34

4 0 0
                                    


Lunes

Pumasok ako dahil ngayon daw ang I a announce iyong mga magkakasama para sa final internship. Pagkarating ko sa school kakarating lang dindin pala nila Hera at Sierra,kaya sabay sabay kami. Nagkamustahan lang kami, hindi na nila binanggit iyong tungkol kay Athena.

Nakatanggap pa ako ng text message galing kay Xyrille at ganito ang sinabi.

From: Xyrille
Love, of you are stress about your studies you can be mad at me, but don’t give up on your dreams. Cheer Up CPA, I love you.

Nasabi ko kasi sa kanyang napapagod na ako pero kaya ko naman nakakapagod naman kasi talaga pero dapat kayanin dahil may pangarap pahinga lang saglit tapos laban ulit.

Pagkarating namin sa classroom wala pang ganoong karaming tao kaya pumunta na lang din ako sa upuan ko at tinignan ko iyong picturenaming apat nila Sierra, Athena at Hera. Napangiti naman ako ng mapait habang nakatingin sa litrato namin, almost ten years na pagkakaibigan nawala na lang bigla.

Naramdaman ko naman ang marahang pag haplos nila Hera at Sierra sa akin kaya binigyan ko dila ng isang matamis na ngiti kahit alam kong hindi sola satisfied.

“Nag kausap na ba kayo ng maayos?” tanong ni Sierra

“Hindi pa, nakita ko soya kahapon pero wala na ang labo” sabi ko

“Hindi ko akalaon na ganon iyong sasabihin niya, Wala ka namang pagkukulang eh, ok naman na sa amin na lang magalit eh, tsaka hindi mo naman siya ipinagpalit sa amin” sabi ni Hera
“Pupunta ako mamaya sa bahay nila, Kung ayaw niya talaga titigil na ako” sabi ko

“Sorry CA” sabi ni Hera

“Wala iyon, wala naman kayong kasalanan, siguro nag selos siya kasi minsan lang natin siya makasama, pero sana hindi siya nag padala sa selos niya para itapon iyong pagkakaibigan namin, natin” sabi ko pa

“About the drugs, bakit niya ginagawa iyon” sabi ni Sierra

“Hindi ko alam, kahit gustong gusto kong alamin may pumipigil sa akin kaya huwag na” sabi ko

Pagkatapos ng pag uusap namin inayos na namin ang upo namin dahil pumasok ang Prof na kinakatakutan namin. Sobrang tahimik namin na para kaming nasa korte at may hearing. Iflinash niya lang ang magkakasama sa internship at ang swerte naming tatlo dahil magkakasama kami sa isang bangko pagkatapos non lumabas na siya at sinabing magpunta na kami doon bukas 7:30 ang call time namin.

“Grabe akala ko mag hihiwalay tayo”  sabi ni Sierra

“Shrue parang hindi ko kaya” maarteng sabi naman ni Hera.

“Baliw pag nagka trabaho na tayo mag hihiwa- hiwalay din naman tayo” sabi ko

“Mag a- apply tayo sabay sabay” sabi naman ni Sierra at napangiti lang ako.

Lalabas na sana ako ng biglang humarang sa akin si Xy at niyakap ako ng mahigpit as in super higpit kaya niyakap ko na lang din siya pabalik.

“Why anong problema natin?” tanong ko sa kanya

“Pagod lang ako wala pa akong tulog, kahapon hindi kita natawagan dahil iniwan ko phone ko sa drawer ko tapos natulog lang ako diretso, Im sorry Love” sabi niya pa

“Ok lang at least nag paliwanag ka diba, at tsaka valid naman iyong reason mo” sabi ko naman sa kanya at tumango lang siya bago mapalingon kila Sierra.

“Girls hiramin ko muna si CA huh huwag kayo mag selos”  sabi niya pa

“Sure kuya, mukhang kailangan niya ng powers mo”  saad naman nilang dalawa habang natatawa

Pagkasabi non nila Sierra hinawakan niya ang kamay ko at bumaba ng classroom, nagpunta kami sa Soccer Field at doon naupo, buti na lang at hindi tirik iyong araw kaya okay lang umupo dito.

“Hmm bakit tayo nandito?” tanong ko

“Alam mo kung gaano kita kamahal diba, ngayon gusto kong kunin mo itong notebook na ito bilang tanda ng oagmamagalan natin” sabi niya sa akin habang inaabot sa akin iyong notebook kung saan noya isunulat iying feelings niya para sa akin.

Pagkatapos kong abutin iyong notebook na upo kami sa field habang pinapanood namin iyong mga dumdaan na Junior at Señior High Students na Stress na Stress na ang Itsura. Parang kailan lang din noong ganyan ako tapos ngayong isang taon na lang.

