahal na Mahal kita CA, salamat sa pagbibigay sa akin ng tatlong anghel" sabi niya pa
"Ikaw tunay kong ligaya Xyrille, Ikaw ang ilaw ko sa madilim kong daan, noong mga panahon na iyon isa ka sa dahilan kung bakit ako nagpapatuloy" sabi ko at humalik siya sa aking labi ko
Hindi na kami nagsalita non at hinayaan lang na magkalapat ang labi namin. Naghiwalay lang ang mga labi namin noong narinig ang isang sasakyan na tumigil sa tapat namin.
"Mom, Dad PL po!" sigaw ni DAP papalapit sa amin at yumakap
"Mana ka talaga sa akin" sabi ni Xy at natawa naman ako
"Hi mom, dad" bati nila TAP At NAP
"Hali na kayo sa loob at naghanda ako ng dinner" sabi ko at nagpunta naman kami
Habang kumakain kami ay nag kukuwento lang sila ng nangyari sa buong araw nila. Ito ang pinaka gusto ko sa mga anak namin dahil kahit hindi namin tanungin ay ikwekwento nila sa amin.
Nakita ko kung gaano kasaya ang pamilya na binuo namin, ito iyong saya na hindi matutumbasan ng ano mang bagay sa mundo, ito iyong saya na hindi mabibili ng pera.
Habang tinitignan ko sila ay hindi ko namamalayan na tumutulo na ang luha ko sa sobrang saya. Napatigil ang mga anak namin sa pagkikwento at nakatingin sa akin at nagsilapitan para humalik sa akin.
Thank You God, kahit matagal iyong naging proseso ay nakamtan ko parin iyong kasiyahan na ipinagdasal ko. Nakita ko kung paano umarko ang ngiti da labi ni Xyrille at napangiti ako pabalik.
Si Kuya at Ate Tyche ay nagkatuluyan at nagkaroon na ng anak na ng anak na babae at Isinunod ang pangalan kay ate Xeya, Themis Axeya. Nandoon si Ate Tyche noon at hindi iniwan sila kuya.
Sa ngayon ay may trabaho na sila Isaac at Ireful, naging attorney na si Isaac at Neurologist naman si Ireful. Si Hestia naman ay isa na sa pjnaka sikat na painter dito sa buong mundo.
BINABASA MO ANG
SURVIVOR
Non-FictionMaraming klase ng pagmamahal, may pagmamahal para sa kaibigan, magulang at sa sinisinta. May pagmamahal din na hahayaan tayong maging malaya, at may pagmamahal din nahanggang tingin na lang