Nagulat pa sila kuya noong nakita akong nandito na dahil pupuntahan pa lang dapat nila ako ngayong para sunduin. Naabutan pa nila kaming tatlo na nakahiga sa mat ni Isaac at natutulog nagising lang ako noong inalog ako ni kuya.
“Kaya mo ba?” tanong niya sa akin
“Kakayanin kahit mahirap, mag final review ako sa Thursday to Friday” sabi ko naman dahil sabado ang exam namin
“Kaya mo iyon CA ikaw pa ba?” sabi pa naman ni Ate at napangiti naman ako.
“You’ll leave again tita?” tanong ni Isaac at namumuo na agad ang luha sa mga mata niya
“Hmm, I’ll be taking my Board Exam” sabi ko sa kanya
“You’ll be back here naman po diba?” tanong niya at tumango naman ako
“Of course tita will be back here” sabi ko naman
Habang kumakain kami nag kukwento lang si Isaac at Ireful, nagsumbong nga ang nakababata dahil sa paglalagay ng kuya niya ng Sabon sa mata niya kanina kaya pinagsabihan siya.
Pagkatapos naming kumain dumiretso na ako sa kwarto dahil sumasakit iyong nasa binti ko. Habang nakahiga ako biglang pumasok sila kuya kasama sila Isaac.
“Nagpumilit sila na dito muna matulog ang sabi ko hindi pwede dahil may mga sugat ka pero umiyak na si Ireful” sabi ni ate at natawa naman ako
“Behave daddy will get mad if you did something, understand?” sabi pa ni kuya
“Yes daddy we will behave” sabay na sagot pa nila at nagpaalam na sa amin at matutulog na rin.
Habang nakahiga ako naririnig ko ang pag uusap ng mag kapatid na daoat daw huwag nilang lakasan ang pang uusap nila dahil dahil baka hindi daw ako makatulog. Si Ireful naman nagtatanong kung napaano daw ako kaya ikwinekwento naman ni Isaac.
Pagkatapos nilang mag usap, nahiga na sila sa tabi ko sa katan ko si Ireful at sa kaliwa si Isaac tapos parehas pa silang nakayakap sa akin. Bigla na lamang tumlo ang mga luha ko at hindi ko alam kung bakit,siguro ay dahil pamilyar ang yakap nilang dalawa.
Pagkagising ko Kinaumagahan nakayakap parin sa akin ang dalawang bata kaya siguro parang nangangawit na ako. Dahan dahn kong inalis ang pagkakayakap nila sa akin at nagpunta sa banyo para umihi at naghilamos.
Agad akong bumaba kahit masakit ang katawan ko at nagpunta sa kitchen dahil nagugutom na ako. Paika ika akong naglakad pababa dahil kumikirot ang sugat ko.
Pagakrating ko sa kusina naabutan ko si ate at kuya na nag aalmusal, baka may pasok sila ngayon kaya ganon. Pagka upo ko agad na hinanap ng mata ni ate ang mga bata.
“Natutulog pa sila ate hindi nga nagbago posisyon namin eh” natatawang sabi ko pa
“Mas close pa sa iyo ang mga anak namin, baka mamaya ikaw na ang kilalanin na nanay niyan” sabi ni kuya at naiiling pa
“Hindi naman, matalino ang mga bata at alam kong naiintindihan nila kayo, Swerte kayo sa isa’t isa” sabi ko pa at ngumiti.
“Nga pala CA may gusto akong tanungin” sabi niya at tumango naman ako dahil kumakain na ako “Kamusta kana, I mean generally kamusta kana?” tanong niya kaya napaisip ako
“Hmmm, Siguro fourty percent improving, mahirap kasi iyong kailangan mong pilitin maging okkahit hindi ka naman talaga ok” sabi ko at napatango naman siya “Kamusta na Siya ate?”tanong ko at napatingin naman si ate kay kuya
“Ayos naman siya, malayo na siya sa atin. Malapit na rin iyong kadla nila eh”sabi ni ate kaya napangiti na lang ako ng pilit at tumango sa kanya
“Pasabi ate Congrats sa kanya huh” sabi ko pa at pilit na itinatago ang lungkot sa boses ko, totoong ikakasal na siya.
“Sorry nasabi ko pa, Magiging maayos din kayo CA, One day” sabi ni Ate kaya napangiti na lang ako sa kanya.