Hinayaan naming lamunin kami ng katahimikan. Iyong ibang dumadaan napapatingin na sa amin kasi napakatagal na naming nakaupo doon sa field noong biglang lumabas ang haring araw tumayo kami.

“May Class ka paba?” tanong ni Xy

“Oo dalawa isa mamayang ala una tapos isa mamayang  als tres ikaw ba?”

“Oo madami parin kaming ginagawa eh”  sabi niya pa at tumingin sa akin

“Halika nga dito”  sabi ko sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit at nag salita ulit “Parehas nating hindi alam iyong problema natin pero nandito lang ako para sa iyo ah, iyong sa akin tungkol sa amin ni Athena, huwag mo na akong alalahanin, at kung pagod kana sa lahat andito lang ako huh” sabi ko sa kanya at ngumitu

“Sorry ang dami kong iniisip this past weeks kaya minsan kahit sobrang babaw na bagay napakatagal ko kung intindihin. Pero andito lang love hindi kita iiwan, mahal na mahal kita” sabi niya sa akin at hinalikan ako sa noo.

“Hmm, Ayos lang iyon lahat naman tayk nag kakaroon ng ganiyang stage sa buhay natin diba, naiintindihan naman kita eh love at patuloy na iintindihin”  sabi ko

“I love you lagi mong tatandaan iyan huh, and I’m blessed dahil meron ka sa akin, hindi ko alam kung wala ka sa akin ngayon. Sa tuwing nakikita kita nawawala iyong pagod, sakit lahat nawawlaa at napapalitan lang ng saya” sabi niya at humiwalay na sa yakap namin

Pagaktapos naming mag usap napasulyap kami sa relo namin dahil anong oras na eh bawal akong malate kumain ng lunch dahil iinom pa ako ng gamot. Nagpunta kami sa cafeteria para kumain.

Habang kumakain kami tahimik lang kami. Ayaw ko munang umimik dahil baka nag iisip si Xy kaya tahimik na lang ako. Pagkatapos naming kumain dumiretso na kami sa kanya kanya naming classroom. Alas dose trenta pa lang noong pumasok ako iyong ibang estudyante naman lalabas pa lang ng classroom para kumain.

Habang naghihintay ng kaklase yumuko muna ako sa desk ko dahil inaantok ako hihintayin ko na lang sila habang natutulog. Hindi man lang ako nag tagal iyong tulog ko ng labin limang minuto dahil may pumasok agad na kaklase ko.

“Huy huwag kayong maingay natutulog si CA, kagagaling niyan sa Hospital”  sabi naman ng kaklase ko

“Grabe nakakagulat iyong nangyari sa kanya noh, iyong masiyahin na CA natin may sakit pa lang iniinda”  sabi nong isa at tumahimik uli sila

Nanatili lang akong nakayuko dahil mas guato kong marinig iyong sinasabi nila. May narinig pa akong nag sabi na huwag daw maingay dahil natutulog ako, kaya hindi ko napigilang ngumiti.

Narinig kong tumunog ang bell kaya iniangat ko na ang ulo ko at halos lahat ng mga kaklase ko nakatingin sa akin kaya napahilamos ako sa mukha ko.

“May dumi ba ako sa mukha?” tanong ko at umiling lang sila at bumalik sa mga upuan

Pagkarating ng Prof nag discuss lang siya, sa sobrang galing prof na ito nagagawa niyang idiscuss sa isang araw iyong dapat niyang idiscuss ng isang linggo, ni hindi ko naramdamang nalito ako eh.

Pagkatapos non nag antay lang kami ng isang prof, pagkarating naman niya nag discuss lang din siya at nag Goodluck pa siya para  sa amin bukas at nag thank you lang kami. Pagkatapos non nagpaalam na ako kila Sierra at nag Goodluck din sa akin.

Pagakrating ko sa car oark agad kong pinaandar ang makin ng sasakyan at nagpunta sa bahay nila Athena. Habang nasa daan ako papunta sa bahay nila sobrang lakas ng tibok ng puso ko ewan ko kung bakit.

Noong nandoon na ako sa labas ng village nagulat pa iyong guard nila dahil may sasakyan na raw ako at iba daw talaga ang masipag, hindi na ako tinanong ng kung ano ano ng guard nila at pinatuloy na.

Pagkaarating ko don may isang sasakyan na umalis mukhang bisita nila at si Athena ang naghatid sakto na tyempuhan ko kaya dali dali kong tjnanggal ang seatbelt ko at hinabol siya.