Pagkatapos naming kumain umalis na sila dahil may trabaho pa nga kaya naiwan akong nakaupo dito sa sala kaya napagdesisyunan kong mag open ng messenger ko at nakita kong puro gc iyon pero binuksan ko oa rin.
Nabasa kong pinaguusapan nila ang mga Naging Review Center iyon at nalaman din nila Tim iyong nangyari sa akin at todo mention namam sila sa pangalan ko.
Nag rwply langa ko ng oo at agad nila iyong nireplyan kaso ako tinatamad, grabe nag dedemand ako ng ka chat pero kaoag may mga nag chachat ayaw ko namang replyan.
Habang nag scroll sa Facebook nakita ko iying bagong post ni Xy at parang sa Prenuptial shout nila iyon at nag heart na lang ako, ayaw kong kainin ako ng kabitteran dahil hindi ako iyon. Tinignan ko isa isa iyong photos mukhang ang tyeme nila ay bitch ay beach pala hahaha.
Namamangha ako doon sa pagkakakuha ng mga photos dahil napakagaganda. Gusto kong puntahan iyong lugar kapag may pera ako dahil maganda at nakaka mangha.
Binigyan ng buhay nong photographer ang isang puno na walang dahon. Idagdag mo pa iying appearance ni Xyrille doon edi lalong gumanda grabe nakaka proyd namang sabihin na Ex ko yan, pinatulan ako niyan.
Pagkatapos ko sa facebook napunta naman ako sa twitter at nag isip ng maititweet kaya napagdesisyunan ko na mag scroll muna una kong nakita ang thread ni Iris pero hindi ko binasa. Pagkatapos non napagdesisyunan kongag tweet na
@Ethereal : Are YOU Happy Now?
Pagka tweet ko non nakita kong nilike agad ni Tim iyon pero hindi ko na lang pinansin dahil tinatamad ako. Pagkatapos non naisipan kong gumawa ng thread kaso naalala ko na tinatamad pala ako kaya hindi ko na naituloy.
Pagakatpos non in on ko lang ang Tv at panood ni Dawn at Richard iyon kaya pinanood ko dahil siguradong maganda. Nakakalungkot lang dahil hindi sila nagkatuluyan. Pagkatapos kong manood tumulong ako sa kusina dahil super boring na ako.
Pinaghiwa ako ni manang ng mga rekado kaya ginawa ko naman. Magluluto pala siya ng Tinolang manok kaya super excited ako dahil isa saa pinaka gusto kong pagkain iyon.
Pagkatapos kong maghiwa nakita kong pababa na ang mga bulinggit namin dito s abahay at kinukusot pa nila ang mga mata nila. Sinalubong ko naman sila ng yakap at humalik sa noo nila.
“Did you sleep well?” tanong ko sa kanila at tumango naman sila
“Tita I’m hungry” sabi ni Ireful kaya ipinakuha ko ulit iyong ulam at nagpakuha narin ng pinggan kutsara at tinidor.
Kinuhanan ko sila ng kanin at pinakain dahil mukhang gutom na gutom sila. Habnag kumakain dila umakyat naman ako sa kwarto para maligo. Napagdesisyunan kong mag shorts dahil mainit at sando.
Habang nalikigo ako naalala ko iyong sinabi ni ate Xeya kanina tungkol doon sa kasal ni Xy at Iris. Masaya na kaya siya. Gustuhin ko mang pumunta ayaw ko namang makagulo sa kanila.
Gusto ko siyang makita, gusto ko lang siyang kausapin dahil baka hindi ko na siya makita. Kaso malabo dahil hindi ko naman alam kung nasaan siya nagtatago kaya siya?.
Gusto kong sabihin sa kanya na “Uy Xy kaunti na lang magiging CPA na talag ako ikaw kamusta ka” pero napaka labo. Naiintindihan ko iyong sitwasyon namin kaso mahirap tanggapin.
Hindi ko siya kayang bitawan. Ang hirap niyang bitawan, mahal na mahal ko eh. Kung hindi na kami magkakabalikan sa hinaharap sige na lang pipilitin kong maging masaya gaya ng nais niya kahit sobrang hirap.
BINABASA MO ANG
SURVIVOR
Non-FictionMaraming klase ng pagmamahal, may pagmamahal para sa kaibigan, magulang at sa sinisinta. May pagmamahal din na hahayaan tayong maging malaya, at may pagmamahal din nahanggang tingin na lang