“Anong ginagawa mo dito CA, bakit ka nagpunta dito” bungad niya sa akin

“Ano bang ginawa ko sayo bakit bigla na lang nagka ganon bakit andali para sa iyo na itapon iyong halos sampung taon. Ganon na ba ako kawalang halaga sayo Huh Athena?” sabi ko

“Ok wala kang halaga sa akin, kaya please unalis kana! ” sabi niya pa at mukhang galit sa akin hindi galit talaga siya sa akin

“Athena naman, pwede naman nating ayusin diba, hindi na ako magbibigay ng suggestion patungkol sa desisyon mo, ang gusto ko lang naman malaman kung bakit mo ginagawa iyon, bakit mo sinubulan alam mo namang mali”  sabi ko sa kanya habang nanginginig ang kamay ko

“Huh kahit wag na tigilan mo nga ako, umalis kana, please CA” sabi niya sa akin at lumuhod pa ako sa harap niya pero sinipa niya lang ako at pinagsarhan ng pinto

Hindi ko namalayan ang pagbagsak ng malakas na ulan, dahil parang namamanhid ako. Hinantay kong muli akong pagbuksan ni Athena pero wala sumisigaw na ako sa harao ng bahay nila pero wala. Lumabas ang katulong nila sa bahay na naka payong at binigyan ako ng towel dahil nakita niya daw ako at pinagsabihan na umuwi.

Nag antay pa uli ako don at kaso lumakas iying ulan at hindi ako pinabuksan ni athena kaya naoilitan akong umalis. Pagkapasok ko sa sasakyan ko pinatay ko ang aircon dahil baka lamigin ako.

Habang binabaybay ko ang daan kasama ng malakaa na ulan napadaan ako sa isang convenience store at bumili ng hot chocolate at ininom ko iyon sa loob ng bahay. Laking pasasalamat ko at may cover pa ang upuan ko kaya hindi nabasa ang upuan ko.

Pagkarating ko sa harap ng villgae namin hindi muna ako pumasok dahil kinakabahan ako sa sasabihin ni Ate baka magalit iyon sa akin kaya nagpalipas ako ng ilang minuto sa harap ng village bago napagdesisyunan na tumuloy.
Pagkarating ko sa harap ng bahay buti na lang bukas ang gate at naipasok ko agad ang sasakayan. Hindi rin naman agad ako pumasok dahil tumutulo na naman ang luha ko at kailangan kong patuyuin iyon. Iniwan ko na ang hamit ko sa sasakyan at dali daling pumasok sa kwarto ko.

Agad akong naligo dahil baka magka lagnat ako pagkatapos isinuot ko lang iyang hoodie na bigay sa akin at nag pajama. Pagkatapos non lumabas ako at nagpunta kay ate para hiramin ang blower niya nagulat pa siya pagka kita sa akin.

“Nagpa ulan ka ba?” tanong niya

“Naulanan lang po ate hehehe”  sabi ko sa kanya at inabot naman iying blower

“Kumain kana agad sa baba mamaya, Si Isaac kinuha nila mama at dokn daw muna”  sabi niya sa akin

“Sige po ate eh ikaw kumain kana?” tanong ko at tumango lang siya

Agad akong lumabas pagkatapos non at bumalik sa kwarto ko, habang blino blow dry ko ang buhok ko naiisip ko iyong nangyari kanina at nag unahan na naman ang mga luha ko at napangiti ako ng mapait habang nakatingin sa labas na binabalot na ng malakas na ulan.

Pagakatapos kong I blow dry ang buhok ko agad akong bumaba para kumain nandoon iyong mga nanny na kumakain at sumabay na ako sa kanila. Nag kukwentuhan pa sila ng mga nakaktawa kaya napapatawa narin ako. Pagkatapos kong kumain ako na ang nag prisintang msghuhas ng pinggan para I distract ang sarili ko. Pagkatapos non nagtimpla ako ng gatas nakainom narin ako ng gamot ko may alarm iyong cellphone ko eh pinaset ni kuya.

Pagkatapos non bumalik na ako sa kwarto ko, mag susulat sana ako ng tula pero tumulo na naman ang luha ko kaya itinigil ko na sa birthday niya na lang ako gagawa ng tula para sa kanya, pagkatapos non sige ayos na tapos na.

Siguro nga kahit gaano katagal iyong pag sasama niyo talagang may mangayagaring hindi man ninyo gusyuhin mangyayari talaga kahit sobrang sakit non kaikangan niying kayanin kasi sa bawat pag alis ng tao sa buhay natin natututo tayo nagkakaroon tayo ng aral

SURVIVORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